The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♕10

61K 618 43
By kellylee0101

SAM

Mabilis naman na dumaan ang araw ko pero pakiramdam ko para bang sobrang pagod na pagod ako. Kailangan ko pang dumaan sa bookshop para bumili ng ilang libro para sa quiz bee ko at ni Mike; ako na rin kasi ang nagprisinta na ibili siya ng magandang librong makakatulong para sa pagrereview niya dahil doon din naman ang tuloy ko. Masyado kasing natagalan ang meeting namin kaya tuloy ginabi na ako. Hindi naman ako agad makaalis dahil VP ako ng club and my presence and suggestions were really meant for the whole group. And besides, ayaw ni Mike nang wala ako dahil kahit na siya ang President namin sa Club he's too shy and reserved to speak out what's on his mind. 

After the meeting hindi na ako naghintay na dumating si Mama para sunduin ako dahil magsasara na within an hour ang store. Sayang naman kasi ang oras kung bukas pa ako dadaan eh may tutoring session ako with Chase the next day.

I took a cab and headed to the bookstore, buti na lang at naabutan ko pa silang bukas kaya nagmadali akong pumili at bilhin ang mga librong kailangan ko. “Ma’am, gabi na ah? Ingat kayo sa pag-uwi delikado na ang panahon ngayon.” Bati sakin ni kuyang guard nang matapos kong makalabas. Pamilyar na ang mukha ko kay kuyang guard dahil sa dalas ko dito kaya nakakabiruan ko hindi lang siya kundi halos ang lahat ng mga nagta-trabaho dito.

Napatingin na lang ako sa relo ko nang sinabi niya ‘yun. "Geez, 9pm na pala. Kuya, saan ba mas mabilis na makakasakay ng taxi? Hindi kasi ako sanay dito." Tanong ko kay kuya guard. Medyo kinakabahan na ko dahil mapapagalitan ako ni Mama sa ginawa ko. Ayaw na ayaw kasi nun na lalakad akong mag-isa lalo na kapag dis-oras na ng gabi.

“Nako Ma’am medyo malayo at maglalakad pa kayo. Doon pa sa may eskinita pagkaliwa ninyo tapos dere-deretso na ‘yun, nandun kasi ang pinakamalapit na bus stop kaya nandun nakatambay ang mga taxi driver.”

“Sige po salamat.” Sabi ko at nagpaalam na ako sa kanya.

Mas doble ang bilis ng lakad ko dahil madilim ang eskinita, dagdag mo pa na halos lahat ng establishments sarado na o nagsisimuilang magsara na. Nagsisimula nang magtaasan ang mga balihibo ko dahil I felt like someone's been following me simula pa kanina nung pumasok ako sa madilim na daan na ‘to.

Tahimik pero maingat kong binagtas ang mahabang eskinita habang dahan-dahan kong inihahanda ang payong at ang perfume ko para magsilbing pang-self defense ko. Hindi ko na lang namamalayan na para bang paikot-ikot na lang ako sa dinadaanan ko kaya nilabas ko na ‘yung phone ko. Para akong tanga na nakikipagtalo pa sa sarili ko na it’s either hihingi ako ng tulong o ipang-iilaw ko sa dadaanan ko.

Hindi na ako nagdalawang isip at inilawan ko na lang ‘yung dadaanan ko hanggang sa lumingon ako sa likod ko at tama nga ang hinala ko dahil ilang lalaki ang nakasunod sakin kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko.

"Miss!" Bigla akong hinapit sa braso nung lalaki kaya napahinto ako at iniharap niya sa kanila. “Masyado ka naman yatang nagmamadali?” Nakangising sabi pa niya. Nakakatakot ang itsura niya mukhang nasa edad 24 pataas at balbas sarado pa na mukhang hindi gagawa ng maganda sa kapwa niya. ‘Yung isa naman niyang kasama, maliit lang pero medyo may kalakihan ang katawan at mukhang nasa edad 30 na.

“Ku-kuya.. gusto ko lang naman makauwi bitawan mo ko.” Nanginginig na pakiusap ko. Pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak niya pero mas idiniin pa niya ito. “A-a-aray, nasasaktan ako. Pakawalan mo na ko please.” Pagmamakaawa ko.

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng lumapit sakin ‘yung isa pa niyang kasama at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. “Maganda ka ha?” Saad niya.

“Please pakawalan niyo na ko. Gusto ko lang makauwi sa Mama ko.” Pagmamakaawa ko pero mas hinihigpitan lang nung lalaki ang hawak niya sa braso ko.

