The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♕8

73.7K 709 59
By kellylee0101

SAM 

"Kiel?!" Napanga-ngang sigaw ko. Napatalon pa ko sa kinakatayuan ko at niyakap si Kiel. Ngumiti naman ng pagkalaki-laki si Kiel dahilan para magsigawan ang mga schoolmates ko sabay lapit niya sakin para ibigay ang yakap niya.

  

Kiel Gil. Isa sa mga kababata ko. Huli ko siyang nakita ng personal nung 5th grade, his whole family migrated sa Alaska pero constant ang communication namin since then. Skype almost every week and kahit medyo mahal ang overseas texting we see to it na nagkakamustahan kami kahit papano.

“Kamusta?” Bungad niya at ginulo pa  talaga ang buhok ko matapos magsalita.

I pouted matapos kong kumalas sa yakap niya. ‘Yan na naman ‘yang habit na ‘yan kaya kami madalas mag-away nung bata kami eh, hilig niya kasing ginugulo ‘yung buhok ko. “Maayos. Ikaw? Teka—bakit nandito ka? Diba sabi mo sakin malabo na kayong makabalik dito dahil nag-eenjoy sila Tita sa magandang itinatakbo ng business niyo?”

Tumango siya. “Yup, pero that doesn’t mean na hindi na ko pwedeng mag-stay dito.”

“Kainis ka, hindi ka ‘man lang nagsabi para nasundo kita sa airport.” Pinalo ko siya ng marahan sa braso.

“Aray—Surprise nga e.” He winked. “Ayos ba? Gwapo ko na ba?” Sabi niya habang nakahawak sa mukha niya.

Oo nga naman ang gwapo na niya. Dati-rati pareho pa kaming uhugin na nag-aaway at nagkakatampuhan pero tingnan mo kami ngayon, we're all grown up. Parang kelan lang nung umalis siya, nag-iiyakan pa kami habang nagpapaalam sa isa’t isa pero heto na siya ngayon nasa harap ko na. Nagkatinginan lang kami ng matagal ng mata sa mata na akala mo'y nag-uusap na kami sa ganoong paraan. Ngumiti siya kaya mas napangiti ako.

"E-Ehem!" Pambabasag ni Krystal sa kung anong nagaganap samin ni Kiel.

Napalingon ako sa kanila pati sa ibang schoolmates namin na nakikigulo. Nagbubulungan ‘yung iba, ‘yung iba naman titig na titig lang kay Kiel. Well hindi ko naman sila masisisi dahil natural na gwapo si Kiel at maganda ang tindig kaya hindi na nakakataka na pagkakaguluhan siya. Medyo nakalimutan kong nasa harap kami ng maraming tao kaya hinila ko papalapit ‘yung dalawa kong kasama. "Oo nga pala, Si Steph at Krystal, mga kaibigan ko.." Pagpapakilala ko.

Iniabot naman niya  ang kamay niya  kila Steph. "Kiel." Sabay tango niya.

Matapos nilang magkamayan nakakunot lang ang noo ko kay Kiel dahil hindi ko magets ang gusto niyang ipahiwatig.

Nag-smile at humarap siya dun sa dalawa. “Ugh girls, pwede ko bang hiramin si Sam sainyo ngayon?” Pagpapaalam ni Kiel.

“Sure, go ahead.” Si Steph.

“Thanks.” He smiled again sabay hablot niya sakin. Kinuha niya ‘yung bag ko at nakaakbay naman siya sakin habang naglalakad kami. Napalingon lang ako kila Steph na kumakaway sa amin.

____

7ELEVEN

Nakaupo lang ako habang tinititigan ko ang bawat galaw niya. Namimili siya ng ice cream at drinks sa may fridge. Hindi pa rin siya nagbabago, mabait at maaalagain pa rin tulad ng dati, ang kaibahan lang tumangkad at lumaki na ang boses niya.

“Here..” Inabot niya sakin ng vitamin water at isang kutsara.

Nag-inat pa muna siya bago siya maupo sa tabi ko tapos lumingon siya sakin.“I miss this pero mas namiss kita.” Binaba na din niya ‘yung tubig at ‘yung ice cream na binili niya sabay ngiti ng matamis.

Naramdaman ko ang init sa pisngi ko kaya ibinaling ko na lang sa pagbubukas ng bote ng tubig ang atensyon ko. “Baliw ka talaga.” Naiilang na sagot ko.

Inagaw niya sakin ang bote para siya ang magbukas. Nag-pout naman siya.. “Totoo. Bakit? Hindi mo ba ko namiss?”

“Namiss syempre best friend kita diba? Tyaka parang kagabi lang magka-skype pa tayo bago ako matulog.”Ako.

