Baby, You And I (Published un...

De aLexisse_rOse

4.1M 84.6K 5.6K

"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kay... Mai multe

Baby, You And I
Prologue
Chapter One: Not Me
Chapter Two: On Her Own
Chapter Three: Surprise Guests
Chapter Four: Instant Father
Chapter Six: Stressful Day
Chapter Seven: First Day Out
Chapter Eight: New Daddies
Chapter Nine: Second Day Out
Chapter Ten: Panic Mode
Chapter Eleven: Signs
Chapter Twelve: Hot Seat
Chapter Thirteen: Selfishness
Chapter Fourteen: Guilt
Chapter Fifteen: She's Back
Chapter Sixteen: Babysitting
Chapter Seventeen: Begins Here
Chapter Eighteen: Next Level
Chapter Nineteen: Too Soon
Chapter Twenty: Back Home
Chapter Twenty One: Longing
Chapter Twenty Two: He's The One
Chapter Twenty Three: Spare Her
Chapter Twenty Four: Powertrip
Chapter Twenty Five: You and I
Chapter Twenty Six: You And I (part two)
Chapter Twenty Seven: Something Has Changed
Chapter Twenty Eight: More Than Enough
Chapter Twenty Nine: Baby, You And I
Chapter Thirty: Agenda
Chapter Thirty One: Unexpected
Chapter Thiry Two: Miserable
Chapter Thirty Three: He's There
Chapter Thirty Four: Monay And Bakulaw
Chapter Thirty Five: Finale
Special Chapter

Chapter Five: Instant Babysitter

119K 2.1K 128
De aLexisse_rOse

Chapter Five: Instant Babysitter

CYRHEL

"Umalis na sila. Puwede na kayong lumabas," sabi ni Tyron nang buksan niya ang pinto ng banyo. Ang tinutukoy niyang sila ay ang mga security personnel na nag-iimbestiga sa misteryosong babae na nagdala ng bata sa pad ng binata. Hindi naman pala ang nanay niya ang dumating.

Hindi maipinta ang mukha ko nang humakbang palabas, nasa bisig ko si Baby Ron-Ron na nakakapagtakang naging tahimik magmula kanina. Mahigit kumulang kalahating oras kaming nagtago roon. Tiniis ko ang init at gutom. Halos maligo ako sa sariling pawis peroparang wala naman pakialam si Tyron.

"I need to go to work. Ikaw na muna ang bahala kay baby," aniya nang humugot ng tuwalya sa drawer upang maghandang mag-shower. "Huwag kang magpapasok nang kahit na sino at huwag kang lalabas lalo na at kasama mo ang bata. Mahirap na at baka may ibang makakita sa inyo at-"

Basta ko na lamang inabot sa kanya si Baby Ron-Ron. "Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ako ang nanay ng bata at mas lalong hindi ako ang yaya niya," sabi ko at tuluy-tuloy na lumabas ng kuwarto.

"Cyrhel..." Hinabol ako ni Tyron. "Teka lang, hindi mo puwedeng iwanan sa akin ang bata."

"Nagmagandang-loob akong alagaan si baby bilang kapalit nang pagnanatili ko rito at nagpapasalamat ako dahil pinatulog mo ako sa pad mo kahit labag sa iyong kalooban," sarkastikong sabi ko na hindi tumingin sa binata habang abala sa pagliligpit ng mga gamit sa maleta. Kung hindi dahil kay Baby Ron-Ron ay hindi naman mapipilitan si Tyron na manatili ako sa kanyang pad.

"Hindi ba puwedeng lubus-lubusin mo na ang pagmamagandang-loob mo?"

Doon nag-angat ako nag-angat ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha ng bakulaw na ito!

"Wala na! Inubos mo na!" Singhal ko sabay pihit patungo sa pinto. Hindi ko na matitiis ang pag-uugaling mayroon siya. Abusado na, user pa at kung makapag-utos daig pa si Kuya Vince. Mag-bestfriend nga silang dalawa.

"Tumabi ka nga!" Hinarangan ni Tyron ang daraanan ko. Pero kahit anong pag-iwas ang gawin ko ay ayaw niya akong bigyan ng daan. Para tuloy kaming naglalaro ng patintero.

"Hindi ako papayag na umalis ka!"

"Wala kang karapatan na pigilan ako!"

Pumalahaw nang iyak si Baby Ron-Ron. Nakipagsabayan pa siya sa pagsisigawan namin ng binata.

