ZXO: Ace of Hearts

By AbbyGael

2.4K 100 49

Ace is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO... More

ZXO: Prologue
ZXO: 1
ZXO: 2
ZXO: 3
ZXO: 4
ZXO: 5
ZXO: 6
ZXO: 7
ZXO: 8
ZXO: 9
ZXO: 10
ZXO: 11
ZXO: 12
ZXO: 13
ZXO: 14
ZXO: 16
ZXO: 17
ZXO: 18
ZXO: 19
ZXO: 20
ZXO: 21
ZXO: 22
ZXO: 23

ZXO: 15

77 3 2
By AbbyGael

ZXO: 15

[Claine's POV]

After two days...

Ilang beses akong napailing habang nakatingin sa kawalan.

I still don't get it.

Napabuntong hininga ako muli dahil sa naisip ko. 

"Are you sure you're okay kuya Claine?" napatingin ako kay Arkisha na bakas ang pag-aalala sa mukha. Naabutan ko silang naglalaro ni Loki ng chess dito sa frat house ng dumating ako an hour ago.

"Don't disturb her breathing exercise Arki." suway sa kanya ni Loki. Matatalim na tingin ang pinukol ko sa kanya dahil sa nakakatuwang banat nya. Napahagikgik naman si Arkisha.

"Is something bothering you?" tanong ulit ni Arkisha.

"Something? Or someone?" singit na naman ni Loki.

"Someone?" nagtatakang tanong ni Arkisha kay Loki. Bakas sa mukha nya na wala syang idea sa sinasabi ng kaharap nyang epal. "Wer?" tanong nya kay Loki with different language.

*Translation: Who?

"Ich weiß nicht." sagot ni Loki sa kanya at makahulugang tingin ang pinukol sa akin.

*Translation: I don't know. 

"Stop with those alien words, will you?" utos ko na ikinatawa ni Arkisha.

"Whatever that is, kuya Claine, I'm sure you'll get through it." nakangiting pahayag ni Arkisha.

"He won't get through it if we he won't do anything about it." epal na naman ng kaharap nya.

"Your name really suits you, you know that?" naiinis kong pahayag.

"My parents probably knew that I will be like this that's why they gave me my awesome name." sagot nya habang nakatitig sa chess board, tinaas nya 'yung isang piece ng bishop at nilipat sa ibang area ng board. Kanina pa sila naglalaro pero hanggang ngayon hindi pa sila nakakatapos ng isang round.

"I love Loki's name!" masiglang pahayag ni Arkisha. "But I love his second name more."

Napangiti ang lokong si Loki. "Whatever." sabi ko. Hindi na lang nila ko pinansin at nagfocus na lang sila sa paglalaro. 

Lumipas pa ang ilang minuto at hindi ko na naman napigilan ang magbuntong hininga. Kada buntong hininga ko tinitingnan ako nang dalawa.

"Why don't you just spill it?" sabi ni Arkisha.

"Why do some people not want to accept help?" nafufrustrate kong tanong. "I just want to help her." paga-add ko pa.

Simula nang huli naming pag-uusap, hindi na nawala sa isip ko kung bakit ba ayaw na ayaw nyang tulungan ko sya. Siya na talaga ang tumanggi sa tulong. Stupid nerd.

"Why you wanna help her?" tanong nya.

"W-Well..." napaisip ako sa tanong nya. 

Bakit nga ba? Kailangan ba ng dahilan para tulungan sya?

"Is it out of pity or... out of love?" makahulugang tanong ulit nya.

Napangisi ako sa tanong ni Arkisha. This is one of the things that I like about her. She's 50% kid and 50% adult.

"Why do I need to have a reason?"

"Because in my opinion she probably thinks that you're doing it out of pity."

"Hindi ba normal naman ang makaramdam ng awa?"

"It is." paga-agree nya. "It's normal to sympathize for someone else's unhappiness." kinuha nya yung Queen sa chess board at pinatong sa side ng chess board ni Loki. "But sometimes, a person doesn't need pity from someone else. At times, they need someone who will just listen and understand." tumingin sya sakin at ngumiti ng matamis.

