MAX'S POV
"ARE YOU okay, miss?" anang tinig ng lalaki habang nananatili akong nakapikit. "I'm so sorry. 'Eto ang panyo, oh," sinserong aniya. Marahan niya akong hinawakan sa kamay upang iipit doon ang panyo.
Nakatalikod na siya nang magmulat ako. Buntong-hininga kong inipon ang spagetti noodles pabalik sa styro na kinalalagyan nito. Saka ako humakbang papalapit at ibinato iyon kay Siopao.
Sapul.
Awtomatiko siyang huminto sa paglalakad, naestatwa pa bago marahang humarap sa 'kin. Nanlalaki ang singkit niyang mga mata. Namumula ang mukha niyang pisngi. Wala akong ginawa kundi ang ngumisi.
Tss. Siopao.
Lalapit na sana siya nang pigilan siya ng kaibigan. "Enough, Deib Lohr! Just let it go, please!"
Nanlalaki ang mga mata niyang nilingon ang kaibigan. "Let it go? Look what Taguro did to me, Lee! 'Tapos let it go? Are you out of your mind?" dere-deretsong ani Siopao habang nakaturo pa sa 'kin.
Kumunot ang noo ko. Taguro? Tss.
"You're the one who started it, 'dre," sabi naman ng isa pa nilang kaibigan, iyong malakas tumawa.
"Oh, great!" Ipinagpag ni Siopao ang mga kamay sa ere saka namulsa. "'Wag niyo sabihing kakampihan niyo 'yan?" muli niya akong dinuro.
"Mukha ba kaming may kinakampihan? Stop it, 'dre, dahil babae 'yan. At marami ang nakakakita. Psh!"
Mayabang ang pagkakamaang ni Siopao habang nakatingin sa kaibigan. Nakita ko pa siyang pumikit at huminga nang malalim bago ako sinamaan ng tingin. "Fine! I'll let you pass this time," dinuro niya uli ako. "Let's call it quits," mayabang pang aniya. "But I won't let you pass the next time I see your face," nagbabanta ang tinig niya. Tinapunan niya nang masamang tingin ang mga kaibigan saka padabog na naglakad paalis. Nilingon din ako ng mga kaibigan niya bago tuluyang sumunod sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lang uli ako. Doon ko na lang din uli narinig ang bulungan at ilang bungisngisan. Pakiramdam ko ay sandaling nawala ang mga tao sa paligid dahil sa sobrang pagpipigil ko ng galit.
"Max!" nagmadaling lumapit si Michiko sa 'kin. Naglabas siya ng tissue at pinunasan ang mukha ko. "Loko talaga 'yon si Deib Lohr! Tsk. Grabe, ang dumi-dumi mo na," nag-aalalang aniya.
"Baliw ba 'yon?" kunot-noong tanong ko. "Nakakadalawa na siya, ah." Kinuwento ko sa kaniya kung paano kong nakaharap sa unang pagkakataon ang tatlong magkakaibigan na 'yon.
"What?" nahinto si Michiko sa ginagawa. "My god! Loko-loko talaga 'yon. Siya ang pinakasikat na bully sa campus na 'to. Tara sa washroom, Max, linisin natin 'yang dumi sa mukha at damit mo."
Nang patirin ako ni Siopao kaninang umaga ay puti ang suot kong shirt. May baon akong itim na shirt kaya nakapagpalit ako. Mabuti na lang at itim hindi makikita ang dumi bagaman aalingasaw ang amoy ng spaghetti sauce.
Hanggang sa washroom ay may mga estudyanteng sumusulyap pa talaga sa 'kin bago ako pagtawanan. May mga nakikipagbulungan sa kaibigan habang nakatingin sa 'kin. Napapailing na lang ako sa ugali ng mga estudyante. Laking pasalamat ko at iba si Michiko.
"Alam mo ba na marami nang nag-drop out dahil kay Deib Lohr? Pati kasi babae ay pinapatulan niya. Masiyado siyang bully," kunot-noong kwento ni Michiko, abala sa pag-aasikaso sa 'kin.
"Bakit walang nagrereklamo?"
"Marami!" Huminto siya sa ginagawa para sagutin ako. "Kaso ay walang nangyayari dahil great grandson siya ng may ari ng BIS. Lolo rin niya ang nakaupong dean."
"Kinukunsinti nila?" kunot-noong tanong ko.
"Hindi, 'no! Actually, wala lang talagang makapagbigay ng proof na bully siya. Kasi marami siyang kakamping students kompara sa mga binu-bully niya. Ewan ko ba ro'n. Mabait naman siya sa karamihan pero may mga piling students talaga siyang binu-bully. Every year, 'yan. At ikaw yata ngayong year."
Ngumiwi akong tumango. "Ah," iyon lang ang naisagot ko. Huminto siya at nag-angat ng tingin sa 'kin. "What?"
"Ganiyan ka ba talaga?"
"Anong ganiyan?"
"No offense but I've noticed na hindi kita expressive? Walang reaksyon ang mukha mo," naipit niya ang parehong labi matapos 'yong sabihin. "Binu-bully ka na kanina pero wala man lang nagbabago sa reaksyon mo. Kung iba 'yon ay galit na panigurado. But you, you look so calm. Ang weird lang."
