The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♕7

71.3K 750 49
By kellylee0101

SAM

I stomp my feet as hard as I could to let out my frustration. Seryoso ba talaga ako na inisip kong ginawa niya ‘yun kagabi?! Nakakainis. Ang lakas ng trip ng tao na ‘yun. For sure isa lang sa mga prank niya ‘yun para asarin ako at ang masaklap sa lahat sumakay ako. Badtrip.

I stepped in inside the library to get some books to calm my nerve. Grabe hindi talaga ako makapaniwala na napasakay niya ako sa mga kalokohan niya.

Matapos kong humiram ng ilang libro ay dumiretso na ako sa destination ko.

Moments later, pumasok si Mike na may dala-dalang coffee. “Hi Sam..” Bati niya matapos niyang maupo sa tapat ko sa loob ng brainy club office. “Coffee for you.” He added as he placed the cup of freshly blended creamy white coffee in front of me.

“Thanks. I so needed this now.” I smiled as I take a sip. “Hassle noh? Pati Sunday may pasok tayo..”

“Oo nga eh, pero okay lang kesa magahol tayo sa pagpe-prepare para sa festival.” He smiled reassuringly.

“Sabagay may point ka.” Maikling sagot ko.

“Ah—Sam?” May halong pag-aalinlangang tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. “Huh? Yes?” Nagtataka kong tugon.

“Si Padilla—ay si Chase. Magkakilala kayo?” ‘Yung pagkakatanong niya alam mong nag-iingat siya sa mga bibitiwan niyang salita.

Napaismid ako. “What? That gangster?! Of course not! Bakit mo natanong?”

He let out a sigh. “Well apparently, you and he were the talk of the town. Kanina pagpasok ko everyone was on craze. Gusto nilang malaman kung anong meron kayong dalawa.”

Buti na lang at kaming dalawa pa lang ang laman ng office kundi panigurado pati ‘yung iba nakikisawsaw na, mahirap talaga kapag President at Vice President ng club dahil kailangan 20 minutes ahead kang dadating sa mga member mo; akalain mo minsan pala may advantage din ang pagiging early comer. Naasar akong napangiti sa kanya. “Kaming dalawa?! Are they joking? Walang kaming dalawa.”

Natawa siya ng bahagya. “Well ang sabi nila nakita kayo kaninang umaga na magkasama at nagtatalo kaya ayun, gossip spread na may secret relationship kayong dalawa.”

I bit my lower lip. Kitams? Kaya ayokong kakausapin ako ng gangster na ‘yun dahil sa ganitong mga walang kwentang issue. “Relationship? Wow big word! You know na hindi ako papasok sa relationship as long as nag-aaral ako at lalo nang hindi ako makikipagrelasyon sa gangster na ‘yun.”

“I know. Pero narinig ko lang naman. Ano ba kasing pinagtatalunan niyo?” Kunot noong tanong niya.

I sighed heavily. I can’t believe na sa loob lang ng ilang minuto ang tahimik kong mundo magugulo. “Well, he pulled up a prank on me last night and galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya and then he came to me kaninang umaga to explain when the truth is..there’s nothing to explain.” I said as I shook my head.

“So magkasama kayo kagabi?”

Nagtaas ako ng kilay. “Technically yes—but for tutoring purposes. You see, kinuha kasi ako ng Mama niya to tutor him and dahil one time umabsent  ako nakaisip siya na gantihan ako ng isang napaka-childish yet pervy act.”

“Pervy act?” Mike.

“’Wag na nating pag-usapan kung ano ‘mang act ‘yun dahil nababaliw lang ako sa kakaisip.” Napailing ako dahil naalala ko na naman na naloko niya ako. Kaynis.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mike nagsimula namang magdatingan ang mga members namin kaya nagsimula na agad ang meeting. Mabilis naman na dumaan ang Sunday ko pero hanggang sa pag-uwi ko ilang death glares ang natanggap ko galing sa mga fan girls ni Chase. Hindi ko na lang sila pinansin dahil kapag ginawa ko ‘yun lalaki lang ang gulo at mas lalong baka isipin nila may something nga kami ni Chase.

‘Something’ my face.

____

CHASE

MONDAY

“Hi tutor? Welcome to my crib!” Salubong ko sa kanya with open arms pa.

