Del Rico Triplets #2: Retraci...

Bởi nefeliday

2.8M 40K 9.2K

Rolly woke up without memories. Lying in a not so comfortable hospital bed and facing a person who's clad in... Xem Thêm

Retracing The Steps
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Wakas ll
The third
Allen Del Rico
Tarian Del Rico
EXCITING ANNOUNCEMENT!
RTS BOOK COVER REVEAL!
DEL RICO EPISTOLARIES LAUNCHING:
FREEBIES FROM ME FOR POTENTIAL BUYERS

Kabanata 5

44.8K 756 119
Bởi nefeliday

He left

Pinanood ko siyang ipinatong ang cellphone sa may bedside drawer. Mukhang naramdaman niya ang tingin ko sa kaniya kaya ako nito binalingan.

"Any problem, love?"  he asked.

Umiling ako. I don't really have one. I was just wondering if he'll sleep here. Kasi... parang hindi ako makakatulog kung ganoon. If ever he does, this would be the first time na makakatabi ko siya.

"Uh... s-sa office ka?" hindi siguradong tanong ko.

He pressed his lips and nod.

"I need to check our business. Medyo napabayaan ko na dahil sa hospital."

Tumango-tango ako. Inayos ko ang blanket sa katawan.

"S-sige na. Matutulog na ako," paalam ko.

Nagtagal ang titig niya sa akin pero pagkuway tumango.

Itinulukbong ko ang blanket sa ulo ko para hindi na siya makita. The truth? It's awkward to spend the night in this house with him. Hindi ako sanay ng ganito. Wala akong nakasanayan!

He's so used to go home almost at midnigiht. Tulog na ako. Masisilayan ko lang siya kapag kagising ko sa umaga pero aalis din naman siya agad. We never had a normal encounter as a husband and wife. Hirap na hirap tuloy ako sa iaakto!

Inalis ko ang talakbong sa ulo nang hindi na ako nakakakuha ng sapat na hangin. Nilibot ko ng tingin ang buong silid at nakitang tahimik na uli iyon. Wala na nga siya.

I won't sleep with him again. We never shared intimacy like what a normal couple should had. We don't make love. Minsan ay napapaisip ako kung paano siya nakakatagal? He is a man! Imposible sa akin na hindi naghahanap ang kaniyang katawan. That's why I can't stop myself from thinking that maybe he has someone in Manila!

Why does he want me to stay here and he's there almost everytime? He never kiss me! It's not normal for married couples not to do that unless they're a product of arranged marriage or they have a problem.

A man won't initiate if he has someone to fulfill his needs! Kami pa? Ilang buwan na?

Nagpabiling-biling ako sa kama nang hindi dalawin ng antok. I looked at the clock in our bedside table. Alas diyes na. Hindi pa ako makatulog dahil sa mga iniisip na wala namang kwenta.

Umupo ako at bumuntong-hininga. Uminom na ako ng gatas na ang asawa ko mismo ang nagtimpla pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako inaantok. Hindi rin naman ako nakatulog kaninang tanghali dahil inaya ako ni Troi na pumasyal sa grocery para mamili ng mga kulang dito sa bahay.

How come I can't still sleep?! Nakatulog ako nang maayos kagabi!

Tumayo ako at nagtungo ako sa may bintana at saka hinawi ang kurtina noon. Binuksan ko ang isang sliding window at hinayaang pumasok ang sariwang hangin.

Lumabi ako at naisipang hubarin na lang ang suot na puting bestida. Wala akong suot na bra at tanging underwear na lang. Hindi naman ako nangangamba na makita ako sa ganitong estado ni Troi. Una ay asawa ko siya at pangalawa, hindi na siya bumabalik sa silid namin kapag alis niya. Aabutin na siya ng umaga doon sa may office niya.

I decided to pull out my underwear, too. Mas komportable ako sa ganoon. Sinunod kong ginawa ay pinatay ang aircon. This must be good. Siguro naman ay makakatulog na ako.

