PLAGIARISM is the "wrongful appropriation" and "purloining and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions," and the representation of them as one's own original work. The idea remains problematic with unclear definitions and unclear rules. Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics. It is subject to sanctions like expulsion.
Plagiarism is not a crime per se but in academia and industry it is a serious ethical offense and cases of plagiarism can constitute copyright infringement.
©He's into Her. All Rights Reserved September 2013. ©maxinejiji.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DEIB LOHR'S POV
"HELLO?" Kararating ko lang sa parking lot nang mag-ring ang cellphone ko.
"Where are you? You're late," anang best friend kong si Tob.
"Are you that excited to see me? Pasalubong ko?"
"Get your fat ass over here now, 'dre!" then he hung up.
Palibhasa'y sikat, mabilis kong naagaw ang atensyon ng mga estudyante nang maglakad ako papasok. Ang karamihan sa mga babae ay nagsipagtakbuhan pa papalapit sa gawi ng daraanan ko. Nakasanayan ko na ang mga bulungan at impit nilang kilig sa t'wing makikita akong daraan. Kaya naman gano'n na lang kadali para sa 'king bale-walain sila.
"Grabe, mas gwapo siya ngayon!" dinig ko pang sabi ng isa.
"Sinabi mo pa, bagay na bagay talaga sa kaniya ang uniform natin."
"Lahat naman ay bumabagay sa kanila."
Hindi ba nila naiisip na dumaraan ako at naririnig ko ang sinasabi nila? Tch. Napabuntong-hininga na lang ako saka nagpatuloy. Ngunit nahinto ako nang may maglakas-loob na humarang sa mismong daraanan ko.
"Hi, D-Deib..." nakatungong bati niya. Napangiti ako. Sanay na ako sa pagiging utal niya sa t'wing kaharap o kakausapin ako. Hinawakan at ginulo ko ang buhok niya na siyang naging dahilan para umalma ang mga babaeng nakakita.
"Oh, my god! Did you see that, girls? Pinansin niya si..." Hindi ko na hinintay pang matapos ang bulungan nila. Nagtuloy na ako sa pag-akyat.
"Naks, new haircut," mukha ng best friend kong si Tob ang bumungad sa 'kin pagkarating ko sa floor. "'Yan ba ang uso sa Japan?"
Hinawakan niya naman ako sa balikat at sinuri ang kabuuan ko. "Psh, wala man lang bago sa 'yo?"
"Mahirap baguhin ang pagiging gwapo, Tob," nakangising sabi ko. "Where's Lee?"
"As usual, nasa washroom," natatawang sabi niya.
Napailing na lang ako. Nangunot ang noo ko nang malingunan ang mga kaklase kong nakapila sa labas ng classroom. "First day of class tapos late ang key holder?" reklamo ko.
"Hi, Deib?" Walang alinlangang lumapit at bumati sa 'kin ang kaklase kong si Liel.
Nainis ako matapos niyang hawakan ako sa braso. "Oh?" pasinghal na sagot ko.
"Ang gwapo mo lalo," malandi ang pagkakasabi niya.
"So?"
"Wala naman."
"Ang landi mo lalo. Tch. Alis," sinenyasan ko pa siya.
Tatawa-tawang lumapit sa 'kin si Tob. "Ang aga-aga ay nagsusungit ka," biro niya.
Nginisihan ko lang siya saka ko nilingon ang field. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa sobrang lakas niyon ay umaampyas ang tubig-ulan sa hallway. Kaya naman agad kaming humilera sa mga nakapila para hindi mabasa.
Nasa gano'n naman kaming sitwasyon nang may mag-akyatang mga estudyante. Ang karamihan ay naka-uniform, old students. Ang ilan naman ay naka-civilian, transferees.
"'Dre, chicks," inginuso ni Tob ang isa sa mga babae.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at sumandal sa pader. "I don't care. I'm taken." Tinapunan ko ng nanunuyang tingin ang mga paparating. "'Sus, alam kong si Michiko ang tinitingnan mo. Kunyari ka pa," biro ko.
"Shut up!" Binatukan niya ako.
Isa sa mga campus chic si Michiko. She's also rich and famous. First year high school pa lang ay pinapangarap na siya ni Tob. Maganda, maputi at sexy. Maraming estudyanteng nagkakagusto sa kaniya. But not me.
Ngunit sa hindi inaasahan ay may nakatawag sa pansin ko. Siya ang huling daraan. Matangkad, chubby, katamtaman ang kulay ng balat, nakatali ang buhok at...hindi maganda.
Oo, hindi siya pangit pero hindi siya maganda. Natawa ako sa sarili kong naisip.
