Black Cats

By EuropaJones

8.9K 947 157

"Loving you was something that could not be help like the beating of my heart, breathing of my lungs, and bli... More

Author's Note
The Gold Factory
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
LIMERENCE, First Stage of Love
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
TRUST, Second Stage of Love
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
PROMISE, THIRD STAGE OF LOVE
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
The Narra Tree
Chapter Twenty-Eight

Chapter Six

213 26 0
By EuropaJones

Charmaine Pradelle

"GUSTO MO BA umakyat ng puno?" tanong ko kay Edna, "Mayabong ang puno ng Narra. Ito ang paborito ni Lolo."

Naabutan ko ang bata na nakayuko sa damuhan, pinaglalaruan ang manika.

Maiksi ang gupit ng buhok ni Edna at may full bangs. Matangos ang ilong niya, malalim ang mga mata na kulay tsokolate, morena ang kutis, sobrang kapal ng kilay at buhok. Isang Nepalese ang nanay niya. Tulad ko, tatanda siya na kulang ang magulang. Hindi niya nakilala ang sarili niyang ina.

Saka lang siya nag-angat ng tingin. Ayaw magsalita.

"You know how to climb a tree, right?" ngumiti ako sa kaniya, "Tinuruan kita. Come on, Edna. Climb the tree with me."

Binitiwan ni Edna ang manika niya at saka tumayo, pinagpag ang bestida niyang asul. Parehas naming inalis ang sapatos at gumiyak ng pag-akyat sa puno.

Mataas ang puno ng Narra. Ubot ng bango ang dilaw nitong bulaklak na nahuhulog sa lupa na parang ulan at niyebe.

Ako muna ang na-una. Yumakap ako sa tangkay at umapak sa trunk saka ko tinulak ang sarili paitaas, hanggang sa narating ko ang paborito kong spot sa puno. Umupo ako sa makapal na sanga at tumanaw sa malawak na karagatan—tanaw ang isla ng Quezon Province at ang alon. Umihip nang malakas ang hangin, ginalaw ang buhok at hinalikan ako sa mukha. Pinanood ko si Edna na umakyat ng puno.

Tinuruan ko si Edna pati na din ang iba ko pang pinsan. Ang mga anak ni Tito Bryan at Tita Olivia, babad lagi sa gadgets. Ayaw maglaro sa ilalim ng araw kaya hindi marunong umakyat ng puno.

Maya-maya lang, katabi ko na si Edna sa sanga.

Sa aming ibaba, dumaan ang mga kapatid ni Edna na bata din. Naglalaro ng tumbang preso kasama ang yaya nila.

"You were once like them, Edna. So carefree and happy."

Silence.

"But that must change now," tinignan ko siya, "Sa tingin ko, alam mo na ngayon kung bakit kayo home schooled, kung bakit hindi kayo pinapayagan ni Lolo lumabas ng bahay hanggat hindi kayo 14-years-old. Dumaan din ako sa pinagdaanan mo. Nalaman ko kung paano mo nalaman. Like you, my age was ten when I finally understood. Our family is different."

Tears were filling up her eyes, and it broke my heart just a little to see them fall down like raindrops.

Simula't-sapul, pinagbawalan ni Lolo Henriko ang mga batang Pradelle na lumabas ng estate. Tsaka lang pwede lumabas kapag magaling na sila magtunaw ng ginto. Bakit? Bilang mga bata, marami silang gusto subukan. Hindi nila iniisip ang resulta ng kalokohan nila. Natural curious. Wala silang muwang na may nasasaktan pala sa tuwing nagmamahal sila.

Ang turo sa akin ni Mama, may kalakip na responsibilidad ang paglabas sa Pradelle Estate. Bantayan ko raw ang sarili ko para walang masasaktan. Wag daw akong tumulad sa mga pinsan ko at mga kapatid niya na iresponsable. Pumayag si Lolo Henriko na lumabas kaming mga apo niya para mag-aral sa Maynila at abroad kasi panatag siya na ligtas ang sikreto ng pamilya. Pinababantayan pa din kami ng mga security ni Lolo, para sigurado. Bawal ang bumukod ng tirahan. Pagkatapos mag-aral, babalik din kami sa Pradelle Estate.

"I should not be the one doing this, saying this to you. But I wanted to cheer you up. You haven't been eating properly since Ashalata was gone. I'm sorry. You're not supposed to see what happened to her."

"Ate Charmaine..." sabi niya sa wakas, "she's dead isn't she? Yaya Asha died that night."

"I'm sorry, Edna. I really am."

Pinalis ni Edna ang luha. "I did that to her, didn't I? She was my friend."

"Naiintindihan kita. Sobra. Pero wag mong isipin na kasalanan mo. Hindi. Hindi mo 'yon kasalanan."

"How could it not be my fault?! I loved her! So much that it turned her into..." she trailed off, "And then, I had three more before Yaya Asha. Ganoon din ang nangyari sa kanila."

