Black Cats

By EuropaJones

8.9K 947 157

"Loving you was something that could not be help like the beating of my heart, breathing of my lungs, and bli... More

Author's Note
The Gold Factory
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
LIMERENCE, First Stage of Love
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
TRUST, Second Stage of Love
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
PROMISE, THIRD STAGE OF LOVE
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
The Narra Tree
Chapter Twenty-Eight

Chapter Thirteen

182 25 1
By EuropaJones

Charmaine Pradelle

"BUSOG NA ako!" bulalas ni Chastity, "Bakit ang payat ni Mang Dante kahit ganoon kasarap magluto si Aling Marie?"

Bumabagsak pa rin ang malakas na ulan habang papunta kami sa bahay-kubo ng mga Karandag. Kasama namin ni Zed si Richard pati na din ang dalawa niyang kapatid na babae: si Chastity at Anna.

Umakyat si Richard sa dalawang baiting ng hagdan saka binuksan ang pinto ng kanilang bahay-kubo.

Tuluyang nawala ang buong kuryente sa Malolo Distillery. Inilawan ng kandila ang buong hapag kanina. Kahit walang wifi at kuryente, umugong pa rin ang tawanan, sumasabay sa kantahan at strum ng gitara. Paborito nila ang OPM songs. Halos lahat ng manggagarit, marunong tumugtog ng gitara. Papasa-pasa ang instrumento sa kanilang lahat, pakitang gilas.

Kagagaling lang namin sa bahay nila Dante at Marie. Doon kami kumain ng hapunan at inabot kami ng limang oras sa hapag kasi nag-inuman matapos kumain. Tinikman nila ang lambanog na niluto sa araw na 'yon. Ako din, uminom. Mga sampung shot. Lasing na si Chastity. Kung anu-ano na ang sinasabi niya sa table kanina. Tulad ngayon. Tinatanong niya kung bakit ang payat ni Dante kahit masarap magluto ang asawa niya. Alam naman niya ang sagot.

"Tsk! Tsk! Tsk! Chastity, lasing ka na, ano?" kinaltukan ko siya, "Shhh! Wag kang magtatanong ng ganiyan. Mahiya ka naman sa kanila. Hindi naman nila kasalanan na wala silang pambili ng maraming pagkain araw-araw. Minsan, hindi niya naabot ang quota sa isang araw kaya kulang ang kita niya. Shhh!"

Tumawa si Zed, Richard at ang dalawa niyang kapatid na babae.

"Kyah, lasing na ata si Miss Pradelle," sabi ni Chastity, "Ilang tagay ba ang ininom niya?"

"Miss Charmaine. Dahan-dahan lang sa paglalakad. Baka madulas kayo," ani ni Anna.

"Ay, hinde. Kaya ko pa. Di pa ako lasing. Tara, balik pa tayo doon sa bahay ni Mang Dante."

"Haha! Bagsak na silang lahat. Lasing na. Alam mo ba kung anong oras na pati? Pasado ala una ng umaga," sabi ni Zed, "Ang bilis mo pala malasing, Charmaine? Hay... Matulog ka na."

Tinapik ko si Zed sa ulo. "Ano nga ulit ang pinoy band na paborito nilang tugtugin kanina? Parokya ni Hudas? Gusto ko ang isa nilang kanta. Ako si Mr. Suave. O-o-oh grabe. Habulin ng babae. Araw man o gabe." Tinapik ko siya sa ulo, "Ang ganda!! Bakit ngayon ko lang 'yon narinig? Bibilhin ko lahat ng album nila."

Yumanig ang balikat ng binata katatawa at hinuli ang kamay ko, saka niya pinisil. "Anong Parokya ni Hudas? Ang tawag sa banda nila, Parokya ni Edgar." Inakay niya ako sa mga braso.

Gumaan ang ulo ko pati na din ang buong katawan. Natatawa ako kay Chastity kasi tumatawa din siya. Nakakahawa.

Umakyat kaming lahat sa bahay-kubo. Inalalayan ako ni Zed paakyat sa two steps ng bamboo stairs. Saka niya ako inupo sa sofa na may ruffles at lace cover. Pero matigas ito kasi walang foam at gawa lang sa kawayan.

Nagbukas si Richard ng kandila at umaandap ang liwanag sa buong bahay sa tuwing sumasayaw ang malikot na apoy sa nitsa ng kandila.

