Clash of CLANS 3: Battle Betw...

By bRezyLian62

5.6K 392 109

PAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kw... More

Clash of CLANS Season 3
Chapter 1 Simula
Chapter 2 The Ring
Chapter 3 SIDE STORY 1:Deathmetal Adventure
Chapter 4 The wedding
Chapter 5 The Call
Chapter 6 The Kiss
Chapter 7 Side Story 2: Members on Cue
Chapter 8 Aya
Chapter 10 Mislead
Chapter 11 Fairy Godfather
Chapter 12 Girl In White
Chapter 13 Hold
Chapter 14 Darkness
Chapter 15 Darkness 2
Chapter 16 Tears
Chapter 17 Dream
Chapter 18 Conflict
Chapter 19 Mourning
Chapter 20 Breath
Chapter 21 Angel
Chapter 22 The Fight
Chapter 23 Confession
Chapter 24 Nightmares
Chapter 25 Breakfast
Chapter 26 Hush-hush

Chapter 9 Costume

167 19 2
By bRezyLian62

Chapter 9 Costume

***MEG POV***

PAWISAN ang mukha at katawan ko, hindi ko iyon alintana, ang mahalaga lang sa akin sa mga sandaling ito ay ang makatakas sa humahabol sa akin na hindi ko alam kung ano, basta ang tanging hangad ko ay takasan at layuan ito.


Itinuon ko ang aking paningin sa unahan. Wala akong ibang makita kundi mga puno at halaman. Sa hindi ko malamang kadahilanan, nakaramdam ako ng labis na pagkataranta. Ang isang bahagi ng pagkatao ko ay nagsasabi na mamimiligro ang buhay ko.


Paano na ako ngayon?


"Sandali lang!" anang boses ng isang babae.


Saglit akong tumigil. Kanina ko na napapansin, ang isa kong kamay ay tila may kung anong hinihila.


May kabagalan na nilingon ko ito. Sinundan ko ng tingin ang kamay ko na may hinahawakang panibagong kamay. Isang babae ang sumalubong sa mga mata ko. Nakayuko siya dahilan para matakpan ang may kahabaan niyang buhok ang kanyang mukha.


Gusto kong bumitaw dahil sa labis na takot ngunit hindi ko magawa. Ang isang bahagi ng pagkatao ko ay nagsasabi na kailangan ko siyang isama sa pagtakas ko.


"Hindi ito oras para magpahinga tayo!" anang boses ng isa pang babae na mukhang nakatayo sa unahan ko. Kung saan haharapin ko na ang panibagong babae saka ako nasilaw ng kakaibang liwanag.



"MISS?"


NAPAPIKSI ako sa labis na pagkagulat. Lutang ang utak at katawan na sinulyapan ko ang paligid. Hindi maalis sa katauhan ko ang labis na pagkahapo. Ikalawang beses ko na iyong napanaginipan. Kung ako ang tatanungin, ito na ang nakakatakot at nakakawindang sa lahat.


Para kasing totoo!


"Okay ka lang Miss?"


Naiangat ko nang hindi oras ang aking paningin. Saglit na tumigil sa kanya ang mga mata ko. Nakaka-ano lang kasi, binangungot na ako ngayon-ngayon lang, tapos sasalubong sa lutang kong mga mata ang babaeng naka-Tinkerbelle costume.


Ano ang nangyayari? Panibagong panaginip ba ito?


Kinusot ko ng ilang ulit ang mga mata sa pagitan ng pagtayo. Ngunit kahit anong gawin ko, wala pa ring nagbabago.


Anyare?


"Nakita kitang natutulog diyan tapos may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman. Binangungot ka?"


"A..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Panaginip pa rin ba ito? Yung totoo?


"Maybe you are having a nightmare. Bye the way, hindi ka pa ba mag-che-change outfit?"


"A..." ikinurap ko ang mga mata, baka nananaginip lang ako ng gising sa kamalas-malasan, napahiyaw ako nang may kung anong malakas na kamay ang humampas sa akin. "Aray!"