"See? Kahit si Baby ay ayaw kang paalisin."

"Ikaw ang higit na dapat mag-alaga sa bata dahil ikaw ang tatay niya."

"Pero ikaw ang kailangan niya."

Parang tukso naman na itinaas ni Baby Ron-Ron ang mga braso at gustong sumama sa akin. Mabilis akong umiwas.

"Sorry, baby." Masisira ang mga plano ko kung paiiralin ko ang awa. Hindi ako umalis sa poder ng mga magulang para lamang maging babysitter. "I need to go."

Hinarang ng binata ang katawan sa tapat ng pintuan. "Cyrhel, huwag mo kaming iwanan ni Baby Ron-Ron. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka," maramdaming sabi ni Tyron kasabay ng malakas na pag-iyak ng bata. Parang eksena lang sa isang telenobela. And to my surprised lumuhod pa siya sa harapan ko.

"Tyron, para kang sira. Tumayo ka nga diyan!"

"Cyrhel, please... Kailangan kita sa buhay ko ngayon. Paano na lang ako kung mawawala ka?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Hindi mo naman ikakamatay ang pag-aalaga kay Baby Ron-Ron."

"Pero hindi ko kakayanin kung mag-isa lang ako. Malay ko bang mag-alaga ng baby. Besides, may trabaho ako, wala akong mapag-iiwanan sa kanya."

"Eh di dalhin mo sa trabaho."

"Walang ibang puwedeng makaalam ng tungkol kay Baby Ron-Ron maliban sa'yo. Ikaw lang ang maaasahan ko."

Parang nakikinita ko na ang magiging reaksiyon ng mga kaibigan niya sa oras na malaman ang tungkol sa 'anak' niya.

"Please, please..." pagsusumamo pa ni Tyron habang patuloy na nakaluhod sa aking harapan.

Humugot ako nang malalim na paghinga. Kahit pa siguro tumalon ako sa bintana ay hindi ako makakawala sa kanya. "Sige na nga!"

Biglang nagliwanag ang mukha ni Tyron. "Hindi ka na aalis?"

"May choice ba ako?" Hindi naman ganon katigas ang puso ko kahit pa mainit ang dugo ko pagdating sa kanya. Actually, nag-aalala ako para sa kapakanan ng bata. Tama si Tyron, malay nga ba niyang mag-alaga ng baby?

Nagmamadaling tumayo ang binata at niyakap ako sa labis na tuwa. Agad ko siyang itinulak. "Hindi tayo close!"

"Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis," nakangisi na sabi niya at tangkang iaabot sa akin si Baby Ron-Ron nang muli akong magsalita.

"Magkano ang salary ko?"

Biglang nagkasalubong ang mga kilay ni Tyron. "Salary?"

"Alangan naman na alagaan ko ang anak mo ng libre. Hoy, sa panahon ngayon wala ng libre. Kung ayaw mo, eh di wag!"

Napakamot siya ng ulo. "May sinabi ba akong ayaw ko?" Hindi siguro siya makapaniwala na naisahan ko siya. "Puwede na ba ang two thousand?"

"Duh! Ang kuripot mo naman! Anong mabibili ko sa two thousand?" Reklamo ko.

"Three thousand?"

"Make it five."

"Four?"

"Seven!"

"Okay, five!"

Pero muli akong humirit. "How about ten?"

"Cyrhel, habang five lang ang kaya ko."

"Ang kuripot mo talaga!" Bukod sa may mataas siyang posisyon sa kumpanya ng kanyang pamilya ay kumikita rin siya bilang professional basketball player. Oo nga pala, matagal na pala siyang hindi nakakapaglaro dahil sa natamong injury. Gayunpaman, imposible na hindi niya afford ang rate ko. "Basta, take it or leave it?"

He raised his hand in frustration at patalikod na nagmura. "Kung may iba lang akong choice, hindi ako magtitiyaga sayo."

"Kung hindi lang ako naaawa sa bata ay kagabi pa kita nilayasan," ganting sabi ko. "So, do we have a deal?" Imbes na sumagot ay basta na lamang niyang inabot si Baby Ron-Ron sa akin. Ibig sabihin ay pumapayag na siya sa demand ko. "Oo nga pala Tyron, gusto ko lang linawin na ten thousand a week ang rate ko at hindi monthly."