Pumipikit na ang mga mata ko pero ginila ko ang paningin sa buong paligid. Amoy moth ball sa loob ng buhay-kubo nila. Old capiz windows ang mga pader, gawa sa kawayan; dalawang kwarto lang sa loob: kubeta at bedroom. Gawa sa kawayan ang pinto ng kubeta. Kurtina lang ang pinto sa bedroom.

Sa isang malaking spasyo ang kusina, hapag-kainan, at sala. Pero wala silang telebisyon o stereo. Mayroon lang silang bookshelf na naglalaman ng mga kupas na libro.

Magkakasamang natutulog ang tatlong magkapatid sa bedroom. Sa sahig daw natutulog si Richard at sa papag naman si Chastity at Anna. Ulila na daw sila, matagal nang patay ang mga magulang. Manggagarit ang kanilang ama na namatay matapos mahulog sa puno para kumuha ng tuba. Nawala ang kanilang ina dahil sa cervix cancer. Silang tatlo ang natira. Highschool ang tinapos ni Richard. Pagkagraduate, nagtrabaho agad siya para pag-aralin ang dalawa niyang kapatid. Vocational course ang tinapos ni Chastity, nagtatrabaho siya bilang assistant sa isang maliit na law firm. Nag-aaral pa sa kolehiyo si Anna para maging Filipino teacher. Isa siyang skolar. Dalawang taon, gagraduate na sa college si Anna.

Nag-unat si Anna at humikab. "Inaantok na ako! Good night sa inyo!" saka niya hinawi ang kurtina at pumasok.

"Hoy!" sita ni Chastity, "Nagsipilyo ka na ba ng ngipin, Anna?" Sinundan niya ang kapatid sa loob ng kwarto.

"Bukas na lang," angal ng bunso, "Tulog na ako.

"Kadiri ka. Mahiya ka. May bisita tayo, Anna."

Pumasok si Richard sa loob ng kwarto nila para kumuha ng isang unan at kumot. Saka siya lumabas at inabot kay Zed. "Pasensiya na. Isang unan at kumot lang ang ekstra namin."

"Salamat, Richard. May dala din akong travel pillow at blankets. Sapat na 'yan. Dito na lang matutulog si Charmaine sa sofa, ako na lang sa sahig."

"Okay, sige," sabi ni Richard, "Pare, tulog na ako. Bumibigay na ang mga mata ko sa pagod."

"Sige lang, Richard. Good night."

"Good night, Richard," ngumiti ako. Iyon lang at hinawi na niya ang kurtina saka siya pumasok sa bedroom kasama ang mga kapatid niya.

"You have pillows and blankets inside your bag?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, "Of course. I always come prepare for anything." Mula sa kaniyang backpack, naglabas si Zed ng dalawang kumot at dalawang unan na nakarolyo. Binigay niya sa akin ang mga kumot. Naka-plastic ang mga unan. Nang alisin niya ang mga supot, saka lang nagkaroon ng hangin at lumobo ang dalawang unan. Tig-isa kaming dalawa.

"Paano nagkasya ang mga kumot at unan sa bag mo?" tanong ko,

Kumunot ang noo ni Zed. "Anong klaseng tanong 'yan, Charmaine? Malaki naman ang bag ko." Mula sa kaniyang backpack, hinatak niya palabas ang isang malaking comforter at limang segundo ang lumipas bago niya ito tuluyang na-ilabas. Saka niya inabot sa akin, halos nakoberan ang buong katawan ko. Humugot ulit siya sa bag at nilabas ang isa pang comforter. Para daw iyon sa kaniya. Nilapag niya sa sahig, malapit sa sofa kung saan ako matutulog.

Suminghap ako. Kinusot ko ang mga mata. Lasing lang ba talaga ako o talagang may lumabas na dalawang makapal na comforter sa bag ni Zed? Malambot ito at malaki. Paano nagkasya ang mga 'to sa loob ng backpack niya?

Hinatak muna ako ni Zed patayo at nilatag niya ang comforter sa kawayan na sofa. Saka niya ako pina-upo ulit.