I turn off the lampshade and finally rest myself in bed. Luckily, dinalaw nga ako ng antok. Hindi naman ganoon kalakas ang hangin kaya hindi ko na rin naisipang magkumot. Pakiramdam ko ay noon ko lang naramdaman ang pagod sa pag-iikot sa grocery store.

Madaling araw na noong naalimpungatan ako. Ang malamig na hangin na tumatama sa katawan ko kanina ay napalitan na ng init iyon. Sinubukan kong kumilos pero parang nakakulong ako. Kumurap-kurap ako at sinubukang linawan ang mga mata.

Nang hindi ako nasiyahan ay sapilitan kong inabot ang switch ng lampshade at binuksan iyon. Nagkaroon ng liwanag ang silid. Bumagsak agad ang tingin ko mabigat nabagay sa ilalim ng dibdib ko.

Umawang ang labi ko nang mapagtantong matitipunong braso iyon. Binundol ako ng kaba sa 'di malamang dahilan. Nilukob ako ng takot na parang matagal na iyong nasa dibdib ko pero ngayon lang na-trigger.

A memory snap on my head. Two hands massaging my breast. It doesn't look like I am whining underneath but crying because it is hurting me.

Kinagat ko ang labi ko at pumikit dahil sa pagkirot ng ulo ko. Naalis lang ang focus ko sa sakit nang maramdaman ang pagkilos ng katabi ko. Doon lang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako bumangon.

Mas naging malinaw sa isip ko panandalian ang pumasok na alaala.

"Need anything, love?" a husky voice asked.

Dahil alam kong gising na rin naman siya ay inalis ko ang kamay niya na nakapatong sa akin at binuhat ang sarili paupo. Sumandal ako sa headboard ng kama. Ang ulo ko ay ganoon din kaya parang nakatingala ako.

The pain is still here pero hindi na ganoon kasakit. The memory I saw somewhat bothers me. Malakas pa rin ang pintig ng puso ko dahil sa kaba.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Nagmulat ako ng mata. Mayamaya pa ay lumiwanag ang paligid.

"Anything wrong?" he asked once again.

Hinanap siya ng tingin ko at umiling. The cold wind sent shivers to my spine. Saka ko lang naalala na hubo't-hubad nga pala ako.

Umahon ako sa pagkakasandal sa headboard para sana abutin ang blanket but he did that instead. He covered my body with the thick blanket. Nilukob ang katawan ko ng init.

"Nightmares?" he asked.

Binasa ko ang labi ko at umiling.

"I was just... paranoid..." I muttered.

I watched his forehead creased. Napagmasdan ko siya dahil medyo malayo ang agwat namin. Kalahating metro. Sapat na para makita ko ang kabuoan niya. Wala siyang damit na pang-itaas at tanging boxer short ang suot. His well-toned top is exposed just like mine.

Ang pinagkaiba lang, his body is too perfect not to flaunt while I am ashamed of mine. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang makita ako sa ganito.

My breast is not that big. Mayroon lang na masabing dibdib. I have hip dips and my body is thin. I have a door-type shape of body while he has a perfect one. Nakakahiya! Maybe that is the reason why he doesn't want to stay here and is not attracted to me even though I am all naked.

"Want water?" he asked.

I pressed my lips and nod a bit.

Water will do. Baka maalis noon ang mga nasa isip ko. Naghahalo-halo na kasi. From that memory I recall, to waking up with my husband by my side and insecurities trying to eat me.

We have a small refrigerator here. Doon siya kumuha ng inumin. He handed me a glass of water. Tinanggap ko iyon at uminom. Somehow, another memory came. Umiinom din ako at uhaw na uhaw. Someone is holding the glass of water for me.

Nahinto ako ako sa paglagok ng tubig. The bed moves which tells me he sat there. Mas malapit na ang presensya niya ngayon sa akin.

"Done, love?"

