My Tag Boyfriend (Season 2)

Від OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... Більше

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 7

420K 7K 1.5K
Від OppaAnja

My Tag 7

Sitti's POV

          Medyo awkward ang pakiramdam ko ngayon dito sa may court.

          Paano ba naman iyong si yabang, pinaupo ako dito sa may bench nila. Alam mo na? Sa bench ng mga players sa team namin? Doon sa upuan ng mga players na nababangko?

          Kanina nga eh sabay-sabay silang nagsitinginan sa akin  nang maupo ako dito. Parang alam mo iyon? 'Yung parang may something weird lang sa pagkakaupo ko o di kaya sa mukha ko?

          Sabagay! Ano nga ba naman ang hindi weird sa isang babaeng bigla na lang pinaupo ng basketball player boyfriend  niya dito sa may bench na para lang sa mga player.

          Ang sabi pa ni yabang sa akin kanina, baka daw bigla na naman akong tumalon sa may bleachers kapag umakyat daw ulit ako doon. At baka mamaya daw hindi na ako makahawak sa railing at matuluyan na akong mapilayan o baka ma-ospital o simpleng mamatay lang.

          Ang hindi ko maintindihan sa sinabi niya, kailan pa ako tumalon mula sa bleachers? Ayos lang ba siya? Nakita ba niya yung nangyari sa akin kanina huh? Natulak ako! NATULAK!

          Kakainis kasi 'yung taga kabilang school eh! Makikipagsagutan na lang kay Margaret, kailangan manulak pa?! Saka bakit ako 'yung natulak eh aawat lang naman ako sa kanila?

          'Yan kasi! Sa susunod wag kang nakikisali sa problema ng iba huh Sitti? Tandaan mo na yan!' Sermon na naman sa akin ng boses sa utak ko na utak matanda.

          Utak na may utak. Psh! Tama nga siguro 'yung bintang nila sa akin na baliw na ako.

          "Another points for Eastton University!"

          "WUUHOO!"

          Biglang nagtayuan 'yung mga teammates ni Kaizer na katabi ko pati na rin 'yung coach nila sabay cheer doon sa mayabang—este sa kanina pa score ng score na si Kaizer Buenavista!

          Napahawak ako bigla sa bench nang wala sa oras sa biglang pagtayuan nila. Umalog yung upuan eh! Akala ko nga malalaglag na ko!

          At alam niyo na naman 'yung ginagawa ng mayabang na iyon?

          Ayun! Kindat na naman ng kindat sa akin!

          Seriously?! Ano ba ibig sabihin ng kindat na iyon?! Siguro kailangan ko nang magtake ng subject na may kinalaman sa body language at decoding. Nakakabaliw na kasi mag-isip sa kung ano bang dahilan at ibig sabihin ng pagkindat-kindat niya sa akin eh!

          'Yung puso ko tuloy kinakabahan! Mamaya bigla na lang akong sugurin sa ospital dahil sa kaba doon sa pagkindat niya.

          'Baka naman may epilepsy si Kaizer pero medyo di lang halata?'

          Inalis ko 'yung kabaliwan sa utak ko, ang korni kasi! Saka nagfocus na lang ako sa panonood ng laro.

          Napatingin ulit ako sa may cartolina na hawak ko. 'Yung effortless kong kartolina.

          Napapaisip ako kung ilalabas ko ba 'to o wag na lang. Saka kanina ko pa napapansin na napapatingin na rin si yabang dito eh! Naalala ko tuloy nung tanungin niya ako kanina tungkol dito.

          "Ano 'yan?"

          "Huh? Anong ano 'yan?"

          "Yan!" Sabi niya sabay turo sa cartolina na hawak ko. "Ano 'yan? Bakit nagdala ka niyan?"

          "H-Huh? Ah ito ba? A-Assignment ko 'to!"

          "Assignment? Wala naman akong natatandaan na may assignment tayo na kailangan ng cartolina ah?"

          "H-Huh?! Wala ba? Hehehe! Mali pala ako! Sarreh! Okay? Sarreh!"

          "Baliw."

          Isa rin siguro sa mga subject na dapat kong kuhain ay 'yung art of lying. Medyo bagsak kasi ako diyan eh pero buti na lang at hindi na nagtanong pa si Kaizer. Hindi na niya ako kinulit tungkol doon sa cartolina.

          At salamat na rin sa pito ng referee na nagpabalik na doon sa mga players sa gitna ng court.

