The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 17

12.4K 202 14
By Aimeesshh25

DRAKE RED'S POV

'Don't worry. Mag-iingat ako. Mamahalin mo pa ako e, diba?'

'Don't worry. Mag-iingat ako. Mamahalin mo pa ako e, diba?'

'Don't worry. Mag-iingat ako. Mamahalin mo pa ako e, diba?'

Pinilig ko ang ulo. Tss! Bakit ba ganito itong naiisip ko at paulit-ulit pa talaga ah.

Pagkatapos kasing bitawan ni Erin ang nakakainis niyang linya, ayon at dire-diretsong umalis.

Napailing na lamang ako at inabala na lamang ulit ang sarili sa ginagawa.

'Don't worry. Mag-iingat ako. Mamahalin mo pa ako e, diba?'

What the? Arrgh! Ano bang nangyayari sa'kin? Peste!

"Mag focus ka nga!" inis na sermon ko sa sarili. Tss.

Hindi talaga ako makakatapos nito. Inis akong naglakad patungo sa kitchen at kumuha ng tubig. Nanunuyo na ang utak ko eh.

Inilagay ko na sa table 'yong baso. Tinitigan ko 'yon. Hugasan ko na nga.

Bakit naman?

At bakit naman hindi? Iisa na lang naman.

Kaya sa huli, hinugasan ko na rin. Wala lang.

Paupo na sana ako nang may marinig  akong nag doorbell.

Tss! Sino naman kaya iyon? Hindi naman siguro si Erin 'yon. Ang bilis naman nila kung ganoon.

Tamad akong lumabas ng bahay at tumungo sa gate.

Panay pa rin ang pagdoorbell nito. Tss. Hindi makapaghintay?

Inis ko itong binuksan at agad na nanlaki ang mga mata ko.

Peste! Si Luhan!

Fuck! Si Erin!

Muntik ko nang masara pabalik ang gate kung hindi ko lang naalala na umalis nga pala siya.

Tangina, buti na lang!

Teka, anong ginagawa nito rito?

Tumawa siya. "Dude, nakita mo lang ako, gulat na gulat ah? Ako lang 'to." Mayabang niya pang inayos ang buhok.

I glared at him. "What are you doing here?"

Sumimangot naman agad siya dahil sa narinig.

"Grabe ka. Hindi mo man lang ba ako papasukin ha?" Mataray nitong bigkas.

Napailing ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na 'to eh! Magaling na lang talaga na umalis si Erin! Peste!

Pinapasok ko na siya. Sinarado ko muna ang gate saka ako sumunod sa kaniya sa loob.

"Wow! Mukhang nag-iba ang bahay mo ah?" Manghang-mangha naman ang unggoy na 'to.

Ngayon na lang kasi ulit siya nakapunta rito. Matagal-tagal na rin noong huli. Kami pa yata ni Clarisse.

Tiningnan niya ang buong bahay. Nilibot-libot niya pa ang tingin na pawang hindi makapaniwala.

"Ayos ah! Ang linis." Tatango-tangong sambit niya. Tss. Ngayon lang ba ito nakakakita ng malinis na bahay?

"Oh! Teka nga!" Agad siyang lumingon sa'kin. "Hoy! Nasaan 'yong misis mo?" Ngumisi siya. Inayos niya pa ang buhok. "Baka naman, pakilala mo naman sa akin."

Inirapan ko muna siya saka umupo, bago sumagot.

"Wala siya rito."

"Ha? Pinalayas mo?! Alam ko namang hindi mo mahal 'yong asawa mo, pero grabe ka naman, Drake."

Inis ko siyang tiningnan. "May pinuntahan sila ng kaibigan niya."

Nanlalaki ang mga mata niya habang tumatango. Umirap ulit ako.

Umupo na rin siya sa harap ko.

"So?" Pinagsalikop niya ang mga kamay.

Nangunot ang noo ko.

"Ibibigay mo na ba ang address ni Erin?"  tumaas-baba pa 'yong kilay niya.

Muntik na akong masamid buti napigilan ko.

Seryoso ba talaga siya? Peste!

"Hindi ko nga alam kung saan siya nakatira." Hindi ako makatingin sa kaniya. Inabala ko kunyari ang sarili sa laptop.

"Ano ba 'yan. Ang hirap pa namang hanapin noon." Sinilip ko siya at nakasimangot na siya ngayon.

Nangunot ang noo ko. Akala ko ba nag-uusap sila through call? Hindi ba? Pero tumawag siya noong nakaraan kay Erin eh.

Matanong nga.

"Hindi na ba kayo nagkakausap?" Simpleng tanong ko. Kunyare abala sa laptop.

Tumingin naman siya sa'kin at umiling.

"Isang beses ko lang siya nakausap. Noong gabi nung may party." walang ganang usal niya.

Napangisi naman ako sa narinig. Hindi na pala sila nagkausap mula noon.

Napawi ang ngisi ko. Nangunot ang noo ko.

Ano bang pakialam ko sa kanila? Tss.

Tumango na lamang ako kay Luhan. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Ngunit hindi rin nagtagal ay nagbukas na naman siya ng topic.

"Uuwi na pala si Darren?"

Inangat ko ang tingin sa kaniya.

"Yeah. This wednesday. Friday kasi ang birthday ni Krisha."

Tumango siya. " Pupunta ka?"

"Hmm. Tinawagan na ako noon. Baka magtampo." Ngumisi ako.

"Psh. Talaga? Kahapon niya lang ako tinawagan. Napakabias talaga." Nagtatampong aniya.

