A Flirt's Unrequited Love

By milfeau1028

40.8K 356 20

Ang sabi nila daig ng malandi ang maganda. Pero papaano kung ang kaisa-isahang lalaking gusto mong paibigin... More

Chapter 1-AloWdia
Chapter 2-Reminiscence (Prelude sa Kalandian) Part I
Chapter 4 The End of the Beginning Part I
Chapter 5 The End of the Beginning Part II
Chapter 6 Calm Before The Storm
Chapter 7 Date
Chapter 8 Breakable
Chapter 9 Atribida
Chapter 10.1 Shatter
Chapter 10.2 Shatter
Chapter 11 Forever Lee-tot ni Yamatae
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Icebreaker
Side Story 1: Kent
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue
About the Spin-off

Chapter 3-Reminiscence (Prelude sa Kalandian) Part II

1.4K 13 0
By milfeau1028

August 2011

“Hoy Kent! Hintayin mo naman ako.” Sigaw ko habang hingal na hingal na sa kakahabol kay Kent. Nakatuon na ang magkabilang kamay ko sa aking dalawang tuhod habang hinahabol ang aking hininga.

“Ang bagal mo kasi. Bilisan na natin at baka maiwan tayo ng bus.” Masungit na tugon ni Kent sabay hila sa aking kamay. Field trip kasi namin ngayon sa Subic. Ilang taon na rin mula ng una kaming magkakilala ni Kent. Nasa 3rd year Highschool na kami ngayon. As usual masungit pa rin siya sa akin pero masasabi kong kahit na tinatarayan niya ako parati ay close na kami.

“Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng huminto muna tayo kahit 30 seconds lang? I need to catch my breath. Kanina pa kaya tayo kumakaripas ng lakad.” I was panting at kinailangan ko siyang higitin para lang mapahinto saglit sa paglalakad. We were half running actually.

Etong lalaking to talaga... Kung hindi lang talaga kita mahal.

“Kung sana kasi ay gumising ka ng maaga. E hindi sana tayo nagmamadali ngayon.” Pagtataray niya habang nakataas ang isang kilay at nakahalukipkip.

“Opo. Sorry na po. Kasalanan ko na.” Sarkastiko kong sagot. Nang medyo humupa na ang aking hingal ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Buti na lang ay umabot kami sa call-time, kung hindi ay sesermonan ako panigurado ni Father Kent. Hehe.

“Oi nandito na pala ang lovebirds! Good morning Kent and Alodia.” Pangungutya ni Ralph, ang isa sa aming mga kaklase pagkapasok namin sa loob ng bus. Naghagalpakan sa tawa ang iba pa naming kaklase at nakisali din sa pang-aasar.

“Huwag nga kayong ano diyan.” I glared at them. “Mamaya niyan mabwisit pa lalo sa akin itong si love of my life. Bwisit na nga siya actually e.” Bulong ko sa sarili ko. Mabilis na naglakad patungo sa dulo ng bus si Kent at doon umupo sa dulong two-seater sa right-side ng bus. Tinignan niya ako at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya kaya nagmadali ako agad at doon na umupo. Doon siya pumwesto sa may window. Gusto ko din sana doon para maisandal ko ang ulo ko kasi inaantok pa rin ako. Ang aga naman kasi ng call-time, 5 am e antok na antok pa ako.

“Hi Kent! Excited ka na ba para sa field trip? Kasi ako super excited na! First time ko kasi makakapunta sa Ocean Adventure and excited na rin akong magswimming.” Elsa the Great squealed with matching tantalizing eyes pa. Nakaupo siya sa seat sa harap ko.

“Dukutin ko yang mata mo e tapos bubunutin ko pa lahat ng eyelashes mo. Makita mo...” I scowled deep within myself. Nakakairita talaga tong si Elsa. Obvious na bet na bet niya talaga si love of my life. Pero sorry ka na lang, pinaglihi ata sa bato etong si labs at di tinatablan ng alindog ng kahit na sino.

“And so? Ano namang pake ko kung first time mo at excited ka?” Kent replied and i gloated.

Yan kasi masyadong papansin. Nabasag tuloy.

“Ang sakit mo namang magsalita.” Halos mangiyak-ngiyak na si Elsa, sabay talikod sa amin ni Kent. Umupo na siya nang maayos at di na kami ulit pinansin.

.................................

Naging matahimik ang byahe namin patungong Subic. Akala ko ay magiging maingay ang klase namin habang bumabyahe pero mukhang halos lahat ata ay puyat at walang energy na mag-ingay. Mga kalagitnaan ng byahe ay di ko namalayan na nakatulog pala ako.

“Yamashita... Hoy Yamashita...” pabulong na tawag sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Antok pa rin talaga ako kaya di ko man lang maidilat ang mata ko.