          Nasermunan pa nga ako kanina ng technical committee dahil daw sa pag-istorbo ko sa laro.

          Nahiya naman ako sa mga iyon! Ako na nga 'yung naaksidente ako pa pinagalitan nila! Paano kung tuluyan akong naaksidente, itutuloy pa rin nila yung laro? Mga walang puso! Mga hindi saging!

          Okay kornin ko. Balik tayo sa kwento ko. So iyon na nga, nasa 2nd half na 'yung laro namin at gaya ng score kanina sa 1st half, lamang pa rin ang school namin.

          Sa bawat minuto na tinatagal ng pwet ko dito sa bangko para sa players, mas lalo lang akong kinakabahan sa mga susunod na mangyayari.

          Tinanong ko rin kasi kanina si yabang tungkol doon sa sinabi niya bago magsimula 'yung game. Alam niyo na? 'Yung tungkol sa kiss?

          At alam niyo ba ang sabi sa akin ni yabang?

          "Seryoso iyon! Kaya ihanda mo na 'yang labi mo dahil sisiguraduhin kong mananalo kami dito at iki-kiss mo ako." Sabi niya sabay wink na naman sa akin.

          WAAAAAH! Bakit ako? Lord bakit po ako? Ano po bang nagawa kong masama sa mundong ibabaw at kailangan kong halikan ang nilalang na iyon?

          Kung maririnig siguro ako ng ibang fan girls ni Kaizer iisipin nila na napakaswerte kong babae.

          Ako? Swerte? Huh! Saan banda?!

          Nakakahiya kayang ikiss 'yung isang tao! Mag-hi nga lang sa mga classmates ko nahihiya na ako ano pa kaya 'yung pagkiss ko sa boyfriend ko di ba?

          Hindi ako sweet na tao. Hanggang ngayon nga bangag pa rin ako sa idea na boyfriend ko na 'yung pinaka sikat na lalaki sa school eh!

          Oo in love ako sa kanya pero syempre nahihiya pa rin ako kumilos sa tabi niya.

          At isa pa, kita niyo naman siguro 'yung agwat ng social status namin di ba?             

          Sikat siya. Ako sikat sa bash. Sobrang layo talaga namin!

          "Hoy girlfriend ni Captain!"

          Nagulat ako nang bigla akong tapikin ng katabi kong lalaki dito sa bench. Sa pagkakatanda ko Rico yata name ng isang 'to.

          "Bakit po?" Bakit niya ako tinatawag na girlfriend ni Captain?

          "Po? Bakit po?" Natatawang sabi nito.

          Hala! Baliw! Ano kayang nakakatawa doon sa po?

          "Magka-edad lang tayo baliw! Ano na? Hindi mo ba ipapakita 'yan kay Captain?"

          "H-Huh? Anong ipapakita?" Sabi ko sabay lagay ng cartolina sa likuran ko.

          "Ilabas mo na 'yan para mas ganahan maglaro si Captain namin!"

          "A-Assigment ko lang 'to!"

          "Sus! Assigment daw! Icheer mo na siya! Ikaw rin! Baka matalo kami. Ikaw sisihin namin kapag natalo kami."

          Lakas naman maka-FC (feeling close) nitong si Kuya! At ang lakas niya din mangonsensya ah?

          "Alam mo ba, girlfriend ni Captain," Biglang nagsalita ulit si Kuya FC. "Last chance na namin 'to sa championship. Kapag natalo kami dito, tapos na din 'yung pangarap namin na makuha ang championship sa taon na 'to."

          "Pangarap ni Captain na madala ang team dito at makuha ang trophy at maging district champion. Nawala kasi 'yung chance namin last year. Isang panalo na lang at saka lang namin masasabi na sulit ang paghihirap namin all these years."

          Mala-Slamdunk 'yung dramahan ni Kuya. Mangongonsensya na nga lang siya, gagayahin pa niya 'yung drama sa Anime.

          "Kaya ilabas mo na 'yan at simulang icheer si Captain!"

          Nagulat ako nang bigla na lang hablutin ni Kuya FC 'yung cartolina ko sabay binuklat.

          "Captain!"

          Biglang napalingon sa direksyon namin si Kaizer sabay taas naman ni Kuya doon sa cartolina na dala ko at pinakita iyon kay yabang.

          O-EM-GEE! I'm doomed!

Kaizer's POV

          "Captain!"

