The Games and My Heart [Book...

By bluecrazyaddicted

654 84 1

Book 2 of Games Doulogy All Rights Reserved 2018 [ COMPLETED || EDITING ] A good and strong relationship last... More

Never Forget the Games [Book 2 of Games Doulogy]
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 6

12 2 0
By bluecrazyaddicted


Kabanata 6


Ang hindi ko lang maisip ay ang mga nangyari nitong huli. Hindi ko naman talaga ine-expect na ganoon ang mangyayari sa huling pag uusap namin.

Ano ba, Keith? Tigilan mo na ang kakaisip sa kanya! Hindi na tama iyan, e! Naka-move on ka na, okay?

But at some part of my head saying that I am not yet totally over with my past.

Kasalukuyan kong inaayos ang aking mga gamit nang tumunog ang aking cellphone.

Sino naman kaya ang nag-text sa akin sa ganitong oras? I wonder if Gerald could pay a visit this weekend? Kung wala silang gig.

Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong lamang sa aking dresser. Nilapag ko ang iilang mga papeles na kailangan kong i-check.

Gerald:

This weekend ay may gig kami. You want to come over?

Ako:

Talaga? Sige, pupunta ako. I'll just check my schedule.

Gerald:

I thought you're already sleeping. Okay. Gusto mo sunduin pa kita?

Sunduin? May gig sila sa araw na iyon tapos--

Napatigil ako sa pagtipa nang tumunog muli ang cellphone ko.

Gerald:

Hindi ka na nagreply.

Ako:

Huwag mo na ako sunduin. Pupunta rin kami ni Patrick sa Manila. Pupunta kami kay Dad.

Gerald:

Oh. Sige. I'll see you this weekend. Good night.

Ako:

Okay. Good night!

Muli kong inilapag ang aking cellphone sa aking dresser at itinuloy kong muli ang ginagawa.

Inilapag ko ang mga papel na hawak ko sa aking table at lumabas ako ng aking kuwarto. I need some tea.

At kailangan ko rin kasing tapusin ito bago ko ipa-iwan kay Caline ngayong weekend dahil dalawang linggo rin kaming mananatili sa Manila.

Hindi nga lang sasama si Mom, dahil may mga business matters rin siya rito sa Sta. Catalina.

Nagtungo akong kusina at kumuha ako ng tasa at tea bag sa lalagyan. Nagpakulo ako at habang hinihintay itong kumulo ay humilig ako sa counter top ng aming kusina.

Nang kumulo na ay nagsalin ako sa aking tasa ng tea. Muli akong humilig sa aming counter top habang humihigop ako ng tsaa.

Lumingon ako sa maliit na bintana ng aming kusina at ang maliit na kurtina ay hinahangin.

Sa sobrang tahimik ng buong kusina ay napagpasyahan kong manatili na lamang sa aming terrace, at roon magpalipas ng gabi habang hindi pa ako tapos sa ginagawa.

Pinagmamasdan ko ang maliwanag na ilaw mula sa buwan at ang mga nagkalat ng bituin.

Sa kabilang banda ng pag iisip ko, sumagi sa isipan ko kung sa panahong mga ganito ano na lang kaya ang puwedeng mangyari.

Nanatili akong tahimik habang humihigop ng tsaa.

"Ate, Bakit gising ka pa?" Napalingon ako sa aking likuran. Nakatayo roon si Patrick. Magulo ang kanyang buhok at bahagya pang kumakamot sa kanyang ulo.

"E, Ikaw? Bakit narito ka?"

"Uminom ako ng tubig,"

"Ah, O sige, umakyat ka na at matulog."

Kinusot niya ang kanyang mata. Tingnan mo itong batang ito, halata naman na inaantok pa siya.

"Umakyat ka na," ulit ko pa.

"Ano bang iniisip mo?"

"Matulog ka na ulit," Magtatanong pa, e.

"O, Sige na nga, Matulog ka na rin Ate," Bilin niya bago ako tinalikuran at umakyat sa hagdanan.

Mga ilang sandali akong nanatili sa terrace bago ako umakyat muli sa kuwarto at naghanda sa pagtulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, dala ang mga papeles na ni-review ko kagabi ay bumaba na ako. Siguro sa opisina na lamang ako kakain ng almusal. Kailangan ko rin matapos ang ilang mga bagay na hindi ko natapos nitong huli at bukas at tutulak kami ni Patrick sa Maynila.

"Hindi ka kakain Ate?" tanong ni Patrick nang maabutan ko siyang nanalamin sa sala. May salamin naman siguro sa kuwarto niya.

"Hindi na, at bukas pala, mga alas diez ng umaga tayo aalis."

"Oo," aniya habang inaayos ang kanyang buhok.

"May girlfriend ka na ba?"

