Chapter Nine

900 24 1
                                    

JACKIE

Hindi niya suot yung gown.

'Yan ang unang pumasok sa isip ko ng makita si Vice. I was there when he was still choosing what to wear. Hiningi niya ang opinyon ko. Sabi niya kung anong gusto ko, 'yun ang isusuot niya. Memorize ko lahat ng gown na isusuot niya every commercial. Alam kong yellow dapat ang kulay ng gown na pang-opening niya. Pero puti ang suot niya. I tried my best to ignore it and not to make a big deal out of it pero kasi...We planned everything. Every design. Every color.

Sinasabi ko sa sarili ko na baka yung pang-opening lang ang iniba niya. I cheered myself up. Pero lumipas ang dalawang commercial break pero hindi nasunod ang alam kong kulay at design na pinili namin. Umasa ako na sana kahit papano iyon man lang ay hindi nagbago. It was something that will remind me of the days we're still okay.

Napabuntong hininga ako. Siguro dapat huwag na akong umasa na may pake pa si Vice sa dati naming samahan. Hindi na iyon babalik. Hindi na kami babalik sa dati. Nasa backstage na ako at hinihintay si Vice na lumabas sa stage. Ito na yung part na lalabas ako at mag-aabot ng questions. Narinig kong tumili ang madlang pipol sa labas kaya hula ko ay lumabas na si Vice. Bumukas ang monitor sa tabi ko, ibig sabihin live na kami ulit. Hindi ko tiningnan ang monitor kasi mas kakabahan lang ako kapag nakita ko siya. Ngayon pa nga lang ay nanginginig na ang tuhod ko. I am so nervous. Maraming nanonood. Hindi ito katulad ng nakasanayan ko na bilang ng audience sa studio kaya mas malaki ang pressure. Kung okay pa siguro kami ni Vice, alam kong kakalmahin niya ako pero wala eh. Tom and the other girls wished me luck tho but it's still not enough to calm me down.

"Get ready Jackie." Narinig kong bilin ni Carl sa tabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Kung ready ka na tawagin na natin ang magbibigay ng tanong sa'yo. Ate Girl!"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinanood kong dahan dahang bumukas ang nasa harapan ko. My smile is already intact while I wait for it to finally open. Sinalubong ako kaagad ng hiyawan ng madlang pipol. I start to walk towards the center. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa gitna. I focus on my steps. Mahirap na baka matapilok pa ako at mapahiya. Una kong nakita si Ate Anne na nakatingin sa akin habang nakangiti ng matamis. Inilipat ko ang tingin ko kay Vice. Halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang suot niya. He wore the red one. 'Yung pinili ko. My heart jump in joy. Napakaliit na bagay lang pero ang laki ng epekto sa akin.

Dahil sa nakita ko ay, lumaki ang ngiti ko. Umikot ako sa harapan niya at ngumiti ng pagkatamis tamis sakanya. Iniabot ko ang cards sakanya. Dahil sa sobrang saya ay ni hindi man lang ako kinabahan ng tingnan niya ako. Nilakihan ko pa nga ang ngiti ko sakanya eh.

Nagtitigan kami kaya inalis ko muna ang ngiti sa labi ko. Nagsisimula na kaming umarte. Rinig namin ang tilian at hiyawan ng madlang pipol. Ngayon na lang kasi nila kami napanood simula nung bumalik si Vice.

"Hi." Ako na ang nagsimula.

"Hi." Sabi niya pabalik at ngumiti.

"Ayiee ang muling pagkikita ng ViceJack." Narinig namin na sabi ni Ate Anne.

"How are you?" Tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at sumimangot.

"Okay lang naman." Sabi ko habang hindi nakatingin sakanya.

"Parang hindi ka masaya na nakita ako Jackie. Kababalik ko lang pero hindi ka man lang makatingin sa akin."

Huh. I should be the one telling you that. Hindi ako nagsalita.

"Hala mukhang may nagtatampo." Sambit ni Ate Anne.

"Nagtatampo ka ba?" Tanong naman ni Vice. Gusto ko 'to. Kasi dito sa Ms. Q and A lang kami nakakapag-usap ng maayos.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now