A Deal is a Deal

By BigBossVee

20.8M 175K 19.8K

Umupo si Greg sa swivel chair nito at pinagmasdan siya. "Okay. Bibilhin ko ang Oregon Building under your nam... More

A Deal is a Deal
READ THIS FIRST!
Chapter One - Snatched and... Arrested?!
Chapter Two - Meeting with the Gods
Chapter Three - Payback Time
Chapter Four - Bree is back!
Chapter Five - Expect the Unexpected
Chapter Six - Bree's favour
Chapter Seven - The Deal
Chapter Eight - In Need of Help
Chapter Nine - Venus' Secrets
Chapter Ten - Lost and Cold.
Chapter Eleven - That was close! Phew!
Chapter Twelve - Stupid Gaby!
Chapter Thirteen - "I'm with my wife."
Chapter Fourteen - Kyra and Geoff
Author's Speech. (Ansaveh?)
Chapter Fifteen - Steamy Conversation
Chapter Sixteen - I'm Not a Ragdoll!
Chapter Seventeen - First Kiss
Chapter Eighteen - Lunch with the Billionaire
Chapter Nineteen - The Accident
Chapter Twenty - Love songs and Unknown feelings
Chapter Twenty One - Hontiveros Clan and Kristina
Chapter Twenty Two - Jealousy
Chapter Twenty Three - Her Darkest Secret
Chapter Twenty Four - The Visitor
Chapter Twenty Five - Time to Tie the Knots (Part One)
Chapter Twenty Six - Time to Tie the Knots (Part Two)
Chapter Twenty Seven - Performance Night (Part One)
Chapter Twenty Nine - Performance Night (The Climax)
Chapter Thirty (Bonus Chapter)
Chapter Thirty One - A Restless Geoff
Chapter Thirty Two - Who's teased now?
Chapter Thirty Three - Confessions. Lies. Betrayals.
Chapter Thirty Four - Time to wake up Bree!
Chapter Thirty Five - Miss me?
Chapter Thirty Six - Kyra's Plan
Chapter Thirty Seven - Turning Point
Chapter Thirty Eight - First Homecoming
Chapter Thirty Nine - A Father's Love
Chapter Forty - The Fashion Show
Chapter Forty One - Revelations
Chapter Forty Two - Unplanned Surprises
Chapter Forty Three - Still the Same
Chapter Forty Four - So Close
Chapter Forty Five - Mirror
Chapter Forty Six - Second Thoughts
Chapter Forty Seven - Shower & Conference Room
Chapter Forty Eight - Claws
Chapter Forty Nine - Shiver
Chapter Fifty - Missing
Chapter Fifty One - Sunset Drive at 8
Chapter Fifty Two - Nightmare
Chapter Fifty Three - Two lines
Chapter Fifty Four - Avowal

Chapter Twenty Eight - Performance Night (Part Two)

368K 2.6K 77
By BigBossVee

Chapter 28 - (Part 2)



Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng tanghalian ni Greg ng biglang tumunog ang cellphone nito. Ano bang kailangan ng Kristina na ‘yan at every five minutes ay kailangang tawagan si Greg? Naiirita na naman siya nang makitang ngumisi na parang ulol si Greg habang kausap si Krissy.



Yes. Alam niyang si Krissy ang kausap nito dahil nabanggit ni Greg ang pangalan nito kanina habang hinahanda niya ang kanilang kakainin sa tanghalian. Eh sino ba naman ang makakapag-bigay ng ngiti sa mukha ng asawa niya kundi si dearest Krissy lamang?

Tinaasan niya ng kilay si Greg habang busy parin ito sa pakikipag-chismisan sa childhood bestfriend nito. Hindi nalang niya ito pinansin at tinuon ang atensyon sa kanyang fried chicken. Natapos nalang siyang kumain ay hindi parin natatapos si Greg sa chismax nito. “Oy Greg! Tapusin mo muna ‘yang pagkain mo, nilalamig na eh. Baka pwede mamaya nalang kayo mag chika ng phone pal mo pag tapos ka na.”

Nang nagpaalam na ito kay Krissy ay ngiting-ngiti parin ito. Aba’t! Talagang pinapainit yung ulo ko ah? “Oh? May nakakatawa ba?” Tanong niya dito. Mas lalong lumapad ang ngiti nito, showing her his perfect set of teeth. Tung unu! Ayan na naman ang mega-watt smile ng kumag!

Kumibit-balikat ito habang nakangiti parin. “Wala naman. You just look really cute when you’re jealous. Namumula ang pisngi mo at parating naka-pout ang labi mo. Really cute.” Whut?



