The Class S Students Dare

Από bRezyLian62

3.4K 263 45

Tumuntong si Kaye sa school na pawang mayayaman lamang ang nakakapasok. She doesn't care about going to schoo... Περισσότερα

The Class S Students Dare
Chapter 1 New Comer
Chapter 2 "I Challenge You!"
Chapter 3 I.D.
Chapter 4 Fighting!
Chapter 5 Retake
Chapter 6 ANG PUSA
Chapter 8 WARM HUG
Chapter 9 Sweets
Chapter 10 Lies
Chapter 11 Ryu and Leo
Chapter 12 Hide and Seek
Chapter 13 Hate

Chapter 7 Him

267 18 6
Από bRezyLian62

Chapter 7 Him


***KAYE POV***

"PUSA, pusa, nasaan ka na?" Walang tigil ko itong sinasabi habang gumagapang na parang sanggol sa damuhan ng napasukan ko.


Isa itong may kalakihan na building, na gawa sa crystal ang haligi. Hindi ito isang ordinaryong bahay dahil napakalapad nito. Maraming magagandang halaman sa loob. Sa ngayon nasa garden ako banda. Hinahanap ko dito sa ibaba ang pusa.


Nalaman siguro ng Persian cat na iyon na sinusundan ko siya kaya naman nagtatakbo palayo. Dahil makulit akong tao, nagpatuloy ako sa pagsunod. Hanggang mapunta nga ako sa lugar na ito. Ang nakakainis sa lahat, kahit anong gawin kong paghahanap hindi ko na makita ang pusang iyon.


"Nasaan na kaya si Nekko." Pagbibigay pangalan ko dito. Hindi ko pa kasi alam kaya naman naisip ko natawagin ito sa salitang Nihonggo. May alam ako sa ganoong salita. Ang mama ko kasi ay mahilig magbasa ng ganoon. Kadalasan din sa napapanood kong anime movie ay Japanese kaya nakasanayan ko na rin.


I let go a deep sigh. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa pagkawala nila. Kung sana... sana kasama nila ako nang mangyari ang aksidenteng iyon. Dapat ako na lang kasi at hindi sila.


Kagat ang ibabang labi na umiling ako. Dapat mag-focus ako sa paghahanap kay Nekko. Kung nabubuhay ang mama ko, tiyak na makakatikim ako ng batok at matinding pangaral.


Natigil ako sa pagdidikusyon sa sarili matapos marinig ang kaluskus sa may kataasang damuhan di kalayuan sa akin. Sa kaisipang si Nekko iyon, agad akong napapasok sa halaman.


"Ito na ako Nekko chan." Nakangising lumabas ako upang dakmain ito.


Ang ngiti ko ay napalis lalo na nang imulat ko ang aking mga mata. Nagtama ang mga mata namin nang mabalahibong hayop na may kataasan. Kagaya ng pusa kanina, makapal din ang balahibo nito at mukhang ubod ng lambot. Ang ipinagkaiba nga lang, magkalaban sila nito.


It's a dog!


Lagot na, paano nagka-aso dito?


The dog suddenly growled and barks at the same time. Napapikit ako nang hindi oras matapos masamyo ang hininga ng poging aso. Lihim kong nalunok ang laway ko sa pangamba na magiging ulam ako ng kaharap kong hayop.


"H-hi?" Nakangiwing bati ko.


The dog move closer, I never move a single step from where I am. All I can do is to close my eyes and wait for this guy to bite me. But after a long time, I never get a single bite nor a pinch on my nose. Instead, this handsome dog is leaking me. It's leaking me!


I slowly open my eyes.


I can't stop myself from giggling. Nakikiliti ako sa ginagawa ng asong ito.


"Hey." Awat ko dito ngunit nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Hindi siya tumigil. Nag-ipon ako ng lakas upang mailayo siya sa akin. "Stop this."


This time he listens to me.


"Good boy." Magiliw kong hinimas ang kanyang balahibo sa leeg. Kagaya nga ng inaasahan ko. Masyado nga itong malambot. "What's your name handsome?"


"Isaac."


Pinanlamigan ako ng katawan matapos kong marinig ang boses na iyon. Ang asong nasa harapan ko ay bigla na lang umalis at tumakbo ito sa tunay nitong may-ari.


Sa pagitan ng pagtayo, pinunasan ko ang mukha ko na nalawayan ng aso na mukhang Isaac ang pangalan. Sunod may kalamigan sa anyo na sinulyapan ko ang lalaking ito na ngayon ay nakalunod ang isang tuhod sa sahig. Hinihimas niya ang aso na mukyang tuwang-tuwa sa kanyang ginagawa.


Poor dog, napunta sa maling amo!