“Oo nga noh?” Pagsang-ayon naman niya.

Nag-stay pa kami ng konti sa lugar na ‘yun at nagkwentuhan. Naalala ko tuloy nung bata pa kami na madalas din namin ‘tong ginagawa. Lagi kaming naglalaro at parehas kami ng pinapasukan na school kaya sabay kaming pumapasok at umuuwi galing eskwela. Madalas naming laro ang bahay-bahayan at lagi kaming nag-aaway kung sino ang gaganap na tatay dahil feeling ko dati mas lalaki pa ako sa kanya. Uuwi ‘yan minsan sa kanila ng may kagat sa kamay dahil hindi ako pumapayag na siya ang gaganap na lalaki saming dalawa. Nakakamiss. Bigla ko tuloy naalala ‘yung letter na binigay niya bago sila lumipad papuntang Alaska.

Sam,

I might be away but you’ll always be in my heart. I might be in some parts of the world but we’ll never be apart. Thank you for giving me the chance to be your friend and giving me all the understanding and importance I deserve. Remember that I’m just a phone call away; just say the word and I’ll be around with the blink of an eye. I will always remember you as my childhood love and I’ll always be missing you.

 

Kiel.

I memorized every part of it simula nung umalis siya. Binabasa ko din ‘yun every time na namimiss ko siya okaya naman wala akong matakbuhan at mapagsabihan ng problema. Nakakagaan sa pakiramdam na alam mong may taong kahit nasa malayo nag-aabalang intindihin at maalala ka. Nakaka-proud maging best friend si Kiel. Nakakatuwa na bumalik na siya.

Sa maraming aspeto ng buhay kami nagkakapareho kaya sobra kaming magkasundo. Pareho kaming only child at busy lagi ang mga magulang namin kaya ang isa’t isa ang naasahan namin. Kaya malaki talaga ang lungkot ko nung nag-migrate sila. Buti na lang at kahit nasa Alaska na siya hindi siya nakalimot na mangamusta, marami pa rin akong nasasabi sa kanya; ‘yung mga achievements ko pati ‘yung mga bad vibes na nangyayari sa buhay ko. Lahat-lahat.

____

CHASE

CONDO

Napakamot ako ng ulo dahil sa tagal dumating ni Sam. Wala pa rin akong number niya para matawagan siya kaya nakakaputa. Meron kasi akong napakalaking problema. Hindi ako mapakaling lakad ng lakad sa loob ng condo ko. Nandun na ‘yung maupo ako, tumayo, mahiga, mag-gitara, mag-xbox, humilata, pero hindi talaga ako mapakali.

Maya-maya bumukas ang pinto kaya napatakbo ako sa entrance. "Thank God you're here!"

Nagderetso siyang lumakad papasok at ibinaba ‘yung bag niya sa center table at tumingin sakin ng gulat na gulat. "Wow! Kilala mo si God? Himala."

Napapikit at kagat labi ako sa inis. Loko talaga ng babae ‘to, kung hindi lang malaki ang problema ko ngayon ibinaon ko na sa lupa ‘to eh. Napasabunot ako sa buhok ko. “Adik ka medyo malaki ang problema ko pero tingin ko kaya mo namang gawan ng paraan."

"Ha? Bakit ako ang gagawa ng paraan eh problema mo pala ‘yun?" Si Sam.

"Manahimik ka muna at makinig sakin.." Utos ko.

Naupo kaming dalawa at huminga pa muna ako ng malalim bago magkwento.

Ilang saglit pa lang akong nagku-kwento bigla nang nanlisik ang mga mata niya sa mga binibitiwan kong salita.

"ANO?!!" Malakas niyang sigaw kaya napatakip ako ng tenga.

"Aray ko naman! Ang sakit sa tenga ng boses mo!" Ganting sigaw ko.

Napatayo siya sa kinakaupuan niya at naglakad na hawak ang noo niya. “Sira ba ang ulo mo? Bakit mo ‘yun sinabi sa Mama mo?!"

“Wala akong choice, sinusubok niya ko kaya pumayag ako. Alangan naman na magpatalo ako sa nanay ko adi pinagtawanan ako nun.”

"Sana nga nagpatalo ka na lang! Napaka-impossible ng gusto mong mangyari gangster. Hindi yata ako ang kailangan mo, baka himala na lang ang magsalba sayo!"