          Napakunot-noo ako nang tawagin ni Rico—isa sa mga guard ng team namin na di muna pinasok—'yung atensyon ko.

          Pero sandali lang 'yung kunot sa noo ko saka ako napangiti sa nakita ko—'yung nakasulat sa dalang cartolina ni TG kanina.

          "Assignment pala huh?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.

          Napangiti ako sa sarili ko saka ako napatingin kay TG na pasipol-sipol na lang doon sa pwesto niya habang umiiwas ng tingin sa akin.

          "Hoy! Akin na nga 'yan!" Dinig ko sabi ni Sitti kay Rico sabay hablot at tago ng cartolina niya sa likuran niya.

          "Baliw ka talaga." Nakangiting sabi ko saka tumakbo sa kabilang ring para dumepensa.

Sitti's POV

            Alam niyo sobrang nakakabanas 'yung si Kuya FC! Ang FC niya talaga! Nakakainis!

          Tama daw bang ilabas at ipakita na lang kay Kaizer 'yung effortless kong cheering cartolina?! Aba! Invasion of privacy kaya 'yun! Pwedeng-pwede ko siyang idemanda sa korte dahil doon sa ginawa niya!

          Okay. Ang OA ko. Pero tama bang ilabas na lang niya bigla 'yung cartolina ko? Nakakainis kaya 'yung ginawa niya!

          Nag-iisip pa nga lang ako kung paano ko 'to ilalabas nang walang masyadong drama at eksena dahil doon sa ginawa ko—I mean namin ni yabang na public display of affection eh!

          Ano na lang ang mukhang ilalabas ko sa mga taga-Eastton kapag nagpasukan na ulit?

          Nasa last quarter na 'yung laro nila yabang. At hanggang ngayon, lamang pa rin 'yung school namin.

          Hala! Paano na 'to? Bakit ayaw magpatalo ng school namin?! Bakit?!

          Siguro alam ng kabilang team 'yung tungkol sa pustahan namin ni yabang kaya nagpapatalo talaga sila!

          WAAAAAAAH!!! So hahalikan ko talaga 'yung mayabang na 'yun?!

          Bigla akong napakunot-noo nang makita ko si Kaizer na napapatingin na naman sa akin. Pero hindi na siya kumikindat ngayon. Masama na naman 'yung tingin niya. Alam niyo na? 'yung usual na tinginan ng isang Kaizer Buenavista? Oo. Nagsusungit na naman siya.

          Ang sama ng tingin niya sa akin—I mean sa kartolina na hawak ko.     

          "Ano ba, Buenavista! Focus! Pinapabayaan mo 'yung bola!"

          Nagulat ako nang bigla na lang sigawan ng coach ng team namin si Kaizer.

          Pero si yabang? Ayun! Deadma sa pagnenermon sa kanya ng coach nila at ang sama pa rin nang tingin sa akin.

          'Ano na naman ba problema niya?'  Sa isip ko.

          Teka! Parang pamilyar sa akin 'yung mga ganitong tinginan ni Kaizer Buenavista.

          Hala! Nadi-dyebs na naman ba siya?!

          'Sitti ang baliw mo talaga kahit kailan! Ano-ano naiisip mo! 'Yung cartolina 'yung tinititigan niya nang masama di ba? Ilabas mo na yan!' Sabi nung boses sa utak ko.

          'Hala utak! Nakaka-intindi ka na nang body language?!'

          'Sira! Ilabas mo na 'yan kung ayaw mo masapak nang mga teammate ni Kaizer kapag hindi mo siya pinagcheer!'

          Bigla akong napalunok doon sa huling sinabi nang utak ko sabay napatingin ako sa cartolina na hawak ko.

          To open or not to open, that is the question ni Hamlet—este ko pala.

          Ano ba?! Ilalabas ko ba 'to at ipahiya ko na naman ang sarili ko o wag na lang at magpabugbog na lang sa buong basketball team ng Eastton?

          'Okay Sitti! ILABAS MO NA YAN ULIT!'

          Napalunok ako nang mariin sabay napapikit at binuksan 'yung cartolina na hawak ko at itinaas iyon sa ere.

          "TB!"

          Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang biglang nanahimik 'yung buong court kung saan sila naglalaro.

          Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at medyo nagulat ako nang makitang nakatingin sa akin si Kaizer at 'yung buong player na nasa loob ng ring. Feel ko lahat ng tao sa lugar na ito ay nakatingin na naman sa akin.

