Worth The Risk (Book 2) [COMP...

Od kunwarimanunulat

35.3K 913 153

Are you still worth the risk? Více

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Seven

989 23 2
Od kunwarimanunulat

JACKIE

Pinanood ko si Daphne habang nagsasayaw. Sinundan ko ang bawat galaw niya habang tinitingnan kung tama ang mga steps niya. Maya maya ay bigla siyang tumigil at napapadyak.

"Argh! Hindi ko talaga makuha 'yung part na 'yon." Inis na sabi niya. Natawa ako ng bahagya. Mukhang stress na stress na kasi siya. Eh wala pa nga kaming 30 minutes na nagsimulang mag-rehearse. Tiningnan niya ako.

"Bebe turuan mo nga ako dali."

Tumayo naman ako kaagad at nilapitan siya. Tumigil ako sa tabi niya at sinayaw ang part na nahihirapan siyang sabayan.

"Itaas mo yung kamay mo sabay sa paghakbang nung kaliwang paa patalikod. Paharap kasi 'yung sa'yo eh kaya nahihirapan kang mag-transition sa next steps." Paliwanag ko habang pinapakita sakanya ang sinasabi ko.

"Ah! Kaya naman pala." Sambit niya ng makuha ang tinuturo kong steps.

"Try mo." Sabi ko at pumunta sa harapan niya para panoorin siya. Ginawa naman niya kaagad.

"Yes! Thanks Jackie!" Tuwang tuwa na sabi niya nang tuluyan na niyang makuha ang steps. Napahalakhak na lang ako ng mahina.

Sa sumunod na steps ay sumabay na ako sakanya sa pagsayaw. Nakita kong dumating na si Ate Mandy kaya tumigil ako saglit at nginitian siya. Nilapitan niya kami kaagad.

"Sorry late ako. Hinatid ko pa kasi si Bullet." Paliwanag niya. She kissed me on the cheeks at sunod naman ay si Daph. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Saktong 8 pa lang naman.

"Sakto lang pasok mo ate. Wala pa naman si Ate Tina." Sabi ko sakanya. Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag. Strikto kasi si Ate Tina sa time ng rehearsals namin at kung nale-late kami ay makakakuha kami ng halos 10 minutong sermon. Buti na lang dalawang beses ko pa lang naman naranasan ma-late. Sinasanay ko na rin kasing maaga pumapasok para 'di ako maabutan ng traffic. Ibinaba ni Ate Mandy ang dala niyang bag sa bleachers bago lumapit ulit sa amin.

"Himala late siya." Komento ni Ate Mandy. Nagtaka rin ako ng makitang malapit ng mag 8 am pero wala pa rin siya. Maaga kasi si Ate Tina na pumapasok lagi. Kumibit balikat ako.

"Siguro na-traffic." Sambit ni Daphne. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Nasaan pala 'yung iba? Bakit dadalawa kayo?" Tanong ni Ate Mandy.

"May kinuha sila sa stocked room Ate." Sagot ni Daphne.

Natigil ang usapan namin ng makita si Ate Tina na papalapit. Kasunod na niya yung mga kasama namin. Nagsalubong ang kilay ko ng may mapansin na isang hindi pamilyar na babae na sumusunod rin sakanya. Napatulala ako ng makita yung mukha ng babae. Ang ganda niya kasi. Lumapit si Ate Tina sa amin. Pumwesto naman kami kaagad at humarap sakanya dahil na-sense na namin na may iaannounce siya.

"Goodmorning girls. Kumpleto na ba kayo?" Pagsisimula niya. Agad namang naglibot ang mata ko sa mga kasamahan ko. Halos lahat kami ay nagbilang at tumingin kung may kulang pa. Wala pa si Yuri. Lagot.

"Wala pa si Yuri ate Tins." Sagot ni Chloe. Nakita kong bumuntong hininga siya sa narinig.

"It's okay. Isa lang naman. I just want to announce something. I'd like you to meet Karen Crisostomo. Girls, she's a new showtime dancer."

Dancer siya?? Muntik pa malaglag yung panga ko sa narinig ko. Pwede na kasi siyang pumasa bulang artista dahil sa ganda niya. Siguro may lahi siya. Her features are sharp. In my guess, she's half Aussie. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis sa amin bago magpakilala.

"Hi! My name is Karen. Nice to meet you all."

Unang lumapit si Ate Mandy at sinundan ko naman. Nang natapos kaming magpakilala sa isa't isa ay bumalik na kami sa practice. Mabilis lang namin nakapalagayan ng loob si Karen dahil mabait naman siya at mapasensiya habang tinuturuan namin siya ng mga steps. Madali rin niyang makuha ang mga steps kaya hindi kami nahirapan. After 1 hour, natapos ang rehearsal. Nagtipon kami ulit para makinig sa sasabihin ni Ate Tins.

"Starting tomorrow magsstart na tayo mag-practice ng para sa Grand Finals." Na-excite naman kami lahat ng marinig 'yun. Panigurado ay napaka-engrande nang magiging Grand Finals.