Ako? Nagseselos? Hindi kaya! Assuming din ang mokong na ‘to! “Wow ha. Happy Assuming Day! FYI, hindi ako nagseselos!  Inuuna mo pa kasi ang chismisan sa pagkain!” Defensive niyang sagot. Well, maybe she was jealous. Pero hindi naman siya yung jealous type eh? Baka epekto lang yun ng nangyari kanina kaya nag-oover react siya.

Nilingon niya ang talon. Natatandaan na naman niya ang kanyang kahihiyan kanina. It was the most embarrassing moment of her whole entire existence! Ikaw ba naman pasukan ng ahas sa loob ng shorts mo at ang gwapong asawa mo pa talaga ang kumuha? Wait, ahas ba talaga yun kanina?

“Greg, ahas ba talaga yung pumasok sa shorts ko kanina? Ba’t parang ang liit?” Tanong niya dito habang nilalantak nito ang fried chicken nito.

Uminom muna ito ng tubig bago siya sinagot. “Oo, ahas talaga yun.”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. Yun lang? No further explanation? “It was a Ribbon Snake. They’re usually found in aquatic places like ponds, swamps, rivers and lakes. Usually to find their prey.” Dagdag nito.



Wow. Nanonood ba ito ng NatGeo always at alam niya kung anong uri ng ahas yun? “Is it poisonous?”

Ngumiti ito. “No. Snakes are not poisonous, love. They’re venomous.”

Kumunot ang noo niya. “Wait, iisa lang naman ang meaning nun diba?”

Umiling ito. “Nope. You can say something is poisonous when it is carrying the toxin externally like plants or some certain animals. Pero masasabi mong venomous ang isang hayop pag kinagat ka nito at pupunta sa bloodstream mo ang toxin nito. But you can swallow a venom anytime. Just as long as it doesn’t go to your bloodstream.”

Natulala siya sa sinabi nito. Talaga? All this time akala niya ay iisa lang ang kahulugan ng venomous at poisonous. Shets! When did he learn these kind of things? “I thought they have the same meaning.”

“No they don’t. But people use these terms interchangeably. I minored a subject in Botany when I was still in Harvard. I wanted to learn a few things about plants that’s why I knew the difference.” Sabi nito habang patuloy nitong pinagpiyestahan ang pangalawang fried chicken nito.



Oo nga pala. Suma Cum Laude nga pala ‘tong kausap ko. “Okay. I’ll rephrase my question. Are Ribbon Snakes venomous?”

“Nope. They are not. They usually feed on tadpoles, salamanders, frogs and small fishes. They’re harmless.” Subo pa din ito ng subo ng kanin.

Now she was fascinated by him. “Pano mo naman ‘to nalaman? Nag minor ka din ba sa Zoology?”

Umiling ito habang nakangiti sa kanya. “I read a book about snakes a year ago. Mahilig kasi ako sa mga libro kaya binilhan ako ni Krissy nun. She knew I was always interested in animals.”



Sayang. Hangang-hanga na sana ako sa kanya kung hindi niya lang sinabi ang pangalan ng Kristina na ‘yon. Tumango na lang siya bilang tugon dito. She didn’t want to hear stories about him accepting gifts from his past sweethearts. “She knew I was always interested in animals.” Ano pa kayang nalalaman ng Krissy na ‘yon tungkol kay Greg?

Hindi na niya ito kinausap hanggang sa natapos itong kumain. Nararamdaman na naman niyang bumabalik sa pagiging awkward ang atmosphere nilang dalawa kaya nag-volunteer siyang siya nalang ang magliligpit sa kanilang kinainan para mawala ang kanyang atensyon dito.

Nasa kalagitnaan na siya ng pag-punas ng lamesa ng bigla nitong hinubad ang suot nitong t-shirt at khaki shorts, leaving him nothing aside from his swimming trunks. What the hell was he doing? “Hoy Greg! Ano bang ginagawa mo?”

Inilagay nito sa bag ang mga damit at tiningnan siya. “Syempre hinubad yung mga damit ko. Maliligo ako eh.”

“Are you out of your mind? May ahas nga diyan sa—”

“I told you, it’s not venomous. Wala din namang ibang ahas dito kundi yun lang. It’s perfectly safe. Pero kung talagang concerned na concerned ka sa akin, why don’t you swim with me instead?” Asar nito sa kanya with his handsome grin. Shet memengs! Ang gwapo ng kumag, lalong-lalo na at halos wala na itong suot!

