Ang Huling Binukot (The Last...

Oleh AnakniRizal

1.9M 136K 45.5K

Aswang, kapre, engkanto, diwata, at mga anito, ang akala ni Arki ay kathang isip lang ang lahat ng mga kinwe... Lebih Banyak

#AHB
UNANG YUGTO: Ang Paggising ng Mutya
/1/ Si Arki
/2/ Liwanag at Kadiliman
/3/ Ang Misteryosa
/4/ Muling Pagkikita
/5/ Ang Sinumpang Prinsipe
/6/ Pag-aalala ni Shiela
/7/ Ang Paglitaw
/8/ Ang Hindi Inaasahan
/9/ Bagong Salta
/10/ Plano ng Kadiliman
/12/ Ang Tikbalang
/13/ Paghahatol
/14/ Bangungot
/15/ Kaibigan
/16/ Panganib
/17/Himala
/18/ Baka Sakali
/19/ Nabunyag
/20/ Ang Tinagong Kahapon
/21/ Paglayo
/22/ Ang Mutya
/23/ Ang Balita
/24/ Ang Sumpa kay Mayumi
/25/ Ibang Dimensyon
/26/ Ang Mangkukulam
/27/ Ang Pagbabalik
/28/ Ang Paglusob
/29/ Ang Sakripisyo
/30/ Realisasyon
/31/ Ang Prinsipe
/32/ Sa Gabay ng mga Tala
/33/ Marahuyong Mundo
/34/ Salidumay
IKALAWANG YUGTO: Ibayo, Ang Kabilang Mundo
/35/ Ang Sama Dilaut
/36/ Si Dayang Sulu
/37/ Si Anitung Tabu at ang Kanyang Balita
/38/ Ang Pag-aalinlangan ni Arki
/39/ Si Aman Sinaya at ang Prinsesa sa Dagat
/40/ Imong Bayani
/41/ Mga Paraan
/42/ Hanapin si Agyu, ang Manlalayag ng Langit!
/43/ Mga Halimaw at Pagsubok
/44/ Ang Binatilyo
/45/ Ang Ikakasal
/46/ Ang Tagpuan
/47/ Mga Busaw sa Kadiliman
/48/ Ang Desisyon nila Arki
/49/ Isang Gabi, Isang Digmaan
/50/ Ang Unang Kaamulan
/51/ Pagkalason ng Isip
/52/ Ang Paglalakbay sa Langit
/53/ Ang Kasunduan kay Magwayen
/54/ Nang Sumapit ang Dilim
/55/ Marikit sa Kagubatan
/56/ Pagsubok ng Pagkakaibigan
/57/ Engkwentro sa Siyudad
/58/ Mga Pangitain at Panaginip
/59/ Ang Pagsisisi sa Huli
/60/ Ako Ang Huling Binukot!
/61/ Kusang Loob na Pagsuko
IKATLONG YUGTO: Katapusan Patungo sa Simula
/62/ Sa Kabilang Dako
/63/ Kapangyarihan ng Hiraya
/64/ Ang Bulaklak sa Yungib
/65/ Ang Pag-ibig ng mga Halimaw
/66/ Ang Katapangan ng Mga Duwag
/67/ Ang Prinsesa at ang Hari ng Kadiliman
/68/ Pagdakip ng mga Duwende
/69/ Ang Paggising ni Lakapati
/70/ Ang Paglaho ng mga Alaala
/71/ Sa Isang Kundisyon
/72/ Ang Unang Maharlika
/73/ Sa Lalong Madaling Panahon
/74/ Sa Isang Kidlat ng Balarao
/75/ Sulong, Team Binukot!
/76/ Bagaman Hindi Magkaibigan
/77/ Digmaan sa Lambak ni Batari
/78/ Naayon na sa mga Tala
/79/ Gunita sa Balang Araw
/80/ Isang Bagong Simula
EPILOGUE

/11/ Kabilugan ng Buwan

29.2K 1.9K 498
Oleh AnakniRizal

Kabanata 11:
Kabilugan ng Buwan



MARAMING tao sa canteen kaya nagpasya ang magkakaibigang Arki, Yumi, at Leo na kumain ng tanghalian sa paborito nilang tambayan, ang rooftop ng old building na nasa likuran ng main building ng kanilang eskwelahan.

