AN: If naalala niyo, hindi ko nilagay iyong honeymoon chapters nila Yumi and Kurt. I wasn’t expecting na aabot ng 1M reads nag 300 days. Kaya pa thank you ko na sa inyo ‘to. Enjoy reading. Aabot ng 3-5 chapters ang extra chapters na’to so please anticipate.. thank you :***
--------------------------------------
Kararating lang namin ni Kurt sa hotel na tutuluyan namin for 3 days and 2 nights. Sobrang napagod ako sa byahe. Na delay kasi iyong flight dahil medyo umuulan pero mabuti nalang talaga at hindi na cancel.
“Are you okay?”
Tanong ni Kurt sa’kin habang inaayos niya iyong mga gamit namin.
“Uhmm.. Napagod lang ako sa byahe.”
“Matulog ka na muna. Aayusin ko lang ‘tong gamit natin. Para naman may energy ka na mamaya dahil lilibutin natin ‘tong buong Korea. hehehe”
Iniwan na muna ni Kurt ang inaayos niya saka niya ako nilapitan.
“Don’t worry dahil hindi naman ako mawawala dito kung yan ang ikinatatakot mo. Hindi ako lalabas ng room hangga’t hindi ka pa nagigising.”
Saka niya hinaplos ang mga hibla ng buhok ko at hinalikan ako sa pisngi.
Dahil sa ginawa ni Kurt, pakiramdam ko napaka safe ko. Pakiramdamam ko wala akong dapat na alalahanin.
Tumango lang ako biglang tugon ko sa kanya. Tinanggal ko na iyong suot kong sapatos at deretso nang nahiga sa kama. Ang lambot ng kama nila, iyong tipong parang nasa ulap ka at hinihele ng mga anghel.
Kama..
hihihi.
Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang ginagawa ng mga bagong kasal.
“hihihi..”
“Bakit ka tumatawa diyan? Anong nakakatawa?”
Tanong ni Kurt sa’kin.
“Wala lang..hihihi. May naisip lang kasi ako. hihihi”
“Ano?”
Syempre ayokong sabihin kay Kurt. Baka kasi isipin niyang excited ako sa ganung bagay. hihihi. Pero hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako kung makatawa ngayon. Hindi naman talaga nakakatawa iyon diba?
Pero kasi eh..
“hihihihih..”
“Hoy Yumi, nababaliw ka na ba diyan? Sinasabi ko sa’yo magtino ka dahil baka hindi ka na makauwi ng Pilipinas at dalhin na kita sa mental.”
Tinignan ko si Kurt. Nakakunot na talaga iyong noo niya at nagkasalubong na iyong mga kilay niya. Mas lalo akong natawa dahil sa itsura niya ngayon.
“hihihih.”
Tinaasan lang ako ng kilay ni Kurt. Haay!! haha. Bakit ba hindi niya nagegets iyong iniisip ko? Eh mas matalino naman siya kesa sa’kin.
“Ano ba kasi iyang tinatawanan mo Yumi? Share mo naman..”
Pamimilit niya sa’kin.
“hihihi..”
“Joke ba iyan ha? ha? Sabihin mo dali..”
“hihihih.”
“Ewan ko talaga sa’yo.”
Tumayo na si Kurt mula sa pagkakaupo niya sa kama saka siya dahan dahang naglakad papunta don sa mga maleta namin na aayusin niya sana.
“Nagkakaganyan ka nalang bigla simula nong nakahiga ka sa kama..”
Pero bigla nalang siyang napahinto pagkatapos niyang sabihin ang salitang kama.
Pagkatapos non tumingin na siya ng deretso sa mga mata ko at ngumiti ng nakakaloko. Mukhang naiintindihan na ata niya iyong tinatawanan ko. hahaha
“Ahh..Iyon naman pala. Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin na gusto mo pala?”
Dahan dahan siyang lumapit sa’kin habang hindi parin nawawala sa labi niya ang nakakalokong ngiti niya.
Gusto?
Sinong may gusto?
Ako?
