Chapter Twenty Five

779 21 6
                                    

VICE

I let out a tired sigh as we walk towards the elevator. Akala ko makakauwi ako ng maaga pagkatapos ng It's Showtime pero pinatawag ako ni Direk bago pa ako makaalis. Kagagaling ko lang sa office niya. We talked about my concert abroad. The meeting lasted for two hours and I badly wanna go home right now.

"Meme didiretso ka na ba sa bahay niyo?" Tiningnan ko si Dianne ng magsalita siya. Tumango ako sakanya.

"You can go now Dianne. Thank you." I told her once we got out of the elevator. Ngumiti siya sa akin.

"Okay. Thank you meme."

"Ingat ka." I wave to her before settling myself inside my car. Uwing uwi na ako pero bago ko paandarin ang kotse, I glance at my phone ng maalala na nagtext pala ako kay Jackie kanina. Hindi ko na nakita kung nagreply siya dahil nga busy ako sa meeting kanina. I grab it and saw that she replied.

From: Jackie ko❤️

Okay po. Ingat ka. I love you. Magkita na lang tayo mamaya sa condo mo. I'll cook us dinner mwa.

Napangiti ako bago magreply. Sinabi kong pauwi na ako. Nang maisend ko ito ay pinaandar ko kaagad ang kotse. Inis na inis ako sa traffic pero iniisip ko na lang na madadatnan ko si Jackie sa condo ay humuhupa naman ang inis ko. Halos 45 minutes din ang naging drive ko. Mabilis kong pinarada ang kotse.

I greeted the guard at the lobby bago dumiretso papuntang elevator. Tahimik akong pumasok sa condo. Naamoy ko kaagad ang niluluto ni Jackie. I smiled instantly. I make my way towards the kitchen and saw her back facing me. She was humming an unfamiliar song while cooking. I quietly walk near her and snake my arms around her waist. I backhugged her.

"Ay tinola!" Sigaw niya sa gulat. Natawa ako dahil tinola ang niluluto niya. "Hi Jackie ko." Naramdaman kong hinampas niya ako sa braso.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Sabi niya.

"Sorry na. Para nga surprise. Aawayin mo pa ako eh pagod ako ngayon sana ikiss mo na lang ako." Sabi ko at lumabi kahit hindi niya nakikita. Humarap siya sa akin at tinitigan ang nagpapaawa kong mukha.

"Sorry I was just startled." Sabi niya at sinuklay ang buhok ko. I pouted more at mukhang nagets niya naman ang nais ko. She giggled before pecking my lips. Sumimangot ako. Peck lang?? Nakita niya ang reaksyon ko kaya tinulak niya ang labi ko ng akma akong lalapit.

"Mamaya na. Nagluluto pa ako." Sabi niya sabay talikod sa akin. I sighed and just settled on embracing her and placing my chin on top of her shoulder.

"How's your meeting?" Tanong niya. Napabuntong hininga ulit ako ng maalala ang pinag-usapan namin kanina.

"Tiring, love. Direk wants me to have another concert abroad." Kwento ko sakanya.

"Really? Then that's nice. Maraming madlang people sa ibang bansa ang gustong gusto kang makita." Sabi niya.

"Actually gusto ko sana tumanggi. Kahit naman masayang magpasaya ng tao, nakakapagod rin." I told her honestly. Napatigil ako ng may maisip.

"What if I bring you?" Tanong ko sakanya. "Huh? As much as I like that idea, may trabaho ako Vice I can't just leave and join you there."

"Well it's still work. I'll tell Direk na kakailanganin ko ng back up dancers. Sasabihin ko dalawa na lang para hindi naman kahina hinala. You and hmm sino ba...maybe Karen? Magaling 'yon noh?" Napansin kong napatigil siya sa ginagawa niya. Pero maya maya rin ay itinuloy niya ang ginagawa niya.

"Paano mo naman nasabing magaling siya? Pwede naman si Ate Mandy na lang ah." Kaswal na sabi niya pero parang may iba sa tono niya. I shrugged.

"I notice her sometimes when I watch your prods. Nasa gitna rin kasi siya palagi so it's not hard to see her. Tsaka Mandy have Bullet baka hindi niya maiwanan." Umalis si Jackie sa yakap ko kaya hinayaan ko siya. Pumunta siya sa sink at hinugasan iyong ginamit niyang chopping board. My forehead knotted when I saw her rubbing it a little too hard.