“hmmmnn..??” i groaned. Ilang sandali ang lumipas ay narealize ko na nakasandal pala ako sa kung ano. Minulat ko ng bahagya ang aking mata at nakitang nakasandal pala ako sa balikat ni Kent at siya ang gumigising sa akin. Napatalon ako at napaayos sa pagkakaupo. Bigla ding nawala ang antok ko.

“Sorry. Kanina mo pa ba ako ginigising? Sorry di ko alam nakasandal na pala ako sayo. Bigat pa naman ng ulo ko.” pinasadahan ko ng aking palad ang aking bibig dahil feeling ko ay tulo ang laway ko dahil sa mahimbing kong tulog.

“Hi-hindi naman. Okay lang di mo kailangang magsorry. Nakakatuwa ka talaga kahit kailan Yamashita.” Tawa siya ng tawa. Hindi ko talaga maintindihan ‘tong lalaking ito. Madalas ay masungit sa akin pero lagi din naman akong pinagtatawanan. Pinagtitripan ba ako nito?

“Tara na nga. Bumaba na ang iba nating classmates.” Sabay hila sa kamay ko. Nagpatinaod naman ako. Siyempre magiinarte pa ba ako? E gustung-gusto ko rin namang hawakan ang kamay niya. Habang naglalakad kami patungo sa aming mga kasama ay hindi ko mapigilang mapangiti at ituon ang aking pansin sa lalaking humihila sa akin at sa mga kamay naming magkadaupa. Minsan talaga hindi ko mapigilang umasa... Umasa na sana ay may nararamdaman din siya kahit konting pagkagusto sa akin. Alam ko namang mali ang umasa, mali ang mag-expect pero ganoon naman talaga di ba kapag nagmahal ka? Kahit ayaw mo mang aminin sa sarili mo, deep within umaasa ka pa ring mareciprocate ang feelings mo. Gusto mo rin na mahalin ka rin ng taong mahal mo kahit alam mong may 1% chance ka lang.

“O ayan na pala ang lovebirds!” panunukso ng mga kaklase namin. “Ayieee...” dagdag pa nila habang ang iba ay sumisipol. As usual deadma lang si Kent. “Para talagang walang effect ang beauty ko sa isang ito...” bulong ko sa aking sarili.

“Mr. Lee, Ms. Yamashita, hurry up! Magsisimula na ang tour natin.” Tawag ni Ms. Gozon, ang aming class adviser. Ang una sa itinerary namin ay ang Jungle-Environment Survival Training (JEST) Camp, after noon ay ang Ocean Adventure, then swimming, and last ang forest adventure kung saan ay magte-trekking kami sa Apaliin Trail at sa iba pang parte ng kabundukan ng Zambales. Overnight ang fieldtrip namin dahil may kahalo itong camping sa kabundukan ng Zambales. Bukas pa ng umaga ang balik namin sa Manila. Bago kami magsimula sa aming tour ay nagroll-call muna si Ms. Gozon para masiguradong kumpleto kami. Pagkatapos ay nagsimula na siya sa pagbibigay ng instructions sa amin.

“Okay class. For today’s trip, gusto ko ay may buddy system. Ipagpapares ko kayo, one boy and one girl. Boys make sure na lagi niyong kasama ang ka-pair ninyo. Inaasahan kong poprotektahan ninyo ang buddy ninyo. And girls, huwag kayong hihiwalay sa buddy ninyo. Isumbong niyo sa akin kung may pasaway. Is that clear?”

“Yes ma’am!” our class chorused.

“For the first pair... James Teban and Nadine Dimaipinta. Next, Thomas Mondragon and Elsa Samaniego...”

“Badtrip naman. Hindi pa si Kent nakapartner ko.” Narinig kong mahinang sambit ni Elsa sabay padabog na lapit sa kapareha niya.

“Hi Miss Beautiful.” Nakangising bati ni Thomas kay Elsa sabay akbay.

“Tse! Miss Beautiful mo mukha mo! Bagay nga sa iyo ang apelyido mo dahil mukha kang dragon!” pasikmat na sagot ni Elsa sabay hawi sa nakaakbay na kamay ni Thomas. Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Thomas at hindi na pinatulan pa si Elsa.

“Kent Lee and Alodia Yamashita...” sunod naman kaming tinawag ni Ms. Gozon. Napatingin ako sa direksyon ni Kent at nakitang nakatingin din siya sa akin gamit ang kanyang mapupungay na mga mata at blankong ekspresyon.  Lumapit siya sa kin sabay winagayway ang kanyang kamay sa harapan ko.

