Wanted:Babymaker reposted (Sa...

By BlackLily

13.1M 244K 12.9K

More

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12. Part 1
Chapter 12 Part 2
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Special Chapter
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter44
Epilogue

Chapter 39

201K 4.2K 569
By BlackLily

39

Our eyes met.

Ang tagal naming nagtitigan. Ang lakas din ng heartbeat ko. Feeling ko masusuffocate na ako sa bilis at lakas nito. Parang di na nga ako makahinga. Not to mention na parang nakikisama pa ang baby sa tyan ko. Ninenerbiyos ako na ewan. Then I saw him smile. Bakit siya ngumiti? May nakakatuwa ba sa pangyayari? Tangna ka!

Lalong bumilis ang heartbeat ko nung papalapit na sila sa amin. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Oh my God. Feeling ko aatakihin ako sa puso anytime.

"Hi Joanne. Hi Mari!" Hi yourself.

"Anong kalokohan to JC?" I heard Mari hissed. Wala man lang siyang pakialam na kasama ni Oca ang bagong girlfriend niya. At lalong wala siyang pakialam na pinagtitinginan kami ng tao.

"What do you mean Mari?"

"What are you doing here? Akala namin nasa Timbuktu ka? Why are you here? At sino siya bakit kasama mo siya?" Oh my God I can smell trouble. I can sense na manggigyera itong si Mari.

"Bumalik ako a week ago." A week ago? Isang linggo na siyang andito and he didn't bother to contact me? Ano yun joke?

"Ah ganun ba? Mabuti naman kung ganun!" Mari smiled at both of them pero halatang pilit. "Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo JC?"

"Of course, inunahan mo lang ako. Felize met Mari, my cousin and Joanne her friend. Joanne, Mari, si Felize. Girlfriend ko." Her friend? So ngayon I am deduced to being Mari's friend. Nagulat ako ng biglang humalakhak si Mari. May nakakatawa? Nasisiraan na ba si Mari?

"Hi nice to meeting you." Felize said sweetly. Okay, I have to admit that she is charmer. Ngumiti ako and shook her hands.

"Nice to met you too."

"Nice meeting you too Felize." Mari said controlling her laughter. "And where did you met JC?" At may plano pa atang makipagchikahan ni Mari. Hindi ba pwedeng umuwi na lang kami? Kasi baka pag tumagal pa kami di ko mapigilan ang umiyak.

"We've meet in Boston while I was off after doing my missionary works." She said too sweetly. Kainis naman! Bakit ang sweet niya?

"Ooohhhhh....So you're a philanthropist? I adore philanthropist." Kung hindi mo talaga kilala si Mari you can say that she is serious and very friendly sa pakikipag-usap kay Felize. But I know better. Alam kong nakikipagplastikan siya kay Felize. Sa taas pa lang ng kilay ni Mari alam ko na.

"Well, you can say that." And Felize blushed.

"Well, what a coincidence. Kasi my friend here, Joanne is also a philanthropist. Mapagbigay rin siya, like you." Huh? Ako Philanthropist? Kelan pa?

"Really? Wow! I'm glad that we share the same interest Joanne." Napangiwi ako. What is Mari up to?

"Yes you have the same interest. In fact, sa sobrang mapagbigay ni Joanne, binigyan niya ng anak itong si JC. She is having his baby now. See?" She pointed at my now bulging tummy. LUmaki ang mga mata ni Felize. And Mari have that evil smirk. "I wonder, ikaw din ba maibibigay mo din yan kay JC? Kasi it seems to me that JC have this utmost liking for philanthropist like you."

"Mari...." Nagkasabay pa kami ni Oca.

"What?" Sininghalan niya kaming dalawa.

"Stop it." Oca said through gritted teeth.

"Anong stop it? You don't want her to know that Joanne here is pregnant and that you are the father of her child? Bakit itatago mo kay na may anak ka?" Mari shouted at Oca. Grabe galit na galit si Mari. I have never seen her this mad. Parang siya ang niloko.

"Isang linggo ka nang umuwi and you didn't even bother to inform everyone that you're back?"

"Why should I Mari? Why should I bother to inform EVERYONE of my return? Kung halos ipagtabuyan na ako bago ako umalis? Surely EVERYONE wouldn't care whether I'm here or not." Naging seryoso bigla ang pagsasabi niya. Nagpaparinig ba siya? Pinaparinggan ba niya ako. Sinasabi ba niyang wala akong pakialam sa kanya?