Napabuntong hininga muli ako at napaisip sa mga sinabi ni Arkisha. 

Is it really out of pity? If not pity... then what?

Biglang pumasok sa isipan ko ang isang tagpo ilang taon na ang nakakalipas. Napailing ako muli.

This f*cking mind is driving me crazy.

"Pinuno!" padabog na binuksan ang pinto ng frat house at binunyag ang apat kong tauhan na humihingal.

"What?"

"S-Si Zai pinu--" hindi ko na tinapos pa ang sasabihin nya at agad akong lumabas ng frat house para puntahan si ZM. Sinundan naman nila ako at sinabi kung nasaan ito.

Napahinto ako ilang metro mula sa kinaroroonan ni ZM. Nakaupo sya sa flooring, magulo ang mga buhok, marumi ang uniform at umiiyak. Habang si Veronica naman ay nakatayo sa harap nya habang tinatapakan ang mga gamit nito na nakakalat sa flooring.

"Please stop this right now Veronica!" sigaw ni Boris na nasa tabi ni ZM. Nakaluhod sya sa tabi nito at hawak sa magkabilang braso na para bang inaalalayan.

"P-Pinuno..." mahinang tawag sakin ni Nicho ngunit hindi ko sya pinansin. 

"Oh my gosh! I cannot believe this. You're friend with this filthy girl?" maarteng tanong ni Veronica.

"Yes. Do you have any problem with that?" sagot ni Boris.

"Why?!" naiinis na tanong nya.

"What kind of f*cking question is that!?" sigaw din ni Boris.

"Why you and Claine have to stick with this girl?! I cannot believe she's fooling you and Claine around!" 

Napailing si Boris. "You're beyond sick Veronica." inalalayan nya si ZM na makatayo. 

"W-What?!"

Sinuklay ni Boris ang buhok ni ZM gamit ang mga daliri nya at inayos nito ang damit nya pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Ouch." mahinang react ni Irvin na hindi ko alam kung para saan.

Isa-isang pinulot ni Boris ang mga gamit ni ZM at ipinasok sa bag nya. Sinukbit nya 'yun sa isa sa mga balikat nya at muling hinarap ang gulat pa rin na si Veronica.

"If Claine did something terrible to you... she's freaking out of it. She has nothing to do with you guys."

"How can you be so sure?! She's always with him!"

Nagkuyom ang mga kamao ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko simula pa kanina.

"You're just over reacting."

"I'm not! I know there's something going on between them. I won't stop until I get what I want!"

"Do as you please." tiningnan ni Boris si ZM at ngumiti dito. "Let's go Zai." hinawakan nya ulit ito sa magkabilang braso at inalalayan sa paglalakad.

Nakakailang hakbang na sila papalapit sa kinaroroonan namin nang huminto sila. "You're here." usal ni Boris.

Ipinasok ko sa magkabila kong bulsa ang mga nakakuyom kong mga kamao at matalim na tumingin sa kanya. "Nice show." sabi ko.

Nagsalubong ang mga kilay nya. "So you just watched and didn't do anything?" makahulugan nyang tanong.

I shrugged. "Someone doesn't want to accept any help from me because probably she wants it from someone else." mahaba kong pahayag habang nakatingin sa nakayukong si ZM.

"What?" naguguluhan nyang tanong.

Nag-angat ng tingin si ZM. "C-Claine--" hindi ko na pinakinggan pa si ZM at tinalikuran na sya.

Sinundan naman ako ng mga tauhan ko palayo sa lugar na 'yun.

"Anbilibabol!" react ni Irvin pagkalayo namin.

"Wag kang maingay gago." pabulong na sita sa kanya ni Lance.

Agad akong bumalik ng frat house at nahiga sa mahabang couch.

"Eh? What happened?" tanong ni Arkisha.

"Nothing." pumikit ako at tinakpan ko ng isang braso ko ang mga mata ko.

Natahimik sila saglit pero maya-maya ay narinig kong nagbubulungan sila ni Loki.

"Ist er in Ordnung?"  tanong ni Arkisha.

*Translation: Is he alright?

