Clash of CLANS 3: Battle Betw...

By bRezyLian62

5.6K 392 109

PAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kw... More

Clash of CLANS Season 3
Chapter 1 Simula
Chapter 2 The Ring
Chapter 3 SIDE STORY 1:Deathmetal Adventure
Chapter 4 The wedding
Chapter 5 The Call
Chapter 6 The Kiss
Chapter 7 Side Story 2: Members on Cue
Chapter 8 Aya
Chapter 9 Costume
Chapter 11 Fairy Godfather
Chapter 12 Girl In White
Chapter 13 Hold
Chapter 14 Darkness
Chapter 15 Darkness 2
Chapter 16 Tears
Chapter 17 Dream
Chapter 18 Conflict
Chapter 19 Mourning
Chapter 20 Breath
Chapter 21 Angel
Chapter 22 The Fight
Chapter 23 Confession
Chapter 24 Nightmares
Chapter 25 Breakfast
Chapter 26 Hush-hush

Chapter 10 Mislead

163 23 1
By bRezyLian62

Chapter 10 Mislead

***VEVIEN POV***
ISANG malutong na mura ang kumawala sa labi ko habang pinagtatadyakan ang buhay na buhay at kulay berdeng damo, na hindi ko naman sure kung berde nga talaga dahil sa bahagyang madilim ang paligid.

I'm devastated, knowing that I got, not one, not two nor three but five mistakes in a row.

I remember what my clanmate Dessa tells me a while ago.

"She wore Belle's outfit."

"Yah right. Belle's ka diyan!" gigil na ikinuyom ko ang mga palad ko.

"There are three girls wearing Belle's costume, hanapin mo sa tatlo ang may maiksing buhok."

"And she said three girls wearing that kind of costume!" napabuga ako ng marahas. "Kailan pa naging tatlo ang lima?"

Huminga ako ng malalim at nagpabalik-balik sa paglalakad habang nakapamaywang.

"And none of them is Meg!" tumigil ako sa paghakbang at nanlulumong sinapo ang noo ko na sumasakit na sa labis-labis na pagkapahiya kani-kanina lang.

It's all Dessa's fault.

How I wish I can easily forget that unforgettable and terrifying day of my life. The moment I ruined someone's happiness.

"MEG!" walang sali-salitang hinila ko ang maskara ng ikalimang magkapareha na sumasayaw sa gitna. I am expecting that I got the right person dahil sa pagkakataong ito, maiksi ang buhok ng babae hindi kagaya ng iba.

Ang kasiyahan ko ay naiwan sa ere. Lalo na nang ibang mukha ang nakita ko. It's not Meg but my terror classmate.

"M-Maricar?" bulalas ko.

"What the fudge is this for Vevy?" hindi maipinta ang mukha na bulalas niya.

"I..." humalukipkip ako. I don't know what to say. Kung may tao man akong ayaw makabangayan, siya na ito.

"C-continue your d-dance Macky," tarantang ibinalik ko sa kanya ang kulay pulang maskara na may balahibong palamuti sa kanang bahagi.

"Really?" she raises her eyebrow.

"Bakit sobrang ganda mo ngayon?"

"Changing the topic Vevy?"

"I...I'm not!"

"Yes you are!"

I rolled my eyes. "It's just a mistake. Bakit ba ang high blood mo?"

"Mula pa kanina, wala talaga sa mood dahil sa ginawa ng pesteng Erwi-"

"Maricar Ordaniel?" sabat ng kapareha ni Maricar na kanina pa napepe. Yung boses ng lalaking ito, pamilyar sa akin.

"O?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Maricar.

"Hi, my Mrs. Monteverde." Isang nakalolokong ngiti ang kumawala sa labi ng lalaki. Laking gulat ko nang hapitin nito ang baywang ng masungit kong kaibigan at siniil ito ng isang mabilisan at mukhang malalim na halik sa labi.

Huli na ang ginawang pagsapak ni Maricar dahil nakatakbo na ang lalaki na mukhang number one playboy sa campus.

"Vevien!"

