Black Cats

By EuropaJones

8.9K 947 157

"Loving you was something that could not be help like the beating of my heart, breathing of my lungs, and bli... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
LIMERENCE, First Stage of Love
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
TRUST, Second Stage of Love
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
PROMISE, THIRD STAGE OF LOVE
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
The Narra Tree
Chapter Twenty-Eight

The Gold Factory

759 48 5
By EuropaJones

"AND THEY LIVED happily ever after," sinara ni Ashalata Ghimire ang libro, "The end." Saka siya ngumiti kay Edna Pradelle at hinalikan ang bata sa noo.

"But Yaya Asha," ani ng bata sa matinis na boses, "I want more stories. Go on. Read me another one from my storybook." Sumasara na ang mga mata ni Edna habang kinekwentuhan niya ito kanina. Gusto pa daw ng isa pang kwento. Matakaw siya sa fairy tales.

"But Miss Edna you heard all these English stories. Maybe tomorrow night, I read you stories from my country?"

"You mean, Aladdin?!" sabik na sabi niya.

Tumawa siya. "No! No! When I was your age, I don't read English stories. Instead, mother read me the oldest stories in the world."

"What is it?"

"Mahabharata and Ramayana."

Alam ni Edna na galing sa India ang kaniyang Yaya Asha. Malay niya kung saan ang India. Kaya kahapon, tinanong niya sa kaniyang Teacher Luisa kung nasaan ang India. Ang mundo pala ay isang malaking bilog na umiikot sa araw. Tinuro sa kaniya ni Teacher Luisa ang malaking bansa kung saan lumaki si Yaya Asha.

Kakaiba magsalita si Yaya Asha. Pero hindi na ito bago kay Edna. Halos lahat ng katulong nila ay nagsasalita ng Bengali—ang prominenteng lenggwahe sa South Asia. Dito sa teritoryo nila Edna, ang lahat ng kanilang katulong at yaya ay galing sa South Asia. Lalo na sa mga bansa ng India, Bangladesh, at Nepal. Malimit silang kumuha ng Pilipinong kasambahay.

Tinanggap ng mga Pradelle si Ashalata Ghimire para alagaan at tutukan si Edna. Dalawang buwan na siya nagtatrabaho dito sa Pradelle Estate. Pinapayagan sila ni Don Henriko na magsuot ng kanilang mga Saree kasi ang mga kasuotan nila ay makukulay, pinapaganda lalo ang Pradelle Estate.

"Tell me, won't you please? I wanna hear about Mahatata and Ramanana." Niyakap ni Edna ang kaniyang manika, dinikit pa sa pisngi.

Kumalat ang init sa buong puso ni Ashalata matapos makita ang malaking mga mata ng bata. Bigla niyang naalala ang anak niyang iniwan sa India para magtrabaho dito sa Pilipinas. Sa katauhan ni Edna, para na din niyang inaalagaan ang sariling anak.

"No, little one. Close your eyes and sleep. Tomorrow night, I tell you."

"Promise?"

"Of course."

Ngumiti si Edna. "Okay, Yaya. Good night."

"Good night." Isasara na sana niya ang ilaw sa lampara pero nagsalita ulit ang bata.

"Ami apnake bhalobashi," gagad ni Edna sa yaya.

Napangiti ang yaya. "I love you too, Miss Edna." Tinuruan ni Ashalata si Edna kung paano sasabihin ang salitang mahal kita sa Bengali.

Iyon lang ang hinihintay na sagot ng bata mula sa kaniya. Saka ito tuluyang pumikit at humimbing sa kama. Inayos ni Ashalata ang kumot sa katawan ng bata. Malamig sa kwarto kasi bukas ang air conditioner.

Sinara na niya ang ilaw at lumabas na ng kwarto.

