Lost and Found

Від peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. Більше

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 23

5.6K 263 128
Від peachxvision

Is this the real life?

Is this just fantasy?

Mama . . . mamamatay na ako sa saya.

Kung puwede lang gawing background music ang "Bohemian Rhapsody" ng Queen ngayon, ginawa ko na.

Andoon pa rin yung takot pero mas nangingibabaw yung kilig at yung panghihina—panghihina dahil hindi ko na alam ang gagawin. Dalawa lang naman ang choice ko eh: ang itulak siya palayo at matakot dahil ang taas naming o ang manatiling nakadikit iyong mga labi niya sa 'kin habang hindi humihinga. Malay natin, mailagay pa kaming dalawa sa Guinness Book of World Records bilang isang couple na pinakamatagal na hindi humihinga.

Bumitiw siya sa mga labi ko.

At ako naman pagkakita ko sa buong siyudad ng Laguna, hinila ko siya at dinikit ulit sa labi ko. Talk about confidence . . . o baka sinasadya ko lang din.

First kiss ko siya.

At second kiss ko rin.

At pinapangako ko sa harap ng siyudad ng Laguna at sa ferris wheel na 'to, siya ang third, ang fourth, at ang kahuli-hulihang halik ko.

Nagulat siya sa ginawa ko pero nakita ko rin naman na napatawa siya. Lalo kong naamoy ang hininga niya. Ano to, bakit to nag-Mentos? nasa isip ko. Letse, pinagisipan na ba niya na hahalikan niya ako dito?

At kapag oo . . . e di kilig.

Wala kaming imik pagkatapos noon. Hindi naman sa walang imik. Pero tumatawa lang kami. Akalain mo 'yon? Sa huli, ang mantika pa rin ang magwawagi.

"B-baliw ka!" sabi ko habang may ngiting hindi matanggal. "Ano 'yon?"

"Anong 'ano 'yon'? E di kiss!" sagot niya.

"Alam ko. Sira ka ba! I mean . . . ano 'yon? Ano ba? Confirmed na ba? So may . . . crush ka talaga sa 'kin?"

Bigla siyang natawa at hinila ako sa isang mahigpit na yakap. Kinilig ako dahil unang beses niya 'tong yakap na ganito. I mean, nagyayakapan kami pero bilang "kaibigan." Saglit lang kami magyakapan, halos tapik nga lang sa braso. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko siya. Iyong ulo ko sa may dibdib niya, 'yong kamay niya sa likod ng ulo ko at likod ko, 'yong tibok ng puso niya na rinig na rinig ng tainga ko, 'yong init na nararamdaman ko sa mga pisngi ko—lahat ng 'to, ramdam ko.

Nag-evolve na ako. Hindi na ako normal na mantika. Kumukulong mantika na ako . . . tumatalansik pa.

"Kulang pa ba 'yong kiss na 'yon para ma-gets mo kung anong nararamdaman ko?" tanong niya. "O kailangan pa nito?" Tapos pinisil niya ako sa yakap niya.

"W-w-wala lang," sagot ko habang nakasandal pa rin iyong ulo ko sa may dibdib niya. "Kailan mo pa naramdaman? Baka naman sinasabi mo lang 'yon sa 'kin kasi umamin ako."

"Matagal na. Natatakot lang ako kasi baka hindi pala parehas. E paano, bawat banat ko, binabalikan mo lang ng isa pang banat."

"So na-fall ka sa 'kin doon?"

"Pa-fall ka e."

"Wooooow, nagsalita!" sabi ko habang tinutulak siya palayo pero yakap pa rin niya ako. Well, ayoko rin naman magpabitaw.

Magkahawak-kamay, naglakad lang kami. Pero nang may makita kaming teacher, napabitaw kami agad tapos nagtawanan. Kami namang dalawa, akala mo naman kung sinong bagong kasal na pumaparada, nga lang, hindi kami magkahawak-kamay. Alam lang namin sa isa't isa na mutual na yung feeling.

Ang sarap pala ng feeling na alam mo na kung ano ka sa kanya, na hindi ka na nangangapa kung ano ba kayo, at sa wakas, na alam mong may pinatutunguhan na ang mga nararamdaman mo.