“Hooy Kurt..Huwag kang feeling diyan ha.. wala akong sinabing gusto ko. Pag tumatawa ba ibig sabihin non gusto ng ng ano? Eh iyong mga baliw? Tumatawa ba sila dahil gusto nila? Ang feeling mo talaga.”
“haha. Huwag ka ng mag maang maangan diyan Yumi. Alam ko na ngayon ang rason kaya ka nagkakaganyan.”
Nagkasalubong na ang mga tuhod ni Kurt at ang dulo ng kama na hinihigaan ko. Dahan dahan namang gumapang si Kurt papunta sa’kin kaya umupo na ako mula sa pagkakahiga ko at dahan dahan akong umatras hanggang sa nakasandal na ako sa headboard.
“Opps!! Wala ka nang mapupuntahan. hahahhahaha!!!”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa ginagawa ni Kurt o matatakot ako dahil sa tawa niya. Iyong tawa niya kasi parang iyong sa horror movies na palapit na ng palapit sa’yo ang aswang kaso nga lang, hindi ka matatakot sa aswang na’to dahil sa sobrang gwapo.
“hahaha. Tigilan mo na nga iyan Kurt!!”
Kinuha ko iyong kumot saka ko tinakpan ang buong katawan ko pati nadin ang mukha ko.
“Hindi ka na talaga nakakatuwa Kurt ha!! hehe”
Hindi na talaga nakakatuwa pero ewan ko kung bakit tumatawa parin ako.
“hahahha!!! Wala ka na talagang mapupuntahan Yumi. Akin ka na ngayon akin ka na!!”
Sobrang laki ng boses ni Kurt. Sobrang nakakatakot pero sobrang nakakatawa talaga.
“Akin ka na!! Kakainin na kita ng buhay. Ilang taon nadin akong hindi nakakatikim ng tao. Hindi na mabilang ng mga daliri ko kung gaano ako katagal natulog sa loob ng kabaong. Pero ngayong malaya na ako, makakain narin ako ng sariwang tao!!!”
Bago pa ako kainin ni Kurt, tumayo na ako saka ako tumakbo papalayo sa kanya. Pero kagaya din ng horror movies, hinabol parin niya ako.
“WAAA!! LUMAYO KA SA’KIN MUMU KA!!”
“hahahahaha!!! Walang tutulong sa’yo kahit na sumigaw ka pa!!!”
“WAAA!!! ASWANG!!!”
Tinapon ko sa kanya iyong unan na dala dala ko pero parang walang epekto sa kanya iyon. Tinapon ko na lahat ng makita kong malambot na bagay pero talagang hindi siya tinablan.
“ahahahaha. AKIN KA NA!!!!”
“WAA!!! TULONG!!!!”
Palibot libot lang ako sa loob ng room habang itinaas naman ni Kurt iyong dalawang kamay niya sa harap niya saka siya naglakad na parang zombie talaga.
Isang gwapong zombie ang humahabol sa’kin ngayon.
“KUNG AKO SA’YO YUMI ISUSUKO KO NA ANG SARILI KO WALA KA NANG PUPUNTAHAN!!”
“WAAA!!SAKLOLO!! SAKLOLO!!”
“hahahahha!!”
*ding dong* *ding dong*
Napatigil nalang kaming dalawa ni Kurt ng marinig namin na may nagdodoorbell sa labas ng pintuan namin.
“May ineexpect ka bang bisita?”
Tanong ko kay Kurt.
“Wala.”
Sagot niya saka siya umiling.
“Andito tayo sa Korea at wala akong kakilala dito.”
Sambit niya.
Nilapitan ako ni Kurt saka niya hinawakan ang kamay ko.
Sabay na naming tinungo ang pinto saka iyong binuksan.
“Yes?”
Sambit ni Kurt sa lalaking nasa labas ng room namin.
“Good Morning Sir/Ma’am. I am the manager of this hotel and it just happen that I heard someone shouting for help. I assume na Filipino po kayo, may problema po ba?”
Mahina kaming napatawa ni Kurt. Hindi ko alam na dahil sa ginawa namin eh may kakatok sa pinto at tatanungin kong may problema. Ang weirdo kasi ni Kurt. Bakit pa niya naisipang maging zombie?