          Ayos Felicity Sandoval! Peymus ka na naman!

          Mahigpit akong napahawak sa cartolina ko saka iyon mas tinaas sa ulo ko at saka sinigaw 'yung mga salitang nakasulat doon.

          "GO TB! TALUNIN MO SILANG LAHAT!"

          Sobrang pulang-pula nang mukha ko nang idilat ko ulit 'yung mga mata ko.

          Nagtama 'yung mata namin ni Kaizer nang dumilat ako ulit saka siya ngumisi sa akin at mabilis na tumakbo papunta sa ring nang kalaban.

          Biglang natauhan at nagsigalawan 'yung mga player sa kabilang team nang bigla na lang tumakbo papunta sa side nila si Kaizer.

          Pero huli na para mapigilan nila si Kaizer dahil mabilis nitong na-shoot ang bola sa ring nang walang kahirap-hirap.

          "WAAAAAAAAH!" Bigla akong napasigaw saka ko winagayway sa ere 'yung cartolina ko.

          Nakakatuwa! Naka-score na naman kami! WAAAAAH!

          "ANG COOL MO, TB!" Hindi ko mapigilang isigaw iyon.

          Pero bago ko pa maisip kung ano 'yung sinabi ko, napangiti na sa direksyon ko si yabang sabay kinindatan na naman ako at nag-thumbs up sign sa akin.

          Dahil sa sobrang tuwa ko, napa-thumbs up sign na rin ako sa kanya habang hawak ko 'tong cartolina.

          Hanggang lumipas pa ang ilang segundo at naging mainit na naman 'yung laban sa pagitan ng school namin at sa school ng kalaban.

          Grabe! Hindi ko akalain na ganito pala ka-enjoy manood ng isang game lalo na at nasa malapit ka lang.

          Sobrang nagtititili talaga ako na parang isa sa mga fan girl ni Kaizer kapag na-isteal nila ang bola mula sa kalaban at nakaka-score.

          Pero teka! Bakit may pakiramdam ako na na may nakakalimutan akong isang napaka-importanteng bagay na nangyayari ngayon?

          Ah bahala na! Basta magchicheer na lang ako sa TB ko—I mean sa team namin! SA TEAM! Hindi kay yabang ah? Psh! Asa naman kayo!

          "WAAAAAAH! ANG GALING-GALING MO TALAGA, TB!"

          Every time na magtitili ako na parang fan girl at everytime na bino-boost ko 'yung mataas na ego ni Kaizer Buenavista—in-enjoy niya 'to promise!—lagi siyang nag-ta-thumbs up sign sa akin.

          Ewan ko ba bakit ganoon siya nang ganoon. Pero ako namang si plain curious, nakiki-thumbs up sign din sa kanya. Minsan dalawang thumb ko pa 'yung tinataas ko sa kanya.

          Tapos alam niyo naging reaksyon ni yabang doon? Ayun! Nag-ala Kazehaya pose na naman siya sabay iwas ng tingin sa akin.

          'Luh! Ano problema noon?' Sa isip ko.

          At lumipas pa nga ang ilang sandali at...

          *PRRRRRRRT!*

            Lahat kami na nasa loob ng gym ay parang automatic na napatingin sa may score board sabay dahan-dahan namang napataas 'yung mga players namin sa court ng mga kamay nila sa ere.

          53 – 82 ang naging score sa laro.

          1...2...3!

          "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

          "Our new district champion, EASTTON UNIVERSITY!"

          "WAAAAAAAAAH!" Bigla akong napasigaw nang wala sa oras nang bigla na lang i-announce kung sino 'yung naging bagong district champion.

          Pero hindi talaga iyon 'yung pinaka baliw na nagawa ko.

          Alam niyo kung ano?

          Well, tumakbo lang naman si Felicity Sandoval sa gitna nang court at saka biglang niyakap 'yung pawis pero amoy mabango pa rin na si Kaizer Buenavista.

          Para siyang bata na nagtatalon sa tuwa habang hawak niya 'yung dalawang kamay ni Kaizer at umaarte na crazy fan girl sa harap nang isang napaka pogi—este yabang na lalaki.

          O-MY-GAD!

***

          "Alam mo na kung saan ang next na punta natin di ba, Captain?" Dinig kong sabi ni Kuya FC sabay kaway kay Kaizer at lumabas na sa gym.

          Ngayon isolated na 'yung gym kung saan nagkaroon ng isang legendary laban for championship.

