Chapter Twenty

1.1K 32 5
                                    

JACKIE

Kabang kaba ako habang naglalakad kami papalapit sa pinto ng bahay namin. Oo. Dinala ako ni Vice sa bahay namin!!! Gosh hindi ako prepared! Ang alam ni Mommy si Tom pa rin ang boyfriend ko so paano ko ipapaliwanag kung bakit ko kasama si Vice ngayon? Paniguradong magugulat at magtataka siya. Namamawis na rin ang kamay ko. Tumigil ako kaya naman napatigil rin si Vice dahil nga hawak niya ang kamay ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Aba at parang kalmado lang siya samantalang ako parang maiihi na sa kaba.

"Teka hindi naman ako prepared dito." Sabi ko sakanya.

"It's okay. Akong bahala. I want to meet your Mom properly."

Hindi nakatulong ang sinabi niya. Hindi niya kilala si Mommy. Sigurado marami siyang tanong. Hindi pa ako handa. Tsaka paano ko ipapaliwanag ang kung anong meron kami ni Vice? Sa mata niya at mata ng marami ay bakla siya. Alam kong wala naman sakanya kung ano man ang kasarian ni Vice pero tiyak na magtataka talaga iyon at magugulat. Hindi ko pa nga nasabi na break na kami ni Tom eh.

"Bakit ayaw mo ba akong ipakilala sa Mommy mo?" Tanong niya. Mabilis akong umiling.

"Hindi sa ganon. Syempre magugulat siya kung bigla bigla na lang na magpapakita ako na kasama ka. I want my Mother to meet you believe me but I'm just not prepared for now." Paliwanag ko. Tinitigan ako ni Vice na parang pinag-iisipan niya ang tungkol sa sinabi ko. Maya maya ay humugot siya ng hininga.

"Alright let's—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napalingon sa direksyon nito. My heart almost drop when I saw my Mother.

"Oh bunso nandito ka pala." Sabi niya bago lingunin ang kasama ko. Pinanood ko kung paano manlaki ang mata niya ng makita si Vice.

"Vice?!" Gulat na banggit niya. Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay. Sunod ay tumingin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Mommy. Tinaasan niya ako ng kilay. Ngumiti ako ng alanganin sakanya.

"Hi M-Mommy."

Saglit na natahimik si Mommy. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Sa wakas ay nagsalita na siya.

"Halika kayo at pumasok. Malamok diyan sa labas." Niluwagan niya ang pinto bago tumalikod at umalis. Tiningnan ako ni Vice and then he shrug before pulling me towards the door.

Pinaupo ko si Vice sa couch at iniwan siya saglit. Pinuntahan ko si Mommy sa kusina. Nagprepare siya ng juice at sandwich. Nilagay niya ito sa tray.

"Jackie hindi ka naman nagsabi na may kasama kang bisita ngayon. Sana nakapaghanda ako ng pagkain." Sabi ni Mommy ng hindi tumitingin sa akin.

"My." Tawag ko sa atensyon niya. Tumigil siya at tumingin sa akin. Napalunok ako. Ang seryoso ng mukha niya. Wala siyang sinabi bagkus ay inabot niya lang ang tray sa akin.

"Sige na ibigay mo kay Vice 'yan." Utos niya. Wala na akong nagawa kundi tumalikod at bumalik sa living room. Nadatnan ko si Vice na tumitingin tingin sa loob ng bahay. Hindi pa ako nakakalapit sakanya ng marinig ko ang boses ni Mommy sa likuran ko. Tinatawag niya si Ate Gretchen, yung kasambahay namin. Mabilis na tumayo si Vice ng makita kami. Inutusan ni Mommy si ate Gretch na bumili pero mabilis na nagsalita si Vice.

"Tita hindi na po kailangan. May dala po akong pagkain." Magalang na sambit niya.

My eyes widen. Tita?? I gave him a questioning look but he just look at me before transferring his eyes back to my Mom.

"Ay naku Vice. Let me prepare and cook dinner for you. Bisita ka kaya hayaan mong ipagluto kita."

Nagkamot ng batok si Vice.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now