Biglang kumirot ang kaliwang pulsuhan niya. Agad niyang hinaplos ang marka sa balat—isang bilog. Sa lawak ng lupa dito sa estate, sa dami ng bahay, siguro isang insekto ang kumagat kay Ashalata at iba pang kasambahay.

Isang buwan matapos niya manilbihan sa mga Pradelle, nagkaroon siya ng tatlong bilog sa kaliwang pulsuhan. Dama niya ang tibok ng sariling pulso sa tuwing hahaplusin ang mga bilog. Habang tumatagal, nagkakaroon ng kulay itim ang mga bilog, isa-isa, at kapag puno na ang kulay, saka lang ito nawawala.

Pati din ang ibang mga katulong at yaya ay may ganitong peklat. Isa daw itong peklat mula sa kagat ng garapata, sabi ng resident physician ng Pradelle Estate na si Dr. Charles Jimenez.

Wala pang nakita si Ashalata na ganitong peklat. Perpektong bilog ito. Tulad ng kape na sinalin sa tasa, napupuno ang kulay itim sa loob ng bilog habang tumatagal. Hindi lumalagpas sa linya.

Mabait ang mga Pradelle sa kanila. Underweight ang timbang ni Ashalata nang dumating siya sa Pilipinas. Tatlong buwan na siya nag-aalaga kay Edna, tumaba siya ng husto dahil galante ang pamilya sa mga kasambahay. Pinapakin sila nang masarap at marami tuwing almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan. Kung ano ang kinakain ng mga Pradelle, iyon din ang kinakain nila.

Galante ang sweldo sa kanila. Guminhawa kahit paano ang buhay ng pamilya ni Ashalata sa Punjab, India. Ganoon din ang ibang kasamahan niya. Malaki ang utang na loob nila kay Don Henriko Pradelle.

Kaya walang lugar ang takot sa puso niya.

Pero takot na takot siya ngayon. Sa tuwing napupuno ang kulay itim sa una at pangalawang bilog, may nangyaring masama. Bago nawala ang unang bilog, nadumihan ang dignidad niya bilang isang babae. Bago nawala ang susunod na bilog, ang lahat ng sugat sa katawan niya ay hindi gumagaling—nabubulok at bumabaho. Binabalot niya ng benda.

Anong mangyayari ngayong puno na ang pangatlo? Isa lang ba itong normal na kagat ng insekto?

Inip na inip ako habang pinanood ang magaganap kay Ashalata ngayong puno na ang kulay itim sa loob ng bilog.

Pitong bahay ang tinayo dito sa loob ng Pradelle Estate. May sariling bahay ang anim na anak ni Don Henriko. Pinapalibutan ang mga lupa ng nagtataasang pader, selyado palayo sa mga tao. Gwardiyado ng private military ang buong property.

Inaalagaan ni Ashalata ang apo ni Don Henriko kay Apollo Pradelle. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, pumasok ang buong pamilya sa loob ng bahay ni Apollo. Suot nila ang safety goggles, heavy apron, heat-resistant gloves, at rubber boots. Halos kumpleto ang buong pamilya, handa sa magaganap ngayong gabi.

Para sundin ang utos ng kaniyang ama, nilagyan ni Olivia Pradelle-Jimenez ng pampatulog ang pagkain ng lahat ng kasambahay kaninang hapunan. Kahit magsisigaw si Ashalata sa takot, kahit mapaos ang lalamunan, kahit umiyak siya, kahit sino pa ang tawagan niya walang tutulong sa kaniya ngayong gabi.

"Walang alam ang kawawang mutsatsa," bumuntong-hininga si Europa Jones, "Kailan ka ba titigil?"

"Shhh..." saway ko sa kaniya, "Magsisimula na." Tumahimik na lang si Europa at sabay naming pinapanood ang kaganapan sa loob ng bahay ni Apollo Pradelle.

