Black Cats

By EuropaJones

8.9K 947 157

"Loving you was something that could not be help like the beating of my heart, breathing of my lungs, and bli... More

Author's Note
The Gold Factory
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
TRUST, Second Stage of Love
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
PROMISE, THIRD STAGE OF LOVE
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
The Narra Tree
Chapter Twenty-Eight

LIMERENCE, First Stage of Love

235 27 4
By EuropaJones

"ANG KAPAL NG mukha niya. Walang utang-na-loob," sabi ko kay Europa Jones, "Pagkatapos ng lahat ng ginawa natin para sa kaniya, itatapon lang sa basurahan ang buhay niya."

"Anong gusto mong gawin ngayon? Malaya na siya. Hawak na ni Zed ang tadhana. Kung gusto niyang lumapit kay Charmaine Pradelle, wala kang karapatan na tanggalan siya ng kapangyarihan bilang parusa. Kumalma tayong dalawa, pwede ba? Magsisimula na ang programa."

"Basahin mong mabuti ang iniisip niya! Gusto kong malaman kung saan hahantong ang kabaliwan ng lalaking 'yan."

Lumakad si Europa sa bintana at tumanaw sa labas. Mula sa mga ulap, rinig namin ang kaganapan sa lupa.

Ngayong araw ang Southeast Asia Tripartite Declaration on Environmental Protection sa Narra Island Hotel & Casino. Ekslusibo ang programa para sa sampung gobyerno ng ASEAN, pribadong secktor, at civil society.

Tumayo si Zed at humarap sa salamin ng tukador. Nasa backstage siya, hinahanda ang sarili bilang host ng prestihiyosong programa. Tapos na ang three-day programs na inorganisa niya para sa civil society at government dialogues. Pagkatapos ng programa ngayong araw, makakahinga na siya nang maluwag.

"Anong narinig mo?" tanong ko.

"Wala. Wala akong marinig. Blangko ang isip ni Zed. Walang himig na kahit ano mula sa utak niya."

Pumasok si Charmaine Pradelle sa VIP room para kamustahin ang lalaki. Sumilay ang nahihiyang ngiti ng dalaga at dahan-dahan siyang naglakad papasok.

"Marami na bang tao sa labas?" tanong ni Zed sa kaniya.

"Full house ang function room. Dumating na din ang ASEAN Prime Ministers. Pero wala ang PM ng Malaysia, Singapore, at Myanmar. They only sent country delegations in the Philippines. Bukas pa ang dating nila sa official opening sa Manila."

"Well, I've already expected Malaysia and Singapore. Hindi sila darating. You know how they are with civil society and environmental policies. But Myanmar? Whoa. I expect they would come."

Pinasadahan ni Charmaine ng tingin ang suot ng lalaki. White tuxedo, black slacks, leather brogue shoes, and a not so proper knot of his bow tie.

"Zed, your bow tie. It's not..." ngumiti si Charmaine.

"I am proud a Hawaiian shirt dude with khakis. Bow ties suck!"

Ngumisi ang dalaga. "Can I?"

"Knock yourself out." Humarap si Zed sa kaniya at tumingala.

Sa dami ng social gatherings na sinamahan ni Charmaine, madalas niyang panoorin kung paano ayusin ng mga lalaki sa pamilya nila ang kanilang bow tie. Focused at memoryadong inikot at binuhol niya ang bow tie, ming hindi nahalata ang nakaw na tingin ng binata, panaka-naka.

Dinulas ni Charmaine ang kamay sa puting tuxedo ni Zed, tinutuwid at nilalagay sa ayos, hanggang sa humantong ang kaniyang daliri sa sleeve buttons. Nawala ang pulang kulay sa kaniyang pisngi nang makitang tanggal na ang benda sa kaliwang pulsuhan ng binata. Ang tatlong bilog... Puno na ang kulay ng isa.

Balot na balot siya ng init at tuwa sa piling ng lalaki sa bawat araw na nagdaan. Malaya siyang ngumiti at tumawa sa mga biro ng clown. Ngayon, sinampal siya ng matinding realisasyon. Buti nga sa kaniya. Ako, nasa paligid at hindi nawala. Darating ako para kunin ang bayad sa utang niya.