"Don't play with strangers Isaac. It's bad for your health." There's a tender on his voice while saying it.


The dog barks in return.


Those words were like spears stabbing on my ego. This so called perfect King just insulted me. And honestly speaking, it made me hate him to the core.


"Good boy Isaac." He smiles.


Naikurap ko ng ilang ulit ang mga mata ko. Tama ba ang nakikita ko? Ang sinasabi nilang cold hearted na si Kaizzer Leigh Montefalco ay marunong ding ngumiti?


Napailing ako. I'm so sure that it's just part of my wild imagination.


It can't be!


May kakaiba akong naramdaman nang sa akin na niya itinoon ang kanyang paningin. Kakaibang lamig ang sumalakay sa akin. Kahit ganoon, hindi ako nagpatinag at naglabanan kami gamit ng mata.


Umalis siya sa pagkakaupo at nakapamulsang ipinagpatuloy ang titigang ito.


"You are trespassing." he said.


Bahagyang tumaas ang kilay. "Do you own this place?"


"It's our sacred place. Only those who are in top class can step here."


I rolled my eyes. So what? Wala akong pake kung namali man ako ng napuntahan. They don't put a sign "do not enter" or so whatever.


"I don't care." Tinalikuran ko siya at nagbalak umeskapo na lang ngunit iba ang nakita ko sa likuran ko. Puro halaman ang mga ito.


The heck! Nasaan na ang labasan?


"What's with this place?"


I can see nothing but green grass and huge tress. Napapatingala ako. Hindi ko inakala na sa loob ng crystal house na ito ay may ganito kalaki ng kalapad na space sa loob. Hindi ko na mahanap ang exit.


"Oh no!" nasapo ko ang noo nang hindi oras.


"Lost?"


I slowly look at him. Walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha niya. It's so plain. Sa tagpong ito, mukhang ako ang talo.


Tumikhim ako para tanggalin ang pagkakapahiya ko.


"N-nasaan ang l-labasan?" Namumula ang mukhang tanong ko. Kung ako ang tatanungin, wala akong balak na magtanong at sasarilihin ko ang paghahanap kaso may katatagpuin pa ako ngayong umaga.


He stared at me in a long time. As in natalagan ang lalaking ito na malay ko kung bakit. Pakiramdam ko marami akong dumi sa mukha para pakatitigan niya ako ng ganito katagal.


"C-can't you tell where the way out is?!"


He suddenly turned his back on me. May narinig akong maliit na ingay na kumawala sa kanya. Nasundan iyon ng pagtikhim.


"Follow me," he said.


Kahit nawe-werduhan ako sa kanya, tumalima naman ako. Umagapay ako sa bilis niya. Marami kaming dinaanan. Maraming paliko-liko na nagpagulo sa takbo ng utak ko.


Sa hinaba-haba ng lakaran napunta kami sa isang mini fountain. May gazebo di kalayuan dito.


"Why are we here?" Kunotnoong tanong ko. "It's not the exit."


Pagharap ko ulit sa kanya, white towel ang sumalubong sa mukha ko. Dahil sa hindi ako nakapaghanda nahulog ito pababa sa madamong lupa.


"Y-you..." Ikinuyom ko ang mga palad. Ginawa yata akong uto-uto ng isang ito.


"Wash your face." He said, he turned his back on me again. He went to the sofa that is not so far from us and comfortable sit there.


"Why would I..." Naalala ko ang pagdila sa mukha ko kanina ni Isaac.


Eksaheradong inihilamos ko ang isang kamay sa mukha ko. Pinulot ko ang towel na nahulog at sinimulang hugasan ang mukha kong nalawayan ni Isaac. Mabuti na lang may sabon sa tabi, hindi ko na kailangang maghanap pa.


Matapos ang sabunang ito, mabibigat ang mga paa na lumapit ako kay Kaizzer na mukhang nakatulog.


"Great!" Bulalas ko. Hindi ko na mapupuntahan ang babaeng na ka-green ribbon. "Kung minamalas ka nga naman."


Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Saka inis na sinulyapan ang lalaking ito. Heto siya, prenteng nakahiga sa sofa. Nakatakip ang likod ng siko sa kanyang mga mata. Ang isang kamay naman ay nahulog, malapit na itong humalik sa sahig. Nahagip ng mga mata ko ang librong nakauslit sa sofa. Napagapang ako papalapit dito. Kaunti na lang. Maaabot ko na siya.


Nahigit ko ang aking hininga nang magtamang muli ang mga mata naming dalawa ni Kaizzer. Hindi ko man lang namalayan na masyado na pala kaming malapit sa isa't isa.