Kunot-noo ko siyang pinagmasdan at gano'n na lang ang gulat ko nang magtama ang paningin namin. Lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita kung gaano siya kasamang tumingin.
What are you looking at? Humakbang ako papalapit at nakangisi siyang pinatid.
Agad na nangibabaw ang malakas na tawanan ng mga nakakita. Nangunguna si Tob na siya ring may pinakamalakas na tawa. Maging ako ay natawa dahil sa lakas ng kalabog na idinulot ng pagkakabagsak niya sa sahig. Halos mapahalakhak ako nang makita kung gaano kasama ang mukha niya dahil sa sakit.
"Loko ka talaga, Deib!" Bigla ay sumulpot ang best friend naming si Lee. Nagugulat kong pinanood si Lee na lumapit doon sa babae. "Are you okay, miss?" nag-aalalang tanong niya. He offered her a hand. "Let me help you."
Superman. Tch!
Inis kong tinupunan ng tingin iyong babaeng pinatid ko. Matagal bago siya nakatayo pero hindi niya tinanggap ang tulong ni Lee. Pinanood ko siyang tumayo at pagpapagan ang sarili. Ngingisi-ngisi akong nag-iwas ng tingin.
Ngunit gano'n na lang uli ang aking gulat sa biglaang paglapit niya sa 'kin! Hindi ko 'yon inaasahan at namalayan ko na lang ay hawak niya na ako sa kwelyo. "Gago ka, ah?" maangas ang malumanay niyang tinig.
Nangunot ang noo ko. Amoy chewing gum! Double mint! Cheap! Nagtiim ang bagang ko. "Bibitiwan mo 'ko o papatulan kita?" hamon ko.
Panibagong gulat ang naramdaman ko nang dahan-dahan niya akong iangat sa pader gamit ang isang braso. Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya. "Bakit mo 'ko pinatid?" malunay pa rin ang maangas na tinig niya.
"Nangyari na, eh. Ano pa ba ang magagawa mo?" sarkastikong tugon ko, dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko.
"'Eto!" Sinapak niya ako.
"Oh, my god," bulong ng isa sa mga nanonood. "She must be crazy. Now this is war."
Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang dahan-dahang ibaba niya ako. Nakamaang akong nakipagtitigan sa galit na mga mata niya habang nakahawak sa pisngi ko.
Nang maramdaman ko ang galit ko ay saka lang ako bumalik sa huwisyo. Pinahiran ko ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko nang may makitang dugo.
Damn it!
"Miss, tama na," malumanay na pakiusap ni Lee. Mukhang ang lahat ay nagulat sa nangyari at noon lang din nakapag-react.
"Are you okay, Deib?" baling sa 'kin ni Tob. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa babaeng ito sa harap ko. Maging siya ay hindi inaalis ang paningin sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakakainis sa mukha at hitsura niya.
Tinabig ko ang kamay ni Tob saka ko hinawakan ang babaeng iyon sa magkabilang braso. Pabagsak ko siyang isinandal sa pader saka kinorner sa pagitan ng dalawang braso ko.
"Bakit mo 'ko sinapak?" halos mamaos ako sa sobrang diin ng pagkakatanong ko.
"Nangyari na, eh. Ano pa ang magagawa mo?" pag-uulit niya sa kaninang sinabi ko.
Napamaang ako. "What?" inis kong tanong.
Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa mukha ko. Walang ekspresyon, emosyon o kung ano mang reaksyon ang mukha niya. Nananatili itong blangko na animong sa walang kwentang bagay nakatingin. Mukha pa siyang tanga na itinatabingi nang bahagya ang ulo na animong pinag-aaralan ang mukha ko.
Abnormal! Damn it! Idiniin ko lalo ang mga palad ko sa pader at lumapit sa mukha niya. "Sumagot ka! Bakit mo ako sinapak? Ano ang akala mo sa mukha ko, ha?" galit nang tanong ko.
Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko. "Iyang mukha mo..." Binitin niya ang sasabihin habang nakatingin sa 'kin. "Mukhang siopao," patuloy niya.
Kunot-noo akong natigilan saka ako inis na ngumisi. What the hell? Siopao? "What did you say?" seryoso nang tanong ko.
"Iyang mukha mo...mukhang siopao."
Napamaang ako sa sagot niya. Inulit pa! 'Tibay!
Wala pa rin siyang reaksyon. Malakas ang loob niyang makipagtitigan sa 'kin. At kataka-takang hindi ko man lang maramdamang natatakot siya. Nararamdaman ko ang sarili kong galit, gusto ko rin siyang sapakin. Ngunit dahil batid kong mas matino ako ay iyong pader ang sinuntok ko.