Walang exemption. Kahit sino pa 'yan. Matitikman nila ang galit ko. Papatayin ko si Zed Montoya. Walang kurap. Walang alinlangan.

"Did it hurt?" lukot ang mukha, tinanong ni Charmaine ang binata, "Y-your mark is getting worse. The circle is fully shaded with black. Did it hurt you?"

Instict, tinago ni Zed sa kaniyang sleeves ang tatlong bilog. "No. Not really. To be honest, it looked like an awesome tattoo. I think I love having it printed on my skin. Bagay sa akin. Ayoko 'tong mawala."

Tinapatan ni Charmaine ang intensided ng kaniyang titig. "I'm so sorry. For everything." Sinara ng dalaga ang distansiya nilang dalawa at kinulong sa mabilis at mainit na yakap si Zed. "Ilang hakbang lang ako palayo. Lalapit ako 'pag hirap ka na. Isa ako sa magtatayo sa 'yo kapag nadapa ka. Just please, don't hate me."

At pinalibot niya ang braso sa kaniya at binaon ang kaniyang ilong sa hibla ng mga buhok ni Charmaine. "I'm gonna be okay. Seriously, I don't know what you're worrying about."

Kumalas na si Charmaine at umatras. Saka siya magalang na nagpaalam at lumabas na ng VIP room.

"Are you ready?" tanong sa akin ni Europa.

"Don't ask me that," natawa ako, "Ask them. Charmaine must have her seat in the front row to suck up all that goodness. At last, after playing the role of a scaredy cat, she and I will play the game."

"What game would you call it this time?"

"Bickering, brawl, feud, and fiasco."

"Well, then we better go."     




PUMASOK si Europa Jones sa loob ng function room. Basta lang niya nilampasan ang security process sa entrance. Mang-mang ang mga ordinaryong tao sa kaniyang mahika, hindi siya nakikita ng mga guwardiya at organizers. Pila-pila ang participants at media, pero si Europa, basta lang pumasok at walang umangal. Kaso minamataan siya ng apat ng K9—German Sheperds. Kakahol sana sila, pero isang tingin lang ni Europa natuto silang yumuko na parang baboy, hiyang-hiya kasi wala pa sila sa sukat ng aming mahika.

Late na pala kami pumasok. Nagsisimula na ang programa. Naka-upo sa entablado ang Prime Ministers at Presidente ng Pilipinas, Thailand, Indonesia, Cambodia, Laos, Brunei Darussalam, Vietnam. Pati na din ang government officials ng Malaysia, Singapore at Myanmar. Ten countries. May suot silang headset for translation.

Nag-uusap sa stage ngayon ang indigenous people ng Pilipinas at ang Presidente ng Renolt Mining Corporation. Pinag-uusapan nila kung paano pananalitiin ang sustainable mining sites sa teritoryo ng katutubo, kung paano poprotektahan ang kalikasan para maabutan ng susunod na henerasyon. Mimomoderate ni Zed Montoyo ang usapan, sinisiguro na direkta at mabilis ang usapan.

"Now, where do you want to seat?" tanong ni Europa pagpasok sa loob.

"Somewhere enough to hide. Somewhere close enough. And somewhere fit for my purpose."

Huminga siya nang malalim. "Middle seat it is."

Jam-packed ang audience. Theather ang interior ng function room. May tatlong seat columns sa lower ground at lima sa upper ground. Reserved ang lahat ng seats. Bawal ang walk-in. Imbitado lang ang opisyal sa gobyerno, malalaking tao sa pribadong sector, media, at matunog na pangalan sa environmental society.

Lumapit si Europa sa gitnang column, lower ground. Dito umuupo ang Congressional Representatives. Bongga ang suot nilang lahat. Tinahi ng malalaking pangalan sa houte couture.

Nilapitan ni Europa ang matandang ginang na naka-upo sa gilid ng column. Sa oras na hinawakan ni Europa ang congresswoman, saka siya nito nakita—mata sa mata.

"Excuse me, what—" pinutol ni Europa ang sasabihin niya—nilapat ni Europa ang mga daliri sa ulo ng matanda at diniinan para sa isang hipnotismo. Wala pang tatlong segundo, umuwang ang bibig ng matanda at lumawit ang dila.

