Ang Huling Binukot (The Last...

By AnakniRizal

1.9M 136K 45.5K

Aswang, kapre, engkanto, diwata, at mga anito, ang akala ni Arki ay kathang isip lang ang lahat ng mga kinwe... More

#AHB
UNANG YUGTO: Ang Paggising ng Mutya
/2/ Liwanag at Kadiliman
/3/ Ang Misteryosa
/4/ Muling Pagkikita
/5/ Ang Sinumpang Prinsipe
/6/ Pag-aalala ni Shiela
/7/ Ang Paglitaw
/8/ Ang Hindi Inaasahan
/9/ Bagong Salta
/10/ Plano ng Kadiliman
/11/ Kabilugan ng Buwan
/12/ Ang Tikbalang
/13/ Paghahatol
/14/ Bangungot
/15/ Kaibigan
/16/ Panganib
/17/Himala
/18/ Baka Sakali
/19/ Nabunyag
/20/ Ang Tinagong Kahapon
/21/ Paglayo
/22/ Ang Mutya
/23/ Ang Balita
/24/ Ang Sumpa kay Mayumi
/25/ Ibang Dimensyon
/26/ Ang Mangkukulam
/27/ Ang Pagbabalik
/28/ Ang Paglusob
/29/ Ang Sakripisyo
/30/ Realisasyon
/31/ Ang Prinsipe
/32/ Sa Gabay ng mga Tala
/33/ Marahuyong Mundo
/34/ Salidumay
IKALAWANG YUGTO: Ibayo, Ang Kabilang Mundo
/35/ Ang Sama Dilaut
/36/ Si Dayang Sulu
/37/ Si Anitung Tabu at ang Kanyang Balita
/38/ Ang Pag-aalinlangan ni Arki
/39/ Si Aman Sinaya at ang Prinsesa sa Dagat
/40/ Imong Bayani
/41/ Mga Paraan
/42/ Hanapin si Agyu, ang Manlalayag ng Langit!
/43/ Mga Halimaw at Pagsubok
/44/ Ang Binatilyo
/45/ Ang Ikakasal
/46/ Ang Tagpuan
/47/ Mga Busaw sa Kadiliman
/48/ Ang Desisyon nila Arki
/49/ Isang Gabi, Isang Digmaan
/50/ Ang Unang Kaamulan
/51/ Pagkalason ng Isip
/52/ Ang Paglalakbay sa Langit
/53/ Ang Kasunduan kay Magwayen
/54/ Nang Sumapit ang Dilim
/55/ Marikit sa Kagubatan
/56/ Pagsubok ng Pagkakaibigan
/57/ Engkwentro sa Siyudad
/58/ Mga Pangitain at Panaginip
/59/ Ang Pagsisisi sa Huli
/60/ Ako Ang Huling Binukot!
/61/ Kusang Loob na Pagsuko
IKATLONG YUGTO: Katapusan Patungo sa Simula
/62/ Sa Kabilang Dako
/63/ Kapangyarihan ng Hiraya
/64/ Ang Bulaklak sa Yungib
/65/ Ang Pag-ibig ng mga Halimaw
/66/ Ang Katapangan ng Mga Duwag
/67/ Ang Prinsesa at ang Hari ng Kadiliman
/68/ Pagdakip ng mga Duwende
/69/ Ang Paggising ni Lakapati
/70/ Ang Paglaho ng mga Alaala
/71/ Sa Isang Kundisyon
/72/ Ang Unang Maharlika
/73/ Sa Lalong Madaling Panahon
/74/ Sa Isang Kidlat ng Balarao
/75/ Sulong, Team Binukot!
/76/ Bagaman Hindi Magkaibigan
/77/ Digmaan sa Lambak ni Batari
/78/ Naayon na sa mga Tala
/79/ Gunita sa Balang Araw
/80/ Isang Bagong Simula
EPILOGUE

/1/ Si Arki

69.6K 3K 801
By AnakniRizal


  Kabanata 1:
Si Arki


"SIYA ba?" turo niya sa isang matangkad na estudyante na naglalakad papasok ng canteen.

"O-oo." Sunud-sunod na tumango ang kanyang kasama, kinakabahan ngunit nanatili lang siyang kampante.