"Ich weiß nicht."  sagot ni Loki.

*Translation: I don't know. 

Tsk. Stupid nerd.

May kakaiba sa loob ko na hindi ko maintindihan kung ano. I am certain that I am not okay.

[Zai's POV]

"A-Aray!" react ko ng dampian ng school nurse ang braso ko ng cotton ball na may alcohol. Dinala ako dito ni Boris pagkatapos ng nangyari sakin kanina.

"Tiisin mo lang hija." sabi sakin ng nurse at nagpatuloy na sa paggamot sakin.

Pumikit na lamang ako habang iniinda ang hapdi.

"Ang dami mong natamong kalmot from Veronica." naaawang sambit ni Boris na nasa tabi ko. "Do you have any idea kung bakit nya ginawa 'yan sayo?"

Biglang pumasok sa isipan ko si Claine at ang... matatalim nyang tingin sa akin. Mas nanlumo ako ng mag-echo sa isipan ko ang mga salitang binitiwan nya kanina. Nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ko kanina habang nakatingin sya. Hindi ko mawari kung ano ba 'yun pero ang alam ko lang ay ayoko nun. Hindi maganda sa pakiramdam.

"It's Claine, isn't it?" napaangat ako ng tingin kay Boris. Nakaflash sa mukha nya na sigurado sya sa sinasabi nya kaya wala nang dahilan para hindi ko sabihin.

"A-Akala nya ay close kami ni C-Claine. Ayaw nya nakikitang kasama ako ni Claine."

Napabuntong hininga sya at ngumiti ng malungkot sa akin. "Alam ba ni Claine 'to?" tanong nya at tumango naman ako.

"And yet he didn't do anything about it?!" naiinis nyang tanong.

Mabilis akong umiling. "Gusto nyang protektahan ako. Kinausap nya ko tungkol dito pero ako na mismo ang tumanggi sa tulong nya."

"Huh? Why?"

"Dahil sa tingin ko ay lalo lang magagalit si Veronica. Kung lalayo ako kay Claine sa tingin ko ay titigilan na rin nya ako."

"Tsk. Silly." tumawa sya ng mahina. "Kaya okay lang sayo na ganyanin ka nya?" tumango ako at napayuko. 

"S-Salamat pala kanina. Kung hindi ka dumating ay baka hanggang ngayon nandoon pa rin ako."

"Una pa lang kitang makausap alam ko nang mabait ka... hindi ko lang inakalang sosobra ka sa bait. Bakit hindi ka lumaban? Kung ayaw mong tanggapin ang tulong ni Claine then do something about it to help yourself."

Napayuko ako at maluha-luha. Feeling ko ay kaawa awa na talaga ang lagay ko. 

"H-Hindi ko kaya. Ganito lang ako Boris. Wala ako lakas ng loob na kalabanin ang isang sorority leader." napaangat ako ng tingin sa kanya ng ihilamos nya ang dalawa nyang palad sa kanyang mukha.

Mukhang problemado rin sya sa sitwasyon ko. Hindi ko 'to ginusto. Hindi ko rin akalain na aabot sa sasaktan nya ko tuwing nakikita nya ko. Parang kapag mainit ang ulo nya sakin na lang nya nilalabas. Mainit ang dugo nya sakin dahil sa inaakala nyang may iba sa pagitan namin ni Claine.

Imposibleng mangyari 'yun! Hinding hindi ako magugustuhan ni Claine. Bakit ba hindi man lang nya maisip 'yun, pinag-aaksayahan nya lang ako ng panahon. Sana tumigil na sya.  

"You'll die in her hands." nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nya. "Like what she said, she won't stop."

"P-Pero Bori--"

"Leave it to me."

"Ang alin?" naguguluhang tanong ko. Umiling lamang sya at ginulo ang buhok ko.

Pagkatapos akong gamutin ng nurse, agad na rin kaming umalis ni Boris ng school clinic. Humahapdi pa ang mga kalmot na natamo ko galing kay Veronica pero tinitiis ko na lang. Ang anit ko ay mahapdi din dahil sa pagsabunot nya sakin kanina. 