Napasimangot siya sa kanyang naisip. Nagiging pervert na nga ata siya pagkasama ito eh. Inirapan nalang niya ito at ipinagpatuloy ang ginagawang pag-punas ng lamesa. Pagkatapos niyang mag-imis ay umupo siya sa ugat ng punong kahoy at kinukunan ng litrato ang lugar… At syempre si Greg.

He looked very… Ay ewan! Lahat na ata ng adjectives na synonym ng handsome ay nagamit na niya. Does he find me pretty and sexy? Biglang tanong ng isipan niya. Oo nga naman, sa panahon na magkasama sila ni Greg ay hindi pa siya nakararamdam na para bang maganda siya o sexy para dito. Sinasabihan nga siya nito minsan pero alam niyang inaasar lang siya nito. Iba kasi ang taste ni Greg.

Ramp-model body na katulad ni Serena at maputi na katulad ni Kristina. Well, she wasn’t at all like them. She was more on the athletic-body side kasi nga hobby niya noon ang paglalangoy at dahil din niyan ay hindi siya maputi kagaya ni Kristina na kasing puti ni Kris Aquino.

Tiningnan niya ang mga litratong nakuha niya. The place was really majestic. Hinding-hindi na kailangang i-edit. Tiningnan niya ang isang litrato na nakatayo si Greg sa ilalim ng umaagos na tubig sa falls. Nasa buhok nito ang isang kamay na para bang sinusuklay nito ang basang buhok. Nakapikit ito at bahagyang nakabuka ang bibig.

Bakit ba hindi naging model ang isang ‘to? He was perfect! He’s height was probably in 5’10 or 5’11 at maganda din ang pangangatawan nito. Alam mong inaalagaan nito ang katawan dahil sa rubber-like muscles at 6 pack abs. Yes! Panibagong wallpaper sa laptop. Napangiti siya sa kanyang kahalayan at ibinalik ang atensyon sa kapaligiran.



Teka? Nasaan na ba yung kumag na ‘yon? Palinga-linga siya sa paligid pero hindi niya mahanap si Greg. What the hell? Tiningnan niya ang tubig kung saan lumalangoy si Greg kanina. Inilapag niya ang kanyang dslr at tinungo ang riverbank. “Greg?!” Tawag niya sa pangalan nito.

Ilang segundo din niyang hinintay ang sagot nito pero wala siyang narinig. Kinakabahan na siya at nagsimulang mag-alala. Nasa may bandang agusan ng tubig lang naman siya nakatayo kanina ah?

Hinubad niya ang kanyang sando at shorts. She was going after him kahit nanginginig ang tuhod niya sa takot na baka merong ahas na naman. Siguro nadulas ito kanina at nabagok ang ulo sa bato kaya nawalan ng malay at dumiretso sa ilalim ng tubig. The thought gave her shivers down her spine. Oh God, please no! Please!

“GREG?!” Tawag niya ulit sa pangalan nito, this time, louder. Nang wala siyang marinig na tugon ay nilangoy niya kaagad ang tubig. She went under and searched for his body. Buti nalang malinaw ang tubig at malinis kaya nakakakita siya ng maayos.

She went above water to get some air and then went under again. Wala talaga.  Puros bato at maliliit na isda lang ang kanyang nakikita, wala namang katawan. She went above water again. Saan kaya si Greg? Nilinga niya ang paligid pero hindi niya talaga makita kahit anino lang man nito.

She was about to cry dahil sa sobrang pag-alala ng biglang may humila ng paa niya sa ilalim ng tubig. She screamed at the top of her lungs at nilingon ang gagong humila ng paa niya. Alam niyang si Greg iyon dahil wala namang ibang taong may lakas loob na paglaruan siya kundi ito lang.

He emerged from the water with a stupid grin plastered at his face. Kung nakamamatay lang ang tinging ipinukol niya ay tiyak kanina pa ito palutang-lutang. “You bastard! Sana tuluyan ka nalang nalunod!”

She heard him laugh kaya dali-dali siyang tumalikod at lumangoy palayo dito. How could he make fun of her. Naiihi na nga siya sa takot at pag-alala para dito pero ito pa ang may ganang manakot sa kanya. Walang puso talaga. Narinig niyang tinatawag nito ang pangalan niya pero hindi niya ito nilingon. Manigas kang hudas ka.

She was so furious at him. Hindi niya alam pero talagang tumaas ang lahat ng dugo niya sa ulo. She just risked her life to save his ass tapos pagtatawanan lang siya? Hindi pa nga siya nakamove-on sa nangyari kaninang umaga eh heto naman at paglalaruan lang siya ng gagong ‘yon?