"May lamok sa braso mo," pinagtama niya ang mga palad na tila may tinatanggal na dumi doon.


Masakit siya kung ganoon... Hindi ito panaginip!


Sumulyap ako sa kaliwa't kanan ko baka sakaling namali lang ako. Ang nakakabaliw sa lahat, wala akong makita sa tabi ko. Lahat sila ay malayo sa akin. Takenote, naka-costume din silang lahat.


Ano ang nangyayari dito?


"A-ano ang nangyayari dito?"


"Alien invasion bes," nakataas ang isang kilay na aniya.


"A..." ilang ulit kong ikinurap ang mga mata ko dahil masyado akong nalilito.


Bakit sila naka-costume!


Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Sunod ay itinuro niya ang P.E. room na di kalayuan sa amin.


"Nakikita mo yun?"


"Oo?"


"Pumunta ka doon at pumuli ng costume na gusto mong gamitin."


"Bakit kailangan pang mag-costume?"


"Are you new here?"


"Oo." Tumango ako.


"I see," sinapo niya ang baba.


Nahihiyang kinamot ko ang mukha ko. "Para saan ba ang costume na yan?"


Heto na ako. Certified gising na gising.


"Every school anniversary, mostly, in the end, compulsory sa mga students na magsuot ng kahit na anong costume. Bawal lumiban o kaya ay magsuot ng uniform."


Kaya pala!


"Kung ganoon..." tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Para talaga siyang si Tinkerbelle, ang ipinagkaiba lang, kulay itim ang buhok niya. "Kailangan ko talagang magpalit?"


"Compulsory nga di ba?" iiling-iling na wika niya.


"S-sorry," nahihiyang napakamot ako sa ulo ko.


"Sige na, magpalit ka. Punta ka na sa P.E. room." Iwinasiwas niya ang kamay na nila tumatabog ng langaw.


"Salamat," yumukod ako. Nang akmang tatalikuran ko na siya, nagpahabol siya sa akin. "Bakit?"


"Bahala ka na kung ibabalik mo o hindi ang costume na susuutin mo. Hindi naman magagalit ang principal kung e-te-take home mo. Regalo din naman yan ng ilang sponsors ng school para sa mga students dito."


"Salamat ulit."


"Welcome."


Tinahak ko na ang P.E. room para sana magpalit. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang napakaraming damit na naka-hanger sa tobo. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.


"Bahala na."

***END OF MEG POV***


***VEVIEN POV***

"KAINIS!" gigil na pinagsisipa ko ang madadaanan kong bato. Perwesyong Sweetmag kasi. Si Meg at Brendon ang hinahanap ko, ginawa ba naman akong trapo. Siningahan ng lokong iyon ang damit ko. Mabuti na lang may event ngayong gabi kung saan magdadamit prinsesa kami, tiyak na mangangamoy laway ako.


Namaywang ako at pinagmasdan ang mga nagsidaanan na mga estudiyante. Ang ganda ng outfit nila. Bet ko ang naka-kontrabida attire. Lalo na yung si Ursula, pinaghandaan talaga.


Pasimple kong pinagmasdan ang sarili ko. May kahabaan ang jaggier kong suot, tube naman ang nasa itaas. Nagsuot ako ng transparent na sleeveless, para hindi gaanong makita ang balat ko. Yung buhok ko naman, nakatali kagaya ng babaeng ginaya ko. Si Princess Jasmine, ang jowa ni Aladdin.


Nagmamadali ako kaya kung ano ang nahablot ko, iyon ang isinuot ko. Yung tungkol ulit sa buhok ko, nagkaganito ako dahil may bruhang humablot sa akin at pinagtripan ang buhok ko. Kung hindi ko lang naalala na may naka-assign para sa pagpapaganda ng mga kalahok, tiyak nasapak ko na ang babaeng niyon.