Napangiwi siya as a response. “Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa welcome mo.”

“Bakit? Masaya nga eh.” Naglakad na kami sa unit ko habang pinauna ko siyang pumasok.

Lumingon siya sakin habang nakatingin ng masama. “Ikaw masaya, ako hindi. Crib mong bastos bagay sa may-ari.”

Ngumiti naman ako ng nakakaloko. “Eh-Green minded ka lang kasi.”

Mataas ang boses niyang sumagot sakin, halatang nagsisimula na siyang mainis. “Wow ha? What a total shocker especially coming from you na ako pa talaga ang green minded sating dalawa.”

I just shrugged my shoulder tapos nagpauna akong lumakad sa couch at humilata.

“Ah basta! Ayoko nang isipin ang lahat..” Si Sam. Nakatayo lang sa harap ko na napapadyak pa.

“I’m so touched, iniisip mo rin pala ko.” Napahawak sa dibdib na sagot ko. Kunwari touch na touch ako.

“Stop daydreaming gangster. Iniisip ko lang kung paano ka papahirapan.”

“Then iniisip mo nga ako.” Ngiting asong sagot ko.

Napa-face palm naman si Sam bago sumagot. “I give up. Ayokong makipagtalo sa makitid mong utak.” Pagkababa niya ng bag niya agad siyang pumasok sa kwarto ko at nag-ikot sa ibang parte ng bahay ko.

“Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?” I asked. Nag-abot ang mga kilay ko dahil sa sobrang pagtataka dahil sa kinikilos niya.

“Checking your place out? Hindi ba obvious?”

“At bakit?”

“Kasi nakaka-trauma ‘yung unit mo tyaka baka mamaya may surprise ka na naman sakin na ikaiinit ng ulo ko. Baka may nakatagong babae na naman dyan at magmamasahihan na naman kayo.”

Umayos ako ng upo habang sinusuri ang mukha niya. “Don’t be jealous. Solo mo ko ngayong gabi.” Sabay wink ko sa kanya.

Umarte naman siya na parang nasusuka sabay poker face na sumagot sakin. “Adik ka? Why would I be? Seryoso ka? A gangster like you? Me? Jealous? You’re too way out of my league.”

“Defensive. Oo alam ko dahil I’m too hot and too handsome for you to handle?”

 “Jerk. Nah..’coz you’re too gangster to handle. Besides, sinong babae ang magta-tiyaga sa isang chikboy na gaya mo?”

“Uhm—the answer is pretty much obvious.. MARAMI.” I gave her a wicked smile.

“Oo nga’t marami sila pero can they really handle an air head like you? Kaya nga kaya nilang tagalan ang kayabangan at pagiging playboy mo?”

“Hindi ko naman kailangan ng seryosong relasyon e. ‘Yung iba-ibang playmate lang masaya na ko.”

“Yuuuck. Are you some kind of a maniac?” She spoke gravely.

“Maniac your face. Gusto mong mamatay?” I gave her a death glare as a response.

“You think natatakot ako sayo? Seryoso—ilang babae na ba ang naikama mo?” Walang kurap-kurap at atubiling tanong niya.

“’Wag mo nang alamin at baka magselos ka pa.” Mapang-asar kong tugon.

“Baliw ka na. Have you ever been to a hospital? You should have yourself checked, playboy.”

“Are you trying to imply na baka may AIDS na ko?” Naiinis na tonong sagot ko.

“Well..” She folded her arms and she gave me a shoulder lift.

“Aba at—hoy amazona maingat akong tao! Gusto mong patayin ako ng Mama ko kapag nalaman niyang nagkasakit ako dahil sa kapabayaan ko?”

“Sabagay, pro ka na sa mga ganyang bagay. Pervert!”

“Hindi ‘yun pagiging pervert, ang tawag dun pag-eenjoy.”

“Enjoy? Haha nakatawa. Alam mo kasi—Hindi porke chikboy ka, gwapo ka na. Mas gwapo pa din ‘yung lalaking marunong makuntento sa isa."

“Wow.. look who’s talking. Akala mo naman may experience ka na.”

“Hindi kailangan ng experience para malaman ang tama at mali. Maturity lang ayos na.”