“Hindi ka naman namin sasaktan basta sumama ka lang ng maayos samin.” Nakangising sabat nung isa.

"Please, I beg you. Pakawalan niyo na ko." Unti-unti na kong naiiyak dahil ngayon pa lang nagsi-sink in sakin kung gaano kasama ang kakahinatnan ko dahil sa kapabayaan ko. Maaaring ma-rape ako, odikaya worse scenario after they robed and raped me, papatayin naman nila ako. Just the thought of it bigla na lang nanghina ang tuhod ko at para bang masusuka ako kaya napakapit ako sa braso ng lalaking nakahawak sakin.

“Ayan, ganyan ang gusto ko.” Sabi nito na inamoy ang buhok ko.

Bigla akong nakaramadam ng pagtaas ng mga balihibo ko at pandidiri sa lalaking kaharap ko kaya itinulak ko siya papalayo sakin. “Get away from me, pervert!” Singhal ko sa kanya.

"Aba at matapang! Sumama ka na lang ng ayos para hindi ka masaktan!" Sabi nung lalaking nakatayo at nakamasid lang.

"A-ayoko! Ano bang kailangan niyo? Pera?! Bibigyan ko kayo basta ‘wag niyo lang akong saktan!" Panic took over my voice. Nagsimula naman akong halughugin ang bag ko at nilabas ang wallet ko. “Oh etong 10,000 sainyo na ‘to!” Binalibag ko sa kanila sabay napaupo naman ‘yung isang lalaki na nagkukumahog sa pagdampot ng ilang libong pera sa lupa.

"Ayos ‘to ah! Bigtime pala 'tong nabingwit natin pare!" Sabi niya habang pumupulot ng mga pera na ngiting ngiti pa.

Napalunok ako dahil mas lalo ko pa yatang ipinahamak ang sarili ko sa ginawa ko. “Gaano bang kalaki ang kailangan niyo para gawin niyo sakin ‘to?! Please maawa kayo, bata pa ko marami pa kong gustong marating sa buhay ko.” Para akong tangang nagmamakaawa sa mga taong halang ang bituka at handang pumatay para lang sa kakaunting pera. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil maski ako hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan ko pagtapos nito. Isinabog ko sa harapan nila ang mga gamit ko dahil baka sakaling may makursunadahan sila dito at iwanan na nila ako matapos nilang makuha ang ilang mga gamit ko. “Sainyo na lahat ‘yan, ‘wag niyo lang akong galawin at saktan.” Matapang na pahayag ko. Pilit pa rin akong nagpapakatatag para sa sarili ko.

Naririnig ko lang silang tawa ng tawa habang papalapit na isa-isang naglalakad sakin. “Sisigaw ako! ‘Wag kayong lumapit sakin!”

“Sumigaw ka! Tingnan lang natin kung may tutulong at makarinig sayo.” Patuloy lang sila sa pagtawa habang ako naman nagpupumilit na umatras papalayo sa kanila.

“’Wag mo na kaming pahirapan dahil mapapasamin ka rin..” Nagpunas ng mukha ‘yung isang maliit na lalaki gamit ang damit niya. ‘Yung isa naman ngingisi ngisi lang habang lumalapit papunta sakin hanggang sa nahawakan na naman niya ‘yung kaliwang braso ko dahil na-corner ako sa isang pader.

Nagpumiglas ako at nagsisigaw."TULUNGAN NIYO KO!!! PARANG AWA NIYO NA!”

"Kahit ilang beses kang magsisigaw diyan walang makakarinig sayo sa oras na 'to!"

"Kapag nakawala ako dito at nakilala ko kayo tandaan niyo! Hindi ko hahayaan na makagala pa kayo! Ang sasama niyo!" Banta ko sa kanila habang nagpupumiglas. Bigla na lang bumuhos ang luha ko dahil sa pagkairita dahil wala akong magawa para mailigtas ang sarili ko.

"Para namang hahayaan ka pa naming mabuhay.." Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay habang ako naman sigaw ng sigaw kasabay ng pag-buhos ng luha ko.

Unti-unti lumapit ‘yung isang lalaki sakin at idinampi ang mga bibig niya sa leeg ko. Hinawakan rin niya ako sa may ulo habang nakasabunot siya sa buhok ko para hindi ako makaiwas sa mga galaw na gagawin niya.

"Kuya! Parang awa mo na!!! Pa—" Nanghihina lang akong iyak nang iyak sa kinatatayuan ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nila. “Please.. ‘wang niyong gawin sakin ‘to.” Iyak lang ako ng iyak hanggang sa naramdaman ko ang kamay ng lalaking nasa harap ko na pumupunta sa may legs ko. Wala nang boses ang lumalabas sa bibig ko at kahit anong pagmamakaawa ko hindi nila pinapakinggan.