Napangiti ako. "Hindi ko mabago, eh, ganito talaga ako."
"Pansin ko nga." Natawa kaming pareho. "Oh, 'ayan, you look better na," nakangiting aniya na iniharap pa ako sa salamin. "Mabilis na lunch na lang ang gawin natin. Sagot ko na lang muna habang wala ka pang card."
Maugong pa rin ang bulungan at tawanan nang makabalik kami sa canteen. Gusto kong pagtaasan ng kilay ang bawat isa sa mga naro'n. Kung magsipagsalita ang mga ito ay para bang ako pa ang may mali. Mali man ako, iyon ay dahil hindi ko pa nakukuha ang student's card wallet ko bagaman ready na iyon. Pero ang ginawa ni Siopao ay nasisiguro kong hindi ko na kamalian.
"Don't mind them," nakangiting ani Michiko habang kumakain. "Gusto lang ng mga iyan na mapansin ni Deib." Napapailing akong ngumisi saka nagtuloy sa pagkain.
Nagmadali kaming kumain ni Michiko. Gaya nang sinabi niya ay hindi ko na lang pinansin ang mga nagbubulungan sa paligid ko. Kahit bale-wala naman talaga sa 'kin 'yon, nagpapasalamat pa nga ako sa effort nila.
"Dito tayo dumaan, Max," ani Michiko.
"Mas malapit dito, 'di ba?" Itinuro ko ang kanang gawi ng building.
May stairs sa kaliwa't kanang bahagi ng building. Iyong kaliwa at siyang malayo ang itinuturo niya.
"Iwasan na lang nating dumaan diyan. Dahil madadaanan natin ang room nina Deib Lohr bago makarating sa floor natin," nakasimangot na sabi niya.
"Eh, ano naman?"
"Baka kasi i-bully ka niya ulit."
Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na kumibo pa. Sumabay na lang ako sa kaniya.
DEIB'S POV
"Ang lakas ng loob niyang gumanti sa kin. Palibhasa ay bago siya kaya hindi niya ako kilala." Hindi matapos ang pag-aalboroto ko, umabot 'yon hanggang banyo. Naghilamos ako at nagsepilyo.
"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon, Deib?" inis na tanong ni Lee. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Akala ko ba ay pass ka muna sa ganiyan dahil graduating tayo?"
"Oo nga naman, Deib?" dagdag naman ni Tob. "Basta labas ako diyan, ah? Dahil kay Michiko, magpapaka-good boy ako! Hehehe!"
"Why did you do that?" Lee is damn serious.
Kunot-noo akong ngumuso. "Tiningnan niya kasi ako nang masama kanina sa hallway. Hindi ko 'yon nagustuhan kaya...pinatid ko siya."
"What?" sabay nilang tanong.
"Ginawa mo 'yon nang dahil lang do'n?" ani Lee.
"Para 'yon lang?" angil ni Tob.
Sumama ang mukha ko. "Anong para 'yon lang? 'Yong tingin niya sa 'kin ay para bang may nagawa akong masama sa kaniya! Tch! Look, wala siyang karapatang tingnan ang isang Deib Lohr Enrile nang gano'n, 'dre," mayabang kong sabi.
"You're crazy!" singhal ni Lee, gulat akong napaiwas. "Pinatulan mo 'yong gano'ng tingin? Eh, paano kung gano'n lang talaga siyang tumingin?"
"Why are you asking me? Ask her. Tch. Saka bakit ba nagagalit kayo? Nangyari na 'yon, okay? Mga OA."
"Tigilan mo na 'yan, Deib. I'm serious."
"Tch. Then tell her to go to hell! Titigilan ko siya," ngumisi ako.
"You're being childish."
"And you're hilarious, Lee!" pasinghal kong sabi. "May paabot-abot ka pa ng panyo, ah? Trip mo ba 'yon?"
"Oo nga, 'no? 'Naaay!" tumawa nang malakas si Tob.
"Stupid," asik ni Lee. "Naawa lang ako sa kaniya, okay? Besides, hindi na ito ang unang beses na naawa ako sa mga target mo." Madalas niya ngang ginagawa iyon.
"But this one's different! Ulul! Kung type mo si Taguro hindi na kita kilala!"
You can call it gay but I really didn't like her stare. It's as if she can make me disappear just as that! People in general normally don't like anyone staring at them. Eye contact is different.
Iyong ginawang pagtingin ni Taguro sa 'kin kanina ay kakaiba. Hindi ako komportable sa tingin niya. Ang angas ng dating!
Kahit siguro ibang tao ay hindi rin magugustohan. Creep! Tch.
Pagkatapos kong linisin ang sarili ko ay nagyaya si Tob na bumili na lang ng sandwich. Habang kumakain sa classroom at naghihintay sa lecturer ay itinuon ko ang pansin sa hallway. May kung ano sa 'kin na naghihintay, inaalam kung maglalakas-loob pa si Taguro na dumaan sa room namin.