"Bueno." Tinaas niya ang magkabilang manggas ng kanyang uniporme at sigang naglakad papasok ng canteen habang bumuntot lang sa kanya ang classmate na patpatin.

Natigilan ang lahat nang makalapit siya sa mesa kung saan nakaupo ang salarin.

"Anong problema mo?" maangas na tanong sa kanya ng pinaka-leader ng grupo nito.

"Ikaw," sabi niya sabay turo. Nagkantyawan ang mga usisero sa paligid. Tumayo ang salarin ngunit hindi siya nagpantinag kahit na halos tingalain niya ito dahil sa tangkad.

"Isauli mo ang perang kinuha mo kay Nick," hindi kumukurap niyang utos na kinaasar lalo ng sigang si Bruno, 'di hamak na mas matangkad ito sa kanya at hindi pang-hayskul ang pangangatawan.

"Anong kinuha?!" bumaling si Bruno, ang leader ng isa sa mga bully na grupo ng eskwelahan nila, sa kasama niyang si Nick. "Ikaw, sumbungero ka rin ano?!" akma iyang kukwelyuhan si Nick na nagtatago sa kanyang likuran subalit kaagad niyang pinigilan ang kamay nito.

"Ayan na! Go, Arki!" may sumigaw mula sa manonood at nagtagis bagang lang si Bruno, pinalis ang kanyang kamay.

"'Eto na!" padabog na nilapag ni Bruno sa mesa ang perang kinuha mula kay Nick. Kinuha 'yon ni Arki at inabot naman kay Nick.

"Madali ka naman palang kausap," nakangiting saad ni Arki at tinapik niya si Nick. "Tara na."

Pagtalikod ni Arki ay nagngingitngit ang kalooban ng bully na si Bruno.

"Akala mo kung sino kang babae ka!" dinakma ni Bruno ang kanyang balikat—isang malaking pagkakamali dahil kaagad hinatak ni Arki ang kamay ni Bruno at walang kahirap-hirap na nabuhat at bumagsak si Bruno sa sahig.

"Wooh!" naghiyawan ang mga manonood sa ginawa niysa. "Nice one, Arki!"

Pangiti-ngiti lang si Arki habang ang tropa ni Bruno ay hindi magawang makaganti, minsan na rin kasing nakatikim ang mga 'to sa kanya ng leksyon. Maya-maya'y tumahimik ang lahat nang may pumasok sa loob ng cafeteria.

"Miss Arissa Kim!" kaagad na napalingon si Arki sa pinanggalingan ng tinig at napangiwi siya nang makita ang guidance counselor. "To my office, now!"


*****


HINDI na ito ang kauna-unahang napatawag si Arki sa Guidance Office. Lampas na sa bilang ng daliri ang beses na napatawag siya rito.

"Again, this is the nth time that you assaulted a student, Miss Arissa Kim!"

'Si Ma'am Janathan talaga ang hilig tawagin ako sa buo kong pangalan.' Sa loob-loob ni Arki habang pinagagalitan siya ng guidance counselor. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa buo niyang pangalan, Arissa Kim, masyadong pambabae, hindi bagay sa kanyang personalidad na tigasin at palaban.

"Uhm... Correction po, Ma'am Jana, Arki just protected herself, marami pong nakakita na si Bruno ang unang nagtangkang manakit, self-defense po ang tawag hindi assault." Napatingin si Arki sa kanyang class adviser na si Miss Anita. Palagi siya nitong pinagtatanggol sa tuwing mapapatawag siya sa guidance.

"Miss Anita! Palagi mong kinukunsinti 'tong estudyante mo kaya lumalaki ang ulo!" bumaling ito sa kanya. "Miss Arissa Kim, I need your guardian to come to this office!"

"Pero, ma'am, nasa abroad po ang ate ko at 'yung lola ko po matanda na kaya mahirap pumunta rito," pagdadahilan niya na hinaluan niya ng kunwaring paawa. 

Halos kumulubot ang noo at pumutok ang mga ugat ng guidance counselor sa pangungunsumi sa kanya kaya hinarap na lang nito si Bruno na nakaupo sa wheelchair, hindi kasi maganda ang bagsak nito sa sahig.