Iilang senior students na katulad nila ang tanging nakakaalam ng nasabing paborito nilang tambayan  sa tuwing ayaw nilang makipagsiksikan sa magulong canteen. Alam ni Arki ang password ng padlock dahil kaclose niya ang matandang janitor. 

"Eh?" napakunot si Arki nang makitang wala ang padlock sa pinto. "Patay naunahan na 'ata tayo," sabi niya sa mga kasama.

"Parang wala namang maingay sa labas?" tanong ni Leo. Binuksan niya ang pinto. 

"Wala namang tao ah," sabi ni Yumi nang makatapak sila sa rooftop. Luminga-linga sila at ni anino ng tao ay walang nakita.

Bakante rin ang mesa na palagi nilang pinagpupwestuhan, iyon lamang ang may lilim sa rooftop. Naglakad silang tatlo papunta roon.

"Baka papalitan na ni Mang Esteban 'yung lock," sabi ni Arki habang pinatong sa mesa ang baunan at isang plastik ng ulam na binili nila kanina. Nilabas na rin nina Yumi at Leo ang kanilang mga baon. 

"Guys, may cake akong baon, padala ni Tita, share tayo," sabi ni Yumi sabay labas ng tupperware na naglalaman ng cake. Natuwa naman sina Arki at Leo.

Pagkakain nila ng tanghalian ay katulad ng palagi nilang gawi ay tumambay muna sila sa rooftop para magkwentuhan. May natitira pa naman silang kalahating oras bago sumapit ang next subject. Kahit na tirik ang araw ay mahangin pa rin sa rooftop, tanaw din mula sa kanilang kinalalagyan ang bundok at dagat ng kanilang probinsya.

"Arki, ano nga pala 'yang dala mo? Bakit hindi mo iwanan sa room?" sawakas natanong na ni Leo ang kanina pa bumabagabag sa isip.

"Ah, eto?" pinakita pa ni Arki sa kanila ang banig na bag na naglalaman ng yantok na bigay ng kanyang Lola Bangs. "Bigay ng Lola ko."

Kinuha ni Leo mula sa kanya ang bag at nilabas mula sa loob nito ang dalawang yantok.

"Woah, ang cool!" bulalas ni Leo. "May Baybayin pang naka-ukit?" hinawakan ni Leo ang bahaging may Baybaying naka-ukit sa yantok, sinubukan niyang basahin 'yon pero hindi nito matandaan ang tinuro sa kanila ng guro na si Miss Anita.

"Para saan naman 'yan, Arki?" tanong ni Yumi sabay subo ng natitirang cake.

"Hindi ko iniwanan sa room kasi parang mainit sa mata ng mga tropa ng kumag na si Jaakko," napa-irap pa siya nang banggitin ang pangalan ng kinaiinisan, "at saka pinadala ni Lola Bangs kasi para raw... protektahan ko 'yong sarili ko?" hindi pa rin siya sigurado sa huling sinabi.

"Protektahan... Sa..." nanlaki ang mga mata ni Yumi nang maalala. "Arki, don't tell me sinabi mo sa family mo ang tungkol sa mga nakita natin?"

Natahimik silang tatlo. Hanggang ngayon kasi ay hindi na nila pinag-usapan ang insidente, matapos silang pagtawanan ng buong eskwelahan ay pinilit nilang itanim sa kanilang isip na isa lamang 'yong panaginip.

Alanganing tumango si Arki, at nagkatinginan naman sina Yumi at Leo.

"A-Anong sabi nila?" tanong ni Leo na napalunok, hawak pa rin ang kanyang yantok.

"Guys, sa totoo lang ang gulo rin nila eh, wala silang malinaw na pinaliwanag sa'kin. Basta nang malaman nila bigla na lang nila akong sinabihan na kailangan kong protektahan ang sarili ko," naguguluhan niyang sagot.

"Ibig sabihin naniniwala sila sa'yo!" bulalas ni Yumi. "Mabuti ka pa, Arki. Sa bahay nga'y hindi na namin pinag-uusapan, pero ang nasa isip nila tito at tita ay kalokohan lang ang nangyari sa'tin," malungkot na sabi ni Yumi. 

