Del Rico Triplets #2: Retraci...

By nefeliday

2.8M 40.6K 9.3K

Rolly woke up without memories. Lying in a not so comfortable hospital bed and facing a person who's clad in... More

Retracing The Steps
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Wakas ll
The third
Allen Del Rico
Tarian Del Rico
EXCITING ANNOUNCEMENT!
RTS BOOK COVER REVEAL!
DEL RICO EPISTOLARIES LAUNCHING:
FREEBIES FROM ME FOR POTENTIAL BUYERS
PREORDERING PERIOD STARTS NOW

Kabanata 11

38.9K 696 144
By nefeliday

Visitor

Troi drove for almost three hours. Nakatulog din ako ng dalawang oras sa byahe. Nang magising ako ay lumantad na sa mga mata ko ang iba't-ibang klase ng ilaw at polusyon sa Manila.

The same air brought me back to my college years at noong nagtatrabaho pa ako. Hindi ko lang talaga maalala ang nakaraan namin ni Troi but I am hoping that coming here would be a big help to regain my memories.

Isa pa, I think I need that para kahit papaano ay mas maging maayos ang pagsasama naming dalawa. Nang hindi ako nangangapa o nag-aalangan sa iaakto.

"I'll drop you to the penthouse before I go to the hospital."

Nilingon ko siya.

"Okay," I answered breathlessly.

Sumulyap siya sa akin bago tumango. Minutes later, bumaba ako nang nakatingala sa mataas na building sa harap ko. I remember being an employee to a well-known publishing house but I've never been into building like this. Hindi ako magala.

I am an introvert. After work, I went straight home.

That explain why I am in awe upon witnessing how tall the penthouse is.

"Let's go?" I heard my husband beside me.

I looked at him.

"Ihahatid mo pa ako sa taas?" kiming tanong ko.

His eyes already answered that. Somehow, I felt love. Oo, alam kong may naghihintay sa kaniya but I would love to take this chance to be babied by my husband. Once in a blue moon lang 'to sa klase ng trabahong mayroon siya.

Sa pasyente naman na ang atensyon niya mamaya at hindi ko alam kung ilang oras ang itatagal niya roon. Although I can see the worry in his eyes, pinili ko pa ring maging selfish. Just a little time, at least.

Sakay ng elavator, wen went up to the 38th floor in a well-known penthouse here in Manila. Sa pagkakaalam ko, bago lamang ito at natapos noong 2019. Ilang taon pa lang at talaga namang bumuo na ng magandang imahe sa publiko lalo na sa mga elite.

Troi used his keycard to open the door. I was in awe when I saw the entrance. I have my own apartment na malaki na para sa akin, but this one, para na itong mansyon sa isang katulad ko. I can definitely see how spacious his penthouse is.

"D-dito ba tayo nakatira noon?" nahihiwagaang tanong ko.

I heard him sighed. Pinanood ko siyang inilapag ang isang bag na pinaglagyan ko ng ilan sa mga importanteng gamit ko.

"I bought this one last month. Our house..." umiwas siya ng tingin at kunwari ay kinuha ang cellphone.

"I don't think we should stay there. Baka mamaya ay mabigla ka sa mga alaala mo at mahirapan ka lang sa biglaang pagsakit ng ulo." His voice is reassuring yet is trying to hide something.

Humugot ako ng hininga at tumango. I understand his point. Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya iyong pagkakataong may sumalit na alaala sa isip ko. I am not sure whether to tell him about that because it's not a good memory. Ni hindi ko alam kung totoo nga ba iyon o gawa-gawa lang ng isip ko.

Ngumiti ako sa kaniya.

"You can leave now. Ayos na ako rito," sambit ko.

Nagtagal ang titig niya sa akin habang may malalim na iniisip. Ngumuso ako at naglakad patungo sa kaniya. I guess he's worried that I might feel bad when he leaves.

"Troi, magiging okay lang ako rito," mahinahong sambit ko.

Liar! I still want to be with him but That's selfishness.

I held his hand. Mukhang natauhan siya roon. Bago pa siya makasagot ay tumunog na ang cellphone niya. The name registered there is Dr. Herera. I guess, the same Doctor he's talking to earlier.

Bumalik ang pag-aalala sa mukha niya na tila natauhan. Nang bumalik ang tingin niya sa akin ay may kung ano sa kaniyang mga mata na 'di ko mapangalanan. I smiled to assure him.

"Go," I muttered.

A small smile made a way to his lips. Hindi na siya nagsalita at niyakap ako bago kinintilan ng halik sa noo.

"I'll be back as soon as possible," he uttered.

