Destiny's Game (Revising-- Ch...

By notesfromthequeen

22.3K 187 40

You have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's y... More

Destiny's Game
Chapter 1: Meet Xander
Chapter 2: Getting to know him better
Chapter 3: Am I Inlove?
Chapter 4: Is this the Happy Ending?
Chapter 5: Heartbreaks
Chapter 6: Realization
Chapter 7: Flashback
Chapter 8: Letting Go
Chapter 9: Life
Chapter 10: A Brand new Day
Chapter 11: The Chikboys
Chapter 12: Cat and Dog
Chapter 13: Sossy Girls
Chapter 14: Hater's Thingy
Chapter 14: Part II
Chapter 15: Hater's Move
Chapter.17: Secret
Chapter.18*Love Moves*
Chapter.19*Evil Plan*
Chapter.20*Confrontation Part II*
Chapter.21*The Rescue*
Chapter.22*The Come Back*
Chapter.23*The Conversation*
Chapter.24*huwaaat???*
Chapter.25*Playing Cupid*
Chapter.26 *Happy Hearts*
Chapter.27*Who's that BOY???*
Chapter.28*Emotions*
Chapter.29*First Day High*
Chapter.30*Unforgettable*
Chapter.31*New Friend*
*Chapter.32*Jealousy
Chapter.33*Simply I LOVE YOU*
Chapter.34*New Found Love*
Chapter.35*Reminiscing*
Chapter.36*Sunset Moment*
Chapter.37*It's a Date*
Chapter.38*No more Barriers*
Chapter.39*Barkada Outing*
Chapter.40*Acceptance*
Chapter.41*Totally Free*
Chapter.42*Barkada Moments*
Chapter.43*Burdens*
Chapter.44*Catch Me*
Chapter.45*Perfectly Inlove*
Chapter.46*When Jealousy Attacks*
Chapter.47*First Fight*
Chapter.48*Never Say Sorry Again*
Chapter.49*Christmas Love*
Chapter.50*High School Valentine*
Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*
Chapter.52*Game Over*

Chapter 16: Know the Enemy

438 1 0
By notesfromthequeen

Posted: July 05, 2014 by IamYourFateWriter

[Mish POV]

Nahihilo ako, masakit ang ulo at parang umiikot ang paningin ko. yun yung mga huli kong natatandaan bago nagdilim ang paligid ko.Unti-unti kong minulat ang aking mga mata

"Oh my gulay! ang gwapo naman nito" mahina kong bulong sa sarili ko

"Mish, okay ka na ba? Ano bang nangyari sa’yo? Absent ka kahapon tapos nawalan ka naman ng malay ngayon" sabi ng lalaking mukhang anghel sa harap ko. eh sino ba siya?

"Ha?" Taka kong tanong at bigla kong naalala lahat. Nakaramdam kami pareho ng hilo ni pinky kaya naman sinabi ko kay elise na siya na muna ang humawak ng project namin . Pakiramdam ko kasi mahihimatay ako anytime. Nung inabot ko na yung project kay elise, yun na lang yung huli kong natatandaan.

"Tara na nga kumain na tayo" sabi nung gwapong nilalang

"Ha?" naguguluhang tanong ko

"Hoy!!!" sabi niya sabay snap sa mukha ko, at dun lang ako natauhan kung sino ba ang kaharap ko

"Ha? Ah hehe, gino. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Kanina pa ko nagsasalita, ngayon mo lang narealized na ako ‘to? Galing kami sa room mo pero wala ka dun. Nandito ka daw, kaya pinuntahan ka namin para samahan ka maglunch" dire-diretsong sabi ni gino

“ah— nasaan sila? Si pinky?” tanong ko habang nililingon ang paligid kung nandun lang din ba si pinky

"Nandun na sila sa labas, pati si pinky" sagot naman niya

"Ah... eh ba’t ikaw pa gumising sa’kin?" tanong ko

"Ako lang kasi pinayagang pumasok eh. Charm ko lang tumama sa shool nurse" sabay kindat ni gino

