The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 27

14.6K 224 26
By Aimeesshh25

ERIN'S POV

Pagkalabas ko ng bahay ay siyempre naglakad muna ako palabas ng village. Kasi naman, ang yaman-yaman ng mga tao rito kaya halos wala ng taxi na nadaan.

Nawa'y lahat may kotse diba?

Gosh! Ang init! Nakalimutan ko magdala ng payong. Agad kong pinara ang taxi nang makitang palampas na ito.

Hinihingal akong pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa'kin ang todong ngiti na si Manong.

Grabe! Tadhana talaga oh!

Alala niyo pa ba siya? Siya 'yong si Manong na nasasakyan ko lagi. 'Yong kalbo! Tumpak!

Ngintian niya ako, 'yong tipong labas ang gilagid at ngayon ko lang napansin na may braces pala siya.

Whoa. Yayamanin.

"Manong, kayo talaga ah. Feeling ko tuloy may gusto kayo sa akin." pang-aasar ko. Tumawa naman siya.

"Naku, hija--I mean, Ma'am." Astig, may pa I mean ang lolo niyo. "Feeling niyo lang ho 'yon." Aniya.

"Weh? Lagi na lang kasi kayo ang nasasakyan ko. Pansin niyo ba?"

Ngumiti siya at umiling-iing. Gosh! Slow rin 'to si Manong e.

"Nagkakataon lang ho 'yon. Malamang taxi driver ako e." Depensa niya pa.

Oh edi sige.

Hindi na lamang ako nagsalita. Wala naman akong masabi.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

Nakakapagod palang hindi magsalita. Parang buhay ko na ang pagiging madaldal kaya nakakapanibago. Siyempre pinaninindigan ko talaga 'yong sinabi ko kay Red 'no! Titigilan ko na talaga siya. Para in case na dumating na 'yong Lolo niya at maghiwalay na kami. Hindi gaanong masakit para sa'kin. Gosh! Ang drama ko na masyado.

"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" Napatigil ako sa pag d-daydream nang magsalita si Manong.

Tiningnan ko siya at nakatingin na siya sa akin.

"Ayos lang po ako. Kayo po ba? Lalong pumopogi kayo ah." pambobola ko. Napatawa naman siya.

"Hindi naman." Ay sus. Pahambol ang Manong!

Tumawa ako. "Ito naman. Joke lang po 'yon, Manong." sambit ko saka siya humagalpak ng tawa. 'Yong tipong utas na.

Nagulat ako nang umubo siya dahil sa matinding pagtawa. Hala siya.

"Dahan-dahan, Manong! Baka mapaaga ang pa-tinapay at pakape niyo niyan." Sambit ko.

At dahil doon lalo pa siyang tumawa. Hala siyaaa!

Hinayaan ko na lang siyang tumawa nang tumawa. Ang babaw ng kaligayahan nito 'no?

Maya-maya pa'y napansin kong napahawak na siya sa kaniyang dibdib at panay ubo na ulit.

"Hija, t-tulong!" Sambit niya. Napairap na lamang ako.

"Tigas kasi ng ulo niyo e." Ani ko pero agad naman akong pumunta sa likuran niya at pinalo-palo ko 'yong likod niya para makahinga naman siya.

Gosh! Walang water e.

"Kasi, Manong too much laugh will kill you." napapailing kong saad habang patuloy na pinapalo ang likod niya.

Naguluhan siya. "Teka, Too much love yata 'yon ah." singit niya.

"Too much love? Sige nga, Manong. Anong ginawa niyo ngayon?" Mataray kong tanong.

Nangunot ang noo niya. "Tumawa ako."

"Oh diba, kaya too much laugh 'yon. Walang basagan ng trip." Napalakas tuloy 'yong palo ko kaya ayon! Inubo na naman siya.

"Saan nga po pala kayo pupunta, Ma'am?" Tanong niya sa'kin nang mahimasmasan.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya. Ang daldal kasi namin.

Tinext ko muna si Luhan. Saan nga ba kami magkikita?

To: Luhan.

Psst! San ba tayo magkikita?

Sent.

Inantay ko muna saglit kung magrereply siya. Pero wala pang isang minuto, tumunog na agad ang phone ko.