Tahimik kaming naglalakad patungo sa cafeteria. Nag-aya syang kumain, umorder sya ng food para sa aming dalawa. Binilhan nya ko ng chocolate shake para daw gumaan ang pakiramda ko. Ganun daw kasi ang ginagawa ng kapatid nya dati kapag nafufrustrate ito.

"Look who's here!" sabay kaming napatingin ni Boris sa nagsalita. Si Veronica, kasama ang mga members ng sorority nya. Lumapit sila sa amin na may kakaibang ngiti sa kanilang mga mukha, ngiting nangungutya.

"What now Veronica?" malamig na tonong ni Boris.

"Oh nothing Boris! I realized na mas okay na ikaw ang kasama nitong basurang 'to at hindi si Claine."

"Happy now?" 

"Hmm. I don't know yet. It depends on my mood. See you around filthy girl!" sabi nya sakin at tinabig ang chocolate shake na binili para sakin ni Boris. Natulala na lang ako habang pinagmamasdan kung paano kumalat sa sahig ang laman nun.

"Veronica!" suway sa kanya ni Boris.

"What? It's just a drink. Duh!" sabi nya at parang walang nangyaring umalis ng cafeteria.

Pinulot ni Boris ang baso ng shake at pailing iling na pinatong 'yun sa table namin. 

"Don't mind her Zai. I'll buy you another one."

Mabilis akong umiling bago pa sya makaalis. "Okay lang Boris. Huwag mo na kong ibili."

Napabuntong hininga na lamang sya at bumalik sa kanyang upuan. "Someone should teach her a lesson." 

Nagpatuloy na lang kami ni Boris sa pagkain at pagkatapos nagtungo kami sa kanya-kanya naming mga klase.

Hindi ako komportable pagpasok ko pa lang ng room, alam kong kaklase ko sa subject na 'to si Claine at nahihiya akong makita sya. Nagtungo ako sa pinakadulong upuan. Kinakabahan ako at hindi mapakali sa upuan ko habang hinihintay na dumating ang instructor namin. 

Maya-maya pa, biglang sumulpot sa pintuan si Claine. Kahit kinakabahan ay hindi ko maiwasang tingnan sya. Seryoso ang kanyang mukha at parang wala sa mood.

Binati sya ng isa sa mga classmates namin pero hindi sya nito pinansin. Pumwesto sya sa kabilang dulong hilera ng upuan. Napabuntong hininga naman ako. 

Bakit ganito? Feeling ko may kasalanan ako sa kanya at nagiguilty ako.

Pagkatapos ng klase, nagpahuli akong lumabas upang hindi kami magkasabay ni Claine. Pagkalabas ko ng campus, dumiretso ako sa Brewed Cloud para sa aking part time job.

"Good afternoon po." bati ko sa lahat ng crew kasama na ang manager namin. Bumati rin naman sila sa akin ng nakangiti. Agad akong nagpalit ng uniform at sinimulan na ang pagbabanat ng buto. Paniguradong maraming tao ngayon dahil Friday na naman. 

Wala pang isang oras ang nakakalipas simula ng magstart ang duty ko ay napuno agad ang buong restaurant. Halos hindi kami magkandaugaga sa pagkuha ng orders at pagseserve nun.

"Zai! Pahelp sa kitchen please!" sigaw ng aming manager kaya agad kong binitawan ang hawak kong tray at nagtungo sa loob ng kitchen. Busy ang lahat ng crew at chefs. "Zai come here!" agad kong nilapitan si manager na may nilalabas na isang tray ng cupcakes.

"Ano pong maitutulong ko manager?"

"HRM Student ka right?"

"Opo ma'am."

"May alam ka ba sa pagdedecorate ng cupcake? Naubusan kasi tayo, may umoorder pa sa labas." namilog ang mga mata ko dahil sa excitement. Ito talaga ang gusto kong gawin.

"Opo ma'am! Kaya ko po ito, ako na pong bahala."