“Huy ok ka lang?” tanong niya gamit ang nagtatakang ekspresyon. Hindi ko napansing nakatulala na pala ako sa kanya.

“Huh? Ah. Oo okay lang ako.” Sagot ko at pinilit kong ngumisi. Nakakahiya talaga. Feeling ko tuloy ay pulang-pula ang pisngi ko. Ano ba kasing meron ang lalaking ‘to at napapatulala na lang ako ng wala sa oras? Nakita kong kumunot ang noo niya at umawang ang bibig na para bang may gustong sabihin pero tinikom niya na lang itong muli.

“Tara na. Pumila na tayo dun. Baka magalit si ma’am.” Sabi ko at hinila na siya papunta sa harap.

.......................................

Naging masaya ang aming field trip lalo na at lagi kong kasama si Kent dahil sa buddy system. Tahimik lang siya at parang walang pakialam as usual pero nakikita ko namang nag-eenjoy din siya. Sa tagal na kasi naming magkakilala ay gets ko na kung kailan siya masaya at kung kailan naman hindi kahit na wala siya masyadong pinapakitang emosyon. Gabi na ngayon at sinimulan na naming mag-assemble ng aming kanya-kanyang tents.

“Tulungan na kita.” Saad ni Kent sabay kuha sa mabibigat na parte ng tent na dala-dala ko.

“Sa-salamat.” Nauutal kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin bilang tugon at sinimulan na ang pagkabit sa mga dala-dala kong parts kanina.

“Tatayo ka lang ba diyan? Baka naman gusto mong tumulong din dito?” tanong ni Kent sabay turo sa Tent na inaassemble. Nakakunot ang kanyang noo at nakataas ang isang kilay habang sinasabi niya iyon.

“Hah? Ay. Ah Sorry. Eto na tutulong na.” Natataranta kong sagot. Napailing na lang siya at nagpatuloy sa pagbuo ng tent. Bago ang camping ay hinati kami sa grupo na binubuo ng apat na estudyante,  kung sino ang magkakasama sa tent. Magkahalo ang boys at girls since may rumoronda namang mga teachers para masiguradong walang kalokohang gagawin ang mga estudyante. Dahil buddies kami ni Kent ay magkasama kami sa iisang tent.

Matapos mabuo ng lahat ng grupo ang kani-kanilang tents ay nagtipon-tipon na ang lahat palibot sa bonfire. Napuno ang gabi namin ng kantahan, kwentuhan ng nakakatakot, at kainan na din. Pagkatapos noon ay naghiwa-hiwalay na ang lahat para matulog sa kani-kanilang tents. Mag-iisang oras na akong nakapikit pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nilingon ko ang direksyon kung saan nakapwesto si Kent at nakitang wala siya roon. Kaya naman napagdesisyunan kong lumabas muna ng tent para na rin makapagpahangin. Agad na bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin at di ko napigilang yakapin ang sarili ko. Naka-jacket naman ako pero ramdam ko pa rin ang lamig ng gabi. sa aking paglalakad ay natanaw ko ang isang pamilyar na tao. Nakatalikod siya sa akin at nakaupo sa isang troso ng kahoy, habang nakatingala sa langit. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

“Anong iniisip mo?” tanong ko habang nakatingin na rin sa kalangitan. Tinignan ko siya sa gilid ng aking mga mata at nakita kong lumingon siya akin habang nakatingala pa rin.

“Wala naman may naalala lang.” Sagot niya sabay baling ulit sa kalangitan.

“Ang ganda ng mga bituin ano?” dagdag niya pa habang nakatingala at nakangiti. Noon ko lang nakita ang mga ngiti niyang iyon. Yung ngiting tagos sa puso pero batid kong may halong kalungkutan sa mga ngiti niyang iyon. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba iyon o guni-guni pero parang may halong longing sa mga mata niya... sa mga ngiti niya. May kung anong kurot akong naramdaman sa aking dibdib. “Nainlove na kaya ‘tong mokong na to?” tanong ko sa sarili ko. Sa ilang taon kasi naming magkakilala ay never naman siya nag-open up sa akin. Ayaw ko namang magtanong about his personal life kasi baka sabihin niya pang chismosa ako.

“Mahilig ka bang magstargazing?” tanong ko sa kanya.

“Medyo.” Bumaling siya sa kin sabay ngumiti. Binalot kami ng katahimikan habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi ko alam kung bakit pero parang lalo akong nilamig kaya niyakap ko pa ng mas mariin ang aking sarili. Ilang sandali pa bago niya binasag ang katahimikan at muling nagsalita.

“Alam mo pag may tao kang gustung-gusto makita, tumingin ka lang sa mga bituin... sa langit at parang nakasama mo na rin ang taong yon... kasi magkaiba man kayo ng nilalakaran, iisa naman ang langit na tinitingala ninyo.” Saad niya nang hindi lumilingon sa akin. Nakatingala lang siya at mukhang malalim ang iniisip.