"Gusto mong mamatay?" Ako. Pinanlakihan ko siya ng mata bilang ganti.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Baliw ka na Chase, hangin lang ang kayang i–accommodate ng utak mo kaya hindi nyan kakayanin ang information overload. Nakalimutan mo na ba na nung first day pa lang natin sumakit na agad ang ulo sa dalawang lessons pa lang? Just give up air head. Baka naman may awa ang Mama mo at pumayag pa siyang bawiin mo ‘yung mga sinabi mo." Natataranta niyang sabi.

Aba at inuubos niya talaga ang pasensya ko ha. Kutusan ko kaya ‘to ng malubay sa kakalait sakin? “Thanks huh? Kitang-kita na ang laki ng tiwala mo sakin. Ibang klase ka talagang tutor napaka-supportive mo.” Inakmaan ko siya ng kamao para matakot siya pero pinagtawanan lang niya ako.

“Kilala mo ko, I don’t go for shits. And as your trustable tutor isa lang ang maipapayo ko at ‘yun ay to just give up.” A wicked smile splashed on her face.

She’s seriously mocking and looking down on me. Napahawak ako sa noo ko. “Hinding hindi ‘yun mangyayari kaya ihanda mo lang ang sarili mo dahil hindi ako magpapapigil kahit na kanino. Ipapakita ko sayo at kay Mama na kaya ko ‘to.”

"Bahala ka nga trip mo ‘yan eh.. there’s no harm in trying at lalong there’s no harm in daydreaming, pero kapag nangyari ‘yun—I’ll be extra kind to you and susundin ko ang isang wish mo. Just one."

Nagningning bigla ang mga mata ko sa huling sentence niya. “Deal.” Sagot ko.

  

"We’ll see.." Siya. Nakataas pa talaga ang isang kilay at nakangiti ng nakakaloko.

"Well ngayon pa lang sasabihin ko na kung anong balak ko para makapaghanda ka na."

“Ano naman ‘yun?”

“You’ll act as my girlfriend for one whole month.”

Nasamid pa siya as she could barely contain herself as she threw her head back and roared with laughter.  “Are you kidding me?! Ako? As your girlfriend?! No way!! Ayoko!”

“Wala nang atrasan, ikaw ang nagbigay ng idea about my wish diba?”

She bit her lower lip and her eyebrows furrowed in confusion. “Okay deal. Confident naman ako na hindi ka mananalo kaya okay lang..” She shrugged.

"Well then let’s just see." I grinned happily.

____

FLASHBACK

Nakauwi ako ng maaga sa bahay na ikinagulat ng Mama ko, usually kasi 6pm pa ko dumadaan sa bahay niya okaya naman minsan hindi talaga. Ipinagpahanda niya ako ng makakain sa kasambahay dahil maya-maya lang uuwi na rin ako ng condo dahil sa tutor ko.

"Ian—"Tawag sakin ni Mama habang kumakain kaming dalawa.

"Oh?" Napatingin lang ako habang naghihintay sa sasabihin niya.

"Kamusta naman ang pagtu-tutor sayo ni Samantha?"

"Ayos lang, Ma. Bakit? Ilang araw ko na ding tutor ‘yun medyo sanay na ko sa mukha. Pero Ma, wala bang sexy ‘man lang? ‘Yung nakakagana mag-aral?"

Binato ko ni Mama bigla ng table napkin. "Tumigil ka nga diyan sa kalokohan mo."

"Joke lang ‘to naman.." Sagot ko.

"Umayos ka ha? Dapat mataas ang makuha mong scores sa periodic exam mo." Seryosong saad niya.

Napahinto ako sa pagkain. Kinginis. Talaga bang dapat hanggang sa harap ng pagkain binabanggit ang pag-aaral? Nakakawalang gana kaya! Kaynis. Napalunok tuloy ako ng malaki. "Matino nga ako, eto naman walang tiwala sa gwapong anak niya."

“Gwapo ka nga ‘nak, pero minsan uso din gumamit ng utak.” Walang kaabog-abog na sabi ni Mama.

Nakakaloko namang magulang ‘to. Halatang malaki tiwala sakin hano? “Ma, naman! Ano pa bang gusto mong makita para malaman mong nagtitino ako? Gusto mo ipasa ko pa lahat ng exams ko eh!” Pagyayabang ko sa kanya.

"Naku naku tsk tsk tsk.. bugso ng damdamin tumigil ka nga. Isang subject lang okay na, makita ko lang na nakikinig ka talaga sa tinuturo sayo ni Samantha."

"Hindi nga, Ma, seryoso ako. Ipapasa ko talaga lahat. Basta kapag nangyari ‘yun ibabalik mo na ‘yung isang kong bahay, sakin na lang ‘yung restobar na napapabayaan ni Chad, pati ‘yung ipinangako mong sports car, pati gusto ko din na ma-extend ang pagtu-tutor sakin ni Sam hanggang matapos ang school year na 'to."