I took a deep breathe and decided to finish the water before handing it to him. Inilapag niya lang iyon sa bedside table. Bumalik uli ang atensyon niya sa akin. He extend his hand to tuck some strands of my hair to my ear.

Nilingon ko siya at sinubukan siyang ngitian. I wanted to ask him why is he here?

"Tapos ka na?" mahinang tanong ko.

He nod his head.

"I'm still tired about driving home late. I'll just do it some other time. I forgot I was on vacation," he explained.

Tumango-tango naman ako.

It is my mistake to conclude that he won't come here and stay in his office. Nagbago pala ang isip.

"Do you always sleep like that?" he asked, voice is curious but soft.

Bumagsak ang tingin ko sa katawan na nababalot ng makapal na blanket.

"H-hindi naman... Kapag maalinsangan l-lang..."

I don't know why I am awkward about this. Maybe because I was too shy? Baka hindi niya gustong ganoon ako natutulog kapag narito siya. Sabagay, hindi naman ganoon kaganda ang katawan ko.

"You shouldn't open the window nor the curtains when you do that. Our neighbors might see you..."

Oh... I got his point. He saw my body and he's probably ashamed that someone might see me in this state. Pangit pa naman ang katawan ko.

Parang may kung anong klaseng asidong natapon sa dibdib ko. Ganoon pa man, I smiled at nodded.

"H-hindi na..." pahayag ko.

Panandalian kong tinignan ang binuksan na sliding window kanina. Natatakpan na iyon ng kurtina at posibleng nakasara na rin.

"M-matulog na tayo uli..." mahinang sambit ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pinadausdos ko na ang katawan pahiga. Mahigpit pa rin ang kapit ko sa may blanket. Nang makitang bukas ang lampshade ay umusod ako roon at pinatay.

Hindi na ako bumalik sa dating pwesto na malapit sa gitna. Mas pinili kong naroon sa gilid. The bed is wide for the two of us. Family size na kasi iyon sa aming mahihirap.

The room went dark again. Humugot ako nang malalim na hininga. I need to sleep again. Mahabang gabi pa ito para sa akin dahil hindi ako sanay na may kasama.

How I hate myself! Noong wala siya ay nalulungkot ako na mag-isa lang ako sa silid naming dalawa tapos ngayon na nariyan na siya, hindi naman ako komportable.

Lumundo ang kama. The blanket was also stretched. I was about to close my eyes when I felt his heat behind me. Bahagyang umangat ang ulo ko at naramdamn ang pagsuot ng bisig niya roon.

My nipple tingled in response when the heat of his other arm spread to mine. His thigh covered almost half of my body. I can feel the cloth of his boxer short but my attention is much more focus on something on my butt cheek. I am not innocent not to know what is that!

Is Troi having a boner? Is it because of me ? My heartbeat gone wild. I don't know how will I react. Should I stop him or not?

"Breathe, love..." he murmured huskier. "And sleep peacefully..."

I didn't know I haven't breathe yet. My mind is uncomfortable of out position but my body isn't. And just like that, I slept.

The next day, I woke up too late! Mas late pa sa alas nueve and I don't know why. Dahil ba kasabay ko rin siyang nagising at kampante ako sa yakap niya? When I moved, saka lang din siya kumilos. Wala pa nga yata siyang balak na bumangon kung 'di niya lang naisip na magluto para sa aming dalawa.

The awkwardness that I felt between us is still there but somehow, I can managed it. Mas nasa isip ako ngayon na huwag magpatalo sa pagkailang. We brushed our teeth together. Nauna na lang siyang bumaba para daw makapaghanda while I stayed in the bathroom to take a bath.

Nang makababa ako ay naabutan ko siyang nagtitimpla na lamang ng kaniyang kape. He's only wearing a white sando now and cotton short. Three inches above the knee. Namumutok pa rin ang muscle sa hita.