“Ngayon ko lang nalaman na makata ka pala.” I teased and he sniggered.

“Hindi naman masyado binibini.” Pabiro niyang tugon before we burst out laughing. Sa ilang taon ko siyang nakasama ay ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Masaya ako. Oo. Pero at the same time may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Alam ko... Nararamdaman ko na may taong espesyal para sa kanya at hindi ako iyon.

“Sa tingin ko hindi ko na kailangang tumingin pa sa langit...” I sighed, a smile plastered on my face while i was looking at him intently. Tumigil siya sa pagtawa at napatingin sa akin gamit ang seryoso at naguguluhang ekspresyon.

“Ha?” tanong niya with his head tilted on the side in confusion.

“Sabi ko sa tingin ko hindi ko na kailangang tumingin sa langit kasi yung taong gustung-gusto kong laging nakikita e nasa tabi ko na ngayon.”  Saad ko habang nakangiti pa rin at nakatingin sa kanya. Alam ko namang malabong magustuhan niya ako pero I’ll take a risk kahit na alam kong mababa pa sa 1% ang chance na magustuhan niya ako. Susugal ako kahit na alam kong halos imposible. Ayaw ko kasing magkaroon ng ‘what ifs’ balang araw kaya kahit alam kong talo i would still give it a shot. Ayaw kong may pagsisihan someday dahil naduwag ako, kaya i would give it my best kahit na alam kong baka walang mangyari.

“J-joke ba yan? Ha- Ha- Ikaw masyado kang palabiro Yamashita. Tayo na nga. Masyado nang malalim ang gabi.” napangiwi siya at umambang tatayo na. Bago pa siya tuluyang makalakad ay hinila ko ang kanyang kamay.

“Mukha ba akong nagbibiro?” napatingin siya sa akin at sa kamay kong nakahawak sa kanyang kamay. Halatang namutla siya at pinagpapawisan. Napaawang ang kanyang bibig at parang hindi mahagilap ang gustong sabihin.

“Gusto kita. Hindi. Hindi lang gusto. Mahal kita Kent.” Pag-amin ko. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya habang nakaupo at siya naman ay nakatayo. Tinignan ko siya ng diretso at seryoso sa kanyang mga mata. Ilang sandali lang ay hindi na niya nakayanan ang aming titigan at nagiwas na siya ng tingin.

“Sorry...” yan ang tanging narinig ko sa kanya. Ngumiti ako at binitawan ang kanyang kamay. Tinignan niya ako  gamit ang malulungkot na mga mata na para bang naaawa siya sa akin. Umiling ako.

“Don’t be. You don’t need to feel sorry for me. Gusto ko  lang namang sabihin sayo without expecting you to reciprocate my feelings. Ayoko lang na pagsisihan someday na hindi ko nasabi. Atleast di ba? Atleast nasabi ko na. Pero siyempre hindi mo maaalis sa akin ang umasa pa rin. May pakiusap lang sana ako...” i told him before i averted my gaze. Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko. Feeling ko ay anytime tutulo na lang sila. “I need to make this fast...” I thought. Ayaw kong makita niya akong umiyak. Oo masakit pero wala akong regrets kasi atleast I took a risk.

“Ano yun?” he muttered, his eyes filled with concern.

“S-sana huwag mo akong iwasan. Kahit na nagconfess na ako, sana walang magbago. Yun lang naman. I hope we can be friends. And...

...And sana huwag mo namang i-close yung puso mo sa possibilities na magustuhan din ako someday. Please... Yun lang ang pakiusap ko.” I said as a sob escaped my lips. I know, I sounded desperate but what can I do? Gusto ko lang naman siyang makasama parati. Narinig kong huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.

“Okay. Let’s be friends but I don’t want to promise you anything. Ayokong umasa ka. Hindi ko maipapangakong masusuklian din ang feelings mo someday.” He replied and I just nodded my head, my eyes welling up with tears. Ngumiti siya at inilahad ang kamay sa akin.

“Tara na. Masyado nang maginaw. Baka magkasakit ka.” He said. Natulala ako sa nakalahad niyang kamay.

“Halika na.” Aniya at inabot ang aking kamay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

24.8K 488 39
**STORY COMPLETED** Do opposites really attract? How far can you get just to be loved? Note: READ AT YOUR OWN RISK. MEDYO MAHALAY PO ITO. The story h...
1K 365 6
COMPLETE. What does it really mean to love? For most people, this is when you are at your happiest. This is where you share fondest of moments with t...
1.2M 18.7K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
1.9M 70.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...