"Titigan mo ako sa mata. Mata ko, iyong tignan. Makinig kang mabuti. Mabuti, ikaw ay makinig."

Tinitigan siya sa mata ng congresswoman, walang kurap.

"Aalis ka sa Narra Island ngayon din. Narra Island, ngayon din ikaw ay aalis." Tinagis ni Europa ang bagang at pinakawalan ang congresswoman.

Umupo nang maayos ang mambabatas. Sinapo niya ang ulo. Agad siyang tumayo at lumakad papunta sa exit, sinundan siya ng mga camera—kislap dito, kislap doon.

Saka umupo si Europa. "Comfortable?" tanong niya sa akin.

"Never have been before until now. Thank you."

"Don't mention it."

Agad nakita ni Europa si Charmaine at ang buong angkan ng mga Pradelle. Front row seats, left column. Para akong binagsakan ng langit at lupa nang makita ko siya—si Don Henriko. Ano bang hindi ko gagawin para burahin ang kulay niya sa mukha?

Oras na para maningil ng utang.

"This is so boring, Europa. Let's do something about it."

"I'm on it."

Nagsasalita ang katutubo sa stage. Hawak niya ang mikropono. Nagsalin ng tubig ang Presidente ng Renolt Mining Corporation sa baso. Iinom pa lang siya nang...

Tinitigan ni Europa ang baso na hawak ng negosyante at tumilansik ang baso...tumama sa ulo ng katutubo. Basag. Tumulo ang dugo. Hindi pa nakontento, mabilis na lumutang ang bote ng mineral water na nasa braso ng negosyante, at sumalampak din sa mukha ng katutubo.

Sabay-sabay, suminghap ang audience. And did I mention, there were camera's everywhere? Yep! The film was rolling and live from Narra Island Hotel & Casino.

"Ah la la la la la!" sigaw ng katutubo sa stage. Hawak ang mikropono, tumalon siya at sumampa sa kandungan ng negosyante, pinagpapalo sa ulo—hindi titigil hangga't hindi nababasag ang ulo.

Mula sa stage, umangat ang sampung kasama ng katutubo. Katribo. Kaysa umakyat sa hagdan, desperadong inakyat nila ang stage at sumampa kaagad. "Ah la la la la la!!!" sigaw nila.

Sumaklolo ang security guards ng pamilyang Renolt at para akong nakakita ng mga langgam na kumalat sa lupa matapos madurog ang ant colony.

Nagkaroon ng oportunidad ang mga katutubo at negosyante na ilabas ang kanilang uhaw sa karahasan. Ilang taon na sinanay sila na ayusin ang problema gamit ang mga salita, umagos nang tuluyan ang kinkimkim nilang galit at puot sa isa't-isa. Sinira ng mga negosyante ang kultura, kalusugan, at kinabukasan ng mga katutubo.

Sinapo ni Zed ang bibig. Matapos makahuma, pumagitna siya sa mga nag-aaway hanggang sa tamaan siya ng ligaw na suntok.

"Zed!" sigaw ni Charmaine. Agad siyang tumakbo sa entablado para sumaklolo.

Tumayo ang audience at nilabas ang kanilang gadgets para i-rekord ang fiasco sa entablado.

"Europa, are we done? Is this it?"

"Not quite." Pumikit si Europa at hinagilap ang utak ng mga K9 unit sa buong establishment. Hinikayat niya ang German Sheperds, Rottweilers, at Dobermanns na tumakbo papasok sa venue.

Saka bumukas ang mga pinto, pumasok ang mga aso. Sa bilis ng kanilang takbo, natakasan nila ang kanilang trainers. Ang iba, hatak-hatak ang kanilang mga amo, tumatakbo kasama nila.

Inutusan ni Europa ang mga hayop. Masunurin naman. Agad silang tumalon nang mataas at umakyat sa stage para kainin ang sapatos, bag, at kagamitan ng mga government officials na nasa entablado.

Musika sa aking tainga ang sigaw ng mga pinuno sa buong paligid. Dumirestso ito sa puso ko. Nakakataba.