Sa tangkad niya, nanliliit ako masyado. He pulled a chair for me again. Mas nadepina ng layo ng agwat ng height namin. Para akong bata. Hanggang ilalim ng kilikili niya lang.

Humaba ang nguso ko nang may maisip. Iyong mga naghahabol sa kaniya noon sa Tourism department, mahahaba ang biyas at talagang matatangkad na babae. Sa dami noon, sa akin siya nagpakasal?

My husband... Troi... How did I catch you?

"Do you want to roam around?"

Kumuha ako ng pancake at inilagay sa plato ko.

"Sige... N-ngayon lang ako makakagala, eh..."

I put syrup on top of it.

I am smiling while doing that. It is true that if we go outside and roam around, this would be my first time. Kahapon, nag-grocery man kami at kumain sa isang restaurant, hindi naman talaga galang matatawag iyon.

"I told Ate Celia to bring you with her whenever she's buying groceries..." aniya.

Nilingon ko siya.

"H-hindi ako kailanman sinama ni Ate..." wika ko. 

He nodded like he knows. Nangunot ang noo ko. Why would Ate Celia deprive me of coming with her?

"Baka ayaw ka lang mapagod," aniya.

Bumalik ako sa pagkain at natahimik panandalian. Sa sobrang tahimik, naalala ko kung paano kami magkulitan ni Ate Celia dito.  I noticed her absence. Dapat ay narito na siya ngayon kung umalis man siya.

"Where is Ate Celia?" I asked.

We did the groceries yesterday so she won't do that.

"She's Mommy's favorite maid. Hiniling nitong ibalik na siya sa bahay..."

I looked at him.  He sipped on his coffee before he turned to look at me and meet my gaze.

"I'll be here. May kasama ka pa rin. We have plenty of time together..." he smiled at me.

Nagbaba ako ng tingin tapos ay marahang tumango.

The truth is... it would be less awkward for us if Ate Celia is here. Isa pa, I was wondering why Ate Celia told me that she's a new maid. Ngayon... paborito siya ng Mommy ni Troi? That's... confusing...

She could've told me about it. Kung nalaman ko siguro na matagal na siya sa Mommy ng asawa ko, maaring tinanong ko pa siya kung anong klaseng ina ba ang Mommy ni Troi. I don't remember meeting her or any of Troi's family. Ang mga kapatid niya ay nakikita ko man noong college pero hindi ko na-meet ng personal.

His mom... did I had a chance to meet her?

"Do you have specific place you want to visit?" I heard him asked.

I shook my head. I am still thinking about meeting his family. I was preoccupied by that.

"Love..." he called me.

Nagugulantang na binalingan ko siya.

"You're spacing out. Any problem?"

He look so worried. I need to fake my smile.

"I am..." I muttered. "I'm just wondering if did I had a chance to meet your family," I managed to voice out.

It looks like he's not expecting that. An unfamiliar emotion crossed his eyes.

"Naisip ko lang..." dagdag ko pa bago bumalik sa pagkain.

He became silent for a couple of minutes but then he speak after finishing his coffee.

"You haven't meet them yet but they've met you already..."

"T-talaga? K-kailan?" puno ng pagkasabik ang tanong ko.

He wet his lips and avoided my gaze.

"When you got into an accident," aniya.

Bumuntong-hininga ako. His family saw me but I didn't know that because I'm in coma. What a quaint...

My shoulder slacked a bit upon realizing that the accident really did a lot of things in our life. Siguro kung hindi ako naaksidente ay mas maayos ang buhay naming mag-asawa. Maybe I am already bonding with his mother or maybe... I am carrying our child?

Ang sabi niya naman ay may isang taon na kaming mag-asawa. Ilang buwan akong nasa coma. If the accident didn't happened, may anak na siguro kami ni Troi.

Our brunch went a little awkward. He told me he's going to wash the dishes and I should get ready. Ganoon nga ang ginawa ko.

