CHAPTER 21

13K 210 24
                                    

ERIN'S POV

Nakanguso akong pumasok sa bahay. Naabutan ko agad silang nag-uusap.

Wow ah! Ang bilis!

Nakaupo na si Macy sa harapan ni Red, samantalang ang buwisit naman na 'to ay ngiting-ngiti kung makipag-usap sa kaniya.

Ganoon ba nila na miss ang isa't-isa? Gosh! Ang sagwa!

Hindi ko na lamang sila pinansin at pumunta na lang sa kusina. Nagluto nga pala ako ng turon. 'Yan nakalimutan ko na. May buwisita kasi eh!

Abala ako sa pag aayos ng aking mga ginamit sa pagluluto nang may narinig akong tikhim sa likuran ko.

Nilingon ko 'yon at tumambad sa'kin si Red na nakasandal sa may pinto.

"Oh bakit?" Taas kilay kong tanong.

Umayos muna siya ng upo bago nagsalita.

"Ah.. tapos ka na riyan?" Sinilip niya pa 'yong ginagawa ko.

Nagtaka ako. "Oo, bakit?"

"Dalhan mo kami roon." utos niya. Saka tumalikod.

Tila nabingi ako sa sinabi niya. Inis ko siyang tiningnan.

Ha? Ayos ah! Uutusan pa nila ako. Oo mabait ako, pero pili lang.

"Luh. Ano kayo, sinisuwerte?!" Sarkastikong sambit ko habang nagpupunas ng mga kamay.

Nakita ko siyang napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi ko. Lumingon siya sa'kin at tinitigan ako.

Tumaas ang kilay ko. "Oh bakit? Katulong ba ako rito ah?"

Napangiwi siya at nagsimula ng lumapit sa'kin.

"Hindi. Pero asawa kita. At susundin mo kung ano ang gusto ko." walang emosyong aniya.

Napailing ako habang natatawa.

Ang kapal ah.

"Nah. Asawa man kita, ayoko pa rin at saka isa pa, sinabi mo na sa papel lang tayo mag-asawa diba?" Natigilan siya kaya ngumisi ako. "Bakit hindi kayo ang kumuha ng pagkain niyo?"

Hindi siya nakapagsalita kaya tumalikod na ako. Tinarayan ko pa siya.

"Pero kung si Luhan ang narito, baka hindi ka mapakali sa pag-aasikaso sa kaniya."

Nagulat ako at agaran ang paglingon ko sa kaniya. Mariin siyang nakatitig sa akin.

"A-Anong sinasabi mo?"

Umirap siya at tumabi kung nasaan ako. Nagsimula na siyang kumuha ng turon at nilagay sa plato. Tiningnan ko siya at ramdam ko ang galit niya sa mga kilos niya.

Inismiran ko siya bago nagpatuloy sa ginagawa.

Kinuha ko 'yong plato kong may dalawang turon. Binitbit ko 'yon papunta sa salas. Iniwan ko siya roon. May bitbit din akong isang basong juice.

Napanguso ako nang maimahe ang itsura ni Macy kanina. Magkatabi pa talaga sila ah?

Bahala sila riyan! Kumain sila kung gusto nila.

Iniwan ko na si Red sa kusina. Duh? Uutusan pa ako? Noon lang ako naging mabait sa Macy na 'yan 'no. At ayokong araw-arawin arawin, baka mamihasa.

At saka, anong sinasabi niya kanina? Nagseselos ba siya?

Pagkarating ko sa salas, naabutan ko si Macy na nakaupo sa inuupuan ni Red kanina. Ngumuso ako at umupo sa tabi niya, saka binuksan ang TV.

"Hey." Tawag pansin niya sa'kin.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now