Touching You, Touching Me [✔]

By ayrasheeeen

90.7K 5.7K 1.3K

Ipinanganak si Wendy na may mirror-touch synesthesia. Ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang nararamdaman ng... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
EPILOGUE

CHAPTER NINE

3.6K 273 76
By ayrasheeeen

KINABUKASAN ay hindi pa rin ako pumasok. Maliban kasi sa ayokong problemahin ang kaklase kong may bali sa kamay, sobrang lakas rin ng ulan noong araw na iyon. Kapag malamig ang panahon, mas madali akong tamaan hindi lang ng sipon pero pati na ng katamaran.

Dahil doon kaya maghapon lang akong natulog, kumain, nanood ng tv, at nilaro ang pusang si RJ. Pero saglit rin naman akong naging productive dahil nag-ayos rin ako ng mga gamit at naglinis ako ng kwarto ko.

Pagdating ng hapon ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Mabuti na lang talaga at hindi ako pumasok, dahil paniguradong mahihirapan akong makauwi dahil pahirapang makakuha ng sasakyan kapag malakas ang ulan.

"Mamaya na lang ako magsasaing..." nasabi ko sa sarili ko nang makita kong trenta minutos pa bago sumapit ang alas sais. Ako lang naman mag-isa ang kakain kaya kahit mamaya na ako magluto.

Habang nanonood ako ng tv sa sala ay nakarinig ako ng malakas at sunod-sunod na pagbusina mula sa labas ng bahay namin. Nagsalubong ang mga kilay ko. Sobrang lakas ng ulan at wala rin akong ineexpect na bisita, kaya sino naman ang mangangahas pumunta dito sa bahay namin?

Agad akong sumilip sa bintana, at doon ko nakita si Raeken na nasa labas ng gate at pilit tinatanaw ang bahay namin. Mukhang motorsiklo ang dala niyang sasakyan kaya basang-basa na siya ng ulan.

Ano ang ginagawa ng ungas na 'to dito sa bahay namin?

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin, pero hindi ako lumabas. Tumayo lang ako sa may pintuan.

"Ano ba ang ginagawa mo dito?" naiinis kong tanong sa kanya.

Nilabas niya mula sa ilalim ng leather jacket na suot niya ang ilang notebooks at ipinakita ito sa akin. "May dala akong notes. May exams kasi tayo sa Monday. Hindi ka pumasok kaya dinala ko yan sayo."

Kahit naiirita ako, napilitan pa rin akong lumabas ng bahay para sa kanya. Kumuha na rin ako ng payong para hindi na siya mabasa lalo ng ulan.

Mula sa mga notebooks na dala niya ay nilipat ko ang tingin ko kay Raeken. Ramdam ko ang lamig na dulot ng mga patak ng ulan na tumutulo sa balat niya, pati na ang pagtama ng malamig na hangin na nagpatayo naman sa mga balahibo ko.

May isang parte ng utak ko na nagsasabing maawa ako sa kanya, pero ayoko namang ipakita na concerned ako sa kanya.

"Hindi ko kailangan yan. Umuwi ka na sa inyo. Ang lakas ng ulan. Baka ako pa ang sisihin mo kapag nagkasakit ka," tugon ko bago siya tinalikuran at naglakad pabalik sa bahay namin.

Pero bago pa man ako makapasok sa loob ng bahay naming ay natigilan ako nang marinig kong muli ang tinig ni Raeken. Malakas man ang ulan, malinaw kong narinig ang mga sinasabi niya.

"Sorry na kasi. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Nacurious lang kasi talaga ako. Ang hirap kasing paniwalaan eh. Hindi ko rin naman kasi inakalang mapapahamak ka dahil sa ginawa ko."

Humigpit ang hawak ko sa payong, tapos ay muli ko siyang hinarap.
"Umuwi ka na sabi eh," mariin kong tugon.

Isinuklay ni Raeken ang kamay niya sa buhok niyang basang-basa na ng tubig-ulan. "Bahala ka. Basta hindi ako aalis dito."

Ang tigas ng ulo.

Magsasalita sana akong muli, nang bigla na lamang nagkaroon ng maikling pagliwanag sa paligid, na sinundan naman ng malakas na pag-alingawngaw ng kulog. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang mangyari iyon, tapos ay pumasok sa isip ko si Raeken.

Pagtanaw ko sa gate ay hindi ko na makita ang ulo niya.