As much as I wanted to dress plain, walang ganoon dito sa closet. There's a lot of dresses instead. Some are decent, some are not. There are jeans but stylish and tops are a bit too girly.

Sa huli, pinili ko na lang suotin ang kulay itim na apron style dress. Sleeveless iyon. Kumuha na lang ako ng kulay puting knitted cardigan at nagsuot ng doll shoes. I styled my hair in halo-headband. Bumabagsak pa rin ang kahabaan noon pero hindi na gaanong buhaghag dahil sa stilo.

I sprayed perfumes and only put lip and cheek tint again. Pulbos lang at wala na. Inalis ko lang ang pagiging maputla ng labi ko. Somehow, I look presentable. Presentable lang at hindi maganda.

If someone saw me with Troi... ano kaya ang iisipin nila? That I am his maid? Or someone he's playing with? Hindi ako kumpiyansado sa itsura ko habang nakatingin sa may salamin. Para hindi na lalong kainin ng insecurities ay nilisan ko ang walk-in-closet at nagtungo na sa may sala.

Troi is taking a bath when I left our room. Ilang sandali lang, lumabas na rin siya. He's only wearing a plaid pants partnered by black polo shirt. The two first button of it are left open. He has sunglasses hanging on the tiny pocket of his sleeve. He looks so handsome in that!

"Let's go?" he uttered before his arm snaked on my waist.

Bumagsak ang tingin ko roon. That simple gesture is sending me thousands of butterfly in my stomach. He guided me towards the car. It is different this time. A white Lamborghini. He opened the door of the front seat for me.

May tinatagong ngiti akong pumasok sa loob. Mabilis siyang nagtungo sa driver's seat.

"Seatbelt, love..." he reminded me.

"Oo nga pala..."

I put my seatbelt on and my eyes went to him again.

He started the car engine. His hands are both on the handlebar and maneuvered it effortlessly. His veins  protruded everytime he's taking turns. He's wearing his sunglasses now. Hindi na tinted ang kotse na ito ngayon.

"Let's go to the mall and buy some of your books."

"Hindi na. Masyado pang marami ang mga nabili mo noong nakaraan," pagprotesta ko.

Nilingon niya ako.

"Then anything you like. Let me treat my wife," nakangiti niyang sambit.

Wala na akong nagawa nang sabihin niya iyon. Come on, Rolly... bumabawi na ang asawa mo. Pagbigyan mo na.

He parked the car. Matapos iyon, nagtungo na kami sa loob. Maraming store doon. Sa unang palapag ay more on foods and beverages. Food stalls, groceries and mga cafe. Sa second floor naman ay mga appliancess. Third floor are random. Book stores, boutique, cosmetics and some more.

"Are you comfortable with everything in your closet?" tanong niya habang ako ay namamangha sa nakikita.

Nilingon ko siya at tinanguan.

"Ayos lang lahat sa akin... Although, malabo sa style ko dati ang mga iyon."

Nagtagal ang titig niya sa akin. Ngumiti ako.

"Natatandaan mo? Noong college?" tanong ko.

"You're always at the clinic kasi Tita mo iyong naka-assigned na doctor doon at practice ka naman yata. Madalas ako sa clinic kasi palagi akong puyat at masama ang pakiramdam..." nakangiti kong turan.

He nodded his head while looking at me.

"H-hindi pala ako sure kung naalala mo..." mahinang sambit ko.

Bumuka ang bibig niya pero mabilis kong binago ang topic.

"May naisip pala akong bilhin na libro," kunwari ay excited kong sabi kahit wala naman akong gustong bilhin.

"Tara sa third floor?"

Binasa niya ang labi. Lumapit siya sa akin at kinuha ang isang kamay ko.

"Let's eat anything you like after..." aniya.

Sumang-ayon na lang ako agad.

Sa halip na gumamit ng elevator, sinabi kong mas gusto ko sa escalator. Nakangiti kong inililinga-linga ang ulo para mapagsawa ang mata sa paligid. When we reached the third floor, hinanap agad ng mata ko ang bookstore.