I slowly look at Maricar. Nagsitaasan ang kilay niya. Ang isa niyang kamao ay nakaangat.

"It's your fault!"

Bago pa man ako makatikim ng sapak mula sa kanya, nagtatakbo na ako palayo. How will I face her tomorrow?

NANGHIHINANG napaupo ako sa damuhan. "Bakit kasi wala si Meg sa limang Belle na iyon? Ano ba talaga ang costume niya?"
***END OF VEVIEN POV***

***Before the incident***
***MEG POV***
"S-SIGURADO ka ba sa desisyon mo?" namimilog ang mga matang tanong ng nakasuot ng damit ni Cinderella.

"Oo naman," nakangiting sabi ko. Wala naman sa akin kung makipagpalit ako sa kanya. Hindi mahalaga sa akin kung ano man ang susuutin ko. Hindi naman kasi sa akin ito at may isang tao ang mas nangangailangan higit pa sa akin.

"Pero mas maganda ang sa iyo kasi parehong-pareho sa gumanap sa Beauty and the Beast ang suot mo. Mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo." Kumikinang ang mga mata na wika ng babae. Sa katunayan naglalaway pa nga siya.

Kimi akong ngumiti. Hindi naman ako ang pumili nito kundi si Dessa na siyang ka-clanmate ko. Nakasabay ko kasi iyon kanina. Kahit ayaw ko sa damit dahil masyado itong maganda at bongga para sa akin. Simple lang kasi akong tao.

"Okay lang talaga sa akin."

"T-Talaga?"

"Oo."

Ipinagtagpo niya ang mga palad at tila nangangarap na tinitigan ako. "Are you for real?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Walang normal na babae ang e-le-let go ang napakagandang damit na iyan. It's really elegant."

Pingamasdan ko ang sarili. Lalo na ang suot ko. Marami ba talaga ang naghahangad nito?

"Mostly, girls from this day treasured that more than anything else. Para ding boyfriend ang damit, iingatan mo ng husto kasi bago pa, pagtagal pagsasawaan mo at ipamimigay pero hindi lahat dapat ibigay. You can still treasure it as a memory. Kaya nga uso ang sentimental value."

"H-Ha?"

"Pero parang ang layo?"

Hindi ko siya maintindihan!

"Nevermind." Bahagya niyang iwinasiwas ang isang kamay sa ere. Sunod hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Every girls wants to be a princess, kaya gustong-gusto ko na maging si Belle. Lahat na lang nagkagusto sa kanya. Siya kasi ang pinakamagandang dilag sa bayan nila."

Maganda din naman ang nangyari sa buhay ni Cinderella a! May kaya siya sa buhay na inalipusta ng mga kapatid at madrasta niya kaya siya nauwi sa pagiging katulong. Pero sa huli may isang prinsipe na nagkagusto sa kanya. Naging reyna siya ng isang kaharian.

"Thank you my fairymate mother for this opportunity."

Namalayan na lang namin na nagkapalit na kami ng kasuutan. Ako na ngayon si Cinderella at siya na si Belle.

"Salamat ng marami fairymate mother, Ibabalik ko ang damit ng walang gasgas. Pangako yan!" wika ng babae na maligayang kumakaway sa ere. Sa katunayan patalon-talon pa nga siya.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang bilis magbago ng mood niya. Parang kanina lang, ang lungkot-lungkot niya nang madaanan ko siya. Hindi ako nakatiis kaya natanong ko.

Gusto kong tumulong sa kamag-aral ko kaya ako na mismo ang nagbuluntaryo.

Tama lang siguro ang ginawa ko.

Inubserbahan ko ang aking sarili. Kumikinang ang damit kong suot. Maganda ang pagiging mapusyaw ng baby blue color nito. Hindi masakit sa mga mata. Hindi kasing bongga ng isa pero kung ako ang tatanungin, di hamak na maganda ito kesa sa nauna kong nasuot.

Ganyan siguro ang tao, kanya-kanya ang taste. Hindi magkatulad.