Tango na lamang ang naging sagot ko. Pinanood ko siyang nagmamadaling tumalikod. When the door closed, napabuntong-hininga ako.

My eyes scanned the interior of his new bought penthouse. The spacious living room welcomed me with its manly accent wall. Sa tingin ko ay mamahaling klase ng batong itim ang mga iyon. Wala naman akong alam sa arkitektura o sa interior designing kaya hindi ko mapangalanan.

Magkahalong navy blue, white at black lang ang bawat gamit dito. Iyon ang tema ng interior. Maraming mga accessories at ilan pang mamahaling palamuti sa loob. Kahit di ako mahilig sa mga painting, I know the three piece that's hanging on the wall are from big-time painter.

After all, a Del Rico won't settle for less.

Lumabi ako sa naisip. I should value myself more than how I did way back since I married one, huh?

Dinala ako ng paa ko sa kusina. Isang buong bahay na iyon kung susumahin. Maganda at malinis ang kulay itim at mamahaling marmol sa sahig. Ganoon din ang ginamit sa kitchen sink at even sa center island.

Wala akong makitang nakalitaw na mga plato 'di tulad sa nakasanayan kong buhay. Maraming cabinet doon. There is also a spacious comfort room in the area.

Binuksan ko ang malaking refrigerator na halos hindi ko nahulaang ref dahil pareho ang kulay sa marmol sa kitchen sink. Samantalang sa aming mahihirap, iba ang itsura noon. Walang ganitong design.

Gusto kong matawa sa naisip kundi lang ako namangha at natakam sa dami ng laman noon. Triple ang laki ng loob at mga laman kaysa iyong nandoon sa amin sa Bulacan. Considering na mag-isa lang siya rito?

Kumuha ako ng isang chocolate bar na ang tatak ay hindi pamilyar sa akin. It might have been ordered across the country. Hindi ako na-disappoint sa lasa noon. Katamtaman lang ang pait at tamis.

I am chewing on it while I find my way to the master bedroom. This time, hindi na ako nagulat sa laki noon. Agad kong tinungo ang malawak na kama. King sized iyon. Lumundo iyon sa lambot ng tekstura.

Napapangiti akong humiga. This is the kind of life of a female lead on some of the novels I've proofread. Sinong mag-aakala na mararanasan ko rin 'to? Could there be more? Mas lalo akong nakakaramdam ng curiosity on how did I end up being a Del Rico?

Hindi ko namalayang dinalaw ako ng antok sa sobrang komportable ko sa pagkakahiga kahit pa nakalawit ang aking dalawang tuhod. Nagising na lamang ako nang makaramdam ng uhaw.

Bukas na bukas pa rin ang ilaw at katulad ng kung paano ko nadatnang nakasarado ang mga kurtina, ganoon pa rin iyon ngayon. Walang bakas na nakauwi na si Troi.

Bumuntong-hininga ako. Sinipat ko ang relo sa aking bisig at napagtantong alas siyete na ng umaga. Hindi mahahalata iyon dahil makakapal ang kurtinang nakaharang sa salaming nagsisilbing dingding ng halos kalahati ng silid.

Dahil hindi ako sanay na hindi nakakita ng natural na liwanag ay binuksan ko ang mga iyon. Halos malula ako sa nakita. This is a 40th floor penthouse and we're on the 38th one. Kahit alam ko iyon, nalulula pa rin ako dahil may fear of heights ako.

Nagmamadali akong umalis doon.

Before I start my day, nag-asikaso muna ako ng katawan. Nang  lumabas ako, katahimikan pa rin ang sumalubong sa akin. Kahit papaano, nakaramdam ako ng lungkot.

Kahit pa alam kong posibleng matagalan ng uwi si Troi, a part of me is still expecting that I'll wake up with him on our bed. Mabigat ang dibdib na naghanda ako ng pagkain.

Sapilitan kong nilibang ang sarili ko sa pagluluto ng agahan. I am not sure if he'll come home but I still want him to have something to eat when he did.

Hindi mahirap mamili ng lulutuin dahil kumpleto ang lahat dito miski sa spices. Naisipan kong magluto ng corned chicken paste at sinigang na baboy. Mukha namang hindi siya maarte sa pagkain.

Nagsalang na rin ako ng kanin sa automatic rice cooker na hindi katulad noong floral design na nabibili sa palengke sa halagang eight hundred.

Nagmumuni-muni ako sa kusina nang naisipan kong hindi ko nga pala na-check mula pa kagabi ang phone ko. Doon natuon ang atensyon ko sa sumunod pang isang oras.