Ngumisi na lamang ako. Magkaibigan na sadya kami ni Luhan. Hindi pa sila magkakilala ni Darren noon. Nagkakilala lang sila dahil sa'kin.

"Sinong kasama mong pumunta?"Tanong naman ulit niya.

Hindi talaga matali ang bibig nito eh. Tss.

"My wife. Sino pa nga ba?"

He nodded. "Hmm. Gusto ko sanang isama si Erin-"

"What? Hell no!"

Nagulat siya sa biglaang sinabi ko. Ako rin. Nagulat din ako.

Nangunot ang noo niya. "Kailangan sumigaw?"

Inayos ko ang sarili. "Malay mo busy 'yon. Nakakahiya sa tao, Luhan."

Tangina, busy nga ba? Isasama mo rin naman.

Napaisip naman siya. "Siguro nga. Sige, isasama ko na lang si Kate." Tumingin siya sa akin. "Paano si Macy?"

Ako naman ang nangunot ang noo ngayon.  Anong paano si Macy?

Mukhang nakuha niya naman ang tingin ko kaya huminga muna siya ng malalim.

"I mean, girlfriend mo siya, hindi ba? At malapit lang ang bahay niya sa bahay nila Darren, remember?"

Kumunot naman ang noo ko. Oo nga pala. At saka alam naman nila kung sino talaga ang gusto ko. At wala sa dalawang babaeng 'yon.

"Tss. So? I don't care, Luhan. She's not my girlfriend anyway."

Nanliliit ang mga mata niya. "Weh? Hindi mo girlfriend, pero dinala mo rito? May hiya ka pa ba sa asawa mo?"

Nangunot ang noo ko at inis siyang tiningnan. "Luhan."

Ngumisi siya at nag peace sign. "Joke lang! Ito naman. Iba talaga pag mga pogi, ano?" Humalakhak siya.

Inirapan ko pa siya. Hindi ko na lamang  pinansin at nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa.

Tumahimik naman siya. Ewan ko kung anong ginagawa noon.

"Nandito pa pala ang picture ni Clarisse 'no?"

Nag-angat naman ako ng tingin at nakatayo siya malapit sa may mga larawan. Buti na lang wala roon 'yong pictures ni Erin. Puro kay Clarisse lang kasi 'yon.

"Buti hindi nagagalit ang misis mo e 'no? Puro si Clarisse eh." Patuloy pa rin siya sa pagtingin ng mga pictures.

Tss. Nagalit nga ba 'yon? Parang hindi naman. Saka subukan lang niyang magalit. Ididikit ko ang pictures niya sa lahat ng poste sa labas habang may nakalagay na missing.

Natawa ako sa isiping 'yon. Naiimagine ko na ang mukha niyang galit na galit habang palapit sa akin at magsisimula nang magsalita. Minsan ngumunguso pa ang babaeng 'yon. Akala mo naman bagay sa kaniya.

Pinilig ko ang ulo. Lumapit na rin si Luhan sa'kin at umupo. Seryoso siyang tumingin sa'kin.

"Drake, mahal mo pa si Clarisse?"

Nagulat ako sa tanong niya. Ngumiti ako.

"Of course. I'm still inlove with her." diretsong sagot ko.

Umirap siya. "Kung ganoon? Bakit nag-asawa ka? Alam mo ba kung anong nararamdaman ng misis mo ah?" Mapait siyang napailing-iling.

Tss. Wala ka kasing alam eh. Ginusto ko ba itong kasal na 'to? Hindi. Kung may choice lang ako wala sana ako sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko na lamang siya sinagot. Bahala siya mamatay sa kaiiisip.

"Ano ba talagang ipinunta mo rito?" Tanong ko. Alam ko namang may kailangan 'to eh.

Ngumiti naman siya. Umirap lang ako. Lumapit agad siya sa'kin.

"Puwede bang samahan mo ako sa mall?" nagpacute pa siya.

Pinatagal pa eh. Kung ano ano pang sinabi.

"Tss. Kaya mo na 'yan. Para mall lang. Bading ka ba ha?"

Kung kanina pa siya dumiretso roon, hindi 'yong dumaldal pa rito.

"Sige na. Ang damot ah!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero ang loko tumawa lang.

"Tss. Ayoko."

"Dali na. Madali lang tayo. Kapag ikaw naman ang may kailangan, nariyan agad ako." Ang galing talagang mangonsensya! Peste!

Inirapan ko siya at inis na isinara ang laptop.

"Fine!" Ani ko at tumayo. Tumungo ako sa kwarto.

"Yes! Sabi na nga ba. Hindi talaga ako matitiis ni papa Drake!" Pahabol pa nito.

Hindi ko na narinig pa ang iba niya pang sinabi, sinarado ko na agad ang pinto ng kwarto ko. Baka mabakla na naman 'yon.

Nagbihis na agad ako at saka bumaba. Nadatnan ko siyang nakaupo. At noong makita ako ay ngumisi na naman.

"Dude! Guwapo ah!" Sabay tapik niya sa balikat ko.

"Ikalma mo 'yan. Nababakla ka na naman." pang-aasar ko.

Sumimangot naman siya. Tss. Tangina hindi bagay!

"Tara na." Yaya ko at lumabas na ng bahay.

Sumunod naman agad siya sa'kin at tumungo sa kotse niya.

"Ano? Magdadala ka pa ng kotse?" Tanong niya.

"Yeah. Ayoko riyan." Saad ko naman. Napairap naman ang tukmol na 'to.

"Ang arte! Sige bahala ka." Aniya at saka pinaandar ang kotse.

Sumunod din naman ako sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

68.