Clash of CLANS 3: Battle Betw...

By bRezyLian62

5.6K 392 109

PAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kw... More

Clash of CLANS Season 3
Chapter 1 Simula
Chapter 2 The Ring
Chapter 3 SIDE STORY 1:Deathmetal Adventure
Chapter 4 The wedding
Chapter 5 The Call
Chapter 7 Side Story 2: Members on Cue
Chapter 8 Aya
Chapter 9 Costume
Chapter 10 Mislead
Chapter 11 Fairy Godfather
Chapter 12 Girl In White
Chapter 13 Hold
Chapter 14 Darkness
Chapter 15 Darkness 2
Chapter 16 Tears
Chapter 17 Dream
Chapter 18 Conflict
Chapter 19 Mourning
Chapter 20 Breath
Chapter 21 Angel
Chapter 22 The Fight
Chapter 23 Confession
Chapter 24 Nightmares
Chapter 25 Breakfast
Chapter 26 Hush-hush

Chapter 6 The Kiss

205 20 2
By bRezyLian62

Chapter 6 The Kiss


***MEG POV***

ILANG ulit kong kinusot ang aking mga mata para mawala ang antok ko. Marahil dahil sa pagod at sa pangit na panaginip na dumadalaw sa akin gabi-gabi.


Sa hindi ko malamang kadahilanan. Lagi akong ginagambala ng batang babae. Gusto raw niyang makipaglaro sa akin. Minsan nga umiiyak ito at sinasabi na kailan daw ba ako tutupad sa pangako ko, na malay ko naman kung ano.


Dati-rati, panaka-naka lang siyang sumusulpot sa panaginip ko, ngayon parang araw-araw na. Hindi ko naman siya kilala. Kaya heto ako ngayon, kulang sa tulog. Buti na lang hindi ako dinalaw ng batang iyon ngayon. Kahit papaano naging maayos ang pag-idlip ko ngayong araw.


Nasa garden daw ako tapos maraming nakatitig sa akin. Katabi ko yung lalaking gusto ko. Mali, mahal pala. Nagpakasal daw kaming dalawa, tapos kapwa kami nag-I-do sa isa't isa.


Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang malungkot na ngiti. Sa panaginip lang may happy ending dahil sa totoong buhay ay walang ganoon. Hindi lahat masaya at hindi lahat ay may magandang katapusan.


Hindi lahat ng relasyon ay nagtatagal. May masisira at sisira nito kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao. Kung ayaw ng tadhana na maging kayo, wala kang magagawa. Kagaya na lang nang nangyari sa akin. Nauwi sa hiwalayan ang sa amin ni Brendon. Ngayon batid ko na galit siya sa akin. Baka nga kinamumuhian na niya ako.


Gustuhin ko mang bawiin ang mga sinabi ko nang gabing iyon, ukol sa pakikipaghiwalay ko sa kanya. Ngunit hindi na maaari dahil nakipagkasundo na ako sa magiging fiance niya. Kahit naman ipaglaban ko siya, talo pa rin ako. Dalawang babae ang kalaban ako, si Nathalie na siyang nakatakda niyang mapangasawa at si Aya na first love niya.


Sa mga naiisip muli akong nakaramdam ng hinagpis. Ang bawat sulok ng mga mata ko ay nagsisimula nang humapdi.


Okay lang na ganito. Ayos lang sa akin na masaktan basta ba maging masaya lang si Brendon sa piling ng babaeng sunod niyang mamahalin.


Ako, patuloy ko siyang mamahalin kahit nasa malayo lang. Kahit na hindi niya alam.


Kagat ang ibabang labi na iminulat ko ang aking mga mata. Kailangan kong yakapin ang reyalidad na sa panaginip ko lang makakasama si Brendon at hindi sa totoong buhay.


Tss! Ang drama ko na!


Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang aking sarili. Hindi ito ang tamang sandali upang magmukmok. Kailangan kong ngumiti upang itago ang nararamdaman kong pighati. Ayaw kong maapektuhan ang mga kasamahan ko sa clan. Lalo na ang mama ko.


Lupaypay ang utak at katawan na sinulyapan ko ang kisame. Ang kulay purple na pintura ang agad na sumalubong sa akin. Kahit saan ko ilibot ang aking mga mata, ganitong kulay lang ang sumasalubong sa akin. May kulay din na medyo mapusyaw pero ganoon pa rin ang kinalabasan. Purple pa rin siya.