Walang kahit isang text doon from Troi. He must have been very busy. Siguro ay masyadong naging kritikal ang lagay ng pasyente. That patient, malaki na rin siguro ang naging puwang niya sa puso ng asawa ko. Kitang-kita ko kay Troi kung paano siya mag-alala at maaligaga nang malaman ang kalagayan ng bata.

Napangiti ako. He loves children. I wonder what will be his reaction if we have our own. Lumabi ako at panandaliang nag-init ang pisngi nang maalala kung ilang beses naming pinagsaluhan ang init ng katawan sa Tagaytay.

Napahawak ako sa aking tiyan nang mapagtantong pwedeng magbunga ang mga sandaling iyon. He didn't use anything or widthraw himself.

Umusbong ang kakaibang kiliti sa tiyan ko. Siguro ay mas magiging masaya kung may munting anghel na bubuo sa aming dalawa.

Nawaglit lang ako sa isiping iyon nang marinig ang tunog ng door bell. Hindi iyon si Troi dahil may key card siya katulad ng iniwan niya sa akin.

Kuryuso sa kung sino ang taong nasa labas, nagmamadali kong tinungo ang pinto at binuksan iyon.

I was caught off-guard when I saw the visitor. Hindi isa mga pinsan o kapatid ni Troi but a woman whom I am very sure is not on my calibre.

"Oh! Troi's wife..." she muttered. Shock is evident on her expression.

"Hi..." she greeted me when she collected herself.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya, hindi pa rin nakakahuma sa gulat.

"Is Troi here?" kinagat niya ang labi at nakita ko ang pagdaan ng hiya sa kaniyang mata.

Pagkakataon ko iyon para makabawi sa gulat.

"E-eve..."

A small smile crept on her lips.

"I'm sorry. Hindi ko alam na nandito ka. Si Troi lang kasi ang palagi kong nadadatnan dito," aniya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot doon o ang magiging ekspresyon.

I know that she is Troi's best friend katulad ng pagpapakilala niya sa akin kahapon sa Tagaytay. Bukod doon, wala na akong alam kung gaano sila kalapit at libre siyang bumisita rito anong oras niya man gustuhin.

It's only past eight at nandito na siya para bumisita. Bumagsak ang tingin ko sa hawak niyang paperbag na may logo pa ng mamahalang restaurant.

"Oh, I brought this because Troi doesn't usually wake up early. Wala na siyang time magluto," paliwanag niya uli.

Hindi ko alam kung sino ang hindi komportable sa aming dalawa sa sitwasyon. Gayunpaman, kahit naguguluhan at nababagabag ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko, kinastigo ko ang sarili na respetuhin ang bisita.

"Pasok ka," mababa ang tono ng boses ko.

Lumawak ang ngiti sa labi niya.

"Thank you, Rolly!"

Dalang-dala niya ang sarili habang tinatahak ang daan patungo sa loob. Halatang-halata na hindi na siya bagong bisita. I can see how comfortable she is inside lalo pa at unang tinungo niya ay ang kusina.

Ako tuloy ang parang bagong dating na bisita na nakasunod sa may-ari ng bahay. I am watching her every move. The way her hips swayed in every step she takes. Modelong-modelo ang katawan. Hinulma sa pinakamagandang humahan.

Her curves defined by the fitted red dress she wears. Ang strap noon ay nakapulupot sa kaniyang leeg. Mababa ang neckline at sa likod naman ay tinatakluban lang ng nakatirintas na makikitid na tali. Mas nadepina din ang agwat ng height namin dahil sa suot niyang ankle strap pump na sa tingin ko ay nasa four inches ang taas.

Eve's hair was tide in a messy bun in which gives a perfect view to her almost exposed back. Her flawless skin was complimented by the color of her dress. If I am a man and she happened to be my visitor, I would feel delighted.

Ganoon din ba ang nararamdaman ni Troi kapag bumibisita si Eve? Bukod sa kasuotan niya ngayon, ano pang itsura niya kapag narito siya? My husband bought this penthouse last month. This is my first time here and this woman happened to be here countless of time.

I heaved a sigh.

'She's just a friend, Rolly,' I convinced myself.

"Oh, you cooked?" she asked. Humarap ito sa akin matapos ilapag  sa mesa ang paperbag na bitbit.

Tipid akong ngumiti.

"That's good to know. At least now he have someone to cook for him. Hindi iyong palaging siya ang nagluluto. Hindi kasi ako marunong," aniya na nagkibit-balikat.

Tumikhim ako. Iba ang dating sa akin noon pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang.