From: Luhan

Dream restaurant. See you❤️

Dream restaurant? Saan naman kaya 'yon?mukhang maliligaw pa ako ah.

Nga pala, nandito naman si Manong.

"Manong, Sa Dream restaurant daw po. Alam niyo po ba 'yon?" Tanong ko. Nginitian niya naman ako at tumango.

"Oo naman! Aanhin ang pagiging taxi driver ko, kung wala akong alam tungkol sa mga lugar diba? Siyempre, alam ko 'yan! Favorite restaurant namin 'yan. Lagi kasi kaming pumupunta roon."

At marami pa siyang sinabi. Nakagat ko na lamang ang labi. Tinanong ko lang naman siya e, bakit ang dami niya nang nasabi? Huhuness.

"Manong, Awat na! Tinanong ko lang eh. Kung gusto niyo po 'yang ituloy sulat niyo na lang sa MMK. Doon ang storya ng buhay niyo isang oras lang!"

Humalakhak siya kaya ngumuso ako. Hinatid niya na ako sa sinasabing Dream restaurant. Whoa! Ang ganda ah! Bakit hindi ko 'to alam?

Bumaba na ako ng sasakyan saka ako kumuha ng pera. Inabot ko 'yon kay Manong pero nakangiti lang siya sa'kin.

"Manong, Wuhoo!" Winagayway ko pa 'yong 200 sa harapan niya.

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Hija, Libre ko na 'yan sa'yo. Masyado mo akong pinasaya." Nakangiting aniya. Ang gulo naman ni Manong. Dati tawag niya sa'kin ma'am? Ngayon naman hija at teka! Malulugi siya niyan eh!

"Manong, lugi po kayo niyan!" nakasimangot kong saad.

Umiling naman siya at nginitian ako. Ang weird niya talaga!

"Sige na. Mauna ka na. Ingat ka sa pag-uwi." Huling sambit niya saka pinaandar ang sasakyan.

Nakatingin pa rin ako sa papalayong taxi. Aww. Naalala ko tuloy si Papa. Miss ko na sila. Medyo may katandaan na rin kasi si Manong! Sana magkita ulit kami. Ano nga bang pangalan niya? Gosh! Bakit ba nakakalimutan kong itanong! Bobo, Erin!

Buti pa 'to si Manong ah ang haba ng exposure!

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob. Iginala ko ang mga mata ko para makita si Luhan. Pero ang daming tao. Puro couples. Ano ba 'yan!

Hindi naman ako nahirapan dahil kumaway-kaway sa'kin si Luhan. Pumunta agad ako kung saan siya nakapuwesto at umupo roon.

"Hi. Hehe." Nakamot niya ang batok. "Thank you."

Nangunot ang noo ko. Nahihiya siyang tumawa.

"I mean, thank you kasi pumayag kang makipagkita sa akin." ngumiti na lang din ako. Ang guwapo niya dzai! Ano ba!

"Hehe. Wala 'yon. Wala din naman akong ginagawa sa bahay e." Actually marami talaga akong gagawin. Huhu! Lagot ako kay Red. Pero war kami ngayon kaya puwede ko siyang sungitan!

Ngumiti siya sa'kin saka ako pinagkatitigan. Napaiwas ako ng tingin.

Anong ginagawa niya? Nakangiti siya habang tinititigan ako! Hala. Na conscious tuloy ako, ayos lang kaya ang mukha ko?

"Itigil mo nga 'yan." Kunyaring mataray kong saad. Pero natutunaw na talaga ako.

"Why? You're beautiful." saka siya ngumiti na makakalaglag panty!

Punyemas! Kung nauna ko 'tong nakilala, malamang sa alamang! Jojowain ko 'to! Gosh, ang wafuuuu!

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Nahihiya ako e. May hiya pa naman ako kahit paminsa-minsan.

Natawa naman siya dahil sa inasta ko. Pati pagtawa ang guwapo! San ba sila nakatira nila Red? Sa Mars ba?

"You're blushing." Nakangiting sambit niya.

Sino ba naman kasi ang hindi mamumula?Ang hot niya. Ang landi ko na masyadooo.

"Ano ba. Tumigil ka na nga. Order na tayo." Nahihiyang sambit ko.

