HE'S INTO HER Season 1

بواسطة maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... المزيد

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER FIVE

4.5M 109K 40K
بواسطة maxinejiji


NAIH'S POV

HINDI KO naiwasang humanga sa ganda at laki ng BIS. Hindi ko iyon inaasahan. Mula sa labas hanggang makapasok ako sa loob ay hindi ko matigilang tingnan ang bawat parte ng school. Talagang prestihiyoso ang BIS, hindi ko iyon maitatanggi.

Gusto kong libutin ang buong BIS kaya naman maaga akong pumasok. Pero mukhang kukulangin ang buong araw ko dahil malaki ito masiyado kompara sa school na pinanggalingan namin ni Maxpein.

Nilibot ko ang quadrangle saka ako tiningala ang dalawang malalaking building sa kaliwa't kanan ko. Ang library ay nasa harapan ko at ang gymnasium naman ay nasa aking likuran.

Malaki ang library nila pero mas malaki ang gym ng SIS. Tatango-tango kong ipinagkompara sa isip ang mga iyon. Tumuloy ako para mamangha lang ulit dahil talagang napakalaki ng soccer field ng BIS. Mas malaki kompara sa SIS. Sa gawi ng field ay naro'n din ang bungad ng tertiary campus kung saan naro'n ang college students.

Pumihit ako pabalik sa secondary, namangha ako sa dalawa pang malalaking buildings sa likuran ng gym. May book store, mini mart at dalawang canteen ang BIS na may pinagkaiba rin sa SIS. Isa para sa primary, elementary students, at isang para sa secondary, high school students.

"Grabe, hindi ko akalaing ganito kalaki ang BIS. Nakakabilib! Mas malaki talaga 'to sa school namin." Nakapamaywang akong tumango-tango habang tinatanaw ang nagtataasang building na kulay krema. "Psh. Dito ka na mag-aaral ngayon, Zarnaih. Transferee ka, 'di ba?" pang-aasar ko sa sarili.

"What are you doing, miss?" anang tinig ng lalaki mula sa likuran ko.

Agad ko itong nilingon saka ako ngumiti. "Ah, bago kasi ako dito, nililibot ko lang. Pumasok talaga ako nang maaga para malibot ko 'tong campus..." dahan-dahan akong natigilan nang makitang nakauniporme na ito.

"I can see that," tipid ang ngiti niya. "But you're not allowed to talk here...alone."

Sandali akong natigilan bago sumama ang mukha ko. "Nang-aasar ka ba?" Nakakainsulto ang malakas niyang dating. May hitsura siya, gwapo kung tutuusin. Pero sa aura at tono ng pananalita niya ay maiinsulto ka. Para bang gano'n kaignorante ang dating ko sa kaniya.

Matunog ang pagngisi niya. "How was your tour, then?"

Psh. Inglisero talaga? Mataray akong bumuntong-hininga. "Ayos naman," humalukipkip ako. "Tinitingnan ko lang kung ano ang mas malaki. Iyong school namin dati, o itong BIS."

"Which one is bigger, then?" kahanga-hanga ang accent niya sa salitang iyon.

Tumaas ang gilid ng labi ko sa pasimpleng nagmura. "Obligado bang mag-Ingles dito?" sinubukan kong itago ang inis.

"Yes," seryoso niyang tugon.

Natigilan ako. "Talaga?"

Matagal siyang tumitig sa 'kin bago ngumisi nang nakakaloko. "We have different nationalities here. Only few understand Filipino language."

Ha! Sarkastiko akong tumitig sa kaniya saka namaywang. "Eh, sira ka pala, Pinoy ka, 'di ba? I-Ingles-in pa kita? Ikaw ang kausap ko at hindi sila."

Natawa siya. "Feel free to go back to your old school, then."

Tumaas ang kilay ko. "Feel free to get off my face, then," mataray kong sabi saka siya tinalikuran. Bwiset!

"Enjoy your trip," pahabol na sabi niya pero hindi na ako lumingon pa.

Nagpatuloy ako sa pagtu-tour at inalis ang masamang aura ng lalaking iyon sa sistema ko. Sumubok akong pasukin ang library pero sarado pa iyon dahil masiyado pang maaga. Tiningnan ko rin ang gymnasium, stadium at kung ano-ano pang may "um" sa dulo. Malaki talaga ang school nila at nakakaengganyong gumala. Pero sa tingin ko ay mas madaling mag-aral sa SIS dahil malapit ang bawat buildings sa isa't isa. Hindi gaya rito na parang ekta-ektarya ang kailangang lakarin bago makarating sa susunod na hall.

Maglalakad na sana ako papunta sa building nang malingunan ko ang limang lalaki sa entrada ng gymnasium. Pawang mga naka-jersery uniform ang tatlo sa kanila habang ang dalawa ay naka-school uniform. Inaninag ko ang lalaking nasa gitna, nasisiguro kong iyon 'yong lalaking antipatiko kanina. Magkakrus ang braso niya at nakangising nakatingin sa gawi ko. Umayos ako ng tayo at pinagtaasan siya ng kilay. Narinig ko ang maugong na pang-aasar no'ng apat sa kaniya dahil sa ikinilos ko. Ipinakita ko sa kanila ang pandidiri ko. Nakaramdam lang ako ng hiya nang hindi man lang alisin ng lalaking iyon ang tingin sa 'kin. Tatawa-tawa niyang tinanggap ang pang-aasar ng mga kasamahan habang nakatitig sa akin.

Ewan ko sa inyo, mga letse! 

Napapalunok akong nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso pa muna ako sa ground floor ng Segunda hall, naro'n kasi ang mga lockers. Kung nakapasok ako kahapon, o kung inuna kong puntahan ito, hindi siguro ako nahirapang hanapin ang locker ko.

Gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makitang out of order ang hagdan papuntang third floor nang umakyat ako. "Psh, second day of class pa lang, out of order na ang stairs? Funny."

"Hi?" anang pamilyar na tinig mula na naman sa likuran ko.

Hindi nga ako nagkamali, siya iyong lalaking Inglisero kanina. "Ano na naman?"

"Why are talking to that?" inginuso niya ang hagdan. Magkakrus ang braso niya at nakasandal sa pinto ng washroom.

"Eh, ano ba ang pakialam mo?" mataray na tugon ko.

"Lee!" Mula sa likuran ko ay may lumapit na lalaki sa isang 'to sa harapan ko.

Lee pala ang pangalan mo? Pang may lahi nga. Psh. Sayang at gwapo pa naman sana, masiyado lang alaskador!

"You're being friendly today, huh, 'dre?" anang bagong lapit saka bumaling sa 'kin. "Hi!"

"Hi," malamyang sagot ko.

Ngumisi ito. "Who is she?" baling niya sa kaibigan.

"Who cares?" sagot ni Lee saka tumingin sa 'kin. "There's another stairway at the end of the hallway." Isinenyas niya iyon.

"Hi, I'm Tob," ganadong-ganado sa pagpapakilala ang isa pang lalaki. "I'm Lee's best friend. And you are?"

"Who cares?" nakapamaywang na tugon ko saka sila tinalikuran. Psh! Mukhang hindi ko na kailangang magtaka kung bakit gano'n ang reaksyon ni Max kagabi.

Sinunod ko ang sinabi ni Lee, sa kabilang stairway ako dumaan. Wala pa si Max nang makarating ako sa room kaya naman mag-isa kong hinarap ang nakakasuyang tingin ng mga kaklase ko. Kung tumingin sila ay para bang wala akong karapatang umupo sa isa sa mga silya.

"You were not here yesterday," lumapit ang isang estudyante sa 'kin. "Bakit ngayon ka lang?" sa tinig pa lang ay nasisiguro ko nang bading siya.

"Tinatamad akong pumasok kahapon," nakangiwing sagot ko. "Hindi maganda ang takbo ng tiyan ko."

Ngumiwi rin siya. "I'm Buenvenito Jose," inilahad niya ang kamay. "You can call me BJ. I'm the class president."

"Naih." Nagkamay kami.

"From now on ay hindi na pwede ang tinatamad ka. You need to be active and participative. It's for your own good," nakangiting aniya. Tumango na lang ako.

Chemistry ang unang klase. Kararating lang ng lecturer nang kumatok sa pinto si Max. "Sorry for being late, miss." Hindi makita sa mukha niya kung sinsero ba sa sinabi.

"Come in," may kasamaan ang tingin ng lecturer sa kaniya. Agad ko siyang sinalubong ng ngiti. Nag-apir kami nang maupo siya sa tabi ko. "Are you familiar with each other?"

"Yes, miss!" nakangiting sagot ko.

"You're both transferees from SIS, then?"

"Yes, miss!"

"I see. So I'll be expecting from you two."

"Yes, miss!" bigla akong ginanahan. At sa isip ko ay hinihiling kong sana lahat ng lecturer namin ay kasimbait ng isang 'to ngayon sa harapan.

"Stand up." Bigla ay naging mataray ang tinig ng lecturer.

Hindi ko nagawang sumagot agad. Napapahiya akong nakipagtitigan sa lecturer bago nilingon ang mga kaklase kong masama na ang tingin sa 'kin. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang masama sa ginawa ko.

"You kept on saying yes," patuloy ng lecturer. "Let me see if you know something about Chemistry. And you," itinuro niya si Max na walang interes namang nag-angat ng tingin sa kaniya. "The next time you come late, drop out." Kung gano'n ay nagkamali ako. Mukhang talagang mataray ang lecturer na iyon at pinaasa lang ako na hindi. "Chemistry deals with what?" baling muli nito sa 'kin.

Napapahiya akong tumayo saka sumagot. "Chemisty deals with the structure of substances and of the way that they react with other substances, miss."

Tumaas ang kilay ng lecturer. "What is Element?"

"Ako po ulit?" nagugulat na tanong ko.

"Did I call anyone aside from you?"

""Substances that are composed of atoms of identical atomic number and that can be broken down by chemical means into any other substance, miss."

"Good." Hindi halatang kontento sa isinagot ko ang lecturer. "Did everybody understand that?" tumingin siya sa buong klase. "Now, give me two elements and its actions," bumaling ulit siya sa 'kin

"Ako pa rin po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nakataas ang kilay ng lecturer nang tumango. "Ang dami naman," pabulong na reklamo ko saka nilingon si Max. "Siguro ay pinag-recite ka rin kahapon,' no?" Binigyan niya lang ako ng malamyang tingin saka tumitig sa harapan.

"What? Answer me," nagtaas ng tinig ang lecturer na gumulat sa 'kin. "Bulong ka nang bulong diyan sa katabi mo, may maibibigay ba na sagot sa iyo iyan?"

Tumaas ang kilay ko. "K, miss."

"What?" kunot-noong tugon ng lecturer. "K, what?"

"K for Potassium," diniinan ko ang unang apat na letra ng huling salita. "It is a mineral element, the main base ion of intracellular fluid. And Mg for Magnesium. It is a metallic element that is necessary for the proper functioning of muscle and nervous tissues." Gusto kong mag-bow dahil makikita ang paghanga sa mata ng lecturer maging ng ibang estudyante.

"You may sit down." Bumuntong-hininga ang lecturer. "Sa susunod na may maingay, madaldal at ma-late sa klase ko ay tatanungin ko nang sunod-sunod gaya ng ginawa ko ngayon. Malinaw?" Agad na tumugon ang klase.

"Wow, Naih, ang galing mo naman!" Lumingon si BJ para purihin ako. "Max, ang galing ng friend mo," baling niya rito na hindi man lang siya tiningnan.

"Michiko," bumaling ang lecturer sa isa pang estudyante. "The symbol Pb stands for what element?"

"Pb," nag-aalangang tumayo ang estudyante. "Potassium, miss?" garalgal ang tinig niya.

"Nakikinig ka ba?" mataray na anang lecturer. "Hindi mo ba narinig ang kaklase mo kanina?"

"Sorry, miss, I'm not prepared." Nagbaba ng tingin si Michiko.

"What is Chalcosis?"

"I don't have any idea, miss, sorry."

"Seriously, Michiko, nagbabasa ka ba?" galit na talaga ang lecturer. "Okay, for the score of 30 points, what is Atom? If you cannot answer that question correctly, leave my class."

Gusto kong maawa kay Michiko. Hindi ko pa kasi naranasang mapahiya nang ganito sa klase. Madalas ay may naisasagot ako. Kung wala naman ay hindi ako ipinapahiya ng guro dahil madalang iyong mangyari. Pero kahit naiintindihan ko siya, para sa'kin ay siya pa rin ang mali. Responsibilidad kasi ng bawat estudyante na mag-aral nang mabuti.

"Atom is the smallest particle, miss," tila nakakita ng pag-asa si Michiko.

Nakangiwing umiling ang lecturer. "And matter?"

"Anything that occupy space, miss."

"Sit down," ipinatong ng lecturer ang parehong kamay sa mesa. "That's it? Diyan kayo magaling. You are junior students at ang natatandaan ninyo lang ay mga keywords ng meanings? Do you think it's helpful?"

Tahimik ang lahat nang may isang sumagot ng, "Yes." Nakapanlulumo lang na si Max iyon. Sa tono niya ay para bang kailangan pang magpasalamat ng lecturer dahil may sumagot.

"Shut up," pasimpleng bulong ko.

"It is helpful, somehow. At least the keywords help them distinguish the difference of the two elements, since tinatanong 'yan parati nang magkasunod. And besides, her answers may not be broad but she's correct." Sinabi iyon ni Max sa tono na para bang tinatamad pa.

"Stand up," hamon ng lecturer. "Same questions with Michiko. What does—"

"Pb symbolizes Lead," matamlay na tumayo si Max, hindi na pinatapos ang sinasabi ng lecturer. "It's a metallic element that forms several poisonous compound while Chalcosis is the deposition of copper in the tissues of the eye. Atom is the smallest amount of a substance that can take part in a chemical reaction while matter is the physical part of the universe consisting of solids, liquids and gases, miss." Idiniin niya ang huling salita saka tamad na naupo.

Mabilis akong tumayo at pumalakpak. "Bravo!" Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Very good," mahihimigan ang pagkapahiya sa tinig ng lecturer. "We will be having our first graded recitation tomorrow, study everything. Dismiss."

"'Uy, friends!" biglang lumapit si BJ, nagbibiro. "Ang gagaling ninyo naman!"

"Sali na 'yan sa quiz bee!" anang isa pang bading na kalalapit lang din. "Ako nga pala si Migz, diyosa ng BIS."

"Ako si Naih, siya naman si Max," nakangiting pakilala ko.

"'Oy, Michiko, 'wag ka nang mag-emo diyan, halika na dito," anyaya ni Migz dito saka ipinakilala sa amin.

"Max, thank you kanina, ah?" ani Michiko. Noon ko lang nalaman na magkakilala pala sila ng kaibigan ko. Tumingin at tumango lang si Max.

"Ang sungit mo, 'te," biro ni Migz.

"Ganiyan lang 'yan pero the best 'yan," pagmamalaki ko.

Hindi ko inaasahang ganoon ang magiging unang araw ng school year ko. Napapangiti kong naalala ang nangyari mula nang pumasok ako hanggang sa instant recitation na nangyari. Masarap sa pakiramdam.


واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
113K 1.7K 10
Si Kimielro Klent Wendra ay ng galing sa angkan ng mayamang pamilya. Umuwi sya Pilipinas para dumalo sa kasal ng kanyang pinsan pero sa di inaasahang...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...