He stared at me in disbelief. Parang gusto pa nga niya akong sugurin nang bigla siyang may naamoy. "What is that smell?"

Napangiwi ako nang maamoy ang tinutukoy ng binata. "Smell like..." Agad kong niyuko ang diaper ni Baby Ron-Ron. Mukhang may ginawa siyang milagro.

"Tyron, nagpupu si..." Pag-angat ko ng mukha ay wala na siya sa harapan ko. Mabilis siyang nagkulong sa banyo. "Pasaway ka naman baby. First day ko pa lang sa trabaho nagpupu ka agad!" Hindi ko malaman kung paano tatakpan ang ilong. Ngayon pa nga lang ay hindi ko na maatim ang mabahong amoy, paano pa kaya kapag nilinisan ko siya?

"Tyron! Mamaya ka na maligo. Kailangan munang malinisan si baby!" Nagpapanic na sigaw ko habang kinakalampag nag pinto. Pero parang wala siyang naririnig at nananadya na itinodo pa niya ang pagkakabukas ng shower.

WHAT happened to my plan? Hindi ko maiwasang itanong sa sarili. Mukhang nagkamali yata akong ginawang desisyon. Sa umpisa pa lang ay puro kamalasan na ang dumapo sa akin. At sinong mag-aakala na mauuwi ako sa pag-aalaga ng isang baby na hindi ko naman kaanu-ano? Ito ba ang pagbabagong hinahanap ko?

I let out another sigh. Magsisi man ako ay wala na akong magagawa kundi panindigan ang naging desisyon. Pansamantala ko lang naman aalagaan si Baby Ron-Ron. Ang mahalaga mayroon akong matutuluyan. Bukod sa makakalibre ako ng pagkain ay may sahod pa akong maasahan. Magagamit ko ang maiipon na pera para sa hinaharap.

Hindi ko malaman kung sasagutin o hindi ang tawag sa cell phone. Ito na yata ang panlimang phone call ni Mama para sa umagang iyon. Bagaman alam kong nag-aalala siya para sa akin, siguradong sesermunan din niya ako at pipilitin umuwi ng bahay. Dalangin ko na sana ay hindi niya ma-trace kung saan ako naroroon.

Nakaramdam ako nang pagkalam ng sikmura. Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nag-aalmusal. Basta na lamang akong iniwanan ni Tyron sa pad. Bago pa siya umalis ay ang dami pa niyang ibinilin sa akin. Pero wala yatang nabanggit ang binata tungkol sa pagkain.

Maingat kong inilapag si Baby sa ibabaw ng kama. Mabuti na lamang at naawa rin si Tyron at pinagamit sa amin ang bakanteng kuwarto sa kabila. "Wala ka bang balak matulog?" Parang naman naiintindihan ni Baby Ron-Ron ang sinabi ko at humagikgik siya. "Sleep ka na." Ipinikit ko ang kanyang mga mata pero muli rin isiyang dumilat. Akala ko kapag pinadede ko ang bata ay makakatulog na siya. Pero hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkaantok.

Napilitan ako na muling kargahin si Baby Ron-Ron at kasama ko siyang lumabas ng kuwarto. Naghagilap ako ng mamakain sa kusina. Pero wala naman akong napala sa ref. Kung hindi tubig ay beer in-can ang laman. Gayundin ang cupboard na walang kalaman-laman maliban sa isang box ng Koko Crunch na may bawas at isang cup noodles. Pinili ko ang huli. Puwede ko nang pagtiyagaan iyon kaysa sa wala. Pero naisip ko, paano ang lunch ko mamaya? Siguradong gagabihin si Tyron sa pag-uwi. Alangan na hintayin ko pa siya bago ako makakain. Wala akong balak mamatay nang dilat ang mga mata dahil sa gutom!

"What's the problem, baby?" Bigla na lamang nag-iiyak si Baby Ron-Ron habang pini-prepare ko ang aking agahan. "Huwag mong sabihin na gusto mo na namang dumede?" Parang iyon ang gusto niyang ipahiwatig dahil lalong lumakas ang kanyang pag-iyak. "Baby naman, pakainin mo muna ako. Kung nagugutom ka, mas lalo na ako." Idinaan ko sa pag-e-emote at baka sakaling tumigil siya. Pero laking gulat ko nang bigla na lamang pisilin ni Baby Ron-Ron ang isang dibdib ko.