"Alright. What do you want?"

Tumunog ang tiyan ko, napanguso ako nang tumawa siya at nagsimula nang tawagin ang waiter!

Huhuness nakakahiya!

Tahimik kaming kumakain. Napanguso ako at sumulyap sa kaniya. Tumaas ang kilay niya nang mahuli ang tingin ko. Umiwas ako ng tingin. Ang awkward!

Tahimik na nga ako sa bahay pati ba naman dito. Hindi ko na kaya!

"Kumusta ka pala?" Uh uh! Tama ba ang itinanong ko?

Nakagat niya ang labi. "Ayos naman. Lalo na ngayong kaharap ka." Nasamid ako. Tumawa siya at inabutan ako ng tubig. "How about you?"

Uminom ako roon bago sumagot.

"Ayos naman. Hehe." Sambit ko kahit hindi.

Alangan naman sabihin kong magkagalit kami ng mukhang unggoy kong asawa na si Red. Edi war na naman kami noon.

Nginitian niya ako. Ito talaga 'yong gusto ko sa kaniya eh. Palangiti siya, hindi gaya ni Red na nakasimangot lagi.

"That's good."

Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Nang matapos pumunta na kami sa sasakyan niya.

Lumingon siya sa akin. "Saan nga pala ang inyo? Hatid na kita."

Napatigil ako sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya.

"A-Ah. Bahay ko?"

"Yeah." He smiled.

Shuta! Ano na, Erin?

"U-Uuwi na ba tayo?"

Nagulat siya. "It's up to you. I thought busy ka kaya.."

"No! Hindi ako busy!"

Tumawa siya sa sigaw kong 'yon. Itinagilid niya ang ulo bago lumapit sa akin at guluhin ang buhok ko.

Mukha ba akong aso?

"Alright. May pupuntahan tayo." sambit niya saka niya ako pinagbuksan ng pinto.

Nakahinga ako ng maluwag pagkasakay. Pinaandar niya naman nang makitang ayos na ang puwesto ko.

Habang nasa sasakyan talaga namang kinakabahan ako. Paano pag pauwi na kami? Paano pag nalaman niya kung saan ako nakatira? Ayaw pa namang ipaalam ni Red na mag asawa kami. Pero sabi niya, sasabihin niya na raw diba kay Luhan?

Eh kailan pa. Adik din talaga ang isang 'yon.

"We're here!" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Luhan.

Tumingin ako sa labas at nasa park kami. Natigilan ako at agad na bumaba. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako dahil kaya ko naman.

Wow! Ang ganda. Puro puno lang ang makikita siyempre may mga upuan din. Ang presko ng hangin!

"You like it?"

Nilingon ko siya at nginitian.

"Hmm! Ang ganda!"

"Upo tayo." Inalalayan niya ako papunta sa malapit na upuan.

Hindi ako matigil sa pagtingin-tingin sa paligid dahil ang ganda talaga!

Though lagi ko namang nakikita sa salamin ang maganda pero iba pa rin pag tanawin.

"Paano mo 'to nalaman?" I looked at him.

"Dito lang ako napunta para magrelax."

"Talaga?" Tumawa ako. "Akala ko ang mga pamparelax niyo ay gaya ng mga bar."

He chuckled. "Paano ako marerelax doon e sobrang ingay."

"Ganoon kasi si Red." Bulong ko.

"Kilalang-kilala mo talaga siya 'no?"

Nagulat ako. Takte! Napalakas pala 'yong bulong ko!

Ngumiti ako at tumingin sa kalangitan. Hindi masyadong nakakasilaw dahil nasa ilalim kami ng malaking puno.

"Hindi naman. Kaibigan lang."

"I see. Para kasing ayaw na ayaw kang mapalapit sa akin." Tumawa siya.

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

"Ilang beses ko siyang tinanong about sa address mo kaso ayaw niya sabihin. Ganoon talaga pag magkaibigan, protective masyado."

Napaisip ako ngunit napanguso kalaunan. Hindi niya talaga sasabihin sa'yo dahil malalaman mo na mag-asawa kami.

Kaibigan? Sana all na lang.

"Look!" Napatingin ako sa itinuro niya. May mga saranggola!