"Ikaw, Mister Bruno! Papuntahin mo rito ang guardian mo, extorting money from other students is punishable by our school's regulations," humarap ito kay Miss Anita, "and for you, Miss Anita, I want you to discipline your student." Sumulyap pa sa kanya si Mrs.Jana. "Mahirap talaga kapag walang magulang ang nagbabantay sa isang bata."

Hindi maiwasang masaktan ni Arki sa tinuran nito.

"You may all go."

Pagkalabas nila ay dumiretso si Bruno pabalik ng clinic na tulak-tulak ng nurse. Si Miss Anita naman ay tinapik lang siya.

"Huwag mong masyadong dibdibin," sabi ng kanyang guro. Napansin kasi ni Miss Anita ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata nang marinig ang mga salitang 'yon. Sabay silang naglakad sa hallway.

"Grabe naman si Ma'am Jana, below the belt 'yon, ah. Kailangan ba talagang sabihin na kaya 'ko ganito dahil wala akong nanay at tatay?" nakanguso niyang saad.

"Kaya nga sabi ko sa'yo huwag mo na lang dibdibin. Na-stress lang si Ma'am Jana kasi wala siyang maparusa sa'yo dahil self-defense naman palagi ang ginagawa mo sa tuwing maga-guidance ka."

"Kasalanan ko rin bang maraming bully sa school na 'to?"

"Hindi, Arki." Huminto sila sa paglalakad nang hawakan siya ng guro sa balikat. "Arki, alam ko na ginagawa mo lang 'yon para sa mga mahihina at naaapi. Pero hayaan mo akong sabihin 'to kahit ngayon lang."

"A-ano po 'yon?"

"Subukan mo namang ilayo ang sarili mo mula sa gulo dahil hindi mo masasabi kung kailan ka mapapahamak."

"Susubukan ko po," sagot niya. Napakagat-labi siya dahil alam niyang imposible 'yon para sa kanya. Kasingkahulugan na 'ata ng kanyang pangalan ang salitang 'gulo' dahil sa tuwing pinagtatanggol niya ang mga naaapi ay nagkakaroon ng kaguluhan. 

Naglakad silang muli.

"Sige na, bumalik ka na sa classroom mo."

Tumango si Arki at umakyat na siya papuntang ika-apat na palapag, at sa pinaka-dulo ay naroon ang kanilang classroom. Pagpasok niya'y naningkit ang kanyang mga mata nang makita ang kumpol niyang classmate na boys.

"Sige na, Yumi, sama ka na sa'min?"

"For you, Yumi, mabango 'yang flowers."

"Yumi, kailan mo ba 'ko sasagutin?"

"Tingnan mo 'tong mga kolokoy na 'to," bulong niya sa sarili, pumanewang siya dahil pinagkakaguluhan na naman ng mga pesteng manliligaw ang bestfriend niya.

"Uy! Si Arki! Si Arki!" at para silang mga daga na nagsilayasan nang makita siya. Lumapit siya kay Yumi at umupo sa tabi nito.

"Nalingat lang ang pusa, pinagpyestahan na ang keso ng mga daga," inis niyang saad at natawa naman ang katabi niyang si Yumi.

"Grabe ka, mukha na ba 'kong keso, Arissa?"

"Hindi naman kasi literal 'yon. Tsaka anong Arissa ka d'yan? Pagbuhulin ko kaya kayo ng mga manliligaw mo?"

Natawa lang si Yumi sa kanya. "Ang init naman ng ulo ng bestie ko, hmm. Pustahan, na-guidance ka na naman ano?"

Sasagot pa lang si Arki nang sumulpot mula sa kung saan si Leo, as usual na nakasuot na paborito nitong cap at gulu-gulo ang kulot na buhok.

"Tama ka, Yumi!" Umupo si Leo sa desk niya na kinainis niya. "Hulaan mo kung sinong binugbog nitong ni Arki?"

"Sino?" tanong ni Yumi.