"G-gusto mo bang kumain? Pwede kang sumabay sa akin," pag-aanyaya ko.

I don't know where did I get the courage to be this generous to a woman who's starting to wake up the unfamiliar feeling inside me. Jealousy.

Nanlalaki ang mata niya.

"T-talaga? Of course, Rolly. I would love to!"

She sounded so hopeful and excited with that thought. Hindi kababakasan ng pagkailang sa kaniyang pinakikitang ekspresyon. Bagkus, parang napagbigyan na bata.

Taliwas sa nararamdaman ko.

Nevertheless, I did eat my breakfast with her. Saktong naluto ang kanin kaya wala akong kawala. Hindi niya inungkat ang tungkol sa bitbit niyang pagkain. She devoured what I prepared for her.

"Ngayon na lang uli ako nakakain ng home made food," she elegantly said after she puts down the glass of juice.

"Thank you, Rolly." Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya.

Tipid akong tumango.

"Bakit ka nga pala napadalaw?" lakas-loob kong tanong.

Tila natauhan siya sa naging tanong ko. Naglumikot ang mga mata niya at pakiwari ko'y nag-iisip ng dahilan. It looks like she didn't expect that I'll asked her that question directly.

"Well... h-hindi kasi kami nakapag-usap ng ayos ni Troi noong birthday ni Tita Alesha..." She wiped her lips before continuing.

"I have something to tell him. I didn't know he'll bring you here. Sorry for barging in without notice." Humina ang mga huling salita niya.

Eve... I can't read her. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan bilang kaibigan ng asawa ko. I know that she's been in his life before me but I am his wife. My title has a big difference with hers. Best friend siya, asawa ako. Pinangakuan ako ng habangbuhay.

Hindi ko alam kung ano ang tunay na stand niya sa buhay ni Troi pero kahit hindi ako nagtitiwala sa kaniya, si Troi na lang ang pagkakatiwalaan ko. Hindi naman siguro siya gagawa ng bagay na ikasisira namin, hindi ba?

Nawala ang mga iniisip ko nang malakas na tumunog ang phone ni Eve. Mabilis niyang kinuha iyon sa kaniyang maliit na purse. She seemed so excited pero nang tuluyang makuha ang cellphone ay bumagsak ang expresyon niya.

Tumikhim ako. Saka lamang para siyang natauhan at bumalik ang ngiti sa labi.

"It's Troi. He texted. Sabi niya pauwi pa lang siya," aniya. "I actually asked him if he's here. Hindi lang ako nakapaghintay kaya dumiretso na ako rito."

Tumango ako. My eyes drifted to my phone. Walang kahit anong tunog na nagmula doon. He didn't text me because I didn't text him first? I didn't asked him if he's coming home today? Was it because of that?

I felt a big pit on my stomach. The pain went trough my chest. I am the wife. He should've informed me even without being asked!

"Alam niya bang nandito ka na?" walang-ganang tanong ko.

She pursed her lips and shook her head. Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko.

"Tell him," utos ko.

Sandali siyang natigilan. Eve's eyebrow slightly raised  but after a second, nagtipa na siya sa cellphone niya.

"Done," she exclaimed happily.

i find it hard to identify what kind of person is Eve. Whether she's someone who's genuine to be trusted or someone who I should be aware of.

Her cellphone rang. This time, tawag na at hindi na text. She picked it up.

"Troi..." she uttered his name in a most natural way.

Walang bakas ng kahit anong hindi pangkaraniwang tono pero sa pandinig ko, ang malamyos na boses ni Eve ay iyong pinagpapantasyahang marinig ng kahit na sinong lalaki.

Kumunot ang noo niya. I watched every expression she shows while my husband is probably talking on the other line.

"I ate with her. She cooked food for you. It taste good."

That compliment should make my heart flutter if only I don't feel different right now. Nawalan ako ng gana. Again, my insecurities are trying to dig deeper that is causing havoc inside me without the woman in front of me knowing.

Mukha siguro akong yaya sa itsura ko. I am wearing Troi's tee-shirt and boxer. Walang kahit anong damit pambabae rito kaya wala akong choice kundi isuot 'to. Ang mahaba kong buhok ay nakapusod lang ng paikot para hindi maging sagabal sa pagkilos ko. Walang kahit anong kolorete sa mukha ko hindi katulad ng kaharap.

All in all, Eve looks representable while I look like a maid ready to do her chores. Malayo pa ang kulay naming dalawa. Mukha akong katulong na kinaawaan lang ng amo kaya sinabayan siyang kumain. Suddenly, I felt my eyes sting. Dadatnan ako ni Troi na ganito ang itsura habang may bisitang ganito kaganda.