"Try mo kayang maging abusado? Bakit ang dami naman?" Hesitant na sagot ni Mama.

“Gusto ko eh, tyaka alam ko naman na papayag ka.” Ngiting-ngiti na itinuloy ko ang pagkain ko.

“Okay..” Maikling sagot niya.

____

DERICK

TPIHS

May mali eh—may mali talaga ngayon. Anong nakain ni Chase at aga niya sa school? Napaaway ba ‘to at nabagok ang ulo? Hindi nga kaya’t totoong nagtitino na ang loko? Impossible eh, kahit saang anggulo mo tingnan.

Nakakalokong tingnan na ang dating pinakabugok sa school, ngayon pilit na nakikinig sa mga lessons ng teachers kahit pa kitang-kita sa mukha niya kung gaano siya naboboringan at inaantok sa klase nila. At hindi lang ‘yun, kumokopya pa talaga ng lecture kahit pa panay ang bulong na naiinis sa dami ng nakasulat sa board. Napapanganga lang tuloy kami nila Boom sa kinikilos ng mokong na leader namin na ‘to.

Nung vacant time naman namin kaninang umaga, nautusan si Boom na ipatawag ang buong BRAINY CLUB members except kay Sam at anong nakakatawa? Nanghiram siya ng notes sa kanila.

Hanggang breaktime nagawa pang tangayin ang isang notebook niya at pilit na pinapasok sa kokote niya ang trigonometry lesson namin kanina.

"Pare, ano bang nangyayari sayo?" Hindi ko na napigilan na tanungin siya. Nakakapanibago talaga eh. End of the world na ba?!

Tumingin lang siya sakin habang nagbabasa sa canteen. "Ha? Nag-aaral ano pa ba? Malaki ang nakataya dito." Pagkasabi niya nun nagtuloy na naman siya agad sa business niya. Parang tanga, hindi mo alam kung seseryosohin ba namin o gagayahin dahil for once nagiging magandang impluwensya siya. Pero iba e—parang nakakagagong biro.

"Hehe. Ano bang pinagsasasabi mo dyan dude? Kalokohan. Ilang taon na tayong magkasama pero ngayon ka lang nag-isip na mag-aral. Tyaka school nyo ‘to, gago na lang si Principal kapag binagsak ka." Natatawang sukli ni Boom sa sagot ni Chase.

“Mas gago kayo dahil imbis na suportahan niyo ko binubuyo niyo pa ko. Mga ulol kayong kaibigan, hala sige kumuha kayo ng libro at magbasa tayo!” Nakaismid na sagot ni Chase.

____

SAM

Hindi pa rin ako mapakali sa deal namin kagabi ni Chase, nakakainis talaga ‘yung tao na ‘yun sobrang laki ng tiwala sa sarili. Kaynis. Pumayag lang naman ako dahil sure na sure ako na hindi niya magagawang ipasa ang mga ‘yun dahil mas malaki pa ang tsansa na tumangkad si Dagul kesa sa maipasa niya ang lahat ng exams niya. At—ang kapal ng mukha niya ha? Ako? Girlfriend? Duh? Sa dami talaga ng maiisip ‘yun pa talaga. Kaimbyerna. Halatang gumagawa na naman siya ng paraan para asarin ako. Tss.

Papauwi ako ngayon at hindi ko kasabay sila Krystal dahil may practice pa sila ng choir kaya nagpaalam na lang ako na maunang umuwi sa kanila. Kailangan ko pa kasing dumaan sa bookstore para bumili ng ilang reference para sa lesson namin ni Chase.

Paglabas ko ng building nakita ko si Chase sa may parking lot sa harap ng sasakyan niya na nagbabasa pa rin.

“Uuwi ka na?” Tanong niya.

“Obvious ba? Mukha bang papasok pa lang ako?”

“Inam kausap.” Sarkastikong ngiti niya. “Sabay na kita?” He added.

Umiling ako. “No thanks, may dadaanan pa ko tyaka baka mamaya i-salvage mo pa ko.”

“Okay..” Pagsuko niya na nagtaas pa ng mga kamay niya sa hangin at nagderetsong sumakay sa magarang sasakyan niya. Matapos niya itong paandarin ay nagbigay muna siya ng ilang busina bago tuluyang mawala sa parking lot.

Maya-maya pa bigla kong naalala na wala akong sundo ngayon dahil umuwi sa province nila ‘yung driver namin. Kaynis. Dapat pala pumayag na ko na sumakay sa sasakyan ng mayabang na ‘yun. Haay. Si Mama naman kasi ayaw na i-drive ko ‘yung isa pang kotse dahil tatamarin lang daw akong bumangon ng maaga dahil hawak ko daw ang manubela.

Napailing lang ako at inilabas ang phone and earphones ko. Malas. Mag-aabang na lang ako ng bus okaya ng taxi papuntang bookstore odikaya bukas na lang ako dadaan kapag tinamad ako.

Naglakad ako papuntang bus stop at naghintay ng ilang saglit habang wala pang dumadating na bus. Pumikit lang ako at dinamdam ang music na kasalukuyang nagpe-play sa tenga ko. Ilang minuto na ang nakakalipas nang bigla akong nagulat ng may pumitik sa noo ko. Napadilat ang isang mata ko habang pina-pat ko ang parte kung saan masakit sa noo ko.

"Bingi ka ba?! Kanina pa kita tinatawag?!" Singhal niya sakin.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at namewang. "Eh bat ka ba kasi tawag ng tawag?! Tyaka bakit ba namimitik ka? Loko ka ah!"

“Bingi mo kasi.”

“Paki mo ba ha? Umalis ka na kanina diba? Bakit nandito ka na naman? Sinusundan mo ba ko?”

“Ilusyonada naman neto. Pinapasundo ka ng Mama mo.” Kalmadong sabi niya. Sumandal lang siya sa may hood ng kotse niya habang nagtatalo kaming dalawa. ‘Yung mga tao sa paligid namin natatawa lang saming dalawa.

"Bakit naman ako ipapasundo sayo ng Mama ko ha? Aber?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Malay ko. ‘Wag nang maraming tanong, sasakay ka o hihilahurin kita papasok ng kotse ko?!"

Napataas ako ng dalawang kamay na parang pumorma ng ‘I surrender’. "Chill. Eto na sasakay na."

Ilang segundo muna akong nakipagtalo sa sarili ko kung maniniwala ba ko sa sinasabi ng air head na ‘to dahil baka isa na naman sa mga kalokohan niya ang pinaplano niya. 

“Hinihintay mo bang pagbuksan pa kita ng pinto?” Si Chase.

“Asa ka naman. Kaya kong mag-isa noh.” Wala ‘rin akong nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan niya at nagseatbelt. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya matapos niyang makasakay.

"Sa motel." Nakangiting loko pa siya.

"Siraulo ka Chase, bababa na ko!"

Akmang hahawakan ko na ang knob ng bigla siyang humalakhak ng malakas. "Hahahahaha! Asa ka naman! Hindi kita pag-iinteresan noh! Nakakatawa ka."

"Ang sama talaga ng ugali mo kahit kelan. Natutuwa ka ba talaga kapag naasar mo ko? Bwisit ka."

Pinaandar na niya ‘yung kotse niya at nagpahid pa talaga ng luha dahil sa sobrang tuwa. Kairita. “Oo.” Mariin na sagot niya.

Ewan ko sa kanya. Kaynis siya. Siguro magbabago lang ang ugali niya kapag malapit nang magunaw ang mundo or worse never na talaga. Hinding hindi na nga siguro dadating ang araw na magkakasundo kaming dalawa dahil kapag pinagsama mo kami sa iisang lugar, hindi pwedeng hindi lilipas ang hindi kami magtatalo o mag-babangayan.

Tahimik lang naming binaybay ang daan pauwi hanggang sa dumating kami sa tapat ng bahay. Nagtataka lang ako dahil ang daming sasakyan na naka-park sa labas at bakit si yabang ang nautusan ni Mama na ihatid ako dito.

“Ops ops? Saan ka pupunta?” Hinarang ko ang mga kamay ko sa kanya dahil nangunguna pa siya sakin papasok ng gate namin. Feelingero din minsan noh?!

“Sa loob?” Nagtatakang sagot niya.

“Eh—at bakit?”

“Kasi pinapunta ako ng Mama mo? Alam mo ang dami mong tanong kahit kelan, hindi ba pwedeng pumasok na lang tayo?”

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Ano na naman ba ang binabalak ni Mama at ininvite pa niya sa bahay ‘tong utak hangin na gangster na ‘to? Salitan akong tumitingin sa kanya at sa dadaanan ko hanggang sa makarating kami sa pinto ng bahay ko at buksan ito.

Nagulat na lang kaming dalawa nang bumungad samin sila Steph at Krystal na sabi umattend ng choir practice, si Kiel pati parents niya, si Tita Emily, pati mga pinsan at tito ko at marami pang iba.

Napahinto na lang kami ni Chase sa pinto dahil sa gulat naming dalawa.

****

Continue Reading

You'll Also Like

323K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
5.5K 332 24
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
131K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...