"Ha, para ngang ayoko na rin maalala eh. Sa tuwing naaalala ko hindi pa rin ako makapaniwala. Simula tuloy ngayon palagi na 'kong tine-training ni Ate Shiela."

"Training?!" nagulat sila sa binulalas ni Leo. "Ang coooool!"

"Anong cool? Ang sakit kaya sa katawan, pero sige na nga... Ang cool talaga ni Ate Shiela!" pagmamalaki niya. "At saka mas dadami ang alam kong moves na pambugbog sa mga bully," biro niya sabay tawa.

"Waahhh! Buti ka pa, Arki! Nakakainggit! Sana ako rin may trainor!" ngumuso si Leo pero bigla ring bumalik sa pagiging masigla. Buhay na buhay ang kanyang dugo sa kanilang usapan. "Pero hindi niyo ba naiisip na paano kung umatake ulit 'yung mga halimaw na 'yon? Paano kung hindi lang tayo 'yung mabiktima nila? Ibig sabihin kailangan talaga natin ng self-defense!"

"Leo, ang hyper mo." napatakip pa ng tenga si Yumi.

May nilabas si Leo mula sa bag, ang kanyang sketchbook, at pinakita 'yon sa kanyang mga kaibigan.

"Tingnan niyo, nag-isketch na ko ng mga weapons na pwede kong gamitin kung sakali," nilipat niya ang pahina. Kahit na duwag ay nabuhay ang kanyang loob dahil avid fan siya ng mga anime ay pakiwari ni Leo ay maaaring maging katulad siya ng mga iniidolo niyang bida sa anime-ang maging super hero. "Ang angas 'di ba? Itong tirador pwede ko 'tong gamitin sa aswang tapos may inimbento akong parang bola ng pinagsamang asin at dinikdik na bawang!"

Si Arki naman at Yumi ay tatangu-tango lang habang tinitingnan ang mga guhit ni Leo, suportado naman nila si Leo sa kung anong gusto nito. 

"At dahil advance akong mag-isip, alam kong ikaw Arki ang magiging pronta kapag nagkaroon ulit ng labanan."

"Labanan talaga?" natatawang saad ni Arki.

"Kaya naman ginagawan na kita ng costume!" nagkatinginan muna sila ni Yumi. "Heto oh! Battle costume mo Arki kapag nag-engkwentro ulit kayo ng aswang! Bagay 'to sa Arnis weapon mo!"

Napangiwi si Arki nang makita ang ginuhit ni Leo. "Leo, para namang ine-expect mo talaga na makakakita pa ulit tayo ng aswang."

"Hindi naman, sadyang ready lang ako," bumaling si Leo kay Yumi, "ikaw, Yumi, gusto mo ba ng costume? Gagawan din kita!"

Marahang natawa si Yumi at sinabing, "Huwag naLeo, wala naman akong alam sa pakikipaglaban."

"Ay!" may naalala si Arki. "Malapit na 'yung beauty pageant contest ng United Nations, for sure ikaw pambato ng klase natin. Leo, gawan mo na ng costume si Yumi!"

"Grabe, ang advance niyo masyado, malayo pa 'yon," sabi ni Yumi. 

"Akong bahala! Sisiguraduhin kong mahahakot natin ang best in costume award. Leave it to me!" turo pa ni Leo sa sarili. Masaya pa silang nagkwentuhan hanggang sa nagpasya silang bumalik na sa kanilang classroom.

Nakita ni Arki sa sahig ang padlock, pinulot niya 'yon at nauna nang makapasok sila Yumi at Leo kaya naiwan siya.

"Nandito lang pala 'yung padlock," aniya.

"Tama ang kaibigan mo."

Nagulat si Arki sa boses, kaagad siyang napatingala at nakita ang may-ari ng tinig, nakatanaw ito mula sa kanya mula sa may water-tank area. Napakunot siya dahil ito na ang pangatlong beses na nagkita sila.

Walang hirap na tumalon ito mula sa itaas at lumapit sa kanya.

"Ikaw si... Roa Nikolo," sabi niya nang makalapit ito. Ngayon lang niya ito mas napagmasdan ngan maigi, singkit, matangkad, mestizo subalit nasunog na bahagya ang kulay ng balat, makapal ang kilay, at may hairstyle na crew cut.