"Edna, hindi kasalanan ang magmahal. Iyon ang turo ng Diyos sa lahat ng tao. Bunga ka ng pag-ibig at nararapat lang na marunong ka magbigay nito sa mga karapat-dapat," pinalis ko ang luha niya sa pisngi, "Do you see the clouds up there? That one! The biggest and fluffy one. Do you see that? Life does not end here on Earth. There is an afterlife for you and I, and Yaya Asha is lying comfortably in that strip of cloud. Pinapasok siya sa langit kasi mabuti ang huling bagay na ginawa niya—tinuruan ka niya kung paano magmahal."

Lumakas ang kaniyang iyak, yumanig ang kaniyang mga balikat.

"Mahal na mahal kita, Edna. And I am always here for you if you need someone to hold. Don't say love like it's a bad thing. It's not evil. Kung mayroon salbahe, iyon ay ang mangkukulam na nagpatong nito sa pamilya natin. Siya ang salbahe. Hindi ikaw at hindi ako."

"I want to know what happened. Who is this witch I have been hearing about?"

Huminga ako nang malalim.

"Tell me, please?! I don't care if I'm too young to know! I understand it now so you have to tell me."

I gave her a long pause, before beginning. "Before all this crazy shit, Lolo was a fisherman who fell in love with the Mayor's youngest daughter named Anghela. Bitbit ang gitara niya, umakyat siya ng ligaw sa bahay nila gabi-gabi. Mabait ang tatay ni Anghela—hindi iniisip na galing sa mahirap na pamilya si Lolo.

"Mailap ang matamis na oo ni Anghela. Pero sumuko din siya nang makitang masipag, mabait, loko-loko, at masayahin si Lolo. Palagi silang tumatambay sa isang puno ng Narra. Umaakyat sila at umuupo sa sanga ng puno, pinapanood ang paglubog at pagsikat ng araw.

"Sa bawat gabi ng panliligaw, hindi napansin ni Lolo ang inggit at selos sa mga mata ng panganay na anak ng Mayor, si Banita. Kumakalat ang balita sa bayan noon na mangkukulam siya. Sa dinami ng babaeng mamahalin niya, pinili ni Lolo ang bunsong kapatid ng mangkukulam. Kaya ganoon na lang galit at selos ni Banita kay Anghela.

"Sasagutin na sana ni Anghela si Lolo pero humarang si Banita. Sinumpa niya ang bawat patak ng dugo ni Lolo Henriko. Magkakaroon ng tatlong bilog sa kaliwang pulsuhan ang mamahalin niya. Habang tumatagal na lalong lumalalim ang damdamin niya, napupuno ng kulay ang mga bilog. Minalas nang sobra si Anghela hanggang sa mamatay siya at naging ginto. Ganoon siya kasalbahe, pinaslang niya ang sarili niyang kapatid."

Umuwang ang bibig ni Edna. Ganito din ang reaksyon ko matapos i-kwento sa akin ni Lolo na si Anghela ang first love niya. Tipong inutusan niya ang government officials na ipangalan kay Anghela ang highly urbanized city dito sa Narra Island. Paborito ni Lolo ang puno ng Narra kasi doon sila tumatambay ni Anghela noon kaya iyon ang naging pangalan ng isla.

"Unrequited love, Edna. Dahil lang doon kaya tayo nagdudusa. Ganoon kababaw ang dahilan ng mangkukulam. Like inheriting cancer, brown eyes, dark skin, flat nose—you and I are one of those unlucky bastards who inherited Lolo's bad blood. And you what's funny? Hindi lahat ng Pradelle, namana ang sumpa ng pamilya."

"Huh?!"

Tumingin ako sa paparating na tatlong SUV—Audi Q7. Tumigil sila sabay-sabay sa tapat ng mansion ni Lolo.

"This is the hardest part to accept, Edna. Some of our cousins did not inherit the curse from Lolo. And they have been living grand lives in Manila with their best friends and relationships, away from us and this forsaken island. We only see them every Sunday. Whenever they can, they come to visit."

Sumigaw nang malakas si Edna. Gusto daw niya umalis ng isla. Gusto daw niya magkaroon ng mga kaibigan. Papalitan niya ang sariling apelyido, wag lang makuha ang sumpa.

In this mad world, we could not chose the family we were borne into. Lumabas ako sa sinapupunan ng nanay ko at iyon na. Tapos na. Minsan, naisip ko na galit sa akin ang Diyos. Bakit Niya hinayaan ang mangkukulam na gawin ito sa amin ng pamilya ko?

Mawawala ang lahat ng mahalin ko. Masasaktan ko sila. Masasaktan ako. Kaya bakit pa ako susubok na magmahal ulit?

Ang limang pinsan ko ay lumabas ng Audi at lumakad papasok sa mansion ni Lolo. Kasama nila ang kanilang mga anak at asawa. Sila ang paboritong anak ng Diyos, ang mga pinagpala, ang mga malayang ibon sa alapaap: si Pandora, Helena, Moxy, Atlas, at Efren.

Hindi talaga patas ang mundo. 

Continue Reading

You'll Also Like

88K 2.9K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
87.4K 3.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
51.8K 2.8K 32
A story of a man after God's heart
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...