"May dala din akong pagkain kaya lang sa tingin ko mas magugustuhan mo ang luto ni Rolly." Dinig ko ang panghihinayang ni Eve.

"Hurry up, then, Troi," a heard a hint of warning on her voice.

Like a wife who might feel depressed if her husband won't be here after the time she demanded him to be here.

Bumuntong-hininga ako at pilit kinakalma ang sarili. When Eve put down her phone, tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan.

"Nasa parking lot na siya," ani Eve.

Tumango ako, hindi na nagawang ngumiti pa. Salamat sa pag-i-inform sa akin. Nalaman kong nasa baba na iyong asawa ko. Nalaman ko mula sa ibang babae!

Kinuha ko ang mga pinagkainan naming dalawa at diniretso iyon sa sink. Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko at nagbabadyang umiyak. Subalit pinigilan ko ang sarili ko. I already know to myself that I am pathetic. I don't want to let them see how wreck I am this moment.

Gosh! This could be a simple matter to them but not to me. As someone who can't remember anything and knows that our marriage isn't going really well. Wala akong magawa kundi kaawaan lang ang sarili.

Binuksan ko ang gripo at hinayaan iyong tumulo.

"Kanino ka natutong magluto?" I heard Eve asked.

I bet she's still sitting there like a Queen.

Umismid ako dahil alam kong hindi niya ako makikita.

"Natutunan ko lang. Kapag mahirap ka, you'll learn that so you'd survived. Wala kasi kaming pera na ipambibili sa mga restaurant."

God, I wished that didn't sound offending. Hindi ko alam kung ano na ang tono ng boses ko.

"I agree with you. You're very lucky because you can survive without depending yourself to someone. Ako kasi hindi, eh..."

Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya pero balewala sa akin iyon. Mas naaawa ako sa sarili ko ngayon kaysa kaniya. She is about to tell me more but we heard the door opened.

Narinig ko rin ang pagkaskas ng upuan, hudyat na tumayo si Eve. She's excited that my husband is here. Typical expression of a wife, yes!

"Troi! What took you so long? Nakakain na kami," pagbungad niya.

"Leave, Eve. I'm exhausted right now. I don't want to talk to you," madiing sambit ng asawa ko mula sa likuran.

Kung ako ang nasa kalagayan niya, I might be offended by the way shoved her out. Pero nakakahiyang aminin na natutuwa ako roon

Humugot ako nang malalim na hininga bago nagpasyang humarap sa kanila. Kinolekta ko ang sarili at sinikap na maipakitang ayos lang ako. Na hindi ako nadudurog sa loob.

"Good morning," mababang tinig na bati ko.

Nasalubong agad ng tingin ko ang mga mata ni Troi na kababakasan ng pag-aalala. Why would he worry? Best friend niya lang naman ang kasama ko? It's not like Eve would say or do something to me.

"I'm sorry, love. It took hours of observing before I could finally released the patient out of my lab," he explained.

Hindi pa rin nawawala ang takot sa ekspresyon niya. Tumango ako. My lips is probably on thin line right now.

"Kumain ka na..." That's all I can say.

Nililimitan ko ang sarili kong magsalita dahil nanginginig pa rin ang mga labi ko at anumang oras ay pwede akong mag-breakdown sa harap nila.

Ipinaghanda ko siya sa plato niya. I heard him sighed before he went to beside me. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

"I'm sorry..." bulong niya uli.

Umangat ang tingin ko kay Eve na mukhang natigilan sa nakita. Tumikhim siya nang mahuli ang mga mata ko.

"Sorry," sa akin niya iyon ipinatutukoy bago bumaling ang tingin kay Troi.

"I hope we could talk next time, Troi. It's important. For now, I'll go ahead."

Isang ngiti ang iniwan niya sa amin. Partikular na sa akin. Maamo iyon pero ang paraan ng pagkakasabi niya ng mga salita sa asawa ko ay may himig ng pagbabanta.

Bago pa lumipad ang isip ko sa kung anu-ano, I felt Troi's kissed on my  cheek.

"Don't mind her. She's probably having issues again."

Tumango ako, hindi na nagsalita pa at yinakag na lamang siyang kumain.





Continue Reading

You'll Also Like

82.7K 671 44
Haliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young a...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
129K 1.6K 40
Lavena Briallen exudes confidence, embracing her voluptuous figure. As a plus-sized model, she adores her family, cherishes her friends, relishes foo...
175K 2.8K 36
Chase Villafranca, known as the playboy of the group have a motto in life saying "Fuck and forget" would never be expected to settle down again. But...