“Please—please..” Pabulong na lang na lumalabas mula sa bibig ko. Nanghihina na ako at pagod na pagod sa kakapalag. Umiling ako ng umiling para iwasan ang paggalaw ng hayop na lalaki sa harapan ko.

Pero bago pa ‘man niya idaong ang kamay niya sa ibang parte ng katawan ko bigla na lang may tumama sa ulo nung lalaking bumababoy sakin. Napanganga silang dalawa pati na ‘rin ako.

"Aray! Sinong may gawa ‘nun? lumabas ka!!" Paghahamon niya habang hinihimas ang parting tinamaan nang kung anong bagay na kaninang lumilipad na asintang tumama papunta sa kanya.

Moments later, may lumabas na isang lalaking matangkad at nakapamulsa ang mga kamay niya sa pantalon niya. Hindi ko gaanong maainanag ‘yung mukha niya gawa ng madilim sa loob ng eskinita pero halata mong malaki ang tangkad niya kumpara sa dalawang hayop na nasa harapan ko.

"Let her go, idiots." Kalmadong sigaw nung lalake.

Napaigtal silang dalawa at natawa. "Bakit naman namin gagawin yun?" Sabi nung isa.

"Oo nga! Sino ka para utusan kami ha? Ang yabang mo rin para utusan at makialam samin ha! May ikakasa ka ba?” Sigaw naman nung isa habang nabitawan nila ako sa pagkakahawak sa kamay ko.

“Try me.” Mahinang sabi niya kaya nagsuguran silang dalawa sa kanya.

Napaatras ako at sumulok para hindi madamay sa pag-aaway nila. Kitang kita kung gaano kalakas ang lahat ng suntok niyang tatama dun sa mga kaaway niya pati na ang intense ng sipa niya dahil napapatumba niya ang sinuman na matamaan nito. Ni hindi ‘man lang matamaan nung dalawang manyakis ang lalaking kaharap nila kahit pa dalawa na sila laban sa isa. Isang matinding sipa at suntok ang inabot nila hanggang sa mapagod sila sa kakasugod sa kanya. Napatakip ako ng mata nang biglang naglabas ng patalim ang isa sa kanila hanggang sa ang naririnig ko na lang ay ang sigawan nila.

Maya-maya pa.. "Hindi pa tayo tapos!!" Sigaw nung isa papalayo samin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong ‘yung mga halang ang kaluluwa ang tumatakbo papalayo. Nawala na ang kaba sa dibdib at takot ko, naiwan na lang ang matinding trauma dahil sa inabot ko.

Bumubuhos pa rin ang mga luha ko habang pinupulot isa-isa mga gamit ko. Panay ang punas ko dito pero wala din itong tigil sa pagpatak. Ilang saglit pa lumapit sakin ‘yung lalaking tumulong sakin at hinawakan ang mukha ko. “May masakit ba sayo?” Mahinahon na tanong niya pero ang naisukli ko lang sa kanya ay isang yakap. Mahigpit akong yumakap sa kanya at nakaramdam ng assurance at safety.

“Thank you for saving my life.” Bulong ko sa kanya.

“Hush it. Okay ka lang ba?” He said as he gently pat my back. Tumango lang ako as a response. "That’s great. Gusto mo bang pumunta tayong ospital or gusto mong ihatid na lang kita sa bahay niyo?" Tanong niya na may halong pag-aalala sa boses niya.

"Okay lang ako, salamat.” Tumingin ako sa mukha niya. “Baka pwedeng ihatid mo na lang ako sa sakayan baka kasi nakakaabala na ko sayo." Sabi ko matapos kong kumalas sa yakap sa kanya. Nagpunas ako ng luha at dinampot ang mga nakakalat na mga gamit ko. Matinding takot pa rin ang nararamdaman ko pero nabawasan na nang makita ko kung gaano kaamo ang mukha niya. Medyo nahimasmasan ako nang hawakan niya ang kamay ko at ngitian ako.

“Hindi ah, okay lang. I think it’s better na ihatid na kita para mas safe ka.” Pagpupumilit niya.

“Pero—baka may tama ka rin? Okay ka lang ba? Nakita ko kasing naglabas ng patalim ang isa sa kanila?”

“No, okay lang ako. Hindi naman nila ako tinamaan kahit isa.” Sagot naman niya na napatingin pa sa katawan niya.