          Ngayon, mag-isa na lang kami dito sa loob ng gym ni Kaizer Buenavista.

          WAAAAAAAAAAH!

          Kapag may ginawang masama sa akin ang tao na ito please lang pakitawagan po ang Mama ko sa numerong 0905XXXXXXX at pakituro ang salarin na si Kaizer Buenavista!

          Papatayin niya ba ako sa kahihiyan sa ginawa ko na biglang pagyakap sa kanya o dahil doon sa cartolina?

          Ito na ba 'yung part na may sasabihin siyang mga nakakatakot na linya na parang psycho killer?

          OMYGAD! Isang psycho killer si Kaizer?! MYGAD! Di ako na-informed! Kailan pa siya naging—        

          "Aray!" Malakas na sabi ko sabay hawak doon sa noo ko. "Ano ba?! Bakit ka na naman namimitik ng noo huh?!"

          "Lumilipad na naman kasi 'yung utak mo sa mundo ng kabaliwan!" Sabi niya saka pinitik na naman 'yung noo ko.

          Balik na naman siya sa pagiging forehead bully niya.

          "Ano ba?! Napakaforehead bully mo talaga!" Sabi ko sabay himas doon sa noo kong namumula.

          Yari sa akin 'tong batang 'to pag-uwi ko! Sakto may picture ako kasama 'to!

          Ilalagay ko pangalan niya sa death note ko! Bwahahaha!

          "Forehead bully? Ako?" Sabi pa niya sabay turo sa sarili niya.

          "Oo! Ang forehead bully mo! Isa kang bully! Bully!" Sabi ko sabay labas ng dila ko sa kanya. "Nye! Nye! Nye! Nye!"

          Nagulat ako nang biglang tumawa nang malakas si Kaizer sa harapan ko sabay hawak sa tiyan nito.

          Hala! Wala ng pag-asa ang tao na 'to! Tsk! Tsk! Tsk! Confirmed na guys! May psychotic problema nga 'tong si Kaizer Buenavista.

          Ma-share nga 'yun sa status ko sa FB mamaya! Titingnan ko lang kung mababawasan ba yung female fandom niya.

          "'Yung kabaliwan level mo talaga TG ang layo ng nararating!" Natatawang sabi pa niya sabay patong ng isang kamay niya sa ulo ko.

          Ilang sandali kaming nagkatitigan. Noon una naiinis ako sa kanya eh! Hinaras na naman kasi niya 'yung noo ko. Pero katagalan bigla na lang namula 'yung mukha ko saka medyo na-o-awkward-an na rin ako sa paraan ng tingin niya.

          "A-Ano...K-Kaizer—"

          "Thank you, TG." Putol niya sa mga sasabihin ko.

          "H-Huh?"

          Ngumiti muna siya sa akin saka niya inalis 'yung pagkakapatong ng isang kamay niya sa ulo ko saka tumayo nang maayos sa harapan ko.

          "Thank you doon sa cartolina, sa pagsigaw saka doon sa pagdouble thumbs-up mo sa akin kanina. Mas ginanahan akong maglaro sa ginawa mo."

          Huh? Ano daw? Ginanahan siyang maglaro dahil lang sa pagdouble thumbs up sa kanya?

          Eh iniwasan niya nga ako ng tingin kanina eh! Saka hello! Siya kaya nagsimula noon! Saka anong nakakagana doon sa pagdodouble thumbs up?

          Pero ang mas concern ko dito, mas nagustuhan niya 'yung pagdouble thumbs up ko. Aba! Paano na lang 'yung cartolina ko? 'Yung pagsigaw ko na parang isang crazy fan girl niya? 'Yung kahihiyan ko? Paano 'yun? Bale-wala ng lahat iyon sa kanya?!

          "Alam mo ba ang ibig sabihing ng thumbs up?"

          Napakunot ako sa biglang off-topic na sinabi ni Kaizer sa akin saka niya itinaas 'yung right thumb finger niya sa tapat ng mukha ko.

          Okay! Ngayon lang ako naka-encounter ng isang psycho killer na nakikipagkwentuhan  pa sa biktima niya. Teka! Psycho killer ba talaga si Kaizer? Aish! Ewan! Bahala na nga!

          "Hindi eh!" Sabi ko sabay kunot-noong nakatingin sa thumb finger niya. "Bakit? Ano bang ibig sabihin niyan? Pantawag ba 'yan sa alien?"