"Thank God! Ikaw ng bahala ah, iwan na kita dyan at maga-assist pa ko sa labas." tumango ako sa kanya at nginitian ko ang mga lemon vanilla cupcakes sa harapan ko. Agad kong pinrepare ang icing at sinimulan ng idecorate isa-isa ang mga 'yun. Nilagyan ko ng vanilla buttercream frosting ang ibabaw ng mga cupcakes. 

"Hmm. Parang may kulang." sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang isang tray ng cupcakes na natapos ko na. Napatingin ako sa iba pang kitchen crew.

Ano kayang meron dito sa kitchen na pwede kong magamit?

Binuksan ko ang isa sa mga refrigerator nila at bumungad sa akin ang iba't ibang klaseng prutas na mukhang kakadeliver lang.  Napangiti ako ng may ideyang pumasok sa aking isipan.

Kumuha ako ng mga strawberries na may dahon pa at hinugasan ang mga 'yun. Kumuha ako ng kutsilyo at isa-isang hiniwa ng maninipis. Hindi ko sinagad ang paghiwa para hindi sila magkahiwa hiwalay. Dahan-dahan kong nilagay ang isang strawberry sa ibabaw ng frosting at ganun din sa iba hanggang sa matapos ako.

"Wow! Ang ganda!" react ni manager pagbalik nya sa kitchen.

"O-Okay lang po ba 'yan ma'am?" napahawak ako sa batok ko dahil sa hiya. Nakialam ako sa fridge ng mga chefs.

"Okay na okay! Ang ganda ng presentation ng strawberry oh. Mukhang masarap!" tuwang-tuwang pahayag nya. Parang kiniliti naman ako sa narinig ko. 

Natutunan ko ang pagdedecorate ng cupcakes and cakes sa mga seminar na dinaluhan ko noong nasa senior high school pa lang ako. Hindi ko akalaing magagamit ko ngayon.

"S-Salamat po ma'am." nakangiti kong pahayag.

"Hindi ito exactly ng nasa menu natin but I can explain sa kanila na new cupcakes natin 'to. I'm sure they'll like it."

"S-Sana nga po ma'am."

"Oh sya, dalin mo na 'to sa labas para mai-serve. Kapag nagustuhan ng mga customers irerecommend ko ito sa boss natin."

Biglang nanlamig ang mga kamay ko. "Sa b-boss po natin ma'am?"

"Oo. Si sir Claine, magkakilala kayo hindi ba?"

"A-Ahh. Opo ma'am." sagot ko at dinala na ang mga cupcakes. Ako na rin ang nagserve sa mga customers, tinulungan ako ni manager at inexplain sa kanila kung bakit iba ang sinerve naming cupcakes. Mukhang inalam rin nya kung nagustuhan ng mga customers ang ginawa ko. Ako naman ay hindi na sila hinintay at bumalik na ko sa pagseserve ng mga customers.

Bahala na si Batman.

~*~

Dumaan ang weekends ng hindi ko man lang namamalayan, hindi ako pinaattend ni Boris sa paggawa namin ng project. Siya na lang daw ang bahala kay Claine. At buong araw ko 'yun inisip kung nagkasundo ba sila sa paggawa ng project. 

Naglalakad ako sa may hallway papuntang room ng mapansin ko ang mga dinadaanan kong mga babae. Masasama ang mga tingin nila sa akin habang may kakaibang ngiti sa mga labi. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad at naramdaman ko namang sumusunod sila sa akin.

Kinilabutan ako at kinabahan dahil alam kong may gagawin silang hindi maganda sa akin. Napahinto ako sa paglalakad ng humarang sa akin ang hindi lalagpas sa sampung kababaihan.

Tumingin ako sa paligid ko... napahawak ako ng mahigpit sa bag ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Lahat sila ngayon ay nakapaligid na sa akin.

"A-Anong kailangan nyo sakin?" kinakabahang tanong ko.

Imbis na magsalita ay naglabas sila ng mga balloon, mga balloon na may lamang tubig. Ang iba naman ay may hawak na putik.

Parang natuod ako sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin. Ngumisi ang isa sa kanila at sinimulan na akong batuhin ng balloons. Bawat pagtama nun sakin ay sumasabog kaya nabasa ako. Napaupo ako sa flooring at pinangsangga ang aking mga braso.