“You sure?” Nagtatakang tanong ko. Sa galing nga niyang makipaglaban kanina baka isipin ko pang gangster din siya. Para siyang si yabang kung makipag-basagan ng ulo, kaibahan lang matinong tao ‘tong kaharap ko. Sobrang amo ng mukha niya na tipong hindi gagawa ng kahit anong mali sa kapwa niya.

“Okay na okay ako, walang galos kahit isa. Tara ihahatid na kita at anong oras na, baka nag-aalala na sayo ang parents mo.”

  

Nangangatog pa rin ako pero hindi alam ng utak ko kung ano ba ang dapat unahing maramdaman. ‘Yung takot ba dahil sa nangyari sakin kanina o ‘yung takot ko dahil paniguradong sobrang nag-aalala na si Mama. "Oh My God si Mama—" Napatakip ako ng bibig at hinagilap agad ang phone ko. Ilang missed calls at texts ang bumungad sakin kaya kinabahan ako. Ayoko kasing pinag-aalala si Mama dahil kaming dalawa na lang ang natitira para sa isa’t isa kaya hindi ko kakayanin na bigyan siya kahit  pa katiting na iisipin. Mamaya na lang ako mag-iisip ng dahilan kahit pa maging grounded ako okay lang.

Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas kami sa eskinita ng safe. Buti na lang talaga at napadaan siya sa lugar na ‘yun at hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako. Baka kung hindi, baka bukas pinaglalamayan na ako habang gutay gutay ang mga lamang loob ko. Akala ko talaga katapusan ko na.

"Sure ka ba talagang ayaw mong magpahatid sa bahay niyo?" Sabi niya sakin matapos naming marating ang bus stop na sana kanina ko pa narating.

"Oo, thanks talaga ha." Mas malaking gulo kasi kapag nakita ni Mama na may kasama akong lalaki na uuwi ng gabi, baka imbis na pasalamatan pa niya ‘tong tao na ‘to sa pagligtas sakin baka kung ano pang masabi niya. Tyaka wala naman akong balak na ikwento kay Mama ang nangyari sakin kanina dahil for sure ibabalik na naman niya ako sa ospital para sa therapy at magiging bantay sarado na naman ako. “I owe my life to you—“I said as I was trying to get a hint of my savior's name.

"I’m Seyd." He said as he offer me his hand for a handshake.

"Seryoso. Sobrang thank you Seyd, Samantha nga pala." Inabot ko naman gladly ang kamay niya.

"Beautiful name." He smiles. Parang bigla tuloy naglaho lahat ng worries ko dahil sa sobrang bait niya. Sana lahat ng tao gaya niya, sana lahat ng tayo marunong din tumulong katulad niya. “So—paano? Hanggang dito na lang? Ayaw mo naman magpahatid sa bahay niyo eh.”

"Oo pasensya na talaga sa lahat ng abala ha. Thank you so much and it was nice meeting you. I’ll see you around, babawi ako sayo." I said sincerely.

"It was nice bumping into you, Sam. Next time be extra careful ha? Okaya naman kung lalakad ka ulit mag-isa hanapin mo lang ako sasamahan kita."

“Hindi ka seryoso diba?”

“I’m dead serious. Sa ganda mong ‘yan dapat hindi ka lumalakad mag-isa. Sige, ayan na ‘yung taxi. Mag-iingat ka ha?”Sabi niya nang may humintong cab sa tapat namin. Ipinagbukas niya ako ng pinto at ipinagbilin sa driver na ihatid sa bahay ng ligtas. Nang nagpaalam na siya, hindi naman mawala ang isip ko sa kanya habang nasa daan ako pauwi samin.

Hindi ako makapaniwalang napahamak ako dahil sa sarili kong kagagawan, dahil hindi ako marunong mag-ingat at hindi ako marunong makinig kay Mama. Napaka-impulsive ko talaga mag-isip kahit kelan. Paano na lang kung walang dumaan na taong katulad ni Seyd kanina? Adi sa funeraria na lang ako ike-claim ni Mama odikaya naman sa ilog na lang niya ko makikitang palutang-lutang.

Napapaluha ako kapag naiisip kong napakabuti pa rin ng Diyos at nabuhay ako.

Pagdating sa bahay aalalang-alala sakin na sumalubong ang Mama ko, nasa may gate palang ako ng salubungin niya ko na halos mapaiyak pa siya nang yakapin niya ako. "Anak, san ka ba nagpunta? I've been looking all over the place for you. Bakit umalis ka kaagad sa school mo? Didn't I tell you that I would pick you up no matter what? Alalang-alala ako sayo.." Para akong 1st grader na nawala kung pagsalitaan niya pero I like it that way. Sa ganung paraan mas nararamdaman ko kung gaano siya mag-alala sakin. She still treats me her baby and I’ll forever be for her.