"Si Bruno the brutal!" napatingin sa kanila ang buong klase sa sinigaw ni Leo. Kilala kasi si Bruno sa pagiging brutal at siga sa buong campus, madalas nitong pagtripan ang mga lower years. Napapalakpak pa ang ilan dahil napabagsak na rin ni Arki si Bruno.

"Hindi ko siya binugbog, kaya 'wag kang OA, Leo , parehas kayo ng guidance counselor eh. At saka saan mo naman nasagap ang tsimis na 'yan? Ha?"

"Aba siyempre kay Nick!" turo pa ni Leo sa classmate nila na tahimik na nakaupo 'di kalayuan.

"Ibang klase ka talaga, Arki. Sunud-sunod mong pinapatumba ang mga naghahari-harian sa school," komento ng isa nilang kaklase na nasa harapan.

"Oo nga, kaya 'tong mga manliligaw ni Yumi takut na takot!" komento pa ng isa.

"Pabigyan mo naman kami kay Yumi." Akmang lalapit ang isa sa mga manliligaw ng kaibigan niya.

"Heh!" pero binulyawan niya 'to at kaagad na lumayo. "Bago kayo makalapit sa bestie ko, sa'kin muna kayo dadaan." Pinakitaan niya 'to ng kanyang kamao at tila nasindak naman ang mga kaklase niyang may balak manligaw kay Yumi. "Okay na sana kaso may isang asungot na lang."

"Sino?" tanong ni Yumi. 

Siya si Arissa Kim Bonifacio, o mas kilala bilang Arki. Kilala siya bilang tagapagtanggol ng mga naaapi sa St.Rose High School. Si Arki ay isang palaban na estudyante, at bukod pa roon ay magiliw ang ilan sa kanya dahil natural siyang masigla at masayahin. 

 Palagi niyang kasama si Mayumi Garcia, o Yumi, ang kanyang matalik na kaibigan, ang pinakamagandang estudyante sa kanilang school kung kaya't literal na pila ang manliligaw nito.  

Isa rin sa matalik niyang kaibigan ay si Leonardo Makusug, o Leo, kilala sa buong eskwelahan bilang numero unong otaku at geek. 

Parehas na pinuprotektahan ni Arki si Yumi at Leo mula sa isang partikular na tao—ang numero unong bully ng St. Rose High School na hindi pa niya napapabagsak.

"Kaya walang nagkakagusto sa'yo kasi masyado kang siga."

"Speaking of the devil," bulong ni Leo.

Natigilan ang lahat nang pumasok sa loob ng classroom ang mortal na kaaway ni Arki, si Jaakko Lazano na tinatawag ng karamihan na JK. Sa kasamaang palad ay kaklase nila ito.

Tumahimik bigla, at parang may umihip ang malamig na hangin. Sinubukang hindi kumibo ni Arki dahil baka ma-guidance na naman siya kapag pumatol siya sa pang-aasar ni Jaakko. Sa unahan ni Yumi ang pwesto ni Jaakko, kaya nang makadaan ito'y nginitian nito si Yumi na kinairita ni Arki. Kumulo ang dugo niya noong malaman niyang isa 'to sa manliligaw ng kanyang bestfriend.

Matagal nang gustong pabagsakin ni Arki si Jaakko dahil sa kayabangan nito. Paniwalang-paniwala si Jaakko sa sarili na siya ang tanging nababagay na lalaki kay Yumi dahil sa yaman at taglay nitong kagwapuhan. 

Pangalawang dahilan ng inis ni Arki, binubully ni Jaakko si Leo ng walang dahilan. Hindi pa siya makahanap ng tiyempo na turuan ito ng leksyon dahil kinatatakutan ito sa kanilang campus, kilala kasi ang pamilya ni Jaakko sa politika na kilala at ma-impluwensya sa kanilang probinsya.

"Para nga pala sa maganda kong classmate." Naglabas ng rosas si Jaakko at inabot kay Yumi.

"Aww, ang seet naman ni Jaakko."

"Sana ako rin!" dinig niyang komento ng mga kaklase nilang babae.

"T-Thank you." Pilit ngiting saad ni Yumi at nag-aalangang tinanggap ang rosas.

"Sabi ko naman sa'yo, Yumi, tayong dalawa? Tch! Bagay na bagay—"

Hindi natiis ni Arki ang mga kayabangan ni Jaakko at tumayo siya, hinablot ang rosas kay Yumi at hinampas sa mukha niJaakko sa harapan ng buong klase.

"Ano bang problema mo?!" galit na sigaw nito sa kanya at may nadikit pang petal ng rosas sa mukha.

"Hindi kayo bagay ng bestfriend ko, alam mo kung bakit?" inunahan niya 'agad magsalita si Jaakko. "Anghel si Yumi, pero 'yang ugali mo pang-demonyo!"

Nagtawanan ang buong klase, sanay na sanay na rin kasi sila sa palaging bangayan nila Arki at Jaakko na parang aso at pusa kaya minsan tinatawanan na lang nila ang away ng dalawa. 

Aangal pa sana si Jaakko pero tumunog bigla ang bell kasabay pumasok ang kanilang Filipino teacher na si Mrs. Garcia, tita ni Yumi, kaya nagpaawat na silang dalawa at umupo na parang walang nangyari.

"Magandang hapon!"

"Magandang hapon din po, Ginang Garcia!" bati ng klase.

"Bibigay ko muna ang iyong takdang aralin." kumuha ng yeso ang guro at nagsulat sa pisara.


Takdang Aralin:

Magsaliksik tungkol sa mitolohiya ng Pilipinas, isulat sa bondpaper at maghanda sa pagbabahagi sa klase sa susunod na linggo.


Natapos ang klase, pagkalabas ni Mrs.Garcia ay umingay na ang lahat. Umusod si Yumi palapit sa kanya at may binulong.

"Bestie, alam kong pinoprotektahan mo lang ako pero parang sumosobra ka na."

"Hah?" napatingin sila kay Jaakko na nasa unahan nila, nakayuko ito at nakatingin sa ibaba kung saan nagkalat ang petals ng rosas. "Naaawa ka diyan? Nagpapanggap lang 'yan."

Sa inis ni Arki ay lumabas siya ng classroom. Kilalang kilala na niya si Jaakko dahil first year pa lang ay kaklase niya na ito. Isa pa, ayaw lang maulit ni Arki ang masamang nangyari noon kay Yumi. 

"Kung si Yumi mauuto niya, pwes ako hindi!"

"Hoy!" parang gusto niyang tumakbo nang marinig niya ang pagtawag ni Jaakko. "Hoy, babae!" hinawakan siya nito sa braso na kaagad niyang pinalis.

"Ano ba!"

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin? Why don't we make a truce? Hayaan mo lang akong manligaw kay Yumi," nangungusap na saad ni Jaakko sa kanya.

Pumanewang siya. "Wala kang alam sa nangyari kay Yumi. At isa pa kilala ko ang budhi mo, kasing pangit ng pangalan mo 'yang ugali mo. Hindi mo deserve ang bestfriend ko." walang awat na pan-tatrashtalk ni Arki. 

Iiwanan niya na sana si Jaakko nang magsalita ito. "May crush ka sa'kin ano?" Napahinto siya at napantig ang kanyang tenga sa narinig. "Hindi mo lang matanggap na si Yumi ang gusto ko."

Pagkalingon niya rito ay nakita niya ang pilyo nitong ngiti. Pakiramdam niya ay umakyat sa ulo ang dugo niya at anumang oras ay para siyang sasabog sa inisi.

"Ang kapal mo! Mukha kang unggoy!" sigaw niya sabay layas.


*****


HAPUNG Hapo na nakauwi si Arki sa kanilang bahay, walking distance lang mula sa kanilang school. Pagpasok niya ng gate ay naamoy niya ang nilulutong ulam, tiyak niyang may bisita na naman sila ngayong gabi.

"Welcome home, Arissa!" masiglang bati ni Sharon o mas kilala sa kanilang barangay bilang Shawie, kapitbahay nilang biyuda. Mahaba ang buhok ni Shawie na palaging naka-bun, at kapansin-pansin ang kanyang malaking hinaharap, maputi, at laging naka-sexy na damit. Hindi tuloy maiwasan na pagtsismisan ito ng mga kapitbahay.

"Kamusta ang school?" sinundan iyon ni Marion, o Mawie, ang kapitbahay nilang baklang parlorista. Maliit lang si Mawie, chubby, kayumanggi, palaging may malaking ribbon hairband sa ulo.

Palaging bwisita—este bisita ang dalawang 'to sa kanilang bahay dahil mga kaibigan sila ng kanyang Ate Shiela na nagtatrabaho sa abroad. Kaya okay lang sa kanilang mag-lola na maging feel at home ang mga 'to lalo pa't minsan sila ang umaalalay sa kanyang lola kapag mag-isa lang ito. 

Hindi niya pinsanin ang dalawa at diretso siyang lumapit sa kanyang Lola Bangs na nakaupo sa tumba-tumba. Nagmano siya rito.

"Mukhang pagod ang apo ko ah."

"Dami lang ginawa sa school, lola," dahilan niya.

Si Lola Bangs ang nagpalaki sa kanya dahil wala ng mga magulang si Arki. Ngayong matanda na ang kanyang lola ay madalas itong nakaupo na lang sa tumba-tumba habang nananahi. Puti na ang mga buhok ni Lola Bangs, nakasalamin ng makapal, at palaging may pulang balabal.

"Mawawala 'yang pagod mo pag natikman mo ang bago naming specialty ni Mawie," pagbibida ni Shawie sa kanya.

"Alam niyo kulang na lang dito na kayo tumira," puna niya nang umupo siya para uminom ng tubig.

"We're like a family, dibuh?" maarteng wika ni Mawie.

Sumapit ang oras ng hapunan at sabay-sabay silang kumain. Mukhang masarap ang niluto nila Shawie at Mawie dahil sa amoy nito.

"Kailan kaya uuwi si Ate Shiela?" tanong ni Arki habang nagsasandok ng kanin. Nagtinginan naman sila Shawie, Mawie, at Lola Bangs. "Alam n'yo ba kung kailan?"

"Naku! Hindi eh, alam mo naman 'yong si Shiela, ubod ng sipag!" si Shawie.

"Oo nga, 'di nga uso facebook sa Kuwait, kaya 'di man lang makapag-pm!" sinundan 'agad ni Mawie at sunud-sunod na sumubo. "Hmm... Ang sarap!"

"Told you!" si Shawie at nag-apir ang dalawa.

Napahinga na lang ng malalim si Arki at may naalala siya bigla.

"Oo nga pala, lola, may assignment kami, pwede ba 'kong magpatulong?"

"Ay me! Me! I can help! Magaling ako sa English!" nagtaas pa ng kamay si Shawie.

"Huwag kang maniwala diyan, magaling 'yan sa english carabao kasi puro ka-chat niyan foreigner naghahanap ng papa! Ayy!" binatukan ni Shawie si Mawie.

"Ano 'yon, apo?" tanong ni Lola Bangs.

"Tungkol daw sa mitolohiya o alamat, 'di ba, lola marami kang kwento sa'kin dati tungkol doon?"

"Bakit hindi mo na lang i-search sa google para mas mabilis?" si Mawie sabay subo.

"Oo nga, samahan ka naming mag-piso net." Si Shawie na tumingin kay Mawie.

"Mas gusto ko 'yung kwento ni Lola, walang wala 'yon sa mga nasa internet. Natatandaan ko pa kasi, noong bata pa 'ko tuwang tuwa ako sa mga kwentong 'yon."

"Natatandaan mo pa, apo?" gulat at manghang wika ng kanyang lola.

"Oo naman, lola! May isa akong pinakapaborito eh... 'Yung... 'Yung kwento tungkol sa huling binukot."

Sa pagkakataong 'to ay natahimik ang lahat, natigilan sa pagsubo si Shawie at Mawie at si Lola Bangs naman ay hindi maitago ang pagkagulat dahil natatandaan pa ni Arki ang tungkol doon. Ang kwento tungkol sa huling binukot. 



Continue Reading

You'll Also Like

17K 1.3K 21
The Journey of Isaac Newton Jr., a black cat.
236K 13.7K 90
Textmate Series #1 | Congratulations! Your number have won! *** An epistolary. "Pa-loadan mo ang number na ito upang ma-claim ang prize." Two souls m...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...