Ewan, tila ba malamig ito sa mga mata. Na tila, ang lahat ng dinaramdam ko ay nilalamon ng lupa at unti-unting nawawala.


Nasaan ba ako?


Gamit ang kanan kong kamay, kinamot ko ang mukha ko. Wala akong pimples ngayon pero nangangati lang talaga siya, baka may kumagat lang sa aking lamok.


Buti pa ang lamok. May ganang kagatin ako pero ang lalaking iyon...


Mariin akong umiling. Hindi ko bet na makagat ni Brendon. Tiyak na magkakalasug-lasog ang balat ko. Galit yun sa amin e.


Marahas akong bumuga ng hangin habang inililipat ang daliri ko sa noo ko. Nag-isang guhit iyon bigla. May kakaiba kasi akong nararamdaman.


Bakit parang ang weird? Ang bigat ng kamay ko tapos medyo masakit, na parang may humihila na malamig at mabigat na bagay.


Pasimple ko itong hinila nang hindi ito sinusulyapan. Mabigat talaga. Dahil sa labis na kuryusidad naitaas ko ito nang hindi oras at pinatitigan iyon ng maigi.


Maliban sa kamay ko, may isa pa akong nakikitang kamay. Itinaas ko ang kaliwang bahagi para makasigurado. Tatlong kamay ang nakikita ko.


"Bakit naging tatlo?"


Loading...


Loading...


Loading...


"Let us go!"


Nalipat ang mga mata ko sa pinanggalingan ng sigaw. May isang babae akong nakita na nagwawala. Nakasuot ito ng kulay pink na bestida. May tali ang kanyang buhok kaya makikita mo ang mapuputi niyang balikat. Hawak siya ng di-kilalang kalalakihan na nakasuot ng itim na tuxedo. Nasa likod naman ng babae si Deathmetal na siyang clanmate ko.


Teka!


Walang anumang ibinaba ko ang aking mga kamay saka dilat na dilat na napatitig sa malalamig na bakal, na nakaharang sa tanawin. May mga gap ito kaya naman maaari mong ilabas ang kamay o paa mo. Tanging iyon lang at hindi ang katawan dahil tiyak na mapipiga ka sa labis na kasikipan.


"Bakit may rehas?" Hindi matigil sa pagkakakunot ang noo ko.


"Maawa ka na sa akin! Hindi ko talaga siya kayang pakasalan!" Patuloy na sigaw ng babae, na hindi pinansin ni Deathmetal dahil abala siya sa sa pagbukas ng kandado nitong kulungan.


Wala sa clanmate ko ang aking atensiyon kundi sa sinabi ng babae.


Kasal daw!


Sa hindi ko malamang kadahilanan, pinanlamigan ako ng husto.


May mali yata dito!


"Tapos ikukulong mo pa ako dito? Hustisya naman sa na-shot gun wedding!" Hinawakan ng babae ang rehas para hindi siya makapasok sa loob.


"Sakit ka sa ulo Maricar." Saglit na hinilot ni Deathmetal ang kanyang noo. Sunod, kanyang binalingan ang dalawang goons na naka-tuxedo at tinuro ang katabi ng babae na cool na cool lang na tumatayo. May pahikab-hikab pa nga itong nalalaman. "Papasukin mo na sila."


"Ano ba ang nangyayari dito?" Kabado kong tanong sa sarili.


May bakal din akong nakikita na nakatali sa kamay nilang dalawa.


"P-Posas?" Sa labis na pagkabigla, napahawak ako sa binti ko. Ang kakaiba sa lahat. Hindi ko na ito maramdaman. Namamanhid siya. Marahil nang dahil sa labis na pagkagulat.


"Let us out Erwin!"


"I'm so sorry Maricar. Kung kiniss mo lang sana si Fernan, hindi ka na mamomroblema ngayon." Wika ni Deathmetal.


Kiss?


Dinig at ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso.


"Ayoko sa kanya!" Nakataas ang kilay na sinulyapan ng babaeng nagngangalang Maricar, ang katabing lalaki na tila, tuwang-tuwa pa sa pagkakasama nilang dalawa.


"Isa din naman siya sa mga heartthrob ng School, bakit ang choosy mo pa?"


Hindi ko napigil ang sarili na panlamigan ng husto. May mali yata dito. Lalo na sa kinalalagyan ko ngayon.


"I don't like him and I will never like him." Tumulis ang nguso ng babae.


"Baka lamunin mo 'yang sinasabi mo Maricar." Bilang inakbayan ng lalaki ang babae na ubod ng pula ang mukha.


"Let go off me, you moron!" Isang pamatay na siko naman ang iginanti ng huli ngunit nakaiwas ang lalaki. Kaya naman isang malakas na sipa ang nagawa ng babae. Sa pagkakataong ito, tumama na, dahilan para mapatalon ang lalaki. Hindi siguro alintana ang malamig na bakal na nakagapos sa magkabila nilang kamay kaya nahila nito ang kabangayan.


Parang eksena lang sa Korean movie ang natunghayan ko. Tila nga-slow-motion ang bawat eksena. Kung paano maagap na sinalo ng lalaki ang babae. Dahil sa na-out of balance ito, tumama ang labi nila sa isa't isa.


They kiss!


"Congratulations, you are free to leave the love cell, Mr. and Mrs. Monteverde." Masayang anunsiyo ni Deathmetal habang yung babae, tulalang sinasabunutan ang sarili.


"Love cell," nanghihinang anas ko.


Kakatwa lamang dahil biglang nag-echo sa magkabilang tainga ko ang nakaririnding boses..


"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong magiging kabiyak? Sa hirap man o ginhawa? Sa kalungkutan man o kasiyahan? Kahit paghiwalayin man kayo ng kamatayan?"


Hindi ito isang panaginip!


Lihim kong nalunok ang laway ko. Sa katunayan napisil ko ang sarili kong binti na labis-labis ang pangmamanhid.


"Ouch!" boses iyon ng isa na namang lalaki.


Ang lahat ng dugo ko sa katawan, gusto yatang magsialisan. May katangahan yata akong nagawa ngayong araw.


"You... Do you accept this girl as your lawfully wedded wife? For richer or for poorer?"


Tila isang robot na inikot ko ang eyeballs ko pababa. Bakit ko ba nakalimutan ang napakaimportanting bagay. Wala ako sa bahay. Hindi ako nakalaya sa kasal-kasalan na iyon dahil sa hindi ito natuloy kaya naman kulungan ang bagsak naming dalawa. Dahil sa isang kadahilanan. Hindi ako magawang halikan ng masungit na iyon, na mukhang katabi ko pa rin ng mga sandaling ito.


"I now pronounce you, husband and wife."


Pinawisan ako ng ubod ng lapot habang unti-unting ibinababa ang aking paningin patungo sa binti na kanina ko pa pinipisil, na mukhang hindi pala akin.


Sunod sa itaas naman. Kung kanina malaki na ang mga mata ko, hindi ko inakala na mas may ilalaki pa ito. Dahil sinalubong ng puyat at haggard kong pagmumukha ang madilim na anyo ni Brendon, na mukhang naiinis sa nagawa ko ngayon-ngayon lang.


"What a scene. Mr. and Mrs, Smith." anang nanunuksong tinig ni Deathmetal.


Palipat-lipat ang mga mata ko sa blangkong mukha ni Brendon papunta sa binti niya. Kung totoosin naka-anim na palipat-lipat ako hanggang sa naunawaan ko ang kabaliwan ko. Hi-na-rass ko siya.


"S-Sorry." Dagli kong inilayo ang maharot kong kamay at mukhang napalakas ang hila ko. Dahil hindi ko naisip na may posas pa lang nakatali sa amin. Kagaya ng scene kanina, nahila ko si Brendon. At napunta ang bigat niya sa akin. Sa takot na madaganan at mahalikan din, napapikit ako nang hindi oras.


Goodbye Philippine, goodbye world. Mabubukulan na ako!


Expected ko na, na tatama ang ulo ko sa semento ngunit sa tinagal-tagal ng pikitang ito, walang ni kaunting sakit akong naramdaman sa ulo ko.


"Are you okay?"


Paisa-isa kong iminulat ang mga mata ko. Sumalubong sa aking paningin ang pawisang si Brendon. Titig na titig sa akin ang mga mata niyang may bahid ng pag-aalala? O baka naman, namamalikmata lang ako. Imposible na mag-alala siya sa akin.


"O-oo." May kabagalang tumango ako.


"Bakit ba napaka-clumsy mo?" mahinang angal niya na dinig na dinig ko.


Gusto kong magalit at magtampo sa panlalait niya. Ngunit wala naman akong karapatan. Sino ba naman ako sa kanya?


"S-Sorry."


Hindi na siya nagsalita pa. Sa halip inalalayan niya akong bumangon.


"Darn! So slow!" boses iyon ni Deathmetal.