          Di ba may ganoon din sa palabas na E.T dati? Ang pinagkaiba lang nitong kay Kaizer, thumb gamit niya hindi index figer.

          So ano nga? Pantawag ba 'to ng alien? Signal pa 'to sa kanila?

          OMYGAD! Dadalasan ko na paggawa nito! Gusto kong mabalik sa Earth si Matteo Do!

          "'Yung pagtaas ko ng right thumb finger ko..."     

          Biglang nagsalita na naman si Kaizer na nagputol sa munting pagpaplano ko sa utak ko kung paano ko masa-summon si Matteo Do papunta sa bahay namin.

          Ang cool kaya ni Matteo Do! Alien na pogi na Professor sa isang school na super rich na super pogi ulit—ay nasabi ko na pala 'yun! Hohoho!

          "Ibig sabihin noon," Biglang inalis ni Kaizer 'yung tingin niya sa daliri niya sabay balik ng tingin sa mukha ko. "I love you. Ako puso mo."

          Huh? Ano daw? Mali ba ako ng dinig o mali talaga ko?

          "Ano nga ulit? Paki ulit?" Sabi ko sabay alog doon sa tenga ko. "Medyo nagka-deffect na yata tenga ko sa sigawan ng mga fan girls mo kanina. Magkano paayos ng tenga ngayon—"

          Hindi ko na natuloy 'yung sinasabi ko nang biglang hawakan ni Kaizer, gamit 'yung isang kamay niya, 'yung baba ko saka niya ako sapilitang hinarap sa kanya.

          "Ako puso mo ang ibig sabihin ng pagtaas ng kanang thumb finger natin sa ere." Sabi niya sabay taas na naman doon sa thumb finger niya. "At 'yung pagtaas naman ng sa kaliwa ang to infinity ang beyond."

          Medyo mabagal maka-process ng responses 'yung utak ko. Bale medyo may trapik sa utak ko minsan.

          Pero nung nakuha ko na 'yung ibig sabihin ng mala-Professor Matteo Do talk ni Kaizer Buenavista, biglang nag-init 'yung mukha ko.

          "Sa tuwing itataas mo itong right thumb finger mo sa akin, sinasabi mo ako ng ako puso mo. Kapag sabay mo namang tinaas 'yung dalawa, ibig sabihin noon, ako puso mo, to infinity ang beyond."

          Mas lalong nag-init 'yung mukha ko nang i-explain pa talaga ng heartless, emotionless, insensitiveless, bottomless na si Kaizer Buenavista 'yung sinabi niya.

          Bakit ba niya kailangan pang ulitin sa akin 'yung bagay na iyon?! Kailangan talaga ulit-ulit?! Na-gets ko na naman na noong una eh! Kailangan ba talaga ulitin?!

          "A-Alam mo—"

          Naputol na naman sa gitna ng lalamunan ko 'yung mga sasabihin ko pa nang biglang itaas ni Kaizer Buenavista 'yung right thumb finger niya sa tapat ng mukha ko sabay dahan-dahan naman niyang inangat 'yung kaliwang thumb finger niya. 

          "Ako puso mo, TG. To infinity and beyond."

          Ewan ko ba pero parang may automatic switch 'yung mga daliri ko sa kamay at bigla na lang nagsitaasan 'yung right and left thumb finger ko saka ere saka iyon dahan-dahang dinikit sa mga thumb finger ni Kaizer.

          Sabay naming pinanood 'yung mga daliri namin doon sa pagkakadikit nila saka kami napatingin sa isa't-isa at saka marahang ngumiti.

          Alam niyo ba? Habang magkadikit 'yung mga daliri namin ni yabang, bigla na lang uminit 'yung lamang-loob ko—I mean 'yung puso ko pala.

          'Yung sa simpleng ginawa namin na iyon, nagkaroon kami ng parang secret code? Alam mo na? Kapag may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo masabi ng direkta ginagawan mo ng code?

          Uso yan sa mga high school eh! 'Yung binibigyan nila nang other name 'yung mga crush nila para hindi malaman ng crush nila na crush nila sila. Aish! Gulo! Puro crush! Intindihin niyo na lang!

          Tapos, habang magkadikit din 'yung mga thumb fingers namin, pakiramdam ko naririnig ng tenga ko 'yung tibok ng puso namin. Na kapag ipinikit ko 'yung mga mata ko, mas lalo kong maririnig 'yung malakas na tibok ng mga puso namin?