"Roni na lang," sabi nito habang nakapamulsa . Nakabukas ang lahat ng butones ng uniporme nito na may itim na t-shirt sa loob.

"Anong ginagawa mo sa taas?" tanong niya.

"Natutulog, nagising ako sa kwentuhan niyo eh."

"N-narinig mo 'yung mga pinag-uusapan namin?"

"Oo."

"E-eh?"

"Kaya nga sabi ko sa'yo, maniwala ka sa kaibigan mo. Hindi niyo alam kung kailan sila ulit pwedeng lumabas."

Dahil isa itong estranghero, kahit na alam niya ang pangalan nito at niligtas siya noon. Nag-aalinlangan pa rin si Arki.

"Arki?" narinig niya ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya kaya nagmamadali siyang sumunod dito habang naiwan si Roni na nakatingin sa kanya. 


*****


UWIAN. Nasa locker area sila para ayusin ang kanilang mga librong iuuwi. Pagbukas ni Arki ng locker niya'y napansin niya ang papel na isinuksok sa butas nito. Bago niya 'yon buksan ay siniguro niyang hindi nakatingin sila Leo at Yumi dahil tiyak niyang aasarin siya nito.

'Love letter ba 'to?' ang unang pumasok sa isip niya.

Pagbuklat ni Arki ng papel ay nakita niya ang isang sulat kamay.

'Arissa Kim, pumunta ka sa rooftop ng old building. May mahalaga akong sasabihin.
-Roa Nikolo Corpuz.'

Napakunot si Arki.

"Tapos ka na ba?"

"Ay kalabaw!" nagulat siya kay Yumi at natawa ito sa kanya.

"Okay ka lang, bes?" tanong ni Yumi.

"O-oo."

"Sige, una na 'ko, sabay kasi kami ulit ni tita eh," paalam ni Yumi at yumakap pa ito sa kanya bago umalis. Naiwan sila ni Leo.

"L-leo, mauna ka na, may nakalimutan pa 'kong itanong kay Ma'am Anita eh," pagdadahilan niya. 

"Sige sige, hindi na rin kita mahihintay kasi excited na 'kong tapusin 'yung sketch ng costume mo. Bye, Arki!" paalam ni Leo sa kaya at nauna na itong umalis.

Nakahinga si Arki nang maiwan siya. Kaagad siyang nagtungo sa rooftop ng old building. Dala ng kuryosidad sa kung anong gustong sabihin sa kanya ni Roni ay hindi niya napigilan ang sarili na alamin ang gusto nitong sabihin. Maaaring may kinalaman sa insidente.

Pagdating niya ng rooftop ay nakita niya si Roni, nakatanaw sa langit habang nakapamulsa. Papalubog na ang araw kaya kulay kahel na ang langit. Dahan-dahan siyang lumapit dito, nang maramdaman ni Roni ang kanyang presensya ay lumingon ito.

"Nandiyan ka na pala. Ano 'yong sasabihin mo?"

Napahinto siya at kaagad na napakunot.

"Ha? Anong sasabihin? Hindi ba't ikaw ang may sasabihin?" balik-tanong niya, takang-taka. Napakunot din si Roni.

"Ikaw ang nagtawag sa'kin dito, tama ba?"

"Hindi ah! Bakit naman kita tatawagin?"

Napakamot sa ulo si Roni, "Akala ko magko-confess ka na gusto mo ako katulad ng mga napapanood ko sa anime."

"Ha?! Lakas mo ah!" inis niyang sabi at natawa si Roni sa sariling biro. "Kung wala kang sasabihin, bahala ka na diyan."

Pero nang makalapit si Arki sa pintuan at subukang buksan ang pinto ay hindi niya 'yon mabuksan.

"Bakit ayaw bumukas? May nag-lock sa loob? Oy! Buksan niyo to!" kinalampag niya 'yung pinto. Hindi na siya natutuwa sa mga nangyayaryi.

Lumapit si Roni at tumabi siya, sinubukan nitong buksan ang pinto pero hindi nito magawa.

"Hindi mo ba kayang sirain ulit?" natigilan si Roni nang sabihin niya 'yon. Naalala niya kasi ang ginawa nito noong iligtas siya ni Roni.

Umatras si Roni at napaisip.