Bababa na sana si Ashalata sa hagdan kung hindi lang nanigas ang kaniyang mga paa. Bumibigat. Lumalamig. Tumitigas. Manhid. Kunut-noo, yumuko siya para mag-imbestiga. Pinilit niya pero ayaw gumalaw kasi...dikit-dikit na ang daliri ng mga paa niya.

Rinig ko ang tibok ng puso niya. Rinig ni Ashalata ang mga yabag na naririnig niya sa ibaba.

Ginamit niya ang kamay para alisin ang mga sapatos. Inangat pa niya ang palda ng Saree. Tuloy, kitang-kita niya kung paano lamunin ang kaniyang mga paa, sakong, at binti—naging malamig na bakal at sumasalamin ang mukha niya sa mga ito.

Sumigaw si Ashalata. Sumigaw siya kahit hindi naman talaga masakit at namamanhid lang ang ibang parte ng katawan niya habang nagiging bakal. Sa tingin ko, iyon ang dahilan kaya siya sumisigaw. Wala siyang maramdamang kirot o hapdi. Manhid. Iyon ang pakiramdam kapag tuluyan naging ginto ang buong katawan mo katulad ni Ashalata.

Alam ko kasi siniguro ko iyon.

Inangat ni Ashalata ang tuhod para pilitin ang sarili na bumaba ng hagdan, humanap ng katrabaho, humanap ng kahit sino na pwede niyang lapitan at hingan ng saklolo.

Pero walang dadating.

Matindi ang pampatulog na hinalo ni Olivia sa pagkain ng mga kasambahay. Bukas pa sila ng umaga magigising. Iba ang kinain ni Ashalata matapos sumalo ng pagkain kasama ng mga Pradelle sa hapag kanina. Kahit magsisigaw pa siya, ang marmol na bahay lang ang saksi sa kamatayan niya ngayong gabi.

Umakyat na ang ginto sa mga tuhod ni Ashalata, kuminang pa ito.

Sa bigat, nawalan ng balanse si Ashalata at gumulong pababa sa hagdan. Ang kaniyang gintong tuhod, binti, at paa, kumiskis sa marmol na sahig habang siya'y gumagapang, lumilikha ng maingay na tunog. Dinama ng mga kamay niya ang malamig na sahig. Luminaw ang kaniyang mga mata matapos tumulo ng mga luha. Tumaginting ang tinig niya sa sa marmol na pader at sahig matapos sumigaw.

Saka lang niya nakita ang mga bota. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang kanilang mga blankong mukha. Halos kompleto ang miyembro ng mga Pradelle. Inangat niya ang kamay para abutin sila dahil iyon na lang ang pwede niyang gawin sa ngayon.

Si Don Henriko... Ang kaniyang mga anak: Apollo, Beatrice, Bryan, Olivia, at Tyrion. Ang kaniyang mga apo... Walang kasing lamig ang blanko nilang mukha. Wala silang ginawa.

Mula sa mga ulap kung nasaan kami ni Europa, rinig namin ang natutunan sa wakas ni Ashalata. Tulad ng sinundan niya, alam na niya ngayon ang lihim ng mga Pradelle. Kaya pala.

Kaya pala ang taas ng mga pader sa paligid ng buong lupa, inilalayo sila sa labas ng mundo. Kaya pala hindi pinapayagan lumabas ng estate ang mga kasambahay. Kaya pala walang Pilipinong kasambahay. Tumatanggap sila ng domestic workers sa illegal na paraan. Tulad ng iba, walang working visa at kontrata si Ashalata. Dahil kapag tuluyan silang naging mamahaling ginto, walang maghahanap sa kanila na awtoridad. Bilang undocumented worker, walang ebidensiya na nagtrabaho si Ashalata Ghimire sa Pradelle Estate.

Kaya pala pinapakain nila ang kasambahay na parang baboy—pinapataba.

Tinignan niya ang pulsuhan. Tuluyang nawala ang huling bilog.