"Sabi na e," tukso ko sa kanya. "Crush mo talaga ako."

"Woo. Ikaw nga diyan nagkagusto sa 'kin agad," sabat niya. "Wrong send ka pa a. Baka naman sinadya mo 'yon?"

"Feelingero! Di ko 'yon sadya ano! Sinusuko na kasi talaga kita noon. Aba malay ko kung may something kayo ni Cat."

"Bakit mo naman ako isusuko sa taong di ko naman gusto?"

Ngumiti ako. Hihi. Kilig.

"Malay ko ba," sagot ko habang pinipigilan ang mga ngiti. "Pampa-boost talaga ng feelings ang tukso-tukso e."

"E bakit di ka nagkagusto kay Paul?"

"Ewan," sagot ko. "Wala na e. Huli mo na ako."

"Wag ka nga magsalita ng mga ganyan."

"Bakit? Kinikilig ka? I-ki-kiss mo ko ulit?" hamon ko. Well, gusto ko naman.

"Hinahamon mo ako?" tanong niya na may nang-aasar na ngiti.

Naglalakad kami noon in public. Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan . . . nang mabilis. Sobrang bilis, tipong nagulat na lang ako na sa loob ng isang segundo, tumatakbo na siya palayo sa 'kin.

At iyon na 'yong third kiss ko.

Ako naman si habol habang sinisigaw, "Hoy! Ikaw ah!" pero ang totoo, hinahabol ko talaga siya para sabihing, Isa pa sana.

Hahaharot.

Nanood kami ng fireworks, pumunta sa bus, at umuwi na akala mo walang naganap.

Nagkasundo kami na "ilihim" muna. Una, para lang may thrill sa "palihim na love story" kuno at hahayaan lang ang mga kaklase namin na manghula kung ano ba talaga kami. Pangalawa, dahil hindi pa kasi ako legal. Hello, katulad nga ng sinabi ko, normal lang kaming dalawa. At oo, sa utak ko, may litanya na ang mga magulang ko kung malaman man nila.

Oo na, mga bata pa kami. Pero wala namang masama magmahal nang maaga. Sa isip-isip ko, alam ko na sasabihin ng mga magulang ko.

Choose the best answer.

a. Ang bata-bata mo pa, boyfriend na agad?

b. Tapusin mo muna pag-aaral mo.

c. Bata ka pa para masabi mong love 'yan.

d. All of the above.

Which is fine . . . I mean, kung all of the above nga. Kailangan ko lang patunayan na hindi ako katulad ng mga iniisip nila, na isa akong normal na taong gusto lang ng kulay sa buhay.

Na parte ng buhay ang magmahal at maging masaya.

Na parte ng buhay ang malungkot at bumangon ulit.

Na parte ng buhay ang mawala sa sarili paminsan-minsan.

Na parte ng buhay ang pagnanais na mahanap ang sarili.

Sa ngayon—at hindi ko sinasabing dapat gayahin ng karamihan, pero siguro, bilang representative ng mga "strict ang parents ko" club—isisikreto ko muna.

Isa pa, parang wala rin namang nagbago.

Sanay naman na akong tinatago ang nararamdaman ko.

"Hoy, iniisip mo?" bigla niyang tanong sa 'kin. Bumaba kasi siya kung saan ako bumaba. Malamang, tuksuhan abot namin. Kailangan ko pa i-text ang mga magulang ko na huwag na ako sunduin.

"Kung may mababago ba," sabi ko sa kanya.

"Bakit, kailangan ba?"

"Hindi naman," sagot ko. "Natatakot lang ako na biglang merong magbago sa 'tin."

"Tulad ng?"

"E-ewan."

"Di mo na ba ako paghahandaan ng lunch?"

"Paghahandaan."

"Di na ba kita puwede ihatid hanggang sa dulo ng street niyo?"

"Ihahatid."

"O, anong problema?"

"Siguro kasi . . . deep inside, natatakot pa rin ako sa future. Na . . . alam mo 'yon? Magkaiba tayo ng school sa college."