Kumawala ko ng hangin para ihanda ang sarili mamaya. Ngunit eksaktong pagkaharap ko. Sinalubong niyon ang panibagong babae na gaya ng isa kanina, kumikinang din ang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Is that Cinderella's gown?"

"A..." saglit akong napasulyap sa sarili ko. "O-Oo?"

Ipinagtagpo niya ang mga palad. Hindi matigil sa pagkinang ng mga mata niya habang tutuk na tutok sa suot ko.

"Nakakainggit,"

Ano ba ang gagawin ko?
***END OF MEG POV***

***BRENDON POV***
"LET go off me!" I keep on resisting. I never stop myself from doing it. Hindi ko matanggap at matatanggap ang kahayupan at kababuyan na balak gawin sa akin ng pesteng Michael na ito.

I'm on my way at the Hospital when Vevien's co-founder, goons showed up and dragged me here, at RDRC's place. Two men in all black, ninja outfit.

"I said let go off me!"

"It's no use Brendon Miguel Smith a.k.a. Hawk Eye, the founder of EDRC,"

Mula sa madilim na sulok, may unti-unting lumabas doon. Naka-all black din ito. Maliban sa puting polo na nasasapawan ng itim na tuxedo at maong pants. May kapa din ito na itim ang sa labas, pula ang sa loob. This guy even hides his nose to lips by the small part of the cape. Even his eyes have colors. It's red.

Contact lenses!

Kulang na lang spot light para magmukhang kaabang-abang ang baklang ito. Pero hindi, sirang plaka ang narinig kong umalingawngaw sa dalawang butas ng tainga ko.

"What games are you planning too Michael!" I clench my teeth. I'm not in the mood for his jokes. I need to go to the hospital. Sobrang delayed na ako.

"Bwahahaha, I'm not Michael, I'm..." eksaheradong tinanggal niya ang kapa dahilan para makita ko ang peke niyang ngipin. "Dracula."

"Cut the f*ck up Michael!"

"Tss!" On poise na namaywang siya. Sunod, ipinalakpak niya ang isang kamay. May dalawang naka-ninja ang sumulpot. Naka-red naman ang mga ito. May hawak silang naka-hanger na damit.

Ano na naman ba ito?

"Because of what you did, for marrying my bheybe-"

"What? Bheybe?"

"Yes, my Bheybe Meg," may pekeng luha ang kunwa'y pinunasan niya sa gilid ng kanyang kaliwang mata gamit ang kapa.

He's really an eyesore!

Wait, what did he just said?

"Bheybe what?"

"My bheybe Meg, duh." He rolled his eyes. "Why so stupid?"

Naikuyom ko nang hindi oras ang kamao ko. Narinig ko na may girlfriend na ang isang ito. It's good that he's going to the right path but, calling Meg as his own pisses me off.

"You-"

"Jelly?" he smirks.

"Just wait. Oras na makawala ako dito, mata mo lang ang walang latay." Malamig ang tonong banta ko sa kanya.

Napaatras siya ng isang hakbang. Wala siyang dapat na ipag-alala dahil tototohanin ko ang banta kong iyon.

Why the fuss Brend, you don't even own her now! She let you go!

Pinanlamigan ako sa suhesyong ibinigay ng utak ko.

Bakit ba kasi hanggang ngayon mahal ko pa rin siya? May posibilidad naman na mawala ito, hindi ba? Magagawa ko rin siyang makalimutan ngayon pang dumating na ang first love ko. But there is something's lacking. I can't name it."

"Hoy Brendon!"

Halos mabingi ang tainga ko sa tinis ng sigaw ng half-half na ito.

"What!" I growled.

"Y-you..." he move one step backward.

Coward!

Tumikhim siya. "I... I have a dare with you Brend."

Kinuha niya ang naka-hanger na damit at iwinagayway iyon sa ere. "Wear Shrek's, auger costume-"

"I'm not that desperate to-"

"Brendon Miguel!" he intentionally cut my words. "I am giving you this rare opportunity to..." he pick his black wallet. "Have this."

"Do you think you can pay me with money? Baka nakakalimutan mo kung sino ang may-ari nang..." hindi ko mahanap ang boses ko. I'm too shock seeing what inside Michael's wallet. There's lot of picture on it. Ka-size ng atm card ko. Hindi lang isang larawang kundi higit sa sampu.