"Kung hindi mo ako pinatawag dito, at hindi kita tinawag dito, ibig sabihin may taong pinaglalaruan tayong dalawa," kalmadong wika ni Roni.

"Pinaglalaruan?" isang tao lang ang naisip ni Arki. "Jaakko?!"

"Hindi natin alam kung sino, sa ngayon kailangan muna nating maghintay." Pumunta si Roni malapit sa railings at nilabas ang cellphone. "Walang signal ang phone ko. Ikaw ba, meron?"

"Wala akong cellphone, eh." nangangamba na siya dahil alam niyang pag na-late siyang umuwi ay mag-aalala na naman ng lubos ang kanyang Lola at Ate Shiela. "Babalian ko talaga ng buto ang may masamang budhi na gumawa nito."

Lumipas ang kalahating oras habang sinusubukan ni Roni humanap ng signal. Napaupo na lang si Arki sa bangko, at si Roni naman ay napasandal na lang sa railings.

"Arnis?" narinig niyang nagsalita si Roni. "Marunong ka?" nakita nito ang sukbit niyang yantok.

"Kaunti pa lang," sagot niya tapos ay lumapit sa kanya si Roni.

"Kanina ko pa napapansin, parang kakaiba 'yang arnis mo. Pwedeng patingin?" inabot naman niya kay Roni ang bag at nilabas nito ang yantok.

"Ikaw? Marunong ka?" tanong niya kay Roni. Imbis na sumagot ay pumunta ito sa gitna at winasiwas ang kanyang yantok. Napahanga siya dahil katulad ni Shiela ay maalam si Roni, pero saglit lang at huminto rin ito.

"Kaunti lang din, martial arts enthusiast kasi ako kaya may alam ako ng kaunti tungkol sa arnis," hinagis sa kanya ni Roni ang isang yantok at nasalo naman niya 'yon. Tumayo siya at medyo lumapit. "I can teach you some moves."

"Ah, sige."

Tinuruan ni Roni ng kaunti si Arki,  hindi nila namalayan parehas ang oras hanggang sa ginabi na sila sa rooftop. Huminto lang sila nang mapagtanto ni Arki na baka nag-aalala na ang kanyang pamilya.

"Kailangan na nating makaalis dito, papaluin ako ni lola! Salamat pala sa pagturo sa'kin, Roni, ah."

"No worries, fast learner ka naman pala-" biglang natigilan si Roni at napatingala kaya tumingin na rin si Arki sa itaas, wala silang ibang nakita kundi isang buwan.

"Full moon, ang ganda," manghang bulong ni Arki. Subalit pagtingin niya kay Roni ay nakita niya ang kakaibang takot sa mukha nito. "Okay ka lang, Roni?"

"Arki..." tumingin ito sa kanya ng hindi naaalis ang takot sa mukha. "L-lumayo ka sa'kin."

"Ha? Bakit?"

"Kailangan mong makaalis dito!"

"Roni, ano bang sinasabi-"

"Umalis ka na! Bago pa-arghh!" sumalampak bigla si Roni sa lupa at sapo ang ulo.

"Okay ka lang?!" kaagad niya 'tong dinaluhan subalit tinulak siya ni Roni. Tumayo ito at lumayo sa kanya habang namimilipit sa sakit.

Lalapit pa sana siya kaso bigla na namang sumigaw si Roni, "Huwag kang lalapit!"

Sa takot at pag-aalala ni Arki ay kaagad siyang pumunta sa pintuan at sunud-sunod 'yong pinag-sisipa at kinalampag.

"Buksan niyo 'to! Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya subalit bigo siya.

Napalingon si Arki kay Roni at nagimbal siya sa nasaksihan.

"R-Roni..."

Unti-unti itong nagpalit ng anyo... Hanggang sa maging isa itong Tikbalang.






-xxx-




Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

657K 21.3K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
131K 9.8K 36
A girl who dreams to be a painter, suffering from grief and loss due to her best friend's sudden death and unable to move on. A boy made of light and...
416K 661 1
EDITING ------------------------- Game of Cards (Book 2)
236K 13.7K 90
Textmate Series #1 | Congratulations! Your number have won! *** An epistolary. "Pa-loadan mo ang number na ito upang ma-claim ang prize." Two souls m...