"Wow! Puwede pala magpalipad niyan dito!"

"Oo. Kaso naroon pa sa parang ang mga nagpapalipad niyan."

Tumango-tango ako at nanatiling nakatingin doon.

Maganda sana kung si Red ang kasama ko.

Ipinilig ko ang ulo. Baka ibuhol ko lang ang tali ng saranggola sa leeg niya.

"Erin?"

"Hmm?"

"Puwede magtanong?"

Lumingon ako sa kaniya. "Sige, basta hindi personal."

He chuckled. "Gusto ko lang may malaman ako about sa'yo."

"Ano ka, detective?"

Tumawa ulit siya at humilig sa kahoy na lamesa.

"Manliligaw."

Ma, ang guwapo..

Umiwas ako ng tingin nang makita ang umuusok na mukha ni Red! Shuta. Bakit ba kahit dito epal 'yon!

"Anong tanong mo?" Pag-iiba ko.

"Ilang taon ka na?"

Sure siya niyan?

"I'm twenty. Ikaw?"

"Two years older than you."

Wow may paganoon? Okay, same sila ni Red.

"Favorite color?" Tanong niya ulit.

Napaisip ako. "Black and blue. Fav ko rin ang black and pink." 

Blackpink in your areaaaa!! Char.

Tumango siya. "Favorite food?"

Daming tanong ah.

"Kahit ano. Wala naman akong specific food na gusto. Ayoko lang ng mga exotic."

Pero want ko talaga ang adobong manok! Yumyum!

Tumango ulit siya. "Favorite song?"

Ano 'to? Fast talk with Boy Abunda?

"Marami eh." Sagot ko na lang.

Tumango siya at napaisip.

"Hmm, did you have a boyfriend?" Tanong niya.

At dahil doon napatigil ako. May isa akong naging ex. Hindi ko naman kasi naging boyfriend si Red dahil kinasal na agad kami.

"Yup. Isa." Nakangiting ani ko.

Hanggang ngayon kasi naaalala ko pa rin siya. Siyempre hindi ko na siya gusto pero nakakatuwa 'yong mga pinagsamahan.

Tumango-tango siya at tila napaisip na naman. May sasabihin pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Kinuha niya 'yon at tiningnan. Tumingin siya sa akin at sumenyas na sasagutin lang. Tumango naman ako.

Pinanood ko siyang bahagyang lumayo sa akin.

Siya kaya? Nagkagirlfriend na?

Siguro meron na. Sa guwapo niyang 'yan.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at tiningnan.

From: Unggoy na Pula.

Hindi ka pa ba uuwi?

Pakialam mo? Nyenye.

"Uwi na tayo? Hatid na kita." Aniya.

Nangunot ang noo ko. "Bakit? Sino 'yong tumawag?"

"Si Drake. Tsk." Napailing siya.

Nanlaki ang mga mata ko. "B-Bakit?"

"Tinambakan ako ng gawain." Tumawa siya at nakamot ang batok. "Sorry, Erin. Ihahatid na kita."

Nakagat ko ang labi at inis na tiningnan ang text niya. Ang unggoy na 'yon!

"No. Ayos lang. Tara na." Hinila ko na si Luhan palapit sa sasakyan niya.

"Thank you! Sige na. Dito na ako." sambit ko saka bumaba. Kanina ko pa 'to sinasabi na sa tabi niya na lang ako ibaba kaso ayaw niya.

Nagulat ako nang bumaba din siya.

Nagpahatid ako sa kaniya dito malayo sa bahay namin ni Red. As in sobrang layo. Maglalakad pa tuloy ako nito!

"Are you sure? Kaya mo na? Saan ba ang inyo rito?"

"A-Ah! Oo kaya ko na! Sige na. Marami ka pang gagawin." Kumaway na agad ako.

"Alright. Ingat. Thank you sa oras. Nag enjoy ako." Aniya saka ako hinalikan sa noo.

Natigilan ako ngunit nabalik din sa wisyo. Tumalikod siya at sumakay na sa sasakyan. Kumaway pa ako saka tumalikod.

Ang init! Bakit ba wala akong payong?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
204K 11.3K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
61.2K 3.2K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...