"Stop being bitter JC. Kasi kahit saang anggulo man tingnan ikaw ang may mali. And you have the nerve to come here bringing that.. that.. girl! In front of your Mom? In front of Joanne? How dare you!"

"Wag kang mag iskandalo Mari." He said in a stern voice.

"Mag iiskandalo ako kung kelan ko gustong mag iskandalo! Pamilya ko ang mga tao dito at alam nilang iskandalosa ako. Pero ikaw! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka na nahiya. Tinulungan kitang mapalapit kay Joanne thinking that you deserve her pero nagkamali ako."

"So sinusumbat mo sa akin ang mga ginawa mo?"

"No! Hindi ko sinusumbat sayo! Kasi pinagsisisihan ko lahat ng yun. You disgust me JC. You are disgusting."

"Mari stop it!" I shouted at Mari. Masyado na niya akong pinapahiya. Promise anytime iiyak na talaga ako.

"Tara na nga! Nasusuka ako dito." Tapos hinila niya ako palabas ng bahay ng mga Cariño.

Pagdating sa kotse ni Mari, iyak lang ako ng iyak.

"Jo, I'm sorry kung napahiya ka man doon. I just can't control my emotion. Kumulo talaga ang dugo ko sa ginawa niya. Ang kapal ng mukha. At ikaw naman para kang namatanda na hindi na makapagsalita at makagalaw dahil nakita mo si JC. Kaya lalo akong nainis eh. Ngingiti ngiti pa ang walang hiyang yun kasama ang babae niya sa harap mo. Nakakainisssssssssss!"

"Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Singhot! "Napahiya tuloy ako at nagmukha tuloy akong kawawa."

"Kahit naman di ko gawin yun mukha ka nang kawawa dun! Bakit ba kasi di mo siya sinampal? Dati naman palaban ka ah? Bakit ngayon iiyak iyak ka dyan?"

"Kasi nasasaktan ako!"

"Hay naku! Ako ngayon ang naiipit between sa tanga kong bestfriend at sa !@#$ kung pinsan. Tara na nga. Pag isipan natin ang susunod nating move laban kay Juan Carlos Cariño."

................................................

"Oh, what happened? Bakit namumugto yang mata ng bunso namin?" Have I mentioned before na dito na ako umuuwi sa bahay namin kasi di nila ako pinayagan na mag isa ako sa condo unit ko?

"Nothing."

"Hmp!"

"Oh Mari, bakit ang asim ng mukha mo? And bakit namumugto ang mata ni Joanne?"

"Eh kasi nakita niya si JC doon sa reunion?"

"Really? Eh di magkakabalikan na sila?"

"Yun nga eh, may iba nang gf si JC. Grrrr....."

"Really? Interesting. Mas maganda ba kay Joanne?" Natahimik kaming dalawa ni Mari. Sino ba ang mas maganda? SI Felize o ako? Siguro siya kasi hindi malaki ang tyan niya samantalang ako mukha na akong butete!

"Siya!"

"Hindi ah. Mas maganda ka pa din."

"Bestfriend kasi kita kaya sinasabi mo yan."

"Kunsabagay." And she smiled. Langya!

"Waaaaaaaa!!!! I hate you Mari."

"Problema nga yan. Tsk tsk."

"Kaya nga eh. We need to think of a way para magkabalikan sila." The three of them are talking as if wala ako sa tabi nila.

"Yes you are right. Come, doon tayo sa conference room. Kapatid kong pogi, magpahanda ka ng meryenda kay Inday, tapos kape na rin. Mahaba-habang usapan ito."

"Teka nga! Bakit niyo pa pipilitin yun tao kung may iba nang gusto? Hindi naman ako pulubi. Kung ayaw na niya di wag niya." They continued walking totally ignoring me. Pumunta sila sa conference room. Sumunod ako. Umupo sila sa table and after a while dumating na si Johann at ang sangkatutak na meryenda namin.

"So ano ngayon ang plano?"

"Wala pa nga eh. Sis magsulat ka. Secretary ka ngayon." And Paolo handed me a notebook and a pen. Ano to? Business meeting?

"Hayaan na nga lang natin sila. Kung ayaw na niya sa akin. DI wag!"

"Yan ba talaga ang ikaliligaya mo? O nagmamartir martiran ka lang? Baka maya maya maglaslas ka dyan. Ayokong madumi ang bahay. Ayaw kong may nagkakalat na dugo." So akala ko concerned siya sa akin. Sa bahay pala.

"Bro, of course masasaktan yang sister dear natin. Kita mo naman ang mugto ng mata niyan. And besides ayaw kong magkaroon ng grumpy pamangkin." At umiling iling pa siya.