Hinding hindi talaga nagpapatalo ‘tong babae na ‘to kahit kelan. Makakalbo ako ng maaga kapag lagi akong makikipagtalo sa kanya pero anong magagawa ko eh sa natutuwa akong inaasar siya at lalong natutuwa ako sa mga witty yet sarkastikong mga sagot niya. 

Naaaliw ako sa kanya kapag pinapamukha niya sakin kung gaano ako ka-gangster, kung gaano ako kayabang at lalong kung gaano siya naaasar sakin. I find pleasure in her every hurtful word. Wirdo ‘man pakinggan pero totoo. ‘Yung simpleng pakikipagbatuhan niya lang sakin ng asaran nabubuo na ang araw ko.

“Hoy bakit ka nakangiti dyan?” Naantalang pag-iisip ko ng sipain niya ang paa ko.

“Wala.”

Umiling lang siya sabay nag-simula na kami sa lessons namin para ngayong gabi.

____

TUESDAY

BREAK TIME

As usual boring na naman ang klase kaya ngayon pa lang nag-iisip na ko kung saan ako pupunta sakaling mag-ditch ako at mag-cutting. Nag-hihikab pa akong nakaupo sa pwesto namin nang biglang dumadating si Sam kasama si Krystal at Steph.

Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa pumila sila at umorder ng pagkain. Naunang maupo ‘yung dalawa niyang kasama sa table na malapit samin kaya nakahanap ako ng chance na lapitan si Sam at asarin. Nagmamadaling lumapit ako sa kanya mula sa likod niya.

“Amazona!” Sigaw ko nang makalapit ako sa kanya.

Nagulat naman siyang napatindig habang hawak-hawak ang tray ng pagkain niya. Hindi siya kumikibo at stable lang na nakatayo. Lumipat ako sa unahan niya para pagmasdan ang mukha niya. Napatakip pa ako ng bibig bago tumawa. “Hehe. Ang sagwa ng mukha mo kapag nagugulat! Panget panget mukhang galit na buwaya!” Mapang-asar na tugon ko sa kanya.

Napatingin saming dalawa ang lahat ng tao sa canteen kaya biglang nagsimula na ang bulungan. 

“Baliw ka ba?!!” Nakasigaw na sagot niya. Ilang segundo pa ang lumipas nang tiningnan niya ako ng mata sa mata pero wala siyang reaksyon. “FYI lang utak hangin na gangster, ang childish ng tukso mo baka pwedeng tindihan mo naman ng konte para maapektuhan ako.”

Umiling ako. “Pogi lang pero hindi baliw. Tulungan na kita sa dala mo?” I offered her my sincere help. Hindi ko na pinansin ‘yung second note niyang childish ako dahil wala akong pakialam.

“Kaya ko na ‘to.” Ismid niya sabay napatingin siya sa paligid niya. “Talaga bang dapat gumagawa ka pa ng eksena para asarin ako sa harap ng maraming tao? Diba sabi ko sayo ‘wag na ‘wag mo kong kakausapin kapag nasa school tayo? Ipapahamak mo lang ako sa ginagawa mo.” Bulong niya.

“I was just trying to be nice.” Malokong sagot ko.

“Well.. hindi nagwo-work. Tumabi ka nga bago pa ko makuyog ng mga fan girls mo.”

Sumunod siyang naglakad papunta sa pwesto nila Krystal na nagulat din sa nangyayari.

____

SAM

“What was that? Magkakilala kayo ni Chase?” Tanong ni Krystal nang maupo ako sa tabi nila. Halata mong gulat na gulat at hindi sila makapaniwala sa nakita nila.

“What?! No!” Malakas na sagot ko.

“Eh ano ‘yun kung hindi kayo magkakilala?” Mabuti pa ‘tong si Steph kalmado lang magtanong.

“Wala. Anong ano ‘yun? Wala ‘yun. Para naman na hindi niyo kilala ‘yung gangster na ‘yun, mahilig mambully.” Ako.

“Well sa tingin ko hindi ka naman niya binubully.” Sagot ni Krystal na para bang may laman ang mga sinasabi.

“Hindi ba pambubully ang tawag dun? Teka—bakit ba siya ang kinakampihan mo? Sino bang kaibigan mo dito? Ako diba?” Naituro ko pa ang mukha ko sa asar.