The shocking and most amazing part it. All of it is Meg Ryan.

"Bet na bet kong kunan si Meg ng palihim. Her reaction is priceless."

Ramdam marahil ng dalawang naka-black ninja ang pagkalma ko kaya binitawan ako ng mga ito. Sinamantala ko ang pagkakataon. Buong kabagalan na lumapit ako kay Michael na nakapamaywang ang isang kamay. Ang isa ay nakahawak sa wallet niya na may nakahilirang lalagyan ng picture sa ibaba. Muntikan pa nga itong sumayad sa lupa.

"So, what now Brendon Miguel?"

I coldly glance at his face. He's trying to hide that he's scared at me.

"Take it?" Iwinagayway niya ang wallet, na siyang ikinaalog nang nasa ibaba.

Ngayong nasa malapitan ako. Kitang-kita ko ang mga larawan ni Meg na sadyang kinuha ng palihim. Her innocent smile, questioning looks and scared one. It's rare opportunity to have this kind of picture.

Come to think of it, kaunti lang ang picture naming dalawa ni Meg.

"Or leave it?" he continued.

I clench my fist. What should I do?

Stupid, she's not your property now Brend!

Like what you thought, it's quite rare to have this kind of thing!

Darn! I don't know what to choose.

"So ayaw mo? Sayang, marami din ang may gustong kunin ito sa akin." Inayos niya ang wallet. Tinupi niya paisa-isa ang nakalaylay sa card holder.

Stop yourself Brend! Pigil ng isang bahagi ng pagkatao ko.

"Actually hindi lang naman ito ang picture ni Meg sa akin..."

Stop!

Sobrang nangangati ang mga kamay ko. This is the first time I feel this way. Yung tipong may gusto kang kunin pero alam mong hindi pwede kaya nagpipigil ka. Kahit na, halos mabaliw ka na sa pagpipigil na ito.

"Kanina, panakaw ko rin siyang kinunan..."

Brendon, stop!

"Habang pumipili siya ng gown..." ipinaypay niya ang wallet sa mukha niya at kapanting dinaanan ako habang nagsasalita. "Masasabi ko talaga na ang ganda-ganda niya sa suot na..."

Darn!

"Fine!" I let go a frustrating sigh as I look at his direction.

"What did you say?" ngiting tagumpay ang namutawi sa labi niya habang sinasabi ito.

Without a word, lumapit ako sa kanya at hinablot ang damit na gusto niyang ipasuot na akin.

"Thank you so much Brendon for your cooperation."

Mabilis ko siyang tinalikuran. Dalawang hakbang lang ang ginawa ko. I forgot something very important. Binalikan ko siya at tumigil ako sa kanyang harapan.

"W-what?" he's faking his smile.

Walang sali-salita kinuha ko sa kamay niya ang wallet at ibinulsa iyon. Hindi ko pansin ngunit may ngiting kumawala sa gilid ng labi ko habang tinatahak ang direksiyon ng silid para makapagpalit na ako.
***END OF BRENDON POV***

AN://Hi po, sa mga abangers ng COC season 3, may good news ako sa inyong lahat. I will base my updates due to votes. Every 7 votes, isang chapter ang agad kong i-a-update. Yep, you read it right. Hihingi ako ng 7 votes upang malaman ko kung may intiresado pa ba sa buhay pag-ibig ni Meg Ryan.

Oras na umabot na sa 7, expect the next chapter. But once it reaches 13, may 2 chapters kayong mababasa sa loob lamang ng isang araw. Kung 18? syempre 3 chapters kaagad.

Paalala lamang, ang last UD ko ang pagbabasihan ko. Kaya sa mga magtatanong ng next UD nito, check the star kung nakaabot na ba siya ng 7. Kung oo, asahan ninyo na may kasunod na siya.

Maraming salamat po.

7 votes - 1 chapter
13 votes - 2 chapters
18 votes - 3 chapters

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 864 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1M 83.5K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...