"Tsk! Yabang mo!" Sabay tawa

"Ha? Oo nga. Tara na 12:30 na" sabi pa niya

"Anong Oo nga? Na mayabang ka? Haha” natatawang sabi ko

"Loko! Oo nga na may tama sa’kin yung nurse. Haha ang kulit mo din. Tara kain na tayo" inalalayan ako ni gino sa pagtayo hanggang sa paglabas

"Hoy gino bitawan mo nga kamay ni mish! Pati ba naman si bunso popormahan mo?!" Tumatawang sabi ni kuya ken. Napabitaw naman ako bigla ng ma-realized ko na nakahawak pala ko sa kamay ni gino

"Baliw! Inalalayan niya lang ako kasi nahihilo ako" depensa ko

"Tara na mish, wag mong pinagpapapansin yang si ken. Nakalimutan niya ata inumin yung gamot niya eh. Haha" natatawang sabi ni gino

"Anong gamot?" Nagtatakang tanong ni Kuya Ken

"Pang tanggal ulol!! HAHAHA" sabat ni kuya anthony

Nagtawanan ang lahat pati kani ni Pinky. Napa-iling na lang si Kuya Ken sa Sinabi ng barkada.

Pagkatapos namin kumain nagpasama ako sa kanila sa guard house. Nag sorry ako kay kuya manong guard, tapos bumalik na kami sa mga classroom namin

[Third Person]

"Good afternoon ma'am" Lahat sila napatingin sa grupo ng mga gwapong lalaki na nasa pinto

"Where have you been? You're 10 minutes late" sabi ng teacher nila

"We're so sorry ma'am" sagot ni gino. Hindi na nagtanong pa ang teacher at pinapasok na ang buong chikboys

"Hoy ken! San kayo galing?" Tanong ni Nikka. Classmate nila at lingid sa kaalaman nila na isa ito sa Haters ni Mish

"Sa canteen, bakit babes? Missed me?" Sagot ni Ken, sabay ngiting nakakaloko

"Hmp! Isang oras mahigit kayo kumain?" tanong pa nito

"It’s none of your business dear. Ano? may tanong ka pa?" Then he smirked. Nikka rolled her eyes because of annoyance and mouthed “wala na”

After classes

*haters quarters*

"Ay kainis yang bruhang mish na yan! Sinisira nya ang aura ko. Ang fez ko magkaka-wrinkles dahil sa kanya!" inis na sabi ng baklitang si chris, short for christopher

"Bakit?" tanong naman ni Gelly

"Alam niyo ba na yung project na ginutay-gutay natin uber eh naipasa pa din nya? May anting-anting ang bruha! Kaloka!" nag-iinarteng sabi ni kris with matching papaypay-paypay pa ng kamay

“WHAT???” halatang nagulat ang mga kasama niyang kaibigan na sila steph, nikka at gelly

"Kanina yung deadline nun di ba? Pa’no niya naipasa yun? eh sobrang sira na talaga yun nung iniwan natin nung wednesday" tanong naman ni Nikka

"Oo nga! tsaka ang hirap kaya gawin nun. Nung batch natin, mahigit 1 week natin ginawa yun" sabi pa ni gelly

"Ay mga bruha! Waley akong knowings kung anong anting-anting meron yang mish na yan! naiinis talaga ako" maarteng sabi ni chris

"Ang galing niya nga eh. nagawa niya agad yun sa loob lang ng 2 araw. Kung tutuusin grupo na naming ginawa yun pero inabot pa din kami ng mahigit isang linggo" sabi naman ni elise. Tinitigan lang siya ng grupo nila steph na nakataas ang kaliwang kilay

"Gaga! Pinuri mo pa! Ang sabi namin gumawa ka ng paraan para masabutahe siya, hindi puriin siya! TONTA!" Pagalit dito ni Chris

"So anong plano? Hahayaan na lang natin na ganito?" aburidong tanong ni Steph

"Of course not my dear! We will proceed on our next plan" and chris flashed an evil grin

"MEET HER WORST ENEMY" awtomatikong sabay-sabay na sinabi yunnila  gelly, nikka at steph habang nakatingin lang sa kanila si Elise at naghihintay sa sasabihing partisipasyon niya sa plano

[Mish POV]

Lunes nanaman at ilang araw ng walang paramdam yung mga haters ko. hindi ko alam kung dapat ko ba ‘tong ikatuwa? O’ dapat na kong kabahan?

