My Tag 23

227K 4.5K 1.5K
                                    

My Tag 23

Sitti's POV

          Ilang araw na ang nakakalipas magmula nang magsimula ang bagong semester sa Eastton pero ewan ko ba kung nagiging paranoid lang ba talaga ako o sadyang may iba talaga sa classroom namin?

          Maliban sa ngayon ang araw ng sitting arrangement—na naman—parang medyo tahimik ang klase namin.

          Madalas kasi kapag dumadating na ang sitting arrangement day sa amin, ganito ang magiging normal na reaksyon ng mga babae kong kaklase:

          "Kyaaah! Sana makatabi ko si Prince ngayong semester!"

          "Gusto ko kumandong kay Kris!"

          "Hoy! Ano ka ba! Magagalit sa'yo si Patty! Bawal kandong!"

          "Itabi niyo ko kay Prince Kaizer! Itabi niyo ko! ITABI NIYO KO!"

          Pero wala. Walang ganyang eksena ngayon. Sobrang tahimik dito. Nakakabaliw sa sobrang tahimik.

          At ang mas nakakakunot pa ng noo ko dito, lahat sila tahimik na nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa iisang direksyon.

          Kay Mia valdez. 'Yung bagong transfer sa school namin.

          "Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa nagbalik ang babae na 'yan dito."

          Bigla akong napalingon sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Margaret.

          Siya nga pala, nandito kami sa may pinaka sulok na parte ng classroom sa likod, malapit doon sa may bintana habang hinihintay namin 'yung home room teacher namin para mag-ayos ng mga magiging upuan namin sa semester na ito.

          "Sa totoo lang, mas lalo pa yatang ma-iimbyerna ang buhay College ko sa kanya." Sabi ulit ni Margaret sabay kuskos doon sa kuko niya gamit 'yung nail file. "Ano pa bang gusto niya at bumalik-balik siya dito? Bakit tinanggap pa siya ng school?"

          Napatingin ako kay Patty para sana humingi ng signal kung tungkol saan ba 'yung pinagsasabi ni Margaret at kung saan ba nag-uugat ang galit ni Margaret para doon kay Mia.

          Bakit kaya may pakiramdam ako na lahat ng kaklase ko ay galit kay Mia?

          Dahil ba doon sa bigla niyang pagkiss sa pisngi ni yabang? Eh ano kayang big deal? Sabi naman ng Prof namin galing ibang bansa daw si Mia. Baka naman nakasanayan na niya na ganoon bumati sa mga kakilala niya? Kaya bakit sila nagagalit.

          Hindi ko maintindihan mga tao dito.

          "Hayaan mo na lang siya. Wala naman na siguro siyang binabalak na hindi maganda." Sabi naman ni Patty.

          "Anong wala?!" Biglang nagtaas ng boses si Margaret sabay turo ng nail file niya doon kay Mia. "Eh 'yung pagpasok pa nga lang niya sa school natin ulit masama na eh! Hindi pa ba masama sa'yo 'yung pagpili niya sa klase natin para maging klase niya rin?"

          "OA mo naman, Margaret." Sumingit na ako sa usapan nila ni Patty sabay napatingin na rin sa direksyon ni Mia na nakatalikod sa amin. "Ang ganda kaya niya!"

          "O ngayon?" Taas-kilay na sabi niya. "Pakialam ko kung maganda 'yan? Rason na ba ang pagiging maganda para maging masama?"

          Sabay kaming napatingin ni Patty kay Margaret mula ulo hanggang paa.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now