Our clasped hands made me unable to run towards the entrace of the store. Hinila ko na lang siya at hindi inaalis ang pagkakahawak noon sa akin. Kaya lang bago pa kami makarating doon ay tumunog na ang cellphone niya.

Huminto ako at ganoon din siya. Kinailangan niyang bitawan ang kamay ko para kunin iyon. I was about to ask him who's the caller when someone called my attention.

"Good day, Ma'am! My name is Victoria. I sell cometics," aniya sa pinakamalambot na boses. He's a gay.

he showed me some lipstick.

"Ma'am, may bagong labas po ang MAC ngayon. Gusto niyo pong i-try ko sa inyo?"  he wiggled his brows in a flirty way.

Nilingon ko si Troi. Mataman din ang titig niya sa nag-approach sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Sagutin mo muna iyan. Dito lang ako... magtitingin-tingin," sambit ko.

He sighed and nodded abruptly. Tumalikod na ito at nagtungo doon sa may railings.

"Ma'am, dito po tayo," anito at iginiya ako patungo sa may stalls nila.

He motioned me to sit which I did.

"Sobrang pretty mo, Ma'am. Hindi lang po kayo maayos. Tayong mga babae, kailangan natin maging maganda all the time!" he said that in a high pitch tone.

Mapipilantik ang pilikmata niya at mapulang-mapula  ang lipstick.

"Kapag hindi tayo nag-ayos ng bongalicious, baka ipagpalit us ng mga jowabels natin at mga jusawa..." hirit niya pa.

"Try ko sa iyo itong pula. Bagay sa iyo 'to," aniya.

Umiling agad ako. The color look so bold. Hindi ko yata kayang gumamit noon. Tumaas ang isang kilay ni Victoria.

"Gusto mo pa-tweetums lang?" tanong niya. Ngumiti ako.

"Okay fine! Mayroon din kami. Itodo na natin ang pagpapaganda sa iyo para surelaks ka kay Sir mamaya," humagikgik ito pagkatapos iyon sabihin.

I don't understand what he's saying but I gave him my permission. Patuloy siya sa pagpapakilala ng kung ano-anong uri ng makeup sa akin na hindi ko rin naman talaga natatandaan.

"Ayusin din natin ang iyong hair. Sobrang haba nito. Ayaw mo pong ipakulot? Bagay sa iyo kapag ganoon," aniya.

Umiling ako. It took us ten minutes at naayos niya ako.

"Perfect! Although, mas kabogera ka, Ma'am, kung mag-red lipstick and bold eyeshadow."

I didn't mind his comment. Pinagmasdan ko ang sarili sa may square shape mirror sa harap. Kahit papaano ay satisfied ako sa itsura ko. I still look innocent and kind. I pictured myself with red lipstick and bold makeup... maganda nga siguro. Pero baka hindi gusto ni Troi iyon.

Hindi niya naman ako pinupuna sa pagiging simple ko kaya gusto kong manatili iyon.

"Bilhin mo na 'to, Ma'am. Nakita mo naman na super pretty, hindi ba? Mura na lang 'to," aniya.

Nanlaki ang mata niya bago mas lumapad ang ngiti.

"Sir, oh. Very pretty na si Ma'am," anito.

Lumingon ako sa likod para makita ang sinabihan  nito.

Troi is approaching us with a bright aura. Nakangiti ko siyang sinalubong. He stops midway. Hindi tuluyang nakalapit sa akin. He was stunned for a moment.

Nakatanggap ako nang marahang pagbunggo kay Victoria.

"Sabi sa iyo, eh. Tulala si Sir..." anito na may malanding tono ng boses.

My eyes squinted when I saw something in him. He doesn't look taken aback because he finds me pretty. There is something more. Longing? Sadness? Pain? Why is that?