“Ayan na naman siya..” Nakayukong sagot ni Steph na iniiwasan na ipahalata na may sinasabi siya at binibigyan kami ng babala.

Napalingon ako sa kanya nang huminto siya sa likod ko. Sabay napanganga ako ng bumaba siya sa lebel ko sabay bulong nang— “Naiwan mo kagabi.” Tapos kumindat siya.

Napatingin ako sa palad ko at nakita ang spare keycard ng bahay niya. Nag-panic ako kaya naibulsa ko kaagad nang inabot niya nang makaalis siya.

“Anong sabi tyaka ano ‘yung inabot niya?” Mausisang tanong ni Krystal.

Bwisit talaga nung lalaki na ‘yun, ipapahamak talaga ako. Nakakainis. Talaga bang hindi niya naiintindihan ang salitang ‘wag akong pansinin kapag nasa school kami? Nakakakulo ng dugo. Ang tanga tanga ko naman kasi kagabi at naiwan ko sa unit niya ‘yung spare key. Kaynis.  Tyaka pwede naman niyang iabot mamaya pagpunta ko ng bahay niya, bakit ngayon pa? Haist. Halata mong nananadya. “Ah—wa-wala. Nagtatanong lang kung masarap ‘yung f-food.” Nauutal na sagot ko.

Hinayaan na lang nila ang nangyari kaya ganun din ang ginawa ko. Lagot ka sakin mamayang gangster ka, papahirapan kita sa lesson natin!

 ____

Pauwi na kami pero hindi pa rin ako tinitigilan ng mga classmates ko ng mga tanong. Pati ibang sections lumilipat pa kanina para lang sa mga walang kwentang questions nila. Dumoble bigla ang popularity ko dahil sa gangster na ‘yun. Oo nga’t kilala ako noon sa pagiging matalino, cheer leader, at vp ng club pero ngayon nadagdagan na dahil sa kilala ako ni Chase. Hindi ko alam kung positive sign ‘yun pero mas malakas ang kutob ko na negative things ang mas mangingibabaw.

Hindi lang basta naging ka-good ako ng lahat dahil ang dating tahimik na mundo ko nagugulo na ng fan girls ng mayabang na lalaki na ‘yun. Ilang masasamang tingin ang natatanggap ko pero hindi sila gumagawa ng aksyon lalo na kapag si Chase ang involve kung ayaw nilang mawala sa mundo. Oo, ganun kalaki ang takot nilang lahat sa kanya pero pwera sakin.

Well, hindi din naman ako natatakot sa mga fan girls niya dahil walang sino ang may nagbalak na kumalaban sakin dahil mataray ako. Kahit papaano kaya ko naman na ipagtanggol ang sarili ko.

Naglalakad kami palabas ng school nina Steph at Krystal ng magkakaakbay nang may nakita kaming pinagkakaguluhan ng mga babae sa harap ng school kaya nakilapit kami. Nakisiksik kami hanggang makarating kami sa gitna nilang lahat. Sobrang daming tao.

Sa kabila ng chaotic na atmosphere dahil sa lakas ng tilian nilang lahat isang pangalan ang umalingawngaw kaya natahimik kaming lahat.

Bigla kasing may tumawag sa pangalan ko kaya napahinto kaming tatlo at nagkatinginan. Lahat din ng babaeng kasama naming nakikigulo napalingon samin.

"Sam?" Ulit nung nagsalita.

Napatingin kaming lahat sa lalaking nakasandal sa pader. Natatakpan ng bahagya ‘yung mukha niya dahil naka-cap siya tapos nakayuko pa siya. Siya ‘yung pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Ako?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo ako sa sarili ko. Nahati ang mga tao kaya nakadaan ako papalapit sa kanya isama mo pa ang panunulak ng mga kaibigan ko.

Nang makalapit ako sa tapat niya iniangat niya ng dahan-dahan ‘yung ulo niya at ngumiti sakin.

..

..

...

..

..

..

..

"KIEL?!!!!" Gulat na gulat kong sigaw sa kanya.

 ****

Continue Reading

You'll Also Like

55.1K 2.6K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
96.9K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
13.4K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
11.7K 428 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...