***I’m at a payphone trying to call…

"Hello" sagot ko sa kabilang linya ng hindi man lang tinitignan kung sino yung tumatawag

"Be ready bitch!!!" At biglang naputol na ang kabilang linya

"Ha? Teka! Anong— grr! kainis naman!" Dinial ko ulit yung number, pero tulad ng dati… number not in use na naman! WOW! It’s Monday morning and be ready bitch kaagad? Hay kainis! Makabangon na nga!

***I’m at a payphone trying to call home…

"Hello?! Who the HELL are you to tell me that I’m a bitch? You bitch and—“ pinagkadiin-diinan ko pa yung word na hell ng bigla akong putulin ng pamilyar na boses

"Hoy! Mish! Ano bang sinasabi mo diyan? Si pinky ‘to" Sa sobrang shock ko, tinignan ko yung nakaregister sa screen ng cp ko and it was pinky, si pinky nga

"aw! I’m so sorry pinky. Kaka-tawag lang kasi nung prank caller ko" frustrated na sabi ko

"Teka, anong sabi?" pang uusisa niya

"Be ready bitch lang eh" sagot ko naman. I rolled my eyes, as I rolled into my bed. Parang gusto kong matulog na lang ulit

"Dont worry mish I’ll protect you" wow! Ang tapang talaga ni pinky

"Thanks pinky. ba’t ka pala napatawag?" tanong ko

"Tatanong ko kung anong oras ka papasok" sagot naman niya

"Mga 6 am nasa school na ko. bakit?" tanong ko muli sa kanya

"Wala lang. Sige, agahan ko din sa school" sabi naman niya. Bumangon na ko mula sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama ko

"Salamat. bye pinky"

"Bye bebe mish" sagot naman niya. Tumayo na ko at nagtungo sa banyo ng matapos ang pakikipag-usap k okay pinky. Wala nap ala kong gana matulog!

6:15 AM na ko dumating ng school. Wala pa masyadong estudyante. Kadalasan 6:30 to 7am ang dating ng mga estudyante dito dahil 7:20 pa naman start ng klase. Naisipan ko na lang maglakad-lakad muna sa school grounds since magaan s apakiramdam na damhin ang sariwang hangin ng ganito kaaga nang biglang—

“Shocks! Ano ‘to?” tanong ko sa sarili ko habang tinatanggal yung bagay na tumalsik sa blouse ko. Habang busy ako sa pagtanggal ng floorwax, Oo! Floorwax lang naman ang binato sa’kin. sa puti kong blouse! biglang may humila ng buhok ko mula sa likod

“Ouch!” napahawak ako sa buhok ko dahil sa pagkabigla ko

"Hi bitch, kamusta?” pinilit kong lumingon para tignan kung sino ba yung boses na yun pero siya na din ang gumawa ng paraan para makita ko siya. She stepped beside me, showing me who she is.

“What happened to your uniform?" Sad face pa siya kunwari pero ayaw naman bitawan yung buhok ko

"Ano ba steph! Pwede mo kong bitiwan" sarcastic na sabi ko. Actually, simula nang magtransfer ako sa school na ‘to, hindi na maganda yung trato sa’kin ni steph. Kahit nung nagkasama kami sa pageant, palagi niya kong tinatarayan. Halatang mainit yung dugo niya sa’kin pero hindi ko naman alam kung bakit

"Eh pa’no kung ayoko? Anong gagawin mo?" Sabi pa ni steph, sabay higpit ng hila niya sa buhok ko

"Ano ba steph, nasasaktan na ko" hinawakan ko din lalo yung buhok ko. feeling ko kasi maisasama niya na pati anit ko

"Yun nga yung gusto ko, yung masaktan ka" sabay tulak niya sa’kin kaya naman napasalampak ako sa semento. Bigla namang nagsilabas yung iba pang bitches kasama ni steph; her friends that acts like her. And I was shocked when I saw Elise. She’s one of them? But why?

"Elise ano ‘to?" nagtatakang tanong ko

"Alin? Ito?" sabay buhos niya sa’kin ng isang baldeng tubig mula sa timbang hawak niya. Pagkatapos ay sabay-sabay silang tumawa

"Bakit niyo ginagawa ‘to? Kayo na siguro yung mga haters ko. Ano bang nagawa ko sa inyo? Lalo na sa’yo steph, at elise! Naging mabuti naman ako sa inyo ha" naiiyak na ko pero pinipigilan ko pa din

"Sa’min? Masyado ka kasing atribida, at ayaw namin sa mga katulad mo!" Sabi nung bakla. Lumapit naman sa’kin si steph

"Look at you, you look like a beggar. You’re so dirty and hmp!” humarap siya kay elise

"Elise saan ba galing yung binuhos mo dito sa classmate mo" tanong pa niya habang nakatakip sa ilong niya

"Yan yung pinagpigaan ng janitor ng mop niya. Mabango ba?” And I saw her looked at me and smirked

"Yuck! Kadiri! kaya naman pala may nangangamoy" sabay tawa nanaman silang lahat

"Ano mish? Iiyak ka na ba? Kawawa ka naman. Wala pa kasi yung chikboys para ipagtanggol ka haha" pang-aasar pa sa’kin ni steph

"I hate you!" Sigaw ko

"Dont worry mish, we hate you too. We hate you thrice as you hate us haha" sabi nung bakla. I just glared at him

"Anyways mish umpisa pa lang ‘to. So beware of us… AMBITIOUS LADY" pahabol pa nila. Iniwan nila ko dun ng madumi at basing-basa. Pumunta muna ako sa guard house dahil kailangan ko ng malaking tulong sa itsura ko ngayon. Mukhang basing sisiw na nga, nangangamoy pa!

"Oh anong nangyari sa’yo batang pasaway?" tanong agad ni kuya manong guard

"Mish po kuya manong guard" pagtatama ko sa tawag niya sa’king batang pasaway

"Oh siya sige miss, anong nangyari sa’yo bakit ang baho mo?" tanong pa niya. I just sighed and rolled my eyes in my thoughts. Ano ba naman ‘tong si kuya manong, hindi mo alam kung bingi o nagpapatawa eh.

"Napag-tripan po kasi ako" sagot ko

"Naku, kawawa ka naman. Pumunta ka sa guidance office, isumbong mo ng maparusahan" suhestyon niya

"Opo, hihintayin ko lang po yung friend ko" sabi ko naman. Ayoko naman humarap sa guidance ng nangangamoy ng ganito noh! Dinial ko yungnumber  ni pinky

"Hello bebe mish, bakit?” pambungad ni pinky

"Dito na ko sa school, ikaw? Kaya mo ba kong dalhan ng uniform at undies?" tanong ko naman

"Ha? Eh nandito na ko sa kanto ng school" sagot niya. Maya-maya lang natanaw ko na nga si pinky kaya in-end ko na lang yung tawag

"Pinky!" Tawag ko sa kanya pag tapat niya ng gate

"Uy bebe mish anong nangyari sa’yo? Bakit mukha kang basang sisiw? At..." napatakip siya ng ilong pagkalapit niya sa’kin "medyo hindi maganda yung amoy dito ah, naaamoy mo yun?" Tanong pa niya

"Ay pinky ako yun" medyo nahihiyang sabi ko pa

"Ha? Bakit ganyan ka kabaho?" Bulalas niya

"Ano eh… mahabang kwento. Pa’no ‘to? Wala akong damit pampalit" tanong ko sa kanya. Halatang nag-iisip din siya ng dapat gawin

"Naku mish, ganito na lang… punta ka sa gym, tapos maligo ka na sa shower room tapos hahatidan na lang kita ng undies. Bibili ako diyan sa labas, yung damit naman— ahm… ako na bahala bumili" sabi pa niya

"Sige" ngumiti ako at agad nagpunta sa shower room sa Gym ng school. Buti na lang binilan ako ni kuya manong guard ng sabon at shampoo. syempre sa’kin yung pambili, nakisuyo lang ako na siya na bumili para sa’kin. Pumasok na ko sa cubicle ng shower room ng biglang may kumatok sa pinto

"Sino yan?" tanong ko pero walang sumasagot

"Hanggang dito ba naman pagti-tripan ako ng mga haters ko?" sabi ko sa sarili ko. Pero binuksan ko pa din yung pinto. Walang tao pero may paper bag kaya kinuha ko yun at binuksan

WOW!  Damit! P.E Uniform! Yes!

"May tao ba diyan? Hello? Pinky? Ikaw ba yan?" tanong ko pero wala pa ding sumasagot. Tumingin ako sa relo ko, quarter to 7 am na

"Tsk! Makaligo na nga" nasabi ko na lang. Maya-maya narinig kong may dumating

"Mish, ito na yung undies mo" narinig ko na boses iyon ni pinky

"Ha? Akin na” inabot niya naman agad sa’kin

“Uy, salamat pala sa P.E Uniform ha. Kanino ba yun?" tanong ko nang makalabas ako sa cubicle

"Ha? Anong P.E uniform? Hahanapan pa nga lang kita ng masusuot mo, white T-Shirt lang nabili ko eh" sabi naman ni pinky

"Ha? Eh kanino ‘to?" tanong ko at pinakita sa kanya yung suot ko

"Hindi ba ‘to galing sa’yo?" pagkukumpirma ko

"Hindi eh, pero infairness ha, mukha kang nakasilid sa sako haha" tinignan ko lang ng masama si pinky. Nagawa pa talaga niyang tumawa ah!

“eh kanino nga ‘to” tanong kong muli

"Hindi ko alam. Basta-basta ka na lang nagsusuot ng hindi sa’yo. mamaya may putok pa may ari niyan" pang-aasar pa ni pinky

"Hindi naman. Ang linis at ang bango nga eh. Kaso mukhang panlalaki noh?” tanong ko pa

"Oo mish wala naman tayong schoolmate na babaeng ganyan katangkad eh. Tignan mo nga ang haba ng pants haha" natatawang sabi pa ni pinky. I glared at her but she keeps on laughing

"Kanino kaya talaga ‘to?" tanong ko pa

"Saan mo ba nakuha yan?" tanong naman niya

"Bago ako maligo, may kumatok dito tapos pag labas ko paper bag na lang nakita ko. Tapos itong p.e uniform yung nasa loob" paliwanag ko

"Hmm… sino kaya yang hero mo na ayaw magpakilala" nasabi naman ni pinky

"Hero?” pagtatanong ko pero ngumiti lang siya at lumakad na papuntang oval. Dahil monday ngayon may flag ceremony

"Miss. Lopez, why are you wearing your p.e uniform?" Isang boses ng babae ang narinig namin

"Patay! Pinky, si ma'am bagsik" bulong ko kay pinky. Sabay kami ni pinky na humarap kay ma'am bagsik

"Good morning ma'am" bati namin ni pinky

"So why are you wearing your p.e uniform? Hindi mo ba alam miss Lopez na every thursday lang ang p.e niyo?" Sungit ni ma'am bagsik noh haha

"Ma'am namantsahan po kasi yung uniform ko kanina. Ito po" pinakita ko yung blouse ko

"Sinong may gawa niyan?" Tanong pa niya

"Ma'am yung mga— aray!" Sasabihin sana ni pinky pero naapakan ko siya

"ma'am aksidente lang po. Ako po ang may kasalanan" paliwanag ko

"Okay miss Lopez. Next time hindi na pwede yan maliwanag?" pagka-klaro niya

"Opo ma'am bagsik" sagot ko naman

Nang nakapila na kami siniko ako ni pinky

"Bakit hindi mo sinabi yung totoo?" Tanong ni pinky

"Hindi na kailangan. Gusto ko maayos ‘to ng hindi nalalaman ng mga admins ng school" sagot ko

"Bahala ka mish" inis na sagot ni pinky

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...