Lumapit ako sa kanya and I hugged her tight. "Sorry Ma, that I kept you worried. May binili lang ako sa bookstore hindi ko namalayan ang oras." Pagpapalusot ko. I don’t want her to worry, it will break her heart. At ayokong ayokong mangyari ‘yun.

Matapos nang kaunting pangaral pumasok na kami sa loob ng bahay sabay naupo ako sa may sala, si Mama naman kumuha ng tubig sa kitchen.

Napapaisip pa rin ako at napapatulala kapag naiisip ko ‘yung nangyari pero hindi ako dapat magpahalata kay Mama na may mali. Nang makaalis si Mama agad ko namang hinagilap ang tanging bagay na nakakapagpakalma sakin—ang keychain na galing kay Papa.

  

Isinabog ko ang lahat ng laman ng bag ko pati na ang phone na gamit ko kung saan nakasabit ito. Nabaliktad ko na at lahat ng laman nito pero wala akong keychain na makita. Napanganga ako, I can't believe that I lost the only memory I had of my Father.

Nagpatong-patong na lahat ng malas ko. Pakiramdam ko magiging manhid ako dahil sa patong-patong na pinagdadaanan ko.

The only thing that can make me calm down was the keychain. Isa lang siyang maliit na bear na may heart sa belly part niya pero hindi lang siya basta-basta bear. It has a mini string attached to its butt, tapos kapag hinila mo siya pababa maririnig mo ‘yung lullaby at message sakin ng Dad ko. Pinapatunog ko ‘yun everytime I missed him. Everytime I think of him or everytime na may pinagdadaanan akong hindi ko maihinga sa iba o kay Kiel.  It also has a secret pocket at doon nakatago ang family portrait namin nung 1month old pa lang ako. I was in my Mom’s arms while si Papa nakayakap saming dalawa, candid lang ‘yung kuha pero kitang kita ang pagmamahal na bumabalot saming pamilya at ‘yung tuwa nila nung dumating ang unica hija nila.

Naiiyak na ko dahil hindi ko mahanap ‘yung keychain. Gusto kong magwala dahil sa katangahan ko hindi lang ako basta muntik nang mapahamak, naiwala ko pa ang tanging bagay na bigay sakin ni Papa bago siya mawala.

Napaupo ako ng padabog sa couch at sinapo ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Ilang saglit pa dumating si Kiel na humahangos papasok ng bahay namin halatang-halata mo ang pag-aalala sa kanya. Napayakap ako sa kanya nang marating niya ang kinauupuan ko. “Kiel, ‘yung bigay sakin ni Papa—“ Naiiyak na sabi ko.

"What happened?" Bungad niya. Kung may taong nakakaalam kung gaano ito kahalaga  bukod kay Mama si Kiel ‘yun.

“I dropped it somewhere. I’m so stupid.” Napapailing na sabi ko.

"Don’t worry hahanapin natin ‘yun bukas na bukas. Ano bang nangyari sayo at ngayon ka lang umuwi?" He hugged me and he pat my hair.

  

"Doon lang.." Maikling sabi ko. Alam kong naintindihan na niya na ayokong pag-usapan ang mga bagay kapag maikli lang ang naisagot ko.

“Thank God at nakauwi ka ng safe. You don’t know how worried I was.”

“I’m fine salamat sa concern.” Ako.

"You know I'll always be concerned when its about you.." Sagot niya kaya napangiti ako.

Inabutan naman kami ni Mama sa ganoong pwesto kaya napa-ehem na lang siya. "E-ehem. Enough with the heavy my two honeypies. Now you young lady, you're grounded for making me worried kaya no more book hopping this week unless may kasama kang pupunta at may maghahatid sayo pauwi. Now you young man, umuwi ka na para makapagpahinga na tayong lahat." She said as she actively points me and Kiel with a gush of angry face yet concerned look.

Like I said, hindi na baling grounded ako basta alam kong nasa piling ako ng Mama ko. I feel safe and sound when she’s around. Hinatid lang namin ni Mama si Kiel sa may gate hanggang sa mawala na siya sa paningin namin. Kami naman, nagderetso lang sa taas at naglinis ng katawan at nagpahinga na.

****

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 54 17
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
7.8K 529 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.9K 295 59
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
20K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