"Magagawan naman natin 'yan ng paraan . . . basta gusto natin gawan ng paraan."

Ngumiti kami sa isa't isa. Ngayon, wala ng asaran at kulitan. Alam na naming na totoo ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Kung pwede lang, gusto ko na mag-fast forward papuntang simbahan para ikasal sa taong 'to. Alam ko namang OA, pero siguro napaparanoid lang ako na baka ngayon lang ako masaya tapos bukas, balik na naman ako sa normal.

"Theo, first kiss kita. Panindigan mo ako," bigla ko na lang sinabi.

"First kiss mo ako?"

"Oo. Bakit? I-ikaw ba . . . hindi mo ako first kiss?"

Tumigil siya para hawakan 'yong pisngi ko. "First, okay?"

"Dami mo kasing babae."

"Hala! Babae ka diyan. Si Bea lang naman niligawan ko, basted pa ako."

"E si Cat?"

"Wala nga lang 'yon. Siya may gusto sa 'kin."

"Pogi mo e, 'no?"

"Oo, lalong pumogi nang nalaman kong may crush din sa 'kin crush ko," sabi niya habang hinihimas 'yong mga pisngi ko. Tapos kumanta pa siya, "Akooo na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundooo!"

Natawa lang naman ako. Gusto ko na lang ulit siyang halikan sa mga labi niya. Nakakaadik pala 'yon? Pero pinigilan ko na lang sarili ko.

"Oy, ako na prom date mo a," biglang niyang sabi kaya nawala lahat ng iniisip ko.

"Kahit hindi mo pa ako ayain," sagot ko naman.

"Paano 'yon? Sapilitan?"

Ngumiti lang ako at hinalikan niya ako sa noo.

"Sarap sa feeling na gagawin ko na 'to bilang boyfriend mo," dagdag niya.

"Paki ulit nga," pakiusap ko.

"Alin?"

"Sabihin mo ulit na boyfriend na kita."

"Girlfriend na kita."

"Not following directions ka e, 'no?"

"Wala na. Kailan ba tayo sumunod?"

Hahalikan na sana niya ako sa labi pero nakarinig kami ng tunog ng gate. Napalakad ako papuntang bahay, at napatalikod at napalakad siya palayo.

Lumingon ako na nakangiti, at siya rin naman. Hindi naman natapos doon. Halos alas-kwatro na kami nakatulog dahil magkatext kami, kahit ang topic lang namin ay mga ginawa lang namin sa isa't isa nong mga nakaraang buwan na kunwari walang meaning pero mayroon pala talaga.

Kung hindi ko pa narinig si Mama, hindi ako magkukunwariang tulog hanggang sa natuluyan na talaga.

Sumilip ako sa cell phone ko bago ako tuluyang matulog.


THEO:

Uy? Tinulugan na ako ang wala hahaha. Wala man lang akong good night kiss :<

04:32


Haha. Nyemas. Bakit ako kinilig doon? Ang simple-simple.


Torta, si mama kasi. Silip lang ako. Tulog na tayo.

*kiss sa lips* HAHAHA WEW OY

I LOVE YOU :3

04:35


THEO

Dikit-dikit dapat. ILOVEYOU

04:37


Binago mo pa spelling haha

Iloveyou

Good night and sweet dreams

04:38


Finally, isip-isip ko. Tinago ko na 'yong cellphone ko at nag-alarm. Bagong kabanata sa buhay ko 'to, at hindi na ako makapaghintay.

Sana walang kapalit 'tong saya na nararamdaman ko.

Sana tuloy-tuloy na.

Продовжити читання

Вам також сподобається

55.6K 2.4K 16
C O M P L E T E D You have to keep your faith in order to experience the best fate.
1.4K 307 112
[EPISTOLARY | COMPLETED] Tanya Elisha Ong believes that Lawrence Castañeda is the man of her dreams. That fate and the stars coincided to make their...
124K 9.8K 113
❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞ Y Chronicles Universe #KNMSD2 of Kabulastugan Bo...
39.3K 2.6K 53
in which a kiss under the mistletoe brings two strangers together. a jung jaehyun fanfic. © moansta 2018.