"Pwede naman si Daph or Chloe." Sabi niya ulit. Napaisip ako.

"Nah. I really prefer Karen she's—"
I stop when Jackie suddenly turned and glared at me. I look at her, confused with her sudden change of mood.

"Type mo ba?" Inis na tanong niya sa akin. Nagdikit ang kilay ko sa pagkalito. "Ano? What are you trying to—" Hindi ko na ulit natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umalis. Tiningnan ko siya ng naguguluhan. What? Anong ginawa ko? Sinundan ko siya sa living room. Naabutan ko siyang inaayos ang kung ano ano doon.

"Bakit ka galit? Anong type ba sinasabi mo? Sino si—" I halted when I realized why she's acting like this. Lumabas ang malaking ngiti sa labi ko.

"Nagseselos ka?" Nilapitan ko siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin tapos umalis na naman siya. Natawa ako. So she's really jealous. God, she's so cute. Sinundan ko siya.

"Bakit ka naman magseselos eh patay na patay nga ako sa'yo." Sabi ko pero parang walang effect banat ko sakanya.

"Jackie walang panama 'yun sa'yo. Oo maganda siya—" Sinamaan niya ako ulit ng tingin. Kung nakakamatay lang yung tingin kanina pa ako nakahandusay sa sahig. Bumuntong hininga ako at lumapit sakanya. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Jackie let's be honest okay? Oo maganda siya. I've been with beautiful ladies for a long time. I am friends with a lot pa nga eh pero there's only Jackie Gonzaga that made me fall. Ikaw lang yung may hawak ng puso ko." I said sincerely. Tahimik lang siya at mukhang napakalma ko naman na siya.

"Sige iba na lang. Sino ba gusto mo?" Nang sumagot siya ay hindi naman na inis ang boses niya.
"Hindi naman kailangan dancers lang eh. Why not Ion? May show na kami last week at mukhang gustong gusto naman siya ng mga tao." I huffed.

"Yon? Eh wala namang talent yun. Anong gagawin niya? Mag lintik na pag-ibig ng dalawang oras? Tsaka pinagsisisihan ko na pinayagan ko kayong magsama sa show niyo noon. Pinanood ko yung performance niyo ilang beses ka niyang hinawakan. That would be the first and last." Nakakunot ang noo na sabi ko. Napangiti si Jackie.

"Look who's jealous now." She teased. I just rolled my eyes. Tinapos na ni Jackie ang niluluto niya. Pumunta naman ako sa kwarto para magpalit. Pabalik na ako sa kusina ng mapansin na nag ilaw ang phone ni Jackie na nakapatong sa center table sa living room. Nilapitan ko ito at ng bubuksan ko na sana ay nagsalubong ang kilay ko ng makitang may password. Sa pagkakatanda ko hindi naglalagay ng password si Jackie sa phone niya. Pumunta ako sa kung nasaan siya.

"Kailan ka pa naglagay ng password?" Bungad na tanong ko. Tumigil siya sa paglalagay ng kutsara ng marinig ako. Her eyes dropped to my hand that's holding her phone and I watch her eyes widen slightly.

"Ano..kahapon lang. Pinapakialaman kasi nila Daphne kapag nilalapag ko kung saan." Napatango ako. "May nagtext." Sabi ko sabay abot sakanya. I kissed her cheek before taking a seat. Tiningnan ko siya ng manatili siyang nakatayo.

"Sit love." She nodded and obliged. Naglagay ako ng kanin at ulam sa pinggan niya. Inalis niya ang tingin niya sa phone niya at tumingin sa akin.

"Uhm Vice? Can we cancel our friday date? May pupuntahan kasi ako." Sabi niya. Napatigil ako. Friday is our date day. Pangalawang beses niya nang kinancel ang date namin this week. "Why? Saan?" I ask curiously while placing food to my own plate. I saw her hesitate before answering.

"Tita Rachel wants me to take care of Ian kasi aalis siya."
"Why don't you just take him here? Tutal namimiss ko na rin iyong makulit na 'yun." I suggested. "Hindi na love. I want to take him out." Tiningnan ko si Jackie. She smiled at me kaya napatango na lang ako.

"Okay."

(a/n: helloooo sinong may twitter dito? follow niyo ako @frvrnaddie hakhak kung gusto niyo lang naman. let's be friends o kaya usap tayo whatever hahahaha pero medyo inactive ako hehe)

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now