Kaunti na lang, makakalayas na ako sa semento. Ngunit kung saan nakakaupo na ako saka pa ako napahigang muli sa malamig na sahig. Kagagawan iyon ni Deathmetal na nakita kong tinulak si Brendon.


Malaking pasasalamat ko sa mabilis na reflexes ni Brendon. Hindi ako nabukulan.


"Darn!" nanlilisik ang mga matang sabi ni Brendon.


Napapiksi ako sa labis na pagkagulat. Bakit niya ako sinisigawan? Inosente kaya ako dito.


"What the heck are you trying to do Erwin?" ani Brendon, bumaling sa pasaway kong ka-clanmate.


Hindi pala ako yun!


"Hey, Brendon Miguel Smith." Bored na sinulyapan kami ni Deathmetal. Sa akin naiwan ang mga mata niya. "Meg Ryan Alonte."


"B-Bakit?" kinakabahang tanong ko. Gusto ko sanang bumangon ng mag-isa ngunit nasa ibabaw ko pa si Brendon. Ang kamay naman niya ay nakaalalay sa ulo ko. In total, ginawa ko iyong unan.


"May dugo sa ulo ninyong dalawa."


"What?"


"Ha?"


Halos sabay naming tanong ni Brendon sa kanya.


"Ang sabi ko, may dugo sa ulo ninyong dalawa. Tingnan niyo kaya."


Walang anumang napatingin ako kay Brendon. Mukhang sabay din kaming napatitig sa isa't isa.


"Wala naman a-"


LUB DUB


LUB DUB


Hindi ko na nagawang tapusin ang nais kong sabihin. Abala ang mga mata ko sa panlalaki dahil sa labis na pagkagulat. Kahit ang puso ko, nakikisama sa malakas at nakakawindang na eksenang ito.


LUB DUB


Ang malambot niyang balat ay lumanding sa labi ko. Hindi normal na balat dahil labi niya iyon.


LUB DUB


Dilat na dilat ang mga mata ko. Kahit si Brendon ay ganoon din naman. Magkapareho lang kami ng reaksiyon. Natutulala. Walang ni isa sa amin ang nakakilos. Magkahinang pa rin ang labi naming dalawa.


Kung panaginip man ito, pwedeng huwag na ninyo akong gisingin? O mukhang kailangan kong magpagising para hindi ako mabaliw sa nakakahimatay at nakakabaliw na eksenang ito.


"Finally the two of you kiss." ani Deathmetal, ramdam ko ang kasiyahan sa kanyang boses.


Doon lang lumayo sa akin si Brendon. Masyadong blangko ang kanyang anyo. Wala akong mabasa doon. Ang tanging nakikita ko lang ay ang tainga niya na ubod ng pula.


"Congratulation, the two of you are free to leave the love cell." Baon ni Deathmetal, ang nakaloloko nitong ngiti habang binubuwal ang posas. Ako ang inuna ng lalaking ito. Sunod ay si Brendon na agad na umalis nang hindi man lang ako nililingon.


"Brend, my friend. May ibebenta nga pala ako sayo!" sigaw ni Deathmetal, sinunod siya at inakbayan.


Alam ko ang ginawang pagtulak ng ka-clanmate ko sa ulo ni Brendon. Kaya nangyari yun. May kabagalang naglakad na ako palabas.


Blangko ang pakiramdam ko, sa tuwing maaalala ang malamig na anyo ni Brendon kanina. Galit siya sa akin. Marahil nasusuka siya. Sino ba ang matutuwa? Hindi niya ginusto ang lahat.


Nakayuko at kagat ang ibabang labi na nagtungo ako sa tambayan ng RDRC. Hindi ko napigil ang pag-alpas ng luha ko habang tinatahak ang kinaroroonan niyon. Masakit. Nasasaktan ako. Sobra.

***END OF MEG POV***


AN:/// Sorry for late UD. Expired na pala ang load ng wifi ng mama ko ng nakaraang araw kaya hindi ako naka-UD kagaya ng naipangako ko. BTW, pagpasensiyahan niyo na ang kadramahan ni Meg. Nahawa yata sa pagiging bigo ko.

P.S. Hihi, keep on voting po. Nakaka-engganyo kasi kapag may votes. Hehe. Thanks.

Ps. ulit, hindi ba kayo curious kay Deathmetal kung bakit hinabol niya si Brendon? Abangan sa susunod na kabanata. May na-capture 'yan na maganda. *winks*


Continue Reading

You'll Also Like

78.4K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
14K 826 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...