I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 8

184 2 2
By decemberbabyy

Sa mga may twitter diyan, follow niyo 'ko :)))) (ViarBucad) Thanks!

-------------------------------------------------------------

KARA'S POV

Hayyyy! Nakakainis talaga 'to si Jeffrey kahit kailan!

"Hoy, Kara! Hintay!"

Bahala ka sa buhay mo. Nagmadali akong maglakad papuntang...

Teka, saan nga ba kami papunta?

Ah, bahala na nga lang! Lakad lang, Kara. Lakad lang.

"Kara, watch out!!!!"

Huh? 

"OMG. Yung babae!"

"Tabi kayo!"

"Miss, tabi!"

Huh? Ano bang pinagsasabi ng mga---

Bigla ko nalang naramdaman na may humila sa 'kin ng pagkalakas-lakas...

at bigla nalang akong niyakap.

Parang biglang nag slow motion yung paligid ko.

"Kara, are you okay?"

Napatingin ako sa nagsalita, si Jeffrey.

Hinihingal pa siya habang nakayakap pa rin siya sa 'kin.

Punung-puno ng pag-aalala yung boses niya. 

O baka naman nag-a-assume na naman ako?

Tumango nalang ako.

"Hindi ka ba nasaktan?"

"H-hindi. Okay lang ako, Jeffrey."

Bakit ba ako bigla nauutal? Siguro kasi nabo-bother ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

Sabay kaming napakalas sa yakap tapos biglang...

A-W-K-W-A-R-D.

Bigla nalang siyang nagkamot ng ulo.

"Aish! Bakit ka naman kasi nagmamadali, ha?! Muntik ka na tuloy masagasaan nung cart! Tatanga-tanga din yung employee e. Bigla ba namang binitawan yung cart?!" [Nai-imagine niyo ba? Hindi yung walkalator a. 'Di ko alam kung anong tawag dun e basta yung ginagamit para daanan ng shopping carts na kapag binitawan mo yung cart, babagsak talaga siya. Try niyo nalang XD]

Tingnan mo nga naman 'to. Pagalitan ba naman ako?

"Aish! Mabuti nalang talaga hindi ka nasaktan! Ang clumsy mo talaga, Kara!"

"Sus. Ang sabihin mo, concern ka lang sa 'kin."

"Ano?"

"Wala! Sabi ko tara na!"

Nauna na naman akong maglakad pero bigla nalang akong napahinto kasi hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

"Jeff, saan pala tayo pupunta?"

Tumawa lang siya at naunang maglakad.

"Hoy, hintayin mo naman ako! Hoy!"

-

Finally! Andito na kami sa cinema. Sus. Manonood lang pala ng movie. Anong klaseng movie naman kaya 'to?

"The Reunion! 'Yun nalang panuorin natin! Ang gwapo ni Xian, tsaka ni Enchong, tsaka ni Enrique, tsaka ni---"

"Aish! Ang ingay mo!" sigaw niya sa 'kin sabay balik ng tingin kay ate na... nagpapacute? "Bourne Legacy, Miss. Dalawa."

"Dalawa po, Sir?"

"Yes, please."

Ay hindi, ate! Dalawa nga dba? Paulit-ulit?

"Here's your ticket, Sir. Enjoy your movie."

"Thanks." *wink*"

Bigla ko siyang hinampas nung nakalayo na kami. 

"Aw! Ano ba! Kanina ka pa a?!

 

 

"Ang chickboy mo talaga!"

 

 

"E sinasabayan ko lang naman si ate a. Bakit," sabay lapit ng mukha niya "Selos ka?"

 

"Hindi noh! Ew! Bakit naman ako magseselos?! Nakakadiri lang kase!"

 

 

Nag smirk lang siya.

Hindi ako nagseselos noh! Talagang nakakabadtrip lang yung ganon! May pa wink-wink pa? Chooos!

Bumili na siya popcorn. Isang box at isang coke lang yung binili niya! E nasan yung sa 'kin?!

Hinila niya ako papasok ng sinehan. Pwede naman akong utusan na sumunod sa paglalakad niya diba? Bakit kailangang hinihila pa ako? Hindi naman ako tatakas!

Pagpasok namin, siya yung namili ng uupuan namin na parang may hinahanap? Ayun, dun kami naupo sa taas.

Hay! Mas maganda sana kung yung The Reunion nalang yung pinanood namin e! Nagugutom tuloy ako.

 

"Hoy, pengeng popcorn."

 

 

"Bakit? Ikaw ba bumili nito?" sagot niya habang nakatingin lang sa screen.

"Sungit!"

 

Umayos nalang ako ng upo. Hay!

"Jeff?"

 

Bigla nalang may nagsalita sa tabi ko.

Teka, si Bianca ba 'to?!

What a coincidence!

  

"Hi." Cold na sagot ni Jeffrey. 

Bakit parang hindi man lang siya nagulat na andito si Bianca? Don't tell me, plinano niya 'to? Talagang nasundan niya si Bianca ha.

"What are you doing here?" tanong ni Bianca.

Yung boses niya, parang natuwa pa talaga siya na nakita niya si Jeffrey. Hello? Andyan boyfriend mo oh? 

Nag shrug lang si Jeffrey. Aysus! Pakipot naman 'tong si Jeffrey! Para namang walang plano 'tong makuha ulit si Bianca!

"And, wait... Kara, right?"

Tumango lang ako sabay ngiti.

"Bakit kayo magkasama? Don't tell me..."