She was already half way ng biglang hinila nito ang braso niya. “Gaby, I’m sor—”

Hindi natapos ang sasabihin ni Greg dahil naunang dumapo ng kamay niya sa kanang pisngi nito. “Yan! Yan ang bagay sayo! Naluluha na nga ako sa sobrang takot para sayo eh pinagtatawanan mo lang pala ako sa kung san ka man nagtago! Oh ano, masaya ka na dahil naisahan mo ako?”

May sasabihin sana ito pero naunahan niya. “Don’t bother explaining! Di mo iniintindi ang mararamdaman ng ibang tao kundi ang sarili mong kaligayahan!”

Nakita niyang nanigas ang anyo nito at hindi na nagsalita. Mabilis niyang hinila ang kanyang braso na hawak parin nito at nagmamadaling umahon sa tubig. She was still furious para kay Greg at sa kanyang sarili. She didn’t actually planned to slap him in the face pero nadala lang siguro siya sa kanyang galit para dito.

She smiled bitterly. What a perfect way to end the day.

-

Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi parin nakakauwi si Greg. Natapos nalang niyang panoorin ang The Vow at Dear John ay wala pa din atang balak umuwi ang mokong.

Nang umuwi sila kanina galing sa Hagimit Falls ay naka-abang sa bahay ni Greg si Mang Rossor. Sabi nito ay meron daw itong nakitang patay na pugita sa may bandang kanluran ng isla. Kulang daw ang isang tao para kargahin iyon kaya humihingi ito ng tulong kay Greg.

Di naman nag dalawang isip si Greg kaya umalis kaagad ito kasama si Mang Rossor. Gusto niya sanang sumama pero nagagalit parin siya at that time kay Greg kaya mas nanaig ang pride niyang magpaiwan. Sayang di tuloy ako nakakita ng octopus.

Tumayo siya at pumunta sa kusina para ipasok sa loob ng ref ang niluto niyang tinolang manok. Tiyak siyang nakakain na ng hapunan si Greg sa bahay nila Mang Rossor.

She decided to cook something for Greg that night as her reconciliation. Alam niyang nagover-react siya kanina sa pagsampal dito. Pero talagang nadala lang siya sa kanyang emosyon kaya niya iyon nagawa.

Ayaw niyang matapos ang gabi na iyon na hindi parin sila nagkakaayos ni Greg.

Tiningnan niya ang orasan. It was already 11:10pm at wala parin ito. She sighed deeply and decided to take a bath instead. Siguro ay talagang nagalit ito sa pagoover-react niya kanina kaya hindi ito uuwi ngayong gabi. Nalungkot siya sa kanyang naisip. Ni hindi niya lang man talaga binigyan ito ng pagkakataong magpaliwanag.

Nang matapos siyang maligo ay 11:31pm na. Wow ha? Masyadong malaki ba talaga ang pugita na ‘yon kaya hanggang ngayon ay hindi parin nila natapos kargahin?

Inaantok na siya sa kakahintay. Babalik na naman sana siya sa sala para manood ulit ng telebisyon nang may naisip siyang ideya. Pupunta nalang ako sa kwarto ni Greg! She was excited by the idea. Ever since kasing nakatapak sila sa bahay na iyon ay hindi pa siya nakapasok sa loob ng kwarto ng kanyang asawa. Ayaw naman niyang pumasok doon pag meron ito dahil baka kung ano ang iisipin.

Pag-pihit niya sa doorknob ay hindi iyon naka-lock kaya pumasok kaagad siya. It was.. well, a typical man’s room. Kulay Prussian blue at white ang interior ng kwarto nito. Walang mga dekorasyon at talagang plain and simple. Di katulad ng kwarto niyang flowers ang wallpaper at may mga frames na nakasabit sa dingding.

Here… It was just purely male. Maliban sa isang lampshade na katabi ng kama, isang malaking cabinet, isang maliit na mesa katabi ng isang settee sa sulok ay wala nang ibang makikita pang gamit doon. Malinis din ang kwarto nito and she can smell Greg’s fragrance dwelling in the room. Mmm. Ang bango.

She turned on the air-condition at sumampa sa kama. It was comfortable like her bed but this one was a bit bigger compared to hers. Apat din ang unan nito samantalang tatlo lang ang sa kanya.

Umayos siya ng pagkakahiga at tiningnan ang orasan na nakasabit sa likuran ng pintuan. It was already 11:36pm. Matutulog nga muna ako kahit saglit lang, mga five minutes. She closed her eyes and breathed his scent at the pillows. Feel niya tuloy ay katabi niya lang ito.




Continue Reading

You'll Also Like

253K 21.5K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...