He closed his eyes tightly. His hands rest on his waist. Nahinto na talaga siya roon sa kinatatayuan. Bumuntong-hininga siya. It looks like he's calming himself. Nang maayos ang sarili ay nag-angat uli ng tingin at lumakad palapit sa katabi ko.

"How much is it?" he directly asked Victoria.

Sinabi naman noong isa.  Isang card ang ginamit ni Troi. Lumingon siya sa akin. Noon pa man, he has dark intensive eyes  but it more darker now. Parang... hindi na normal ang dilim ng mga iyon.

"Let's go?"

I nod. He walks without waiting for me or holding my hand. Sumunod na lang ako. Dahil nauuna siya, siya ang nagdesisyon kung ano ang gagamitin pababa. Elevator ang napili niya. Halos wala yata kaming nabili maliban sa cosmetics na hawak-hawak ko ang paperbag.

I wanted to tell him that we went upstairs so we could buy books. Kaya lang ay hindi ko na isinaboses pa at hindi rin naman importante iyon. Nakarating kami sa kotse at nakasakay din pero tahimik pa rin siya.

I was wondering if something happened to him and the caller. Bakit ganito na lamang siya katahimik.

Aaminin ko. I wanted to hear him compliment me. Kahit papaano, naghahanap ako ng ganoon dahil asawa ko naman siya. I've never experience getting compliment from someone. Tapos sa asawa ko naman ay wala rin.

Parang may mabigat na kung ano sa dibdib ko. Hanggang sa marating namin ang bahay ay ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Bumaba ko sa sasakyan at nilingon siya.

"Aalis ka pa?" tanong ko nang hindi siya bumaba sa driver's seat.

He didn't look at me and just nod.

"Something urgent happened. I need to go. Uuwi rin ako mamaya," aniya.

Wala na akong nagawa kundi tumango. My hand raised and was about to wave goodbye but he already drove fast. Naiwan ako roong nakataas ang kamay na may hawak pang paperbag.

May kung anong sumabog sa loob ko. Mapait na bagay na kumalat sa aking sistema. Tumalikod ako at bagsak ang balikat na nagtungo sa may loob.

Sa sala, walang buhay akong naupo.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Nalulungkot na nasasaktan. Bakit parang walang kinahinatnan ang paglabas namin? Nauwi lang din sa wala? Hindi ko maalis sa sariling magtanong kung sino ang tumawag at ganoon na lamang si Troi umakto?

I wanted to blame the caller but then... I remembered that he's smiling when he is approaching us. Naglaho na lamang iyon nang makita ako.

Is it because of my makeup?

Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin. What is it? Anong problema? Hindi niya ba 'to gusto? Mas gusto niya ba iyong pulbo at liptint lang?

Nagagalit na sinampal-sampal ko ang sarili.

"Baka ayaw niya nga sa ayos ko..." naiiyak kong turan.

Whether to feel happy because he likes me simple or to feel sad because he didn't appreciate my looks now, I don't really know what to feel!

Inis na pinahid ko ang luha na naglandas sa aking mata pababa sa pisngi. Yinakag ko ang sarili sa loob ng comfort room at doon ay naghilamos.

Mariin ang bawat paghaplos ko sa aking mukha. Nang masiyahan na wala ng kahit na anong kolorete doon ay saka lang ako lumabas. I went to the kitchen and grabbed a glass of water.

I sobbed as I watched the empty kitchen area. Great! He left me alone here! He left me for godsake.

"I hate you..." I managed to say out of hatred.


It took me four hours to finish this chapter. Drop down your comments 🤍

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

618K 2.3K 5
Tunghayan at subaybayan ang pagpasok ni Kyle Angelo Dela Vega sa isang paaralang puro kalalakihan lamang ang nag-aaral at makikilala ang isang Warren...
352K 6.6K 33
Dark Romance (R18) Rouge's upbringing was unusual, shaping her into an innocent soul with a dark divine goal. She believed she was serving a divine p...
628K 17K 46
De la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...