Saka namanhid ang buong katawan niya. Ginawa niya ang huling bagay na alam niyang magliligtas sa kaniya.

"EDNA!!!" pagsigaw niya sa pangalan ng batang Pradelle.

Huminga sa huling pagkakataon si Ashalata Ghimire.

Dumilat si Edna Pradelle. Narinig niya ang boses ni Yaya Asha. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Daling bumaba si Edna ng hagdan para sundan ang ingay. Habang pababa ng hagdan, doon niya nakita si Ashalata. Agad siyang bumaba sa mga palapag at tumigil sa harap ng katulong.

Ito pa din ang Yaya Asha niya. Pero nagbago ang kulay ng kaniyang kutis. Hindi na ito kayumanggi. Higit sa lahat, kumikinang siya. Wala siyang kibo at hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha. Nanigas na luha sa pisngi at gilid ng mata, isang linya ang kilay, uwang ang bibig—mukha siyang sumisigaw.

Tinignan ni Edna ang pamilya niyang nakatayo sa paligid ng katulong.

Saka niya binalik ang tingin sa katulong. Lumuhod siya.

"Yaya?" aniya sa katulong, ginigising.

Sa sandaling hinawakan niya ang gintong pisngi ni Ashalata, nadurog ang buong katawan ng katulong sa maliliit na ginto, kasing hugis ng sugar cubes na nilalagay ni Edna sa kaniyang hot chocolate. Kumalat ang ginto sa marmol. Sumandok si Edna ng ginto sa kaniyang maliit na palad. Mabigat sila at ubot ng lamig.

Sa edad niyang sampu, ito ang pang-apat na beses na naging statwa, nadurog, at naging ginto ang mga yaya niya. Kapag sinasabi niya ang nararamdaman sa katulong, hindi nagtatagal, nagiging ginto sila. Ayaw tanungin ni Edna ang kaniyang pamilya kung ano ang nangyari, dahil sa kalooban niya, naiintindihan na niya.

Pumatak ang luha ng bata sa tumpok ng mga ginto.

Lumapit si Beatrice Pradelle at kinuha si Edna. Niyaya niya si Edna na bumalik na sa kwarto.

"Ami apnake bhalobashi," bulong ng bata sa hangin. Rinig ko ang iniisip niya. Gusto niya marinig ang kwento ng Mahatata at Ramanana. Pero mukhang ibang yaya na ang magkewento nito sa kaniya.

Iniisip ni Beatrice ang sasabihin sa kaniyang pamangkin. Pero mas gusto niyang umalis sa eksena kasama si Edna. Ayaw niyang magligpit ng kalat.

Matapos umalis ng dalawa. Kumilos na ang mga Pradelle.

Ito ang pinaka mahirap na parte sa lahat: ang magtunaw ng ginto. Suot ang kanilang gloves, apron, at goggles, dinampot nila ang mga ginto sa sahig.

Tinagis ni Charmaine Pradelle ang kaniyang bagang. Tulad ng nakasawian, hindi siya humihinga habang nagdadampot ng ginto at nilalagay sa sako na hawak ng pinsan niyang si Andrew. Perfect square ang bawat butil. Makinang. It was 999.9 pure gold. Walang halong impurities. Ginto ang mga hawak ni Charmaine sa kaniyang gloves. Pero sa isip-isip niya, para siyang nagdadampot ng patay na hayop sa kalsada.

Wala kahit isa sa kanila ang nagsalita habang kumikilos. Abala nilang pinupuno ang mga sako hanggang sa matapos silang lahat.

Pinataba nila ng husto si Ashalata sa tatlong buwan na inalagaan ng katulong si Edna. Pinakain nila ng masasarap at fatty foods. Pina-inom nila ng sugar at carbonated drinks. Ang resulta: dalawa at kalahating sako ng 24 karat gold cubes.

