Meet my BOYFRIENDS

By sexydreamer

1.5M 24.6K 4K

#MMB || Si Kathryn, isang female Casanova. She has many boyfriends. Hindi siya nahihiya kahit pa kalat sa buo... More

Meet my BOYFRIENDS.
Meet my BOYFRIENDS. 1
Meet my BOYFRIENDS. 2
Meet my BOYFRIENDS. 3
Meet my BOYFRIENDS. 4
Meet my BOYFRIENDS. 5
Meet my BOYFRIENDS. 6
Meet my BOYFRIENDS. 7.1
Meet my BOYFRIENDS. 7.2
Meet my BOYFRIENDS. 8
Meet my BOYFRIENDS. 9
Meet my BOYFRIENDS. 10
Meet my BOYFRIENDS. 11
Meet my BOYFRIENDS. 12
Meet my BOYFRIENDS. 13
Meet my BOYFRIENDS. 14
Meet my BOYFRIENDS. 15
Meet my BOYFRIENDS. 16
Meet my BOYFRIENDS. 17
Meet my BOYFRIENDS. 18
Meet my BOYFRIENDS. 19
Meet my BOYFRIENDS. 20
Meet my BOYFRIENDS. 21
Meet my BOYFRIENDS. 22
Meet my BOYFRIENDS. 23
Meet my BOYFRIENDS. 24
Meet my BOYFRIENDS. 25
Meet my BOYFRIENDS. 26
Meet my BOYFRIENDS. 27
Meet my BOYFRIENDS. 28
Meet my BOYFRIENDS. 29
Meet my BOYFRIENDS. 30
Meet my BOYFRIENDS. 31
Meet my BOYFRIENDS. 32
Meet my BOYFRIENDS. 34
Meet my BOYFRIENDS. 35
Meet my BOYFRIENDS. 36
Meet my BOYFRIENDS. 37
Meet my BOYFRIENDS. 38
Meet my BOYFRIENDS. 39
Meet my BOYFRIENDS. 40 ~ FINAL CHAPTER
Meet my BOYFRIENDS. Epilogue

Meet my BOYFRIENDS. 33

28.4K 459 58
By sexydreamer

---Dedicated to TeamPadillaFTW. Hello! Sorry natagalan yung dedication. :) Thank you! Enjoy. :D

Chapter 33

Kath's POV

Isinama ako ni Gino papunta sa condo niya dahil aayusin na daw niya ang lahat. Tatapusin na niya ang gulo saming tatlo ni Sofia. And I hope na maayos na talaga to ngayong gabi.

Kaya nandito ako ngayon sa sasakyan at inaantay na bumaba na si Gino.

Pero dahil impatient ako at gustong malaman kung anong nangyayari, umakyat ako.

20th floor. Nakarating na ko sa unit niya at naabutang nakabukas ng konti yung pinto.

Rinig na rinig ko sila kahit nasa labas pa ko. Ohmygod.

Sumiliip ako sa loob. Gosh. Hindi ko alam kung maaawa ako kay Sofia o maiinis dahil sa nakikita ko ngayon.

Nagmamakaawa siya kay Gino na huwag siyang iwan.

Grabe, sobrang sakit nun. Ang laking kahihiyan kung tutuusin pero ginagawa niya padin.

Dahil sa sobrang napa-tutok ako sa pinapanood ko, di ko namalayan na nabuksan ko ng konti pa yung pinto at tumunog ito.

Napatingin sila sakin. Gulat at galit.

Gulat si Gino, galit naman si Sofia.

Bigla na lang sumigaw at lumapit sakin si Sofia.

"Ikaw! Ikaw babae ka! Mangaagaw ka!!! Gino was mine first! You slut!"

At bigla niya na lang akong sinabunutan.

"Araay!" reklamo ko.

Pero parang hindi niya narinig. Kaya hindi padin siya tumitigil. Talagang galit siya sakin.

Wala naman akong kasalanan pero bakit ba ako yung sinisisi niya?!

Gusto kong bumawi pero alam kong mali at lalo lang magkakagulo.

Lumapit si Gino at inawat si Sofia. "Tangina Sofia! Wag mong idamay si Kath dito!"

Napigil naman niya si Sofia at binitawan yung buhok ko.

Ang sakit nung pagkakasabunot niya sakin, grabe.

Magsasalita na sana sakin si Sofia ng biglang may sumigaw na lalaki mula sa pinto.

"SOFIA!"

Napatingin kaming tatlo.

OhmyGod.

Is this...

"Khalil?/Khalil?!" sabay na sabi namin ni Sofia.

Wait.. magkakilala sila?!

Napatingin ako kay Gino at halatang sobrang naguguluhan siya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sofia.

"Sinusundo na kita, Sofia. We're going back to States. Kaya wag ka nang magpaawa dyan sa boyfriend mong hindi ka na mahal!" Khalil.

Back to States? Naguguluhan ako. So they met sa States?

"What?! NO WAY! I'm never going back there! Tantanan mo na ko, Khalil! Raise that child alone!" Sofia.

What child?!

"Teka, ano bang pinag uusapan niyo? At sino ka ba?" biglang epal ni Gino.

"Ako ang asawa ni Sofia. May anak na kami."

WTF?!

"Anak?! Anong anak?! Anak ng tokwa, Sofia!! Kelan ka pa nabuntis?!"

Hindi ko alam kung galit si Gino o talagang nagulat. Pero grabe yung reaction ng mukha niya.

"Hindi! Shit! Khalil, get loss! Shut up and get loss! Leave me alone!" Sofia.

"Khalil!"

Naguguluhan na din ako. Anong nangyari? Sa pagkakaalam ko, si Khalil.. Mabait, sweet, matalino, at hindi gagawa ng masama. Ex ko siya, isa pa nga siya sa top 10 eh. Pero.. Anong nangyari? Bakit biglang.. nakagawa siya ng isang pagkakamali.

"Anong nangyari sayo?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Kath.."

"You know her?!" Sofia to Khalil.

"Ex girlfriend ko siya. Dati pa." There's a hint of bitterness when he said that.

Bakit ang cold ng pagkakasabi niya. Ang weird. May mali ba?

"Ano?!" sabay na reaction ni Gino at Sofia.

"Oo." pagconfirm ko. "A year ago, I guess."

Napatingin siya sakin. Teka, bakit ganun yung mata niya? Parang may sinasabi pero hindi ko maintindihan.

"Usap tayo next time, Kath. I'll explain everything." humarap siya kay Sofia. "Sofia, let's go. Mamaya na ang flight natin at hinahanap ka na nila tito!" sabay hawak niya sa braso nito.

"Sinabi nang ayoko eh!" Tinanggal niya yung kamay ni Khalil. "Gino, please! Huwag mo kong pabayaang sumama sa kanya! Ipaglaban mo ko, please!"

Grabe si Sofia. Hindi ko alam kung anong masasabi ko.

"Sa lagay na yan, tingin mo ipaglalaban pa kita? Una sa lahat, nagsinungaling ka. 9 months, Sofia. 9 months mong dala dala yung anak mo. Pero nagawa mong itago sakin. Kaya pala umalis ka na lang bigla ng ilang buwan. Sabi mo mahal mo ko? Anong klaseng pagmamahal yung magpapabuntis sa ibang lalaki?! At isa pa, hindi na kita mahal! Kaya wag mong sabihin saking ipaglaban kita kasi hinding hindi ko gagawin yun."

Pagkatapos nun, hinila na ko ni Gino palabas.

Napalakas yung hila niya sakin. Napa-aray tuloy ako.

"Shit. Sorry." At hinalikan na lang niya ko sa noo at tuluyan na kaming pumasok sa elevator.

Naiintindihan ko naman kung bakit nahila niya ko ng malakas eh. Nadadala siya ng emosyon. Nagalit at nainis siya sa nakita niya at nalaman niya.

Oo nga naman. 9 months. Sure na kapapanganak lang nung anak nila. Kasi diba si Sofia at Gino pa noon? 3 years diba? Nasabi niya sakin noon pa. Kaya imposibleng malaki na yung bata. Kaya nga siya umalis ng 4 months. Siguradong dahil dun. Pero diba dapat malaki na ng konti yung tyan ni Sofia sa 5months? Paanong natago niya kay Gino yun?

Aish. Wala ka nang kinalaman dun, Kath. Wag mo nang alamin.

Sumakay kami sa kotse niya. Padabog niya pang sinarhan yung pinto.

Ang awkward ng atmosphere sa byahe. Nakakabingi yung katahimikan. Wala manlang radyo. Kaya naisipan kong magsalita.

"Gino, okay ka lang ba?"

"Paano mo nakilala yung si Khalil? Gano kayo katagal? Kelan pa naging kayo? Shit.." bigla siyang nagsalita na parang hindi ako narinig.

Teka, bakit si Khalil yung iniisip niya?

"Matagal nang naging kami. Mga 2 weeks lang yata. Di ko naman kasi siya sineryoso masyado. Nung time kasi na yun.. alam mo na." I was a casanova back then. And I regret being one.

Aish.

Hinawakan niya yung kamay ko habang nagdra-drive.

Nararamdaman kong hindi siya maayos. Madaming iniisip.

"Are you okay, babe?" at hinaplos ko yung kamay niya.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Oo naman."

Kinuha niya yung kamay ko at hinalikan ito.

Napangiti na lang ako.

Pero nang mapatingin ako sa daan..

"GINO!" sigaw ko.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

Isang malakas na busina ang narinig namin. At sobrang liwanag na headlights ang nakatutok saming mga mata.

"Holy shit!" napabitaw siya sa kamay ko at mabilis na kinabig pa-kanan yung manibela ng sasakyan.

*screeeeeeeech*

"OhmyGod! Wooh! OhmyGod."

I'm so breatheless.

Muntik na..

We almost.. died.

Gino..

Napatingin ako sa kanya. Hindi siya makahinga ng ayos.

Napatingin siya sakin.

"Shit! Kath, ayos ka lang ba?! Tell me! May masakit ba sayo?! Ano?! I'm so sorry Kath! Hindi ako nakafocus sa daan. Tangina. Sorry talaga!" sabi niya yun habang paikot ikot yung kamay niya sa mukha ko, pati sa braso ko.

"Oo, okay lang ako Gino. Ikaw, are you okay?"

"Oo. Aish! Tangina! Si Sofia kasi! Bullshit!" at hinampas niya yung manibela.

"Gino, huminahon ka!"

"Tangina! Bakit kasi kinailangang malaman ko pa to?! Pwede namang magstay na lang sila dun at itago to sakin!"

Si Sofia yung naaalala niya. Yung iniisip niya. Yung prinoproblema niya.. sa oras na ako yung kasama niya.

"Bullshit, Gino! Sa susunod kasi magingat ka!"

"Kath naman. Sorry na nga diba?"

"Leche! Kung ano ano kasi iniisip mo! Hindi ka nakafocus sa daan! What if! What if all of a sudden, nabangga tayo dahil sa kakaisip mo?! Tapos namatay ako at nabuhay ka?! Ano?! Bigla ka na lang magsisisi?! Eh gago ka pala eh! Kasalanan mo yun! .. Sorry?! Lecheng sorry yan Gino! Paulit ulit ko na lang naririnig! Nakakasawa na! Lagi ka na lang nagsosorry! For Christ's sake, manawa ka naman!"

Lumabas na ko ng sasakyan at nagmadaling tumakbo. Saktong may dumaan na taxi kahit gabing gabi na at wala na halos sasakyan. Thank God.

Naiinis ako! Bakit ba kasi hindi na lang niya kalimutan?! That's nothing to him, right? Kasi sabi niya ako yung mahal niya. Pero bakit ganun niya problemahin si Sofia?!

Dumiretso na ko samin at nagkulong sa kwarto ko.

Damn hell this day!

Ang daming revelations. Ang daming nangyari.

Nakakainis!

Kinuha ko na lang yung mini speaker at ikinabit sa phone ko. Nagshower ako habang pinapatugtog.

Nawala naman yung galit at inis ko kahit papano, pero nakakainis padin.

Aish.

Nakapagbihis na ko't lahat at hihiga na sana ng biglang may sumigaw mula sa labas.

"KATH! KAAAATH! GISING KA PA BA? BUKSAN MO NAMAN PINTO OH, PLEASE!"

Naiirita ako. tss!

Pumunta ako sa terace sa may harap.

"God, Gino! Magpatulog ka! Gabing gabi na!"

Babalik na sana ko sa loob pero sumigaw na naman siya.

"Kath naman! Patawarin mo na ko. Seryoso, hindi na ko uulit! This will be the last. I'm Sorry!"

Paalis na sana ko ng bigla niya kong tinawag at nakita ko siyang itinataas yung pantalong soot niya above knee sabay lumuhod sa aspalto sa kalsada sa harap ng bahay namin.

What the heck?! Is he crazy?!

"Hindi ako tatayo dito hangga't di mo ko pinapatawad, Chandy!"

Chandy? Gosh, tagal ko nang di naririnig yun.

Biglang nanlambot yung puso ko.

Naawa ako sakanya.

Masakit kaya lumuhod dun! That's hard rock cement! Tapos magaspang pa!

Sht. Patatawarin ko na ba?

Mapaguusapan pa naman namin to eh. Siguro, oo? Pero nakakainis na talaga. Sawang sawa na ko sa halos araw araw na sorry! Maya't maya na lang. Nakakapagod na din.

Naitatanong ko tuloy sa sarili ko, kelan ba siya mapapagod magsorry? Kelan siya mapapagod gumawa ng kasalanan?

OA ba ko? Feeling ko oo. Pero yun eh. Yun nararamdaman ko. Hindi ko na kaya.

"Kath.. Please. Just one more chance. One more."

Nagmamakaawa na siya. Mangiyak-ngiyak na siya.

Hindi ko na alam.

"Ah! Aray! Sht!"

Nagulat ako ng bigla siyang nagreklamo. Nakahawak siya sa isa niyang tuhod. Tapos yung actions niya. Parang.. parang tinitignan kung may dugo?

Ohmygosh!

Nagpanic na ko. Nagtatakbo ako pababa at lumabas at tinulungan siyang tumayo.

"Gino! Ayos ka lang ba? Masakit? Ano?! Kaya mo pa? Papadala kita sa ospital! Halika na, Gino! Tumayo ka na!"

Hinihila ko siya.

"Aray! Teka, Cha. Diba hindi ako tatayo dito hangga't di mo ko pinapatawad?"

"Ano ba, Gino! Nagagawa mo pang gumanyan?! Umayos ka nga! Tara na! Tatawag na ko ng ambulansya!"

Tatakbo na ko sa loob pero bigla niya ko hinila. Kaya napa-luhod ako sa harap niya at pareho kaming nakaluhod. Nakasuot naman ako ng pajama kaya ayos lang. Tsk.

At natatawa pa siya!

WTH?! Nagagawa niya pang tumawa ngayon?!

"At nagagawa mo pang tumawa?!"

"Pfft. Hahaha. Kath.. Baby Chandy ko.."

Shiiiiiit.

Stop it, Gino!

Naguguluhan tuloy ako sa nararamdaman ko!

"Ambulansya agad? Ospital na agad? Kath, sugat lang to. Dulot ng sakripisyo ko para sayo."

Psshhh! Gino! Masyado mo kong pinapakilig!

Wtf? Nababaliw na ko! Hindi naman ako ganito kiligin noon eh.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Aish, oo nga naman. Ang tanga ko!

"Babe.. One more chance? Please?"

Then he cupped my face.

Oh ano, Kath? Bibigay na ba?

Argh.

"Yes."

Automatic na nasabi ko yun sabay nod.

Bigla naman siyang tumayo at bigla akong binuhat.

Parang sa kasal.

At dinala ako papasok sa bahay.

"Gino! Ibaba mo ko!"

Hindi siya umiimik at nakatawa lang na inilapag ako sa sofa at umupo sa tabi ko.

"Ah, sht. Ouch." reklamo niya sa sugat.

"Ay! Teka, kukuha lang akong first aid kit!"

At nagtatakbo na ko sa kwarto ko.

Ngayon lang ako manggagamot ng ibang tao. So anong kailangan ko? Bulak? Alcohol? Band aid? Ano pa?!

*boooogshh*

Katangahan ko! Aish, nahulog pa yung drawer.

"KATH! Anong nangyari?!"

At nakita ko na lang siyang nasa may pintuan ko.

Teka, bakit ang bilis nito?

"Wala. Yung drawer kasi. Tss. Dyan ka na lang sa kama."

Hindi na siya nagsalita at umupo sa kama ko.

Nakuha ko na mga kailangan ko at lumuhod ako sa harap ng may sugat niyang tuhod. Kinuha ko yung basang face towel at pinunasan yung sugat ng dahandahan. At nilagyan ko yun ng alcohol at band aid.

"Ayan! Tapos na!" nakangiti kong sabi.

"So, tulog na tayo?" sabay higa niya.

"Anong tayo? Umuwi ka na sa condo mo! Wala nang ahas dun. Tss." Okay, di ko sinasadyang sabihin yun. Haha.

Bigla lang siyang natahimik at tinititigan ako. Napatitig din ako sa kanya pero medyo naiilang ako. Ewan ko ba!

"Gino.. a-ano. T-tulog na tayo?" I'm stuttering! I don't know why!

Kasi eh! May something sa tingin niya. That makes me weak yet the source of my strength.

Aish, ang gulo ko.

"Mahal na mahal kita, Cha."

And I automatically answered, "I love you too, Gi."

Then the next thing I knew, he kissed me.

**

The next morning, nagising akong nakayakap sakin si Gino.

Napangiti ako.

This is true right? Everything is true. We're back together.. Wala na si Sofia.. I'm friends with the babes again..

Wala nang hadlang.

Finally. I'm so happy!

Sa sobrang saya, ginanahan akong kumilos. Kaya unti-unti kong tinanggal yung kamay ni Gino at bumangon ng dahan-dahan. Pumunta ako sa kusina and cooked him some breakfast.

Matapos, I served it on the table.

"Good morning."

Nakita ko siyang nakangiti sakin.

Best way to start the day.

Ang gwapo niya! Nakaka... nakakabaliw!

Yung ngiti niya. Yung mga mata niya. Yung magulo niyang buhok. Yung naka sando at short lang siya, na grabe ang gwapo-gwapo!

Nababaliw na talaga ko!

Lumapit siya sakin saka niyakap ako at hinalikan ang noo ko sabay umupo na para kumain.

"Marunong ka pala magluto."

"Oo naman. Pero minsan lang."

"Hayaan mo. Pagdating ng araw, madalas na yan." sabay kumindat pa siya.

Ano naman daw meaning nun? Oh well.

**

We spent the whole day together.

I didn't remember much, but all I could think about is that I will love this man forever.

Yes, FOREVER.

Many say it's impossible. And many hate that word.

But I'll make them believe.

Cause forever starts with me, and him.

You'll see.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THEN THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER, THE END. XD JOKE.

OH ANSABE? XD Naloloka na ko. :D Pasensya na po at matagal akong di nag update. Jusko, wag na alamin reason. :)

ETO NA PO. PANIBAGONG KABANATA. MASAYA NA. HAHAHAHA. Ang pinaka aabangan na lang eh ang ENDING. *dendendeeeeen (scary sounds)* HAHAHA. Sige!

Nga pala ULIT. Sa mga di pa nagbabasa, SHE IS THE ONE po. On-going KathNiel story written by yours truly, sexydreamer. ;) click external link to read. -->

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 207 34
Meeting a Tsundere girl is not easy to deal with lalo na pag naging girlfriend mo na ito.Tsundere means (act mean and sometimes violent on the outsid...
659K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
9.2K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...