"So what do you want us to do? Bugbugin si Oca?" Oh no! Lumalabas na naman ang pagkabully ni Johann

"Wag! Sayang ang fes." Sagot ni Paolo tapos tumawa

"So ano ang gagawin natin?"

"Sis isulat mo ang mga suggestion hah."

"Kailangang maghiwalay si Oca at si Felize. Dapat wala silang time para sa isa't isa."

"Brilliant! But how?" At hinimas himas ni Johann ang baba niya.

Hinimas himas din ni Paolo ang temple niya at si Mari naglalakad. Tahimik ang lahat at nagiisip.

"Eureka!" Biglang ngumisi si Mari.

"Ano yun?" Paolo and Johann chorused.

"I have a shining, shimmering, splendid idea."

"What?"

Wait and see. Listen and learn. And she took out her cellphone. Tapos iniloudspeaker niya ito.

"Hello Tita!" She called Oca's Mom?

"Mari, I'm very sorry for what happened a while ago. Okay lang ba si Joanne."

"She's fine Tita. She's resting right now. Naistress ata but she's fine. No need to worry."

"Bakit ka nga pala napatawag?"

"Tita, you can't accompany Joanne tomorrow to shop baby clothes because you're sick. You have a headache or something." Anong pinagsasabi ni Mari.

"What? Am I supposed to accompany Joanne to shop for baby clothes? I mean I would love to do that."

"But Tita you can't. You're going to have a terrible headache."

"What? Why am I going to have a headache? Are you now a fortune teller Mari?"

"Tita look, Joanne is shopping for baby clothes tomorrow and you can't accompany her. No one could accompany her. And it's dangerous if she go alone so you need to persuade JC to accompany her. That simple Tita."

"You are telling me that we are going to set up JC and Joanne to have a date? But Mari, I promised JC that I wouldn't meddle with his personal life. He is going to be mad."

"Tita, we can't allow JC and Felize to end up together. You've got to help us Tita. Puhlease..."

"Mari, I can't do that to my son."

"But Tita, you are doing your grandson a huge favor. And for sure he's going to love and thank you for what you've done to help mend his parents love story." Blackmail?

"Grandson you say?" I can almost see the eyes of Oca's mom na nagsashine.

"Yes. Grandson. Your only grandson. The Cariño legacy. Ang kaisa isang tagapagmana at tagapagpalaganap ng apelyidong Cariño." Mari winked she almost giggled. Ano na namang pakulo to? Nananalaytay ba talaga sa pamilya nina Oca ang pagiging manipulative?

"But Oca's gonna be mad."

"I know Tita. I know that. But what would you rather bear? The wrath of your son that eventually will subside because he can't bear being mad at you or not seeing and not knowing your grandson? And that JC's first son not bearing Cariño's name. Can you bear that Tita?" She is so like Oca.

"Joanne wouldn't name the child after us?" Now Oca's Mom is threatened. Anong bang pinaggagawa ni Mari?

"What else do you expect Tita? She's hurt and once her parents found out what JC had done they are going to bring her abroad and wouldn't allow her and her son to see all of you." She winked at us.

"Oh my God..."

"Can you allow not seeing your ONLY grandson Tita?"

"Of course not! Okay. I'm telling JC now. But you have to persuade Joanne to come with him. I won't allow my grandson to bear any other family name other than Cariño. That's unacceptable."

"I know Tita. I know. I totally understand your feelings. Thanks Tita and buhbye." And she turned off the phone at nagtitili.

"See that? Isn't it brilliant."

"Brilliant Mari." I grimaced. oh my God. Parang binebenta nila ako at ang anak ko.

"Wag ka na ngang magmaktol dyan. Gusto mo bang lumigaya o ano?"

"Siempre gusto. Pero..."

"Wala nang pero pero. Basta tomorrow gawin mo ang lahat para ikaw lang ang intindihan ni JC. Apir tayong apat! Ang galing galing ko talaga!" At nag apir sa kanya sina Johann at Paolo.

"Paano pala kung hindi lalaki ang anak ko?"

"Kung babae, eh di gumawa kayo ulit para lalaki naman!"

Continue Reading

You'll Also Like

19M 202K 76
This story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.4K 258 27
Bloody Fate: A story about blood, fate, and fangs.
136K 8.8K 29
Maine Mendoza, a bouncing ball of sunshine and innocence combined, gets introduced to the real evils of the world. She holds Richard Faulkerson Jr...