Kamay ko ang may gusting abutin sa ilalim. Hindi iyong pati mukha ko nakikibaba sa palapit sa mayabang na ito.


Putik! Nakakahiya!


"A-ano... M-may libro kasi sa baba kaya kinuha ko."


Walang ingay ang lumabas sa labi niya habang unti-unting bumabangon. Ang nakakainis na parte, hindi niya inalis ang mga mata sa akin. Sa kung anong kadahilan, natataranta ako.


Umalis ako sa pagkakaupo at tila nababalisang tumayo.


"A-aalis na ako." Walang lingong-likod na naglakad-takbo ako palayo sa kanya.


Hindi ko napigil ang sarili na kagatin ang ibabang labi ko. For some reasons I feel ashamed of myself.


Hindi pa ako tuluyang nakakalayo. May kung sino ang pumigil sa kamay ko at pinihit ako paharap dito. Handa na akong karatihin ang salarin kung hindi ko lang ito namukhaan.


"K-Kaizzer! The heck! You scared me!" I exclaimed.


Without a word, he pulled me. All I can do is to follow him. Mahirap makawala lalo pa't masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


And then, boom. Nasa harapan na ako ng pinto.


Ang bilis nun a!


"T-Thank you." Mahina kong sabi at handa nang ihakbang ang isa kong paa palabas ngunit naudlot ang anumang gagawin ko dahil sa isang kadahilanan. May pumipigil sa akin.


I rolled my eyes and simply pulled my wrist without looking at him. But this arrogant guy is still holding me.


Problema nito?


Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang lingunin siya kasama ang nakakunot-noo kong mukha.


"Bakit?"


Kung kanina, nagkaguhit na ang noo ko, hindi ko inakala na mas may ilulukot pa ito. Ang masungit na prinsipe na kinababaliwan ng lahat ay nakatingin sa kamay kong hawak niya. Ang lalim din ng iniisip.


Napasulyap ako sa kamay kong hawak niya. Wala naman akong nakikitang kakaiba dito. Ni kaunting galos ay wala kaya naman...


Nahigit ko ang aking hininga matapos akong mag-angat ng tingin. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin.


"B-Bakit na naman ba?" kabado kong tanong.


"Karriza Aye Valdemor, right?" here he goes again, his cold reaction.


"Ano naman ngayon?" Nag-research yata ang mokong na ito!


"Wanna make a dare with me?"


Napatuwid ako ng tayo.


"Ano na namang pakulo yan?" Napatitig ako sa kanya ng husto. Kung tama ang pagkakaalala ko, matapos kong mabasa ang school website, na puro Class S students ang bida. Hindi ugali ng lalaking ito ang manghamon. Kadalasan, o mas tamang sabihin siya itong laging hinahamon.


"Defeat me and I will grant one of your wishes."


"Tss, huwag kang mag-alala. Tatalunin talaga kita. Hintayin mo lang na matalo ko ang unggoy na dabarkads mo."


Napaluwag ang pagkakahawak niya sa akin. Sinamantala ko naman ang pagkakataon. Kumawala ako sa pagkakahawak niya.


"No, why don't we start it now," it's not a question but a mere fact.


Tinaasan ko naman siya ng kilay. Nag-a-adik yata ang isang ito!


He moves one step closer.


"I am giving you the chance to defeat me." Nang nasa harap ko na siya, hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko at ipinadulas sa kanyang daliri. "Now."


Isang magandang pagkakataon ang ibinibigay niya sa akin. Hindi ko na kailangan pang dumaan sa manyak na iyon kaso nga lang hindi ako ganoong tao.


"Salamat na lang." Tinabig ko ang kamay niya at tinitigan siya ng buong lamig.


Patas akong maglaro. Hindi ako ipinanganak ng mga magulang ko na sinusunggaban ang pagkakataon upang takasan ang responsibilidad na naunang naataw sa akin.


"Sinusunod ko ang tamang proseso. Kung sino at ano ang uunahin ko. Hindi ko kinakailangang mandaya para maabot ka," Itinaas ko ang isang kamay at itinuro siya. "Tandaan mo ito Kaizzer Leigh Montefalco..."


Tinitigan niya lang ako.


"Aabutin at tatalunin kita. Sa huli ako ang magwawagi." Matapos ko itong sabihin, ibinaba ko ang kamay ko at nag-marcha palayo.


Humanda ka! Tatalunin kitang mayabang ka!

***END OF KAYE POV***

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Play The King: Act Two Από akosiibarra

Εφηβική Φαντασία

314K 21.7K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
Rebel Hearts Από HN🥀

Εφηβική Φαντασία

1.8M 76.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
FEIGHT (Famous Eight) Από Mac

Εφηβική Φαντασία

617K 38.9K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...