Eh hindi naman kasi namin alam na madami palang Filipino dito sa Korea.
“Ahh wala po Sir. Naglalaro lang po kami ng asawa ko.”
Sagot ni Kurt saka niya ako inakbayan.
“Ahh ganun po ba Sir. Sorry po sa istorbo. Pasensya na po.”
Saka siya yumuko at nagpaalam sa’min.
“haha. Ikaw kasi!”
Sambit ko kay Kurt.
“Anong ako? Ikaw kaya..”
Sambit naman niya saka niya isinara ang pinto.
“Tigilan na kasi natin ‘to.”
Sabi ko sa kanya.
“Fine.. Pero hindi ko pa nakakalimutan iyong rason kung bakit ka tumatawa kanina.”
Tinaasan ko lang siya ng kilay saka ako dahan dahang lumayo sa kanya pero bago paman ako makalayo ng tuluyan kay Kurt, nahawakan na niya iyong kamay ko gamit ang dalawang kamay niya.
“I love you Yumi. Ikaw ang rason kung bakit ako ngumingiti hindi lang araw araw, hindi lang oras oras, kundi minu minuto. Sobrang saya ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita. Thank you for being a part of me.”
Sobra akong natouch sa sinabi ni Kurt. Ganun din naman ang nararamdaman ko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit ako ngumingiti. Siya ang dahilan kung bakit ako patuloy na humihinga. Siya ang dahilan ng kaligayahan ko sa buhay.
Pero alam ko hindi kaya ng salita lamang na ipadama sa kanya ang tunay kong nararamdaman ngayon.
Kaya dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. And kissed him on the lips. Ganito palagi ang nararamdaman ko sa tuwing hinahalikan ko si Kurt. I feel like I’m in heaven.
He kissed me back, mas lalong nabalot ng kaligayahan ang puso ko. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng babae sa balat ng lupa. Hindi lang gwapo ang asawa ko kundi sobrang bait pa at sobrang mahal na mahal ako. Alam kong wala na akong mahahanap na iba na katulad niya.
Mas lalong lumalim ang halik namin. Mas lalong uminit iyong pakiramdam ko.
Pakiramdam ko, kami nalang iyong natitirang tao sa mundo. Wala ng ibang pumapasok sa isipan ko kundi si Kurt and our moment.
Dahan dahan niya akong tinulak. We took few steps back, hanggang sa naramdaman nalang ng likod ng mga tuhod ko ang dulo ng kama sa loob ng room.
“I love you Yumi..”
“I love you Kurt..”
Bulong naming sa isa’t-isa between our kisses.
…................
“You’re awake?”
Ang sarap matulog lalo na at ang taong mahal mo ang huling makikita mo bago mo ipikit ang mga mata mo. Pero mas masarap magising lalo na at ang taong mahal mo ang una mong nakikita.
Nakayakap lang ako sa matipunong dibdib ni Kurt.
“Yeah. Anong oras na?”
Tanong ko sa kanya habang hindi ko parin siya binibitiwan.
“Past 12 noon. Pinagod yata kita kanina. hehehe”
Sinuntok ko naman iyong braso niya pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Aray!! Para saan iyon?”
Tanong niya habang hinawakan iyong parteng braso niya kung san ko siya sinuntok.
“Wala lang..hehehe.”
“Magbihis ka na para makakain na tayo. Madami pa tayong pupuntahan ngayon.”
Tumango lang ako saka ako dumeretso ng banyo at nagbihis.
Tama si Kurt madami pa kaming pupuntahan ngayon. Madami pa kaming gagawin. Madami pa kaming memories na dapat naming baunin hanggang sa kamatayan. Iyong araw na kinasal kami in Kurt, alam ko iyon na ang happy ending namin. Pero magsisimula ulit kami ng panibagong yugto ng buhay namin at gagawa ulit ng happy ending. Dahil sa tuwing may ending, may panibago na namang simula. At sisimula namin ang bagong yugto ng buhay namin na masaya.
-----
AN: Thank you sa lahat..super duper super thank you.. Alam ko namiss niyo ang Yuku loveteam kaya here's for you. I'll post another extra chapter within this week.. probably saturday..