"Oh, my! Deib Lohr's really mad now! Who is that girl?" tinig ng kaklase kong babae.
"Who knows? She looks new!" tugon ni Liel.
"Enough, Deib Lohr," humawak sa braso ko si Lee at nagpumilit sumingit sa pagitan namin ng babae. Hindi ko siya hinayaan. Hindi ko rin maalis ang galit kong tingin sa babae. "Tama na, 'dre, babae 'yan, eh," bulong niya.
"Miss, umalis ka na lang, please?" nahihiyang ani Tob. Hindi na siya makatawa. At mukhang nararamdaman niya na ang tensyon sa pagitan namin ng babaeng ito.
Bigla ay ngumisi itong babaeng kaharap ko, lalo akong iniinis. Noon lang nagbago ang reaksyon niya at iyong nakakaloko pa. Nanatili naman akong seryoso habang nakatitig sa kaniya. Ngunit ang ngisi niya ay napalitan ng masamang tingin bago niya ako tinalikuran. Walang kahirap-hirap niyang inalis ang braso kong nakaharang.
Sandaling napako ang paningin ko sa pader bago ko siya nilingon. "You messed with the wrong bully, miss," pahabol kong sabi pero hindi na siya lumingon pa.
"Napakaaga mo naman yatang gumawa ng eksena, Mister Enrile?" nangibabaw ang tinig ni Migz, ang baklang presidente ng student's council.
"Oh, eh, ano naman sa 'yo?" nabaling sa kaniya ang init ng ulo ko.
"Wala naman," nakangiwi niyang sagot habang binubuksan ang pinto ng classroom. "Graduating student ka lang naman at alam mo 'yan." Binigyan niya ako ng plastik na ngiti.
"Tch!" Inis kong hinarap si Lee. "Bitiwan mo nga 'ko, Lee? Nabakla ka na naman, eh," angil ko. Ngumiwi naman siya nang magtawanan ang mga kaklase namin. "Hoy, bakla!" baling ko Migz. "Para may pakinabang ka ay dalhin mo 'yong babaeng 'yon sa 'kin. Paluhurin mo sa harap ko at pahingiin mo ng sorry. I need a public apology!"
"Ugh! Manners please?" mataray na tugon niya saka kekembot-kembot na naglakad papalayo.
Nagsimula ang klase pero parang wala akong interes makinig. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Marami na akong inaway at pinag-trip-an dito sa Brint International School. Marami na rin ang nagreklamo sa pangit na ugali ko pero ni isa ay wala namang nanalo. Hindi ako makapaniwala sa isang 'to dahil ngayon lang may umalma. At lalong ngayon lang ako nasapak! Bukod doon ay napadugo niya ang labi ko. Nangyari pa ang lahat sa harap ng maraming estudyante.
Tch. You mess with me, you mess with everyone. Pagsisisihan mong nag-aral ka pa dito.
Nagmadali akong lumabas ng classroom nang mag-ring ang bell para sa lunch break. "Hey, dalian niyo nga?" sigaw ko sa best friends ko. "Hahanapin ko 'yong ugok na 'yon," bulong ko.
"Gutom ka ba, Deib?" banat ni Lee habang pababa kami.
Lalo akong nainis. "Pwede ba, Lee? Anong gutom?"
"Nagmamadali ka kasi kaya tinatanong ko kung gutom ka?"
"Tch, hindi! Hahanapin ko si Taguro! Kaya dalian ninyo!"
"Taguro? Sinong Taguro?" takang tanong ni Tob.
"'Yong babae kanina! Tsk, ang daming tanong, tara na!"
Agad kong iginala ang paningin ko nang makarating kami sa canteen. Malaking siyang babae kaya nasisiguro kong makikita ko siya agad. Pero ilang beses kong inisa-isa ang mukhang nakikita ko, wala talaga doon si Taguro.
"Talagang hinahanap mo, ah?" nakangising banat ni Lee. Naka-order na sila ni Tob ay abala pa rin akong naghahanap.
"Lintek lang ang walang ganti, 'dre," sagot ko.
"Wooh! Pero kapag nandiyan si Kim, 'tamo dala-dalawa pa ang halo niyan sa ulo!" banat ni Tob dahilan para matawa ako.
Kapag nababanggit ang pangalan ng babaeng inspirasyon ko ay gumaganda ang mood ko. Pero hindi iyon nagtagal. Talagang hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Kailangan kong makaganti. Kailangang makita ko siya dahil hindi ako mapapakali sa ganitong klase ng inis.