"T-Tama na!" sigaw ko sa kanila. Pero hindi sila napatinag kaya nagpatuloy lang sila sa pagbato sakin ng mga balloons. Nabasa ako ng todo dahil sa dami ng balloons na binato nila sa akin.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng matigas at malagkit na bagay na ibinato sa akin. Nakakasigurado akong putik ang mga 'yun. May mga matitigas na putik kaya parang sinusuntok ako bawat bato nila.

"A-Ayoko na please! Tama na!" sigaw ko pero para silang mga bingi. Hindi pa rin sila tumigil. Wala na kong nagawa kung hindi ang umiyak na lang habang patuloy sila sa ginagawa nila.

Kelan ba sila titigil? 

"Please tama na! Wala akong ginagawa--" naputol ang sasabihin ko ng maramdaman kong may naglagay ng kung ano sa likod ko. Natigilan ako at bahagyang nag-angat ng tingin. Isang pares ng sapatos ang nasa harapan ko ngayon. Tumigil din ang pagbabato sakin ng balloons at putik.

Anong nangyayari?

"Stop this right now!" sigaw nya kaya tuluyan na kong nag-angat ng tingin. Kilala ko ang boses na 'yun.

"Boris." sambit ko ng kanyang pangalan. Nakatayo sya sa harap ko at masama ang tingin sa mga babaeng nambabato sakin. Napatingin ako sa coat na pinatong nya sa akin.

"What the hell are you doing!? Stop this right now or I will call the attention of our dean!" sigaw nya sa lahat at dahil dun ay nagkatinginan ang mga ito. Pinunasan ko ang mga aking mga luha at dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman ako ni Boris.

"That's enough girls." lahat kami ay napatingin sa paparating na si Veronica. Para syang model na naglalakad sa hallway. Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. Tinging nakakapanliit. "How wonderful. I love it girls!" tuwang tuwa nyang pahayag. 

"What the f*ck?!" galit na react ni Boris, napahawak ako sa kanyang braso upang pigilan sya.

"Oh! Playing superhero again Boris? Hahaha! I know one of these days magsasawa ka din just like what Claine did." 

"I'm not playing superhero here Veronica. How about you? Playing witch eh?"

"What!? How dare you call me witch!" 

"Again, she has nothing to do with Claine."

"She's my toy!"

"Your toy!?"

"Yeah. At gagawin ko sa kanya ang anumang naisin ko."

"That makes you evil!"

"I don't care!"

"V-Veronica... please. A-Ayoko na." pagmamakaawa ko.

"Wow. You're begging now huh."

"Wala naman akong ginawang masama sayo."

"I hate you! I just hate you!" 

"Pero bakit?" naguguluhang tanong ko. Hindi namin kilala ang isa't isa.

"Because you have him now!"

Nagkatinginan kami ni Boris. Pareho kaming naguguluhan.

"Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya na ang isang katulad mo lang ang--"

"Enough Veronica." nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagsulpot ni Claine. Naglalakad sya papunta sa amin habang nakapamulsa at walang mababakas na expression sa kanyang mukha.

Napakapit ako ng mahigpit kay Boris dahilan upang mapatingin sya sakin, nginitian nya ko ng bahagya na para bang sinasabi nyang okay lang ang lahat.

"Oh! How great! My ex boyfriend  is here!" sarkastikong pahayag ni Veronica.

"You're making a f*cking fuss Veronica." malamig na sabi nito kay Veronica.

"Oh hush! It's because of you!"

"We need to talk." at walang anu-ano ay hinatak nya sa braso si Veronica. Dumaan sila sa harapan namin hanggang sa makalayo sila.

"What was that?" usal ni Boris na hindi rin inaasahan ang nangyari. Sabay-sabay naman ng nagsialisan ang mga babaeng nambato sakin kanina na para bang walang nangyari. "Okay ka lang Zai?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Salamat Boris." 

"Wala 'yun. Basta ikaw." sabi nya sa akin ng nakangiti.

Napatingin ako sa dinaanan nila Claine. Nakucurious ako.

Ano kayang pag-uusapan nila? 

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...