Sabay-sabay silang lumabas ng bahay ni Apollo at pumunta sa malaking bodega ng estate—katabi ng malaking bahay ni Don Henriko. Sa loob ng garahe, nandoon ang kanilang tunawan ng ginto at bullion vault.

Tumigil si Don Henriko sa tapat ng isang antique cabinet. Sa loob nito, naroon ang antigong telepono. Binuksan ng matanda ang cabinet at pinihit ang numero sa telepono.

Saka lang bumukas ang lihim na pinto at pumasok sila, bitbit ang mga sako.

Walang bintana sa loob pero may proper ventilation na nakasabit sa kisame at siyang humihigop sa usok.

Buong gabi silang nagtunaw ng bakal para gawing gold bars. Tatlo ang kanilang induction melting furnace. Tulong-tulong ang magpinsan at kapatid. Wala kahit isang ingay ang tumakas sa kanilang bibig.

Kasama ni Charmaine ang pinsan niyang si Andrew, Dion, Allen at Artemis. Nagsandok si Andrew ng gold cubes at nilagay sa kumikislap at mainit na crucible. Pinagpapawisan silang lahat dahil sa mataas na temperatura. Nang matunaw na ang first batch, kinontrol ni Allen ang induction furnace para itagilid ang crucible at isalin ang tunaw na ginto sa molds. Kapag ang ginto, nalusaw, kumikinang ang likido nito, iniilawan ang goggles na suot nilang lahat. Tumulo ang likido sa unang mold at pinuno. Saka umagos sa susunod na mold at sa susunod pang mold. Parang fountain. Kapag natuyo na ang ginto sa mold, palalamigin nila ito. Sabay tatatakan ng logo ng Bank of the Narra Island; 5 Kilos; 999.9; at saka bar code.

Noong bata pa si Charmaine at ang mga pinsan niya, katulad nila si Edna. Inosente. Walang malay. Sunod ang bawat galaw sa pintig ng puso. Pero hindi tatagal at tatanda na din si Edna. Kapag mulat na nang tuluyan ang isip niya, tuturuan na nila siyang magtunaw ng ginto.

Ayaw ni Charmaine magtunaw ng ginto. Sana ang galit sa puso niya, pwedeng tunawin at lusawin. Kasi kinikimkim lang niya ito at gusto ibaling sa mangkukulam na gumawa nito sa pamilya niya—sa akin.

Sa akin galit si Charmaine at ang buong angkan niya.

Paano ba 'yan? E, galit din ako sa kanila.

"Kailan ba huhupa ang galit mo?" tanong sa akin ni Europa habang pinapanood namin ang kumikinang na ginto, "Nilalamon na tayong dalawa. Nabubulok ang puso ko sa nangyayari."

Dinedma ko si Europa.

Sinumpa ko ang bawat patak ng dugo ni Don Henriko. Tapos, pinasa niya ng pinasa hanggang sa bumuo siya ng angkan ng mga mamamatay tao. Ang mahalin ng isang Pradelle ay dadanas ng kamalasan hanggang kamatayan.

Edna loved Ashalata so much it turned her Yaya Asha into gold.

Some witch put hexes on beautiful maidens and handsome princes. With a prick on her finger, the princess and the whole kingdom would fall asleep. Furthermore, there was a handsome prince who turned into a frog. All it took was true love's kisses to awaken the princess and turn the prince back into a handsome being.

And then there was me.

Paborito ko ang kwento ni King Midas. Lahat ng hawakan niya, magiging ginto. Pero sa mga Pradelle, kung sino ang hawakan ng kanilang puso—sa labas ng angkan—mamalasin at magiging ginto na walang kasing puro.

At ginamit nila ang sumpa para magpayaman.

So Europa and I had two words so accurate it would describe the Filipino clan of Pradelle.

Two words: Gold Factory. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 94.9K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
26.1K 1.1K 38
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
3.5K 136 19
One summer brought them together, another brought them apart.
68.4K 4.7K 78
(On-Going)