Bweno, ano kaya ang suot nina Meg at Brendon? Sana yung pang-pair.


Ayon nga pala sa nasagap kong chismis mula kay Sweetmag. Ikinasal pala kanina ang dalawa at nakakabilib sa kabatid ko, hindi niya hinalikan si Meg. Dapat lang na iyon ang gawin niya dahil kung hindi, kukuyugin si Meg ng mga babaeng baliw na baliw sa kapatid kong pinaglihi sa sampalok sa asim ng pag-uugali niyon.


Ang kailangan ko na lang alamin ay kung ano ang ibig sabihin ni Dessa sa telepono kanina. May mali daw sa dalawa.


Kagat ang ibabang labi na itinaas ko ang isang kamay at sinapo ko sa baba ko, ang isa nakaagapay sa siko ko.


"Baka naman alam na ni Meg ang totoo?" Kahit naman ilihim ko, malalaman at malalaman pa rin niya ito. Kakatawag lang ni Angelo, gusto nito na ipaproseso ang card ni Aya. She'll be accelerated, for sure. Matalino ang babaeng iyon. Tiyak na mabilis na magagawan ng paraan ni Mom ang mga papeles niyon. If that time will come, magugulat si Meg. Kaya kailangan na masabi ko na sa kanya ang lahat bago ako maunahan ng first love ni Brendon. Ayokong isipin ni Meg na ginagamit ko siya para maibalik sa dati ang kapatid ko kahit na mukhang iyon na nga ang nangyari.


"Meg, where are you?" Inilibot ko ang mga mata ko sa pag-asang mahahanap ko nga siya ngunit ang nakakabobo at nakakabaliw sa lahat, maraming mga mag-aaral ang nakaharang sa tanawin ko. Yung iba nagsuot pa ng maskara.


Malas!


Sa pag-iikot ko, nahuli ko si Dessa na naka-Maleficent outfit. Walang sungay. She really look likes her. Sa aura pa lang niya, nakakatakot na.


"Princess Jasmine?" ani Dessa, walang kahit na anong emosyon ang makikita sa anyo niya.


I rolled my eyes. "Biglaan e."


Ikinurus niya ang mga kamay sa dibdib, sabay hilig sa tubo ng wedding booth. Ang mga mata naman niya ay ibinaling niya sa kanang bahagi. Mukha siyang may tinitingnan sa malayo ngunit ang totoo ay wala naman. Tamad na iyang makipag-usap kapag gumaganyan na iyan.


"Have you seen Meg Ryan?"


Matagal bago niya ako tinitigan sa mga mata. She looks so creepy. Mabuti na lang makapal ang mukha ko nang mga sandaling niyaya ko siya upang sumali sa Clan.


"She wore Belle's outfit."


"Ha?" Tinatanong ko kung nakita niya ito, hindi kung ano ang suot nito.


"There are three girls wearing Belle's costume, hanapin mo sa tatlo ang may maiksi ang buhok." Nilayasan niya ako matapos niya itong sabihin.


Ako? Nakanganga. Bakit hindi niya masagot ang katanungan ko!


"Darn! No choice na." pumanhik na rin ako, nagtatakbo upang hanapin si Belle este si Meg.


Napapalatak ako nang makita na may limang naka-yellow dress ang sumasayaw ng waltz sa pinakagitna kaharap ang mga pares nila. Ang nakakainis sa lahat, pawang naka-maskara ang mga ito.


Putik!


Sino sa kanila si Meg?

***END OF VEVIEN POV***


***ASHIKA POV***

Hi, this is April Faith Gamao a.k.a. Ashika of RDRC!


PAHINAMAD na sinulyapan ko ang mga kamag-aral kong dumadaan sa harap ko. Wala ako sa mood para makisama sa paglalakad nila, mas gusto ko ang magsarili at umupo bench. Kahit ano naman kasi ang gawin ko, hindi ako sasaya sa dami ng nangyari ngayon at sa mga mangyayari pa sa kasalukuyan. May nagawa ako na tiyak, na ikagagalit ng mga kasamahan ko sa clan.


Dahil sa sobrang selos ko sa new comer na iyon, ibinigay ko sa numeru-unong Joker ng EDRC ang video na iyon. Kung saan magkasama sa rooftop ang lalaking nagugustuhan ko at ang bagong sali sa RDRC.


Tiyak na magagalit siya sa akin. Sila!


Kagat ang ibabang labi na yumuko ako para sana umiyak ngunit hindi din iyon nagtagal sapagkat may kung anong malambot na tela ang lumapat sa ulo ko.


Bakas ang kalituhan sa anyo na nag-angat ako ng paningin, sabay kuha ng isinilakbong sa akin na itim na Jacket. Base sa pigura at amoy nito, batid ko kung sino ang may-ari niyon.


Tila isang robot na napasulyap ako sa lalaking tumabi sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may kabayong sumisipa dito.


"Maraming namang costume, bakit yan ang suot mo?" hindi niya ako tinititigan habang sinasabi iyon.


"Ano naman masama sa suot ko?" kapagkuway tanong ko sa kanya, sabay sulyap sa sarili ko. Ginaya ko ang suot ni Moana, fan kasi ako ng babaeng bida niyon.


"Kakabagin ka."


"Ha?" Ilang ulit kong ikinurap ang mga mata.


He takes a deep breath then look at me in the eyes. Ayon, yung puso ko gusto ng mag-walkout sa dibdib ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.


"It's not appropriate for a young lady like you wore something that almost shows your skin."


Saglit na namayani ang katahimikan. Sabihin na nating napepe yata ako. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Nag-aalala siya sa akin?


Ang katanungang tumatakbo sa utak ko ay nag-alsabunutan nang kunin sa akin ni Roland ang Jacket na hawak ko at may pag-iingat na inilipat iyon sa likuran ko. Inayos niya ito, yung tipong matatakpan ng husto ang mga balikat ko.


Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan siya. Ito ang unang pagkakataon na pinakitaan niya ako ng ganitong atensiyon.


Marahil pansin niya ang pagmamasid ko. Iniwas niya ang kanyang paningin sa akin, sabay tanggal ng mga kamay niya sa jacket.


"It will be better if you change your costume." aniya, tumayo siya at tinalikuran na ako.


Palipat-lipat ang mga mata ko sa jacket na inilapat niya sa mga balikat ko at sa kanya.


He's sweet!


Hindi ko napigil ang sarili na mapangiti. Kung napansin ko lang ito noon at hindi nagpadaig sa emosyon ko, natitiyak ko na hindi ako makakagawa ng isang bagay na ikagagalit ng lahat.


"Sandali lang!" nakangiting tawag ko sa kanya.


Tumigil naman siya sa paghakbang at nilingon ako.


Agad kong niyakap ang kanyang braso saka pinagmasdan siya ng buong kasiyahan. "Ipasyal mo naman ako."


"You're too old for that." Hindi niya ako sinaway o kinalas ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya, bagkus nagpatuloy lang kami sa paglalakad.


"Hindi a, mas matanda ka pa nga sa akin."


"Who told you?"


"A, basta. Ipapasyal mo ako."


Hindi na siya nagsalita pa. Pasimple kong sinilip ang mukha niya. Kahit gaano man siya kaseryoso o kasiga, hinid ako magsasawang mahalin at gustuhin siya.

***END OF ASHIKA POV***


AN:// Kakasulat ko lang, hindi na ako makakapangako na makaka-update ako. Sobrang busy talaga sa bahay. Baka panaka-naka lang ang update ko.

P.S. Kung nabasa ninyo ang season 2, maiintindihan ninyo kung ano ang itinutumbok ni Ashika. Happy reading.

Ahem, naka-yellow nga ba talaga si Meg?

Abangan mga kaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

82.9K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
78.5K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
902K 36.8K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...