"Ate," may pagbabanta sa boses niya. Tumawa ako sa reaksyon niya. Namumula ang kanyang pisngi.

"Wala pa, kung ganoon?"

"Ate naman, e!"

Humalakhak na ako.

"Oo na, sige na!"

"Keith, Aalis ka na?" Lumapit sa amin si Mom.

"Opo, Ma. May tatapusin rin kasi ako."

"Hindi ka na kakain?"

"Hay naku, Ma, Hindi talaga kakain 'yan si Ate. Siguro may date kaya maaga aalis--"

"Patrick, isa!" suway ko sa kapatid.

Pimasadaha lang niya ako ng tingin at kinuha ang bag na nakapatong sa sofa.

"Hatid mo na ako, Ate."

"Ngayon, magpapahatid ka."

"Ikaw naman nauna," ngumuso siya.

"Sige na, Keith. Ihatid mo na 'yan at baka ma-late pa kayo."

"Halika na nga, bubwit." Lumakad na ako palabas ng sala. Narinig ko pa ang reklamo ni Patrick ang pagtawa ni Mom.

Matapos kong ihatid si Patrick ay mabilisan kong tinapos ang mga hindi ko nagawa at ang kagabi.

Nang nagbukas na ang restaurant ay may mga customer na rin ang rito madalas mag almusal.

"Ma'am, May special request po ang isa sa guest natin sa VIP room."

Umangat ang tingin ko kay Caline.

"Sa VIP room?"

"Opo, Ma'am."

Tumayo ako at sumunod sa akin si Caline.

"Ikaw lang po kasi ang gumagawa ng special menu natin, at pina-request po iyon ng guest."

"Ganoon ba?"

Tinulak ko ang double doors ng kitchen at sinuot ang apron.

Tatlumpong minuto lang naman ang paghahanda ng special menu at hindi ito madalas isineserve kapag wala ako. Sariling recipe ko ito kaya madalas ay hindi namin ino-offer ito.

"Hindi ba ang sabi ko ay kapag busy ako ay hindi ilalagay sa menu list iyon."

"Opo, Ma'am. Kaya lang po ay VIP po natin iyon."

"O, sige. Ipatawag mo si Lisha para may makakatulong ako. Alam kong busy si Chef Tina."

"Opo, Ma'am."

Nagsimula na ako sa pagkuha ng mga rekados at sinimulan ko ang pagga-gayat ng mga rekados.

Naka mis en place na rin ang mga ingredients nang dumating si Lisha.

Ako ang nagluluto at si Lisha ang nag aabot ng mga ingredients sa akin.

Nang mailipat ko na sa serving plate ay hinayaan ko muna si Lisha ang maglagay ng ito sa tray para ipa-serve sa guest.

"Magpatawag ka ng waiter at iserve ito sa VIP room, may tatapusin pa ako. Just call me if the guest needs anything, okay?"

"Opo, Ma'am." Tumalima naman ito sa utos ko at lumabas ng kitchen.

Tinanggal ko ang aking apron at isinabit ko ito. Ipinapaypay ko ang aking kamay sa aking leeg, dahul bahagya akong pinagpawisan.

Sadyang mainit talaga kapag nasa kitchen ka.

"Sir, Bawal po kayo rito,"

"I just want to know if my order is coming,"

"Yes po sir, Ise-serve na po."

Kumunot ang aking noo sa narinig. Muli kong pinunasan ang namuong pawis sa aking noo at dumungaw ako sa counter top ng kitchen.

Naroon si Lisha at may kausap na lalaki. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ang imahe niya ng mga naksabit na gamit sa pagluluto.

Tinulak ko ang pinto palabas at lumiko ako kung saan nasa loob na ng Kitchen ang lalaki. At sa likod nito ang double doors palabas ng kitchen area.

"Lisha, Ano ang meron diyan---"

Natigilan ako nang makita ko nang buo kung sino ang akusap ni Lisha.

Raven?

"Ay, Ma'am, Hinahanap na po kasi ni Sir ang order niya." Hindi naalis ang tingin ko kay Raven at ganoon rin ang tingin niya sa akin.

"Serving na ang order mo, And you're not allowed to enter here."

"I know, I just want to know why my order is a little bit--"

"Sa table na lang maghintay, You're the VIP guest and I believe na nainform ka na after fourty minutes before serving, Am I?"

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya sa sinabi ko.

"Are you laughing at me?"

Umiling lamang siya at pinanatili ang mariing tingin sa akin.

"Sir, Sa table na lang po, kasi sine-serve na po ang order niyo."

"Alright, My bad."

Muling sumulyap sa akin si Raven bago tinulak ang double doors at sumunod si Lisha.

Ngayon lang nag-materialize sa akin na ang bilis pala ng tibok ng puso ko.

What's wrong with my heart? 

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 223K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
355K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]