"Oo na, ipagtitimpla na kita!" Napipilitan na sabi ko at humakbang patungo sa kuwarto. "As if naman na may madedede ka sa dibdib ko."

TYRON

"Excuse me..." Napatayo ako sa kalagitnaan ng meeting at lumabas ng board room. Agad kong sinagot ang cell phone na kanina pa nagba-vibrate. "Naman Cyrhel! Alam mo ba na nasa meet-"

"Alam mo rin ba na mamamatay ako sa gutom dito sa pad mo? Wala ka man lang stock ng pagkain. Ano ang gusto mong kainin ko?" Halos ilayo kosa tainga ang phone sa lakas ng boses ng dalaga. Kung alam ko lang, sana ay hindi ko na lamang ibinigay sa kanya ang number ko.

"Magpa-deliver ka na lang."

"Gustuhin ko man, wala akong pambayad. Wala akong pera."

Naisuklay ko ang mga daliri sa buhok. Pati ba naman iyon ay proproblemahin ko pa. "Diet ka naman di ba? Okay lang na mag-skip ka ng meal paminsan-minsan."

"Buong araw mo akong hindi pakakainin?" She exclaimed. "Papatayin mo talaga ako sa gutom!"

"Don't worry, hindi ka pa mamamatay agad. Marami namang tubig sa ref. Sapat na iyon upang maka-survive ka," pang-aasar ko pa. Parang nai-imagine ko ang panlalaki ng mga butas ng ilong ni Cyrhel.

"Kung ipa-deliver ko kaya si Baby Ron-Ron sa office mo? Tignan ko lang kung maka-survive ka sa kahihiyaan!" Galit na galit na sabi niya. Pero imbes na mabahala ay bumulanghit pa ko ng tawa.

"I'm serious, Tyron! Kaya kong totohanin ang sinasabi ko!"

"I know..."I said laughing at the same time. "Pero dahil wala kang pera hindi mo magagawang mag-commute papunta rito."

Napatili si Cyrhel sa sobrang inis. Halos mabitiwan ko ang hawak na cell phone. "I swear, pag-uwi mo rito wala na ako. Bahala kang mag-alaga kay Baby Ron-Ron!" Pagkatapos ay bigla na lamang siyang nawala sa kabilang linya.

Agad naman akong nag-return call at sinabi sa dalaga na ako na lamang ang magpapadeliver ng pagkain para sa kanya. Ang totoo ay inaasar ko lamang siya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa pakikipag-usap sa kanya.

"What's with that smile, son?" Tanong ni Dad nang lumapit sa akin.. Hindi ko namalayan ang paglabas niya sa board room.

"Nothing, dad!"I said, still smiling. Hindi ko pa rin maiwasan matawa kapag naaalala ang reaksiyon kanin ni Cyrhel. Nag-enjoy ako ng husto sa pang-aasar sa kanya.

"Hmm...babae ba ang dahilan?" Amused na tanong niya.

"Where are you going?" Pag-iiba ko ng usapan. "Tapos na po ba ang meeting."

"Not yet. Tumakas lang ako sandali. I need to make a phone to your Uncle Chito. Kapapanganak lang ng asawa ni Oliver and this time it's a boy." Ang tinutukoy ng ama ay ang nababata niyang kapatid na nasa states at anak naman nito si Oliver na pinsang buo ko naman.

"Really? Mayroon na palang tagapagmana si Uncle," wala sa loob na sabi ko.

Nangingiti na tinitigan ako ni Dad. "How about you, son? Kailan mo naman balak bigyan ako ng apo na lalaki?"

Pakiwari ko ay nawalan ng kulay ang aking mukha. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. "Just kidding, son," bigla niya akong tinapik sa balikat. "Ayokong isipin mo na pine-pressure kita pero parang ganon na rin iyon," nakakalokong sabi pa ni Dad na sinabayan ng marahang pagtawa.

Pilit ang ngiting isinukli ko at naging mailap ang aking pakiramdam. What if anak nga ko si Baby Ron-Ron? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga magulang kapag nalaman nila ang tungkol sa bata? Matatanggap kaya nila?


Continuă lectura

O să-ți placă și

313K 5.8K 31
It's been almost seven years since magtagpo at maghiwalay sila Alex at Maggie. Both were all successful and contented. Bagamat hindi pa nila nakakali...
706K 14.9K 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama s...
841K 28.8K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
466K 13.4K 53
Christian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa...