KEN'S POV
*A month after
Wala na ako sa hospital. Medyo kaya na daw ng katawan kong maging normal ulit. Pero mahina pa rin daw ang puso ko kaya limitado pa rin ang galaw ko. Kaya ko pa rin daw pumasok sa school kaya pumapasok pa rin ako.
Isang buwan na ang nakalipas mula nung nagkalimutan kami ni Monica. Hindi ko na siya nakikita sa school. Hindi ko alam kung bakit o baka sadyang hindi lang siya nagpapakita sa akin. Pero one time na nakita ko siya, kasama niya si Gino at mukhang masaya silang dalawa. Akala ko madaling kalimutan siya, hindi pala.
Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ang hirap lang isipin na hindi na kami nag uusap, na natiis niya akong hindi kausapin ng isang buwan, na hindi niya na ako mahal. Letcheng puso kasi ang meron ako. Kung hindi sana to mahina, hindi to mangyayari.
LETCHE !
Mukhang nakalimutan na talaga ako ng tuluyan ni Monica....
Mula nun, naging black and white na ang buhay ko. Nawala na kasi ang nagpapakulay ng buhay ko. Wala na rin akong nagustuhan na babae
Ayaw ko ng magmahal pa ng iba
Magpari na lang kaya ako ? Kung hindi lang din si Monica ang magiging asawa ko pwede.
Maraming nagbago mula nung araw na yun
Hindi ko na masyadong kinakausap si Papa. Hindi na ako pumupunta sa bahay ni Monica. Wala na rin akong koneksyon sa pamilya nila
Pati sina kuya Veron at kuya Migz hindi ko na rin sila nakikita't nakakausap. Basta naging boring ang buhay ko
Tama na muna diyan
Balik tayo sa present
Kasalukuyan akong andito sa bahay, dito sa sala. Kasama ko si bunso, nagplaplaystation kami. Nasa ibang bansa sina kuya Liam at Lawson eh. Si Kuya Lazaro naman andito lang din sa sala, nagbabasa ng men's magazine, manyak eh
Si Papa naman hindi ko alam kung na saan
"she* kuya, bilisan mo.....ang daming kalaban dito oh"
Call of duty nilalaro namin. Yung barilan. Magkakampi kami
"asan ka ba ? bakit ka kasi humiwalay sa akin" naiinis kong sabi
Dahil trap na rin ako ng mga terrorista. Hanggang sa failed din ang kalalabasan ng mission namin
"laos ka talaga Lorenzo" paninisi ko
"bat ako na naman ? gago ka eh ikaw nga tong dahilan kung bakit failed" pikon talaga to
"joke lang, pikon ka talaga, tara isa pa"
Binatukan niya na lang ako
Babatukan ko rin sana eh, kaya lang umentra si Papa
May dala dala siyang envelope
"Lazaro, andito na yung resulta ?" napatigil sa pagbabasa si Kuya
Napatigil rin kami ni Lorenzo. Anong resulta kaya yun ?
Tumabi si papa kay kuya
Para silang bata kung minsan.
"ano yan Pa ?" isa rin tong si Lorenzo
Para silang bata, nakakabwisi*
"resulta ito ng DNA test"
DNA test ? Para saan ? at kanino namang DNA yan ? Gusto kong magtanong kaya lang, ayokong kausapin si Papa. Medyo galit pa ako sa kanya.
"para saan ?" buti na lang nakakabasa ng utak tong si Lorenzo
"sa kambal ni Ken, si Gino " napalingon ako ng di oras
"Si Gino ? tss, naisipan niyo pa talagang ipaDNA test yung lalaking yun ah"
"anak, may tsansa na siya ang nawawalang anak ko, parehas kayo ng dugo at parehas kami ng dugo" Inirapan ko na lang si Papa. Sigurado akong negative yan. Di ba ang kambal, malapit sa isa't isa at nagkakasundo sa lahat ng bagay. Eh magkaaway kami nun eh. Kaya malayong mangyaring siya ang kambal ko.
"buksan niyo na kaya Pa, para malaman na natin" –Kuya Lazaro
Binuksan ni Papa yung envelope. Tinignan niya yung Papel. Nakitingin sila Kuya at Lorenzo. Ako naman umaasang negative
Ilang segundo silang natahimik after nilang makita.
Inagaw ko yung papel sa kanila
At POSITIVE ang bumulagta sa akin
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Gino ? siya si Louis ? ang kambal ko ?
FVCK !
Tinapon ko yung papel at pumunta sa kwarto ko
She* hindi to pwedeng mangyari
GINO'S POV
First time ko bang mag POV ?
Hindi ko na siguro kailangang sabihin ang mga bagay bagay tungkol sa akin. Nasabi na kasi lahat eh. Basta ang alam ko masaya ako ngayon. Masaya ako dahil kami na ng babaeng mahal ko. Ganito pala ang feeling ng inspired. Pero may mga bagay pa rin na patuloy na bumabagabag sa akin..
Naging makasarili ba ako ?
Mahal ko rin naman si Monica. Nagmamahal lang din ako. Pinaglalaban ko lang tong pag ibig ko. Hindi ko naman pipilitin si Monica kung hindi siya masaya sa piling ko pero sa nakikita ko ngayon, okay lang naman siya.
Pero minsan talaga, nababanggit niya rin yung Ken na yun. Galit talaga ako kay Ken. Hindi ko alam pero automatic na tumataas dugo ko. Buti nga natiis ko pa siya nung natutulog kami sa isang kwarto. Sobrang yabang kasi, sarap sapakin.
Sa totoo lang,hindi ko naman ginusto na magkasakit siya. Maniwala kayo sa hindi, ginusto ko ring tulungan si Ken nung time na yun. Hindi naman ako madamot sa kung ano meron sa akin,
Pwera lang talaga sa babaeng mahal ko, at yun ay si Monica. Gusto ko, ako lang mamahalin niya. Kahit alam kong mahal niya rin si Ken at least nasa akin siya ngayon. Kwinento ko ito sa tatay ko na nasa kulungan pa rin
Pero halata na wala siyang pakialam
"anak, kailangan ko ng makalabas dito, inip na inip na ako" –Daddy
"Dad, hintayin niyo na lang parol niyo"
"Ayoko ng maghintay pa, sawang sawa na akong maghintay, anak tulungan mo akong makatakas dito"
Nabigla ako sa sinabi nila
"hindi Pa, masama yun"
"alis ka na, hindi na kita kailangan pa" tumayo si Papa at bumalik na sa selda
Ano bang problema nila ?
Akala ko nagbago na sila pero bakit ganun gusto na naman nilang gumawa ng masama. Umalis na lang ako sa presinto. Naguguluhan lang siguro siya
Paglabas ko ng city jail..
Sinalubong ako ng tatay ni Ken, si tito Vince.
Hindi ko alam pero parang malapit ako sa kanila
"Oh tito ?" salubong ko
Kay Ken lang ako galit, hindi sa pamilya niya. Nagulat na lang ako nung niyakap niya ako ng mahigpit. At tinawag na..
"Anak ko" Gusto kong bumitaw sa yakap nila. Pero parang ayaw rin ng katawan ko eh, Parang gusto ko rin ng yakap na yun. Hindi ko kasi nayayakap si Daddy eh. Hinayaan ko na lang muna.
"anak, ang laki laki mo na"
Narinig ko na naman yang 'anak' na yan
"ah tito, nagkakamali po kayo, si Gino po ako" sabi ko
"hindi, ikaw ang nawawalang anak ko, ikaw ang kambal ni Ken"
Nanlaki mata ko sa narinig ko
"ano pong pinagsasabi niyo tito ? may tatay po ako at kambal, tatay ko po si Henry at kambal ko naman po ay babae pero namatay na, nagkakamali po kayo tito" paulit ulit kong sinasabi
"si Henry ?"
"opo, kilala niyo po ba ?"
"oo, sa katanuyan nyan hindi kami magkaayos, magkaaway kami, pero Gino maniwala ka, kinidnap ka lang ng tatay mo sa amin nung pinanganak kayo ni Ken"
Impossible
"hindi po talaga tito, sure akong tatay ko po si Henry" sabi ko
Pinilit pa rin ni tito gusto niya
"pasensya na po talaga" umalis na lang ako
Ano bang pinagsasasabi ni tito ? Anak niya daw ako ? kambal ko daw si Ken ?
Paano nangyari yun ?! aba ewan
Gabi na at hindi pa rin maalis sa isip ko yung tungkol sa mga sinabi ni Tito.
Lumapit sa akin si Monica
"malalim ata nasa iniisip mo" sabi niya
"si Tito Vince kasi, sinalubong ako sa presinto kanina"
"si tito Vince ? oh ? ano daw sabi ?" usisa niya
"hindi ko alam Monica pero bigla niya na lang akong niyakap at tinawag na anak" nanlaki mata niya
Napatayo pa talaga siya sa gulat. Dinuro duro niya ako.
"ikaw ? ikaw ang nawawalang anak ni Tito Vince ? ikaw si Louis Ken ? Oh my ghorsh, I knew it" gulat na gulat niyang sabi na may kasamang amazed
"Louis Ken ? nagkakamali lang si Tito Monica, at hindi ako papayag na maging kapatid ko ang Ken"
Bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya
"may tatay ako at kambal, sigurado ako dun" medyo galit kong sabi
"sigurado ka ba diyan ? ano pa bang sabi ?"
"Wag na, sarilihin ko na lang ! Masyado ka kasing madaldal" inirapan ko siya
Yung lalaking irap ah. Hindi ako bakla. Piningot niya naman tainga ko
"ganun pala huh ?"
Napa aray ako sa ginawa niya. Gusto niya pala ng sakitan huh.
Ginuyod ko siya at pinaupo sa binti ko at kiniliti ko ng todo ang bewang niya. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa mahiga na siya sa sahig.
"tama na please Gino, nasasaktan na ako" natatawa niyang sabi
"sinimulan mo eh"
"tama na sabi Gino eh, hindi sa lahat ng oras nakikiayon ako sa trip mo" pagtatampo niya
Nakakatuwa lang siyang tignan eh
"halika ka nga dito" ginuyod ko siya at niyakap
"ang kulit kulit mo naman kasi eh" malambing kong sabi
Masaya talaga ako na kasama ko siya
"Ken ?" –Monica
Napalingon ako sa pintuan. Si Ken andito....
Bibitaw sana si Monica sa yakap ko pero hinigpitan ko pa lalo yakap ko sa kanya. Nag evil smile ako kay Ken
Gusto kong ipamukha sa kanya na akin lang si Monica. Gusto kong iparamdam sa kanya yung mga naramdaman ko nung sila pa ni Monica.
Hindi niya kami pinansin. Nilagpasan niya lang kami at umakyat sa taas.
"ano ba Gino, nakakahiya, andito si Ken" mataray niyang sabi
At nakasimangot siyang umupo sa Sofa. Hindi naman ako natuwa sa pinakita niya
"bakit ba ?! okay lang naman yun ah, may relasyon tayo" sabi ko
"tsss, bahala ka diyan" nagwalk out siya at pumunta sa hindi ko alam
Badtrip talaga yang Ken na yan eh. Bakit pa kasi siya pumunta dito ? Hayst !
Nagpunta na lang ako sa kwarto. Kakaupo ko palang sa kama ng may kumatok agad sa pinto. Masaya na sana ako dahil akala ko si Monica yung papasok para suyuin ako, pero nagkamali ako, si Ken pala.
Pumasok siya. Sinarado niya yung pintuan. Nagkasamaan kami ng tingin. Parang may kuryente sa mata namin ba.
"Masaya ka na siguro dahil naagaw mo si Monica sa akin" umpisa niya
"Pumunta ka lang ba dito para sabihin yan ? Pwes, oo masayang masaya ako" sabi ko rin
Tumawa lang ito. Ayaw niya na atang makipag away. Gusto ko ng away eh. Pero parang ayaw niya na. Dumiretso siya sa closet. Ilang minuto rin siya dun
Pagbalik niya may dala na siyang maleta..
"tss, pumunta ako dito para kunin tong mga damit ko, nababahidan na kasi ng taong kagaya mo. At nga pala, reminder lang, suot mo pala damit ko ngayon" presko niyang sabi
Suot ko pala damit niya, She* !
"Ah eto ba ? pwes........." Hinubad ko yung shirt ko at huhubarin ko na sana tong pambaba ko ng nagsalita siya
"Huwag na, hindi ko na kailangan ang mga yan, remembrance mo na lang yan sa akin" sabi niya at umalis na
Hindi ko man lang nabugbog. Bumukas ulit yung pinto
"ang yabang m.......ahy tito ?" sh*t akala ko si Ken
Si Tito pala. Binalik ko kaagad yung shirt na hinubad ko
"Gino, pwede ka bang sumama sa akin" sabi ni tito
Yung papa ni Monica. Sumama ako sa kanya..Pero hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sumakay kami ng kotse. At pumunta kami sa presinto ulit
"ano gagawin natin dito tito ?" sabi ko
Wala talaga akong alam kung bakit dinala ako dito sa presinto ni Tito. May kasalanan ba ako ? Inakbayan lang ako ni Tito
Hindi niya pa rin sinasagot tanong ko. Pero seryoso ata si Tito, mukhang hindi mabiro eh. Binibiro ko kasi sila lagi . Sumama na lang ako kahit hindi ko alam nangyayari.Pagdating namin dun sa Visitors area, nagulat ako nang makita kong andun din si Tito Vince. Kaharap nila Papa ko...