Matapos sabihin ni Ate Tins iyon ay nag-ayos na kami para umuwi.

"Pwede sumabay?" Napalingon ako sa nagsalita. Natagpuan ko si Karen na nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Sure." Ngumiti ako at tumango.

"Jackie una na ako ha. Bye girls." Paalam ni Ate Mandy. Tumango ako sakanya at kumaway. Sabay sabay kaming naglakad nila Daphne, Chloe, at Karen. Iniinterview nila Daph si Karen pero hindi ako nakikinig kasi masyado akong lunod sa iniisip ko.

"How was it?" I heard Karen asked.

"Alin?"

"Seeing Vice almost everyday...Working with him." Nakuha nito ang atensyon ko.

"It's very great. 'Yung presence kasi ni Vice nakaka goodvibes kaya makita ko lang siya at mapanood, gumaganda na araw ko." Nakangiting sagot ni Chloe. Tumango tango naman si Daphne bilang pag sang-ayon. Nagitla ako ng ibaling ni Karen ang tingin niya sa akin.

"Ikaw Jackie? Siguro close kayo ni Vice noh?"

Yeah. Before.

"Alam mo sobrang swerte niyan! Sobrang close niya kay Vice. Nakakainggit na nga minsan eh." Napangiti naman ako sa sinabi ni Daphne. Nakalabi pa siya.

"Gaano kayo ka-close?" Curious na tanong ni Karen. She's really eager to know my answers.

"Hmm. I don't know. Close to the point na nakakapunta ako sa condo niya?" Sabi ko dahil hindi ko naman sigurado kung gaano kami ka-close ni Vice. Dati.

Nanlaki ang mga mata nilang tatlo.

"Girl bakit hindi mo sinabi sa amin 'yan!" Sabi ni Chloe na parang nagtatampo sa akin dahil hindi ko kinwento sakanila iyon.

"Nakakainis ka na talaga!! Ikaw na!" Sunod naman na reklamo ni Daphne.

"You're so lucky." Karen groaned. Ngumiti lang ako sakanila. Swerte ko nga pero sinayang ko yung friendship namin. Maibabalik pa kaya iyong dati naming samahan?

"I really like him. I always watch his every show. He just always makes my day better. Pangarap ko talaga na makita siya. Now, malapit ko ng matupad ang pangarap na 'yun. I can't wait to see him." She sigh dreamily. Hindi naman na ako nagugulat sa mga babaeng nahuhumaling kay Vice. Kahit mga kapwa ko na dancers ay crush din si Vice. He makes girls swoon for him. Ganun kalala ang charisma niya.

"Ang ganda ng timing mo girl. Sakto nakabalik na siya." Chloe stated.

"Do you know why he left?"

Umiling iyong dalawa. Nakikinig lang naman ako sa usapan nila. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan talaga topic namin siya. Naalala ko tuloy yung nangyari nung isang gabi. I don't know what to feel. He accepted my apology but I don't think I'm forgiven. I can't read his mind. Naging komplikado siya. It's him but he seems like a completely different person. I don't know what to do next. I want us to be okay again. Gusto kong maibalik yung friendship namin kahit na imposible nang mangyari iyon. But I wanna try. I miss my friend. I miss seeing his smile. I miss hearing his laugh. I miss his hugs. I...miss him.

"Walang may alam eh. Pero maraming may hula. Kesyo nakipagtanan daw siya."

I heard a chuckle. Tiningnan ko si Daphne ng magsalita siya. Ano na nga ba iyong pinag-uusapan namin? Ah yeah about sa dahilan ng pag-alis ni Vice. I wonder what will be they're reaction once I told him that I am the reason. Maybe they'll hate me too.

"May nagsabi pa nga, na broken hearted na naman daw siya kaya umalis."

I froze in what Chloe said.

"Hmm if that's true then that person is pure stupid. Imagine ang swerte niya na minahal siya ng isang Vice Ganda? Tapos sasayangin lang niya iyon at sasaktan siya." Ngumuso si Karen. Nakita ko ang irita sa ekspresyon ng mukha niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Siguro tanga nga talaga ako. I felt the side of my eyes heat.

"Can you help me Jackie?"

My head whipped at her direction with my eyes wide in shock. Help her with what?

"Ha?" Gulat na tanong ko sakanya. She was looking at me with hope written in her face.

"Can you help me get close with Vice?"
Napalunok ako.

"Sorry pero hindi na kasi kami close simula nung umalis siya." I said with my voice apologetic. Kita ko ang dismaya sa mukha niya. Maya maya ay lumiwanag ulit ang mukha niya. Kumibit balikat siya.

"Hmm well. It's okay. I'll just do it my way. I'll make him forget every person he ever loved." She flash me a playful smile. A smile that's telling me she's determined to do just that.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

469K 13.6K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
421K 17.1K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
946K 35.9K 85
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...
110K 2.6K 41
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...