Hindi pa ako tapos.

Tinitigan ni Europa ang sprinklers sa mga kisame. Huminga siya nang malalim at binuga palabas ng kaniyang bibig ang makapal na usok na ubot ng itim—katumbas nito ang usok kapag nasusunog ang isang bahay. Umakyat ang usok at hinalikan ang sensors. Poof! Awtomatikong tumunog ang fire alarm at kumawala ang malakas na ulan mula sa kisame.

Sumigaw ang mga tao dahil ubot ng lamig ang patak ng tubig. Tumayo silang lahat, ginamit ang kanilang bag at kamay bilang payong. Agad silang tumakbo papunta sa exit points.

Pero sinong nagsabi na papayagan ko silang lumabas ng function room...agad-agad?

Sinarado ni Europa ang lahat ng exit at entrance doors. Walang pwedeng pumasok at lumabas hangga't hindi ako masaya at kontento.

Ipit ang mga tao sa bawat sulok. Kitang-kita na wala silang disiplina sa oras ng peligro. Sikuhan, suntukan, siksikan... Ang mga taong nasa audience ay ang upper class ng mga bansa. Pagdating sa peligro, naglalaho ang etiquette at social classes. Dahil sa mata ng kamatayan, pantay ang lahat.

To add cherry on top, kinontrol ni Europa ang bumbilya sa buong kwarto. Bukas-sara ang mga ilaw—pero mas matagal itong sarado bago bumalik ulit. Kasi kung may kinatatakutan ang mga tao, iyon ay ang dilim.

Tumayo sa entablado si Zed Montoya. Takot na takot, hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi mabasa ni Europa ang iniisip niya dahil may malaking harang. Tinignan ni Zed ang mga marka sa kaniyang pulsuhan. Dalawang bilog na lang ang natitira. Binawasan ko na ng isang bilog. Itsura pa lang niya, halatang wala sa hinagap niya na ganitong kalaki ang presyo na sinisingil ko kay Charmaine.

Ha! Ano bang inaasahan ng hampas-lupang ito sa sumpa ko? May maapakan lang siya na bubble gum sa kalsada, babagsak ang tae ng ibon sa kaniyang ulo, mawawarak ang pantalon niya habang nasa publikong lugar?? Masyado niya akong minamaliit.

Alam ni Zed ang tungkol sa sumpa ng mga Pradelle. Lumayo na dapat siya. Pero anong ginawa niya?! Tinuruan niya kung paano magmahal ang isa sa mga paborito kong manika. Siguro naawa siya. Siguro nakita niya na karapat-dapat mahalin si Charmaine. Malay ko sa dahilan niya. Wala akong pake. Naghasik siya ng gera laban sa akin, oras mismo na sinira niya ang tadhana ni Charmaine.

Unang singil ito para sa unang bilog. Hindi ko kailangan saktan si Zed. Hindi pa. Simple lang ang aking sinisingil—ang kaniyang dignidad. Lahat ng gulong ito, sasaluhin niya sa kaniyang balikat dahil siya ang isa sa mga organizer ng programa. Kung ang isang politiko ay napahiya, ang unang gagawin niya ay maghanap ng sisisihin. Lahat ng daliri, ituturo kay Zed. Off with his head, sabi ng Red Queen sa nobela ni Lewis Caroll.

May dalawa pang bilog. Kung mahal ni Zed ang kaniyang buhay at kung matalino nga siya, maghahain na siya ng resignation sa Narra Environmental Instute, lalayo kay Charmaine Pradelle para iligtas ang sarili.

Lumibot ang mga mata ni Zed hanggang sa manatili kay Europa Jones. Ito ang mga bagay na alam niya. Sigurado siyang nasa paligid si Europa. Kinuyom ng binata ang kaniyang mga palad; tinagis ang mga bagang; at umapoy ang dibdib sa galit.

To add insult in the injury, I ordered Europa to display her sweetest smile. And she did, showcasing her dimples, smile lines, and sharp cheekbones that never failed to melt even the heart of stone of a wicked man.

Continue Reading

You'll Also Like

237K 18K 28
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
74.7K 2.6K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
1.5M 61.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
217K 5.6K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...