          "TG..."

          Dami palang benefits ng thumb finger ano? Bakit ngayon ko lang nalaman? May book din ba about wonders of thumb fingers? Saan nabibili iyon at bibili ako.

          Malay niyo! Thumb fingers din 'yung gamot sa cancer di ba? Aba! Mabuti nang nakakasigurado tayo people!

          "TG!"

          "Ay kambing! Bakit?!"

          Bigla kong naidilat 'yung mata ko saka biglang naibaba 'yung mga daliri ko sa gilid ko.

          "Kambing? Ako? Kambing?!" Sabi ni Kaizer sabay turo sa sarili niya. "Ang gwapo ko namang kambing para maging kambing!"

          "Okay. Uwi na ko." Bagot na sabi ko nang magbuhat na naman ng mahiwaga niyang sofa si Kaizer "The Yabang" Buenavista saka ako tumalikod sa kanya.

          Pero hindi pa ako nakakaisang hakbang palayo sa kanya ay bigla na lang hinila ni Kaizer 'yung kamay ko at sapilitan akong pinaharap ulit sa kanya.

          "Walang uwian, TG. May atraso ka pa sa akin."

          "Hoy! Wala akong utang sa'yo ah! Kapal ng mukha nito!" Ay wait! Meron nga ba?!

          20 pesos na lang pero ko eh! Magkano ba utang ko dito?

          "Sira! Wala kang utang na pera sa akin!" Sabi niya sabay pitik na naman sa noo ko.

          "Isang pitik mo pa sa noo at ipapatawag ko na ang Gabriella!" Banta ko sa kanya sabay himas sa noo ko.

          My poor noo! Ano bang naging kasalaan mo noong past life mo at kinakawawa ka ng nilalang na ito?

          "Nakalimutan mo na yata 'yung naging usapan natin bago magsimula ang game, TG." Sabi ni yabang sabay ngisi sa akin.

          Okay! Sure na sure na sure na ako! 'Yung ngisi niya, 'yung pagsadya niya na maiwan kaming dalawa dito sa loob ng gym...

          SURE NA AKO! ISANG PSYCHO KILLER SI KAIZER BUENAVISTA! WAAAAAAAAAH!

          "Nanalo ako sa laro namin ngayon, TG."

          Nagulat ako nang biglang itapat ni Kaizer 'yung mukha niya sa mukha ko saka niya iyon nilapit...as in super lapit!

          "Naaalala mo ba? Di ba sabi mo iki-kiss mo ako sa lips kapag nanalo kami?"

          "Hoy! Wala sa usapan na sa lips 'yung—"

          Nagulat ako nang biglang hilain ni Kaizer 'yung batok ko sabay hinila ako palapit sa kanya at nagtama 'yung mga labi namin.

          Nanlalaki ang mata ko nang bigla ko na lang maramdaman 'yung lips ni Kaizer sa lips ko.

          Psycho killer na manyak! WAAAAAAAH!

          Itutulak ko na sana palayo si Kaizer nang bigla na lang niya itaas sa gilid ng mga mukha namin 'yung right thumb finger niya. Mas lalong nanlaki mata ko sa ginawa niya.

          Matapos noon, bigla niya akong binitawan saka siya tumitig ng matagal sa mukha ko.

          "I love you, Felicity Sandoval. Ako puso mo."

          Napakagat ako sa labi ko sa sobrang pamumula nang mukha ko saka ako bilang tumingkayad at biglang hinalikan si Kaizer Buenavista sa labi niya.

          Nakita ko 'yung panlalaki at pamumula nang mukha niya doon sa ginawa ko. At sa tingin ko, ganoon din ang mukha ko ngayon.

          "A-Ayan! N-Nagawa ko na! W-Wala ka nang ma-i-ba-black mail sa akin ah! Ginawa ko na pinag-usapan natin!" Nauutal-utal na sabi ko saka napatingin sa mukha niya.

          "A-Ako puso mo din, K-Kaizer Buenavista."

          Ilang sandaling napatingin sa mukha ko si yabang saka niya marahang napangiti sa akin at itinaas na naman 'yung right thumb finger niya sumunod naman 'yung left.

LEAVE COMMENTS! ^________^v

Продовжити читання

Вам також сподобається

Dear LoveBug (PUBLISHED) Від Chinchin

Підліткова література

13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
1.6M 96.6K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
9.1K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
29.8M 609K 64
Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two differ...