"P-p-paano nagkasya ang lahat ng 'yon sa backpack mo?" kinuha ko ang backpack niya at nilapag ito sa kandungan ko. Malaki ang size ng kaniyang Herschel Backpack. Ideal for hiking. Pero dalawang comforter na ubot ng laki at volume?! Paano nagkasya ang mga 'yon sa loob? Nilapit ko ang ulo sa bag hanggang sa pumasok ang ulo ko sa loob. Sobrang dilim. Wala akong makitang gamit.

"Uhm... anong ginagawa mo?" ani ni Zed at kinuha ang bag niya.

"P-p-paano nagkasya ang lahat ng 'yon sa backpack mo?!" pag-ulit ko.

Lumawak ang ngiti niya. "Lasing ka na." Mula sa kaniyang backpack, nilabas niya ang malaking battery lamp.

"O! Ayan ka na naman!" Sinapo ko ang bibig sa mangha.

Kinalabit ni Zed ang switch ng ilaw at kumalat ang yellow light sa buong bahay. Saka niya hinipan ang kandila na iniwan ni Richard sa dinning table. "Sorry," sabi ni Zed, "I don't prefer candles. Fire hazards."

Tulog na siguro ako at nananaginip. Baka nga. Pulos higanteng mga bagay ang lumabas sa backpack ni Zed Montoya.

Lumapit si Zed at inayos ang unan sa tulugan ko. Hiniga niya ako sa sofa at binalot ang kumot sa buong katawan ko. Inangat niya ang kamay at hinimas niya ang hibla ng aking buhok. Saka niya ginala ang tingin sa bawat sulok at anggulo ng aking mukha hanggang sa nanatili siya sa aking mata.

Sinakop ng ulan ang ingay na bumalot sa pagitan naming dalawa. Kahit ang sarili kong boses sa utak, agam-agam, lungkot, at galit, sinapawan ng ingay.

Ako lang ba o dama ko ang pag-ikot ng mundo sa sarili nitong axis? Magaan ang ulo ko sa mga sandaling 'yon.

"For someone who was raised as an elite, you don't complain a lot, Charmaine."

"Huh?"

"I can't believe that you came back to sleep beside me. Look at you," he smiled, his teeth glimmering in the soft light, "You're sleeping in a house that is probably smaller than your bathroom. And not one complain from you."

"Ayokong saktan ang feelings ni Mang Dante, Aling Marie, Richard, Chastity, at Anna. Ayoko."

Silence.

"I have never been drunk in my entire life. Even if I try, nothing happens. My body burns the alcohol so quickly," he said, stroking the hairs on my temple, "Tell me, is it true? Drunk people do not remember everything when they wake up the next day; only so little and hazy remains like a faint photograph. Is it true?"

"I guess."

"Then, why don't you tell me something nobody really knows about you?"

"You mean, a secret?"

"Something heavy a story you've been keeping in your heart, it is suffocating you to death. Can you give me something like that, Charmaine? So you won't have to carry it on your shoulders...alone."

I let out a carefree giggle. "May sikreto ako. Lumapit ka. Ibubulong ko sa 'yo."

Lumapit siya na tipong kapag gumalaw ako, matitikman ko ang labi niya.

"Umutot ako kanina habang kumakanta tayong lahat ng kanta ni Parokya ni Hudas."

"HAHAHA!"

"Shhh! Wag ka maingay."

"Alright. Tomorrow when you open your eyes, maybe you'll think of this moment as a distant dream, so I'm gonna tell you my story, and you're gonna carry it like a friend. Do you want to hear me out?"

"Alright."

"Six years ago, I was supposed to die in a horrifying accident, and the real tragedy was that I did not. I survived. And I am so afraid that nothing will kill me anymore, afraid that I will keep on living decades after decades." Sorrow twisted his eyebrows just a little, and his glassy eyes stared back at me, "The day I survived when I was supposed to die was the day I became an immortal."

"What?"

"Someone stole my destiny of dying. I am a Jinxed."

Bigla akong nahilo sa sinabi niya. Para akong masusuka. Pero kinontrol ko ang sarili.

"Unless, I do something stupid like this," he lowered his head and planted a soft peck on my lips, closing his eyes, "A kiss from you...I would likely turn to gold and die. For all I know, your lips could be my terrifying death, Charmaine. Otherwise, I have to keep on living and trying and suffering."

"You kissed me." Pumikit-pikit ako.

"And you won't remember that tomorrow, right? You're drunk and dreaming."