Hala siya. Ano na kaya ang nangyari dun?

Agad akong naglakad pabalik sa may gate at binuksan iyon. Doon ko naabutan si Raeken na nakayuko at nagsusumiksik sa gilid ng gate. Mukhang nagulat at natakot siya dahil sa kulog at kidlat na iyon.

Napahinga ako nang malalim para pigilan ang pagtawa, bago itinapat sa kanya ang payong para naman hindi na siya maulanan.

"Tara na sa loob. Baka mamaya umiyak ka pa sa takot diyan."

Napatingin siya sa akin, bakas ang gulat sa mga mata niya. "Pati yun naramdaman mo kahit tinitingnan mo lang ako?"

Napangisi ako habang umiiling. "Kahit wala ako nung kondisyon ko, isang tingin ko lang sayo alam ko nang natatakot ka. Kahit sinong tao na makikita ka sa ganyang ayos, iisipin na natakot ka talaga sa kulog at kidlat kanina."

Isang pilit na 'Ah' ang lumabas mula sa bibig ni Raeken, bago siya naglakad kasunod ko papasok ng bahay namin.

Pagpasok namin sa loob, agad na sumalubong ang pusang si RJ. Natigilan si Raeken nang makita ang pusa na nilalaro niya noon sa ampunan.

"Inuwi mo siya?" tanong niya sa akin matapos hubarin ang sapatos niya.

"Ah - Oo. Sinundan niya kasi ako habang pauwi, kaya dinala ko na lang siya dito sa amin." tugon ko habang kumukuha ng isang tuyong tuwalya mula sa banyo. Iniabot ko ito sa kanya.

Ipinatong niya ang tuwalya sa ulo niya, tapos ay kinarga ang pusa. "Anong pinangalan mo sa kanya?" tanong niya sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kong baka pagtawanan ako ni Raeken kapag nalaman niyang mula rin sa pangalan niya ang ipinangalan ko sa pusang iyon.

"A-ano... RJ ang ipinangalan ko diyan," nahihiya kong tugon.

"Bakit?"

Nagtanong pa talaga. "Kasi RJ ang initials ng pangalan mo. Kaya yun na lang ang ipinangalan ko."

Bago pa siya magsalita ulit, binato ko na siya ng ilang damit ni Papa na hindi na masyadong ginagamit. "Maligo ka muna, tapos magpalit ka ng damit. Wala akong balak na alagaan ka kung sakali mang magkasakit ka."

Hindi na sumagot pa si Raeken. Ibinibaba niya na si RJ sa sahig at sumunod na lamang sa mga sinasabi ko.

Habang naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo, tiningnan ko ang laman ng mga notebooks na dala ni Raeken. Medyo nabasa ang mga gilid nito, pero ibilad lang sa araw ay pwede na ulit magamit ang mga iyon.

Maingat kong binuklat ang mga pahina ng notes ni Raeken. Karamihan sa mga unang pahinga ay mga drawing o kaya ay doodles. Ginuguhit niya ang mga professor namin at ginagawa itong katawa-tawa. May mga pahina namang may lamang drawing ng mga monsters o anime characters. Yung ibang drawing, mga pusa na lang.
Halatang-halata na wala talaga siyang pakialam sa klase namin.

Habang tinitingnan ko iyon, narealize kong parang isang makulit na bata itong si Raeken. Malayong-malayo sa arogante, maangas, at charismatic na Raeken na ipinapakita niya sa lahat. Para tuloy siyang may dalawang personality sa loob ng isang katawan.

Pagkatapos ng ilan pang pahina ay nakita ko na ang mga notes na sinulat niya. Lahat ng mga nakasulat doon ay hindi ko alam, kaya malamang ay tinuro iyon habang absent ako sa klase. Iyon lamang ang mga notes na nasa notebook niya.

Mukhang nagsulat lang siya ng notes para may maipahiram sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang paglitaw ng ngiti sa mukha ko. Lintik yan. Bakit parang kinikilig pa ata ako sa ginawa niyang 'to?

Nakakastress.




NANONOOD ako ng tv sa sala nang lumabas si Raeken ng banyo. Tahimik siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. Ilang minuto rin siyang natahimik, na para bang tinatantiya niya kung ano ang una niyang sasabihin para hindi awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Ilang sandali pa ang lumipas bago siya tuluyang naglakas-loob na kausapin ako.