"Ikaw yata may gusto kay Taguro, eh?" halos isubsob ni Tob ang mukha para bumulong sa 'kin.
"What?" angil ko.
"Kanina ka pa nakatingin sa labas, eh," aniya na nilingon ang hallway. "Are you waiting for someone, 'dre?"
"Baka si Michiko ang inaabangan, Tob," sabat ni Lee. Natawa kaming pareho.
"Ay, 'wag gano'n, 'dre." Sumeryoso si Tob. "Corny nang joke 'yon."
"Tch," tiningnan ko ang sandwich. "Tinitingnan ko lang kung gaano kalakas ang loob ng Taguro na 'yon."
"You like her, I knew it!" banat ni Tob.
"Ulul!" singhal ko.
"Ano naman kung dumaan siya o hindi?" tanong ni Lee.
"Kapag hindi na dumaan, ceasefire. Kapag dumaan, guild war." Ngumisi ako.
"What a waste of time," umiiling na ani Lee.
"Baka ma-in love ka kay Taguro niyan, 'dre?" nakangising ani Tob.
"Baka tadyakan kita diyan, 'dre?" asar na sagot ko.
Bigla kong naalala ang malaking shirt at maluwang na jeans ni Taguro. Ang sagwa. Ang itim na sapatos niya lang ang may dating da kaniya. Buhaghag ang buhok niya kahit nakatali.
Ma-in love? Sa hitsura no'n? Tch. May height nga, chubby naman. Mahaba nga ang buhok, kulot at naka-pony naman. At isa pa ay hindi talaga siya maganda, at mukhang tomboy pa. Tch. Maipagpapalit ko ba naman si Kim?
Pumasok sa isip ko si Kim, ang maganda niyang mukha at mabangong amoy. Gumanda bigla ang mood ko. Eksakto namang dumating ang lecturer, nilingon ko ang hallway at wala talagang dumaan na Taguro. Sabihin na lang natin na pinagbigyan ko ang mga kaibigan ko. Titigilan ko na si Taguro.
"MUKHANG hinihintay mo talaga, ah?" pang-aasar ni Tob nang makarating kami sa parking lot matapos ang klase.
Ngumisi ako. "Madali naman palang kausap 'yon."
"Pero hinihintay mo ngang dumaan kanina?"
"Isang asar mo pa, tatablahin na kita." Dinuro ko siya.
"Tama na 'yan, tara na," seryosong ani Lee.
"Tch. Dapat ay ikaw ang itinutukso kay Taguro, kasi wala kang lovelife," pang-aasar ko. Nagtawanan kami.
Matapos makipagpaalaman kay Lee ay nauna na kaming umalis ni Tob. Pagod akong nagmaneho pauwi para lang salubungin ang mataray na bibig ng kapatid kong babae.
"Ang balita ko ay may pinag-trip-an ka na naman?" bungad niya.
"Pero hindi ako ang nauna," tamad kong sagot.
"Really?"
"Oh, come on, Noona. I'm tired."
"Ako ba ay hindi?" Nakapamewang siyang tumayo sa harap ko. "Grow up, Deib Lohr, god! Kapag ikaw ay nakahanap ng ka-match mo, ewan ko lang kung saan ka pupulutin. I'm telling you, hindi kita pakikialaman."
"Then don't. Tch." Inis akong nag-iwas ng tingin.
"Imbes na maging modelo ka sa mga schoolmates mo, ikaw pa ang nagsisimula ng gulo. You're not a kid anymore, Deib Lohr, so please. My god!"
"Oh, will you just shut up, Noona?" seryoso na talagang sabi ko.
Inirapan niya ako. "May cake diyan, kumain ka na!" saka siya naupo sa harap ng laptop.
"Tch, ang dami masiyadong sinasabi," iritableng bulong ko.
Sandali akong nagpahinga. Umakyat ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Matapos no'n ay muli akong bumaba at dumeretso sa kitchen para kumuha ng cake. Sa sala ako nanood ng TV. Pero hindi pa man ako nakakasubo ay bumanat na naman si Noona.
"Mom is asking me kung nakausap na raw ba kita sa course na kukunin mo next school year. College ka na." Nagsulyapan lang kami. "Ang sabi ko ay wala ka pang nababanggit sa 'kin."
"Good." Tutok ako sa telebisyon.
"Wala ka pa rin bang plan? By this time of the year dapat decided ka na! Next year baka kung ano lang pumasok sa isip mo, 'yon ang kunin mo?"
"I already talked to mom and dad about that, Dein Leigh," napapabuntong-hiningang sagot ko. "You should refrain from eating sweets and overcome your sugar addiction, Noona. You're hyped."
"At ikaw naman ay masiyadong mainitin ang ulo! Try mong maligo baka mabawasan!"
"Tch! Aakyat na ako, mag-aaral pa ako," inis na sagot ko at saka binitbit ang bag at cake ko paakyat.
Close kaming magkapatid. Nag-aaway lang talaga kami kapag pinaiiral niya ang pagiging ate niya. Sa gano'n ko nararamdaman na sa 'ming dalawa ay siya ang may awtoridad. Ayaw ko no'n, kahit pa pagiging isip-bata ang gano'n.