"Hmmm..."

"So while it lasts, why don't you tell me something I will remember tonight?" Umupo siya sa sahig, pinatong ang mga kamay niya sa sofa, at hinimlay ang kaniyang baba sa palad. Saka ako pinagmasdan.

"Si Katherine..."

"Sino si Katherine?"

"My family and I are a pack of murderers. All the people we ever love, turn to gold, making us rich beyond imagination. A wicked witch made us a clowder of black cats, drawing death to the people we adore so much. And she was my first prey, Katherine." Hinintay ko ang reaksiyon niya. Hinanap ko ang gulat, disgusto, kahit ano.

Wala. Nanatiling angat ng isang sulok ng labi niya habang pinakikinggan ako.

"Go on," sabi niya, "Gusto ko marining ang kwento mo."

"Katherine grew up in Kerala, India. Her mother went to the Philippines as our domestic worker, at sinama niya si Katherine sa Pradelle Estate. And I met her at a time in my life where I thought love was not dangerous. I was 10 and she was 15. She was knitting and sewing, helping out whenever she can. And she thought me how to cross stitch. It was a picture of a dove, my first. She was my only best friend. I loved her. Too much that I had to watch her whole body glimmer as a gold.

"My family melted her, turned her into gold bars which was kept safely in our bullion vault, and part of Katherine was crafted as a necklace, which they gave to me so I will wear her around my neck. You would not believe how sick we are as a family. But I buried the necklace beside our Narra Tree just like how it should be when people die.

"Pa-ikot-ikot ang nanay ni Katherine kakahanap sa kaniya. Pero hindi rin siya nagtagal. Siya ang yaya ng pinsan ko noon. Tinuturing siya ni Andrew na parang nanay. And so it goes.

"I was 10-years-old when Katherine lived and died. She was the end of my innocent days. I didn't wear her around my neck, but her scent lived with me. I never let go nor forget. And my family thought I was a cold hearted bitch because after Katherine, I never had another victim...which is good. Akala ko, pinipilit kong gawin ang tama para wala akong masaktan. But it wasn't because I was trying to do the right thing," tinitigan ko siya, diretso sa mata, "I'm afraid of having my heart broken like a clock on a wall. If someone I care about was gone again, my time will stop, and it would be too much for me to bear. I just cannot. And that's why I say no to love."

Ngumiti siya nang malungkot.

"So now, you know," sabi ko sa kaniya, "Mamamatay ka kapag lumapit ka sa akin nang husto. Tatanggihan kita at magyeyelo sa sobrang lamig ang puso ko. Either way, I am an odious monster that must be burned at the stake."

"I know, Charmaine. I know all about your family curse," pinalis niya ang luha ko.

"Bakit ka lapit nang lapit sa akin kung alam mo pala?"

"Well, I'm supposed to die, anyway. Might as well teach you how to love." He held my face on his palms as our lips touched, melting like ice under the blue sky in a golden Sunday afternoon. His fingers roamed around my body as I ran my fingers through his hair. I could feel my heart rhyming with the raindrops that fell outside.

But something this good would only be called as fantasy. God did not favour the wicked. He wanted to punish me for the hideous crimes of my heart. And he thought, I deserved to suffer. The kiss would be forgotten once I opened my eyes in the morning.

Pagmulat ko ng mata sa umaga, sumakit ang ulo ko. Hangover. Sumakit ang buong katawan ko kasi matigas ang kawayan na sofa at wala akong hinihigaan na comforter. Gamit ko ang unan at kumot na pinahiram ni Richard. Si Zed? Naabutan ko siyang nakahiga sa sahig. Walang kumot. Walang unan. Malayo sa akin.

Tapos kakaiba ang inaakto ni Zed sa akin paggising niya. Panaka-naka ang ngiti at tingin niya sa gawi ko. Katulad ng ngiti ni Mr. Bean ang ngiti niya. Pero mas malandi.

Anong nangyari kagabi pagpasok namin sa loob ng bahay-kubo? Hindi na ako uulit ng lambanog. Mas malala siya sa whisky at tequila. Hinalukay ko ang memorya

Wala. Wala akong maalala. 

Continue Reading

You'll Also Like

25.3K 761 25
This story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pin...
51.7K 2.8K 32
A story of a man after God's heart
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
27.2K 1.1K 39
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...