Nagulat nalang ako nang bigla akong akbayan ni Jeffrey. "Yeah. She's my girlfriend."

Napatingin ako sa kamay niya na nakaakbay sa 'kin at napatingin din ako sa kanya.

"Right, wifey?" habang pinanlalakihan niya ako ng mata.

Errrr, kadiri. Wifey. Hay. Magsisimula na ang show namin.

Day # 1 as Fake Couples.

"Uhm. Yes." sabi ko kay Bianca sabay ngiti.

Parang bigla namang nawala yung ngiti ni Bianca. Na-disappoint? Chos! E may gusto pa din pala 'to kay Jeffrey e!

"Ah. I see. Nga pala, si Jake. Boyfriend ko."

"Hi!" bati ko. Nag-hi back din siya habang si Jeffrey, kumindat lang.

Familiar yung Jake. Kung hindi ako nagkakamali, basketball player yan sa university namin.

Talagang pinag-planuhan na lahat ni Jeffrey 'to ha? Desidido talaga siyang maibalik sa kanya si Bianca.

Pagkatapos, nagpatuloy na kami sa panonood.

*YAWN*

Inaantok na ako. Ang boring ng pinapanood namin e. Pasensya na pero hindi ako mahilig sa ganito!

*YAWN*

 

 

*YAWN*

JEFFREY'S POV

"Hoy, ba't ka inaantok?"

"Eh ang boring nitong pinanood natin eh!" sabay kalmot niya sa buhok niya.

Ngumiti lang ako pero hindi niya nakita.

Alam kong hindi siya mahilig sa ganito. Puro love stories lang kasi ang pinapanood nito. Ang corny ng taste nito!

E nandito sina Bianca e. Kasama yun sa plano ko, dba?

*YAWN*

 

 

*YAWN*

 

Napansin kong pumipikit na si Kara. Mamaya, babagsak na 'to.

Napansin kong nakatingin sa 'min si Bianca kaya iginaya ko kaagad ang ulo niya pasandal sa balikat ko. 

Nakita kong biglang nag-iwas ng tingin si Bianca.

Yes! Nagseselos na yun. Alam ko.

KARA'S POV

 

Inat dito. Inat diyan.

*YAWN*

 

Nakatulog pala ako.

"Ang himbing ng tulog mo a..." sabi ni Jeffrey habang nakatingin lang sa pinapanood.

"Ah. Eh."

 

Pahiya # 4. 

Sa balikat niya pa 'ko nakatulog.

"A-anong nangyari?" tinutukoy ko yong pinapanood namin. I'm trying to change the topic.

"Patulog-tulog ka dyan tapos tatanungin mo 'ko ngayon kung anong nangyari. Panuorin mo nalang ulit." Cold niyang sabi habang ngumunguya ng popcorn.

Hindi pa ubos yung popcorn niya?!

"Hmpf! Ewan ko sa'yo!"

Umayos nalang ako ng upo. Kahit kailan talaga 'tong si Jeffrey!

Nagulat ako nang bigla niya ulit akong inakbayan.

Lumingon ako sa kanya at bingyan ko siya anong-trip-mo look. Ngumuso lang siya sa tabi at paglingon ko, nakatingin pala sa 'min si Bianca. Lalong humigpit ang hawak niya.

at... at...

Bigla niya akong niyakap!

Nahulog tuloy ang popcorn! 

Ano ba 'tong palabas na 'to! Hindi makahinga ang puso ko este hindi ako makahinga! Ang higpit ng yakap niya!

At ang bango-bango niya pa.

Nakaka-in love...

"H-hoy, bitawan mo na ako. Pwede?" bulong ko sa kanya.

Bakit ako nauutal? Isipin niya pa, apektado ako sa yakap niya.

"Wag na kasi tayong mag LQ, wifey."

Eeeerrrr!

Kumalas na din siya pero nakaakbay pa din sa 'kin.

Buong movie, nakaakbay lang siya sa 'kin.

Nako, sana naman 'wag matagalan 'tong palabas na 'to.

--

"Jeffrey, saan ba tayo pupunta?"

"Basta. Malapit na tayo."

Kanina pa siya nagsasabing malapit na kami! Saan ba naman kasi kami pupunta?!

"Dito na tayo."

Andito kami sa harap ng isang mansion. 

"Anong gagawin natin di----"

"Oh." sabay abot niya ng flowers.

"Ayoko niyan." sabay balik ng flowers. Hindi naman white yun e.

*PLAK*

"Aray! Ano ba!" 

Bigla ba naman niyang tinapik ang noo ko!

"Sabing 'di para sa'yo yan. Para kay Bianca yan."

"Oh, sabi ko nga e."

Pahiya # 5. 

Walang katapusang pahiyaan ba 'to?!

"Mag doorbell ka lang dun tapos iabot mo yan. 'Wag mong sabihin na sa 'kin galing ha."

Aish. Inutusan pa 'ko.

Bumaba na 'ko ng sasakyan at nagdoorbell.

"Sino po sila?"

"Manang, para kay Bianca po."

"Kanino galing?"

"Hindi daw po pwedeng sabihin e." 

*peep peep*

Napatingin ako sa sasakyan ni Jeffrey at nakita ko siyang kumakaway at may tinuturo. May paparating na sasakyan! Baka si Bianca na yun!

"Sige, Manang!"

Tumakbo ako pasakay at bigla nalang... wooosh! Nakalabas na kami ng village nila. 

----------------------------------------------

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

177K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
33.8K 1.6K 28
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24