"Salamat dito sa damit. Ibabalik ko lang itong damit ng tatay mo. Hindi ba siya magagalit kapag nalaman niyang pinahiram mo 'tong damit niya sa akin?"

"Hindi naman," tugon ko habang naghahanap ng channel sa tv. "Bakit kasi motorsiklo ang gamit mo? Hindi ba may kotse ka naman?"

Inilagay niya sa balikat niya ang tuwalyang pinagamit ko sa kanya, bago niya kinuha si RJ at inilagay sa kandungan niya. "Para safe. Kilala kasi ng ibang mga kalaban ni Daddy sa pulitika ang sasakyan ko. Nung nakaraan lang may nahuli kaming nakasunod sa akin. Kaya motorsiklo muna ang gamit ko."

"Eh 'di sana hindi ka na lang pumunta dito sa amin kung umuulan pala."

"Papunta na ako dito sa inyo noong biglang umulan. Hindi ko na magawang tumigil para magpatila ng ulan kasi malapit na rin naman ako dito."

"Ah, ganun ba? Okay." Feeling ko sobrang lamig ng pagkakasabi ko ng mga iyon kay Raeken, pero wala na eh. Nasabi ko na.

Ilang sandali lang siyang naging tahimik, bago ko siya narinig na tumikhim at nagsalita muli.

"Sorry na kasi," ani Raeken. Para siyang bata na nahihiyang magsalita. "Hindi ko naman talaga sinasadya. Nagtaka kasi ako kung paano mo nararamdaman ang mg nararamdaman ko physically. Imposible namang may super powers ka, kaya nag-research ako. Tapos nakita ko yung mirror-touch synaesthesia. Sinama kita doon sa ospital para i-test yun theory kong yun. Kung may kakayahan ka ba talagang maramdaman ang nararamdaman ng iba kahit tinitingnan mo lang sila. Hindi ko na alam na ganoon ang mangyayari eh. Hindi ko naman ginustong mapahamak ka," paliwanag niya sa akin.

Huminga ako nang malalim. "Since napatunayan mo na rin namang tama ang naresearch mo, you were right. I have this condition called mirror-touch synaesthesia. Dahil sa kondisyon na 'to, meron akong kakayahan na maramdaman ang mga nararamdaman ng ibang tao. I reflect what they feel physically just by looking at them. Pero kapag nahahawakan ko sila, nararamdaman ko rin ang mga emosyon na nararamdaman nila.

"Bata pa ako noong narealize ko na meron akong ganito. Magmula nun, I started having difficulties communicating and meeting other people. Hindi ko mapigilang maramdaman ang nararamdaman nila. I feel their pain kahit hindi ko naman gusto. Siguro para siyang super powers sa paningin ng iba. But to me, it's more of a burden. It prevented me from mingling with other people dahil baka mahimatay ako bigla na lang akong maglupasay dahil sa sakit."

"Kaya ba hinimatay ka noon sa cafeteria? Kaya ba ayaw na ayaw mong sumama doon sa outreach program?"

Tumango ako. "Oo. I need to isolate myself not because I don't want to be with other people, but because it was hard to be with other people. Maliban sa naaapektuhan ako physically, nabubully rin ako dahil dito. Sinasabi nilang gaya-gaya daw ako, o kaya nagdadrama lang. Hindi ko naman pwedeng basta sabihin sa kanila na meron akong mirror-touch synaesthesia, hindi ba? Baka mamaya pagtawanan lang ako. Alam mo naman ang iba. They tend to make fun of things they don't really understand."

Narinig kong bumuntong-hininga si Raeken. "Sorry. Sorry talaga."

"Okay lang. Hindi mo naman kasi alam, kaya hindi mo naman kasalanan."

"Pero dapat hindi na kita pinilit."

"Hayaan mo na. Tapos na iyon. Ngayong alam mo na, sigurado naman akong hindi mo na uulitin iyon," tugon ko habang isang matipid na ngiti ang nasa mukha.

"Eh yung parents mo, ano ang sinabi nila tungkol sa kondisyon mo?" tanong niya sa akin.

"Wala. Si mama hindi naman naniniwala. Sabi nga niya masyado lang daw akong imaginative. Si papa, wala siyang idea. Kaya eto, tinitiis ko lahat nang mag-isa."

"So I guess it's a good thing na nalaman ko ang kondisyon mo."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit naman?"

"Para naman hindi mo na titiisin yan nang mag-isa. You don't have to be understood by everyone, you know. Okay na rin yung kahit isa lang ang nakakaalam. Kahit isang tao lang na hindi ka huhusgahan, hindi ba?"

"At ikaw ang taong yun?" I asked him sarcastically while chuckling.

"Sino pa ba?" Tapos ay naisuklay niya ang kamay niya sa buhok niya habang tumatawa. "Grabe ka sa akin. Medyo gago lang ako pero hindi naman ako judgemental."

Tumango na lang ako habang tumatawa nang bahagya. "Oo na lang. Hindi ko naman sinabing judgemental ka."

Napailing na lang si Raeken habang tumatawa, at pagkatapos ay itinuon ang pansin sa palabas na pinapanood namin sa telebisyon.

"Pero Raeken," pagbasag ko muli ng katahimikan, "Bakit ba ako ang lagi mong pinagdidiskitahan? Andami naman nating ibang kaklase ah."

Bakas ang guilt sa mukha ni Raeken. "I'm sorry if I was picking on you all the time. Sorry kung ikaw ang pinili kong school buddy. Komportable lang kasi talaga ako sayo eh. At tsaka ang cute mong tingnan kapag naiinis ka. Mas naaaliw ako kapag sinasagot-sagot mo ako. I find that really adorable."

Thump-thump. Iyon ang tunog na nagmula sa puso ko noong sinabi niya iyon. Pero tinawanan ko na lamang siya para hindi niya mapansin na medyo na-taken aback ako sa sinabi niya iyon.

At oo, medyo kinilig ako.

Habang nanonood kami ay napadako ang tingin ko sa kanya. Napansin ko ang mga pasa sa braso niya. Mukhang matagal na iyon, pero dahil maputi siya ay kitang-kita pa rin iyon sa balat niya. Hindi kasi natakpan ng manggas ng t-shirt ng tatay ko ang mga pasa sa braso niya.

Tumingin akong muli sa direksyon ng tv, bago pasimpleng tinanong siya tungkol doon.

"Pero yung mga pasa at sugat mo? Sino ang may gawa niyan?" tanong ko habang nilalakasan ang volume ng pinapanood namin.

Naramdaman kong nakatingin siya sa akin, pero hindi ko siya hinarap. Naghintay na lamang ako na may isagot siya sa akin, pero sa halip na magbigay ng tugon sa tanong ko ay iniwas niya na lamang ang tingin niya sa akin at itinuon ang mga mata sa palabas sa tv.

Mukhang ayaw niyang magkwento. Siguro kasi nahihiya siya? O natatakot? O hindi pa siya ready na sabihin iyon?

Sabagay. Bakit nga naman niya sasabihin sa akin ang tungkol doon? Sino ba ako?

Huminga ako nang malalim bago tumugon ng isang matipid na ngiti. "Sige. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong magkwento."

"Hintayin mo munang maging mas close pa tayong magkaibigan. Kapag handa na ako saka ko sasabihin sayo."

Kaibigan?

Napatingin ako sa kanya dahil sa narinig kong iyon. "Kaibigan? Magkaibigan tayo?"

Tumango si Raeken. "Ayaw mo ba?"

"H-hindi naman sa ayaw. Hindi pa kasi ako nagkakaroon ng kaibigan dahil nga sa kondisyon ko, 'di ba?"

"Well now you have one. I'll be your friend from now on. Friends?" sabi niya habang nakatitig nang direkta sa mga mata ko.

Inangat niya ang mga palad niya paharap sa akin, Hinihintay niyang makipag-high five ako sa kanya.

I can sense the sincerity from those eyes. At sino ba naman ako para tumanggi sa isang sincere na offer mula sa lalaking hindi ko inakalang makakausap ko nang ganito.

Inangat ko rin ang palad ko, at marahang naglapat ang mga kamay namin. That high five was the beginning of an unconventional friendship between the brat and a weirdo like me.

"Friends."

Continue Reading

You'll Also Like

261K 5.6K 33
"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its...
1.1K 112 27
11:11 is an angel's number. They say you should wish something when the clock strikes at exactly 11:11 in the evening.
64.4K 1.6K 24
•Book One• You can't have it all, ika nga nila. Isang perpektong pamilya. Mapagmahal na mga kaibigan at isang mabait na kakambal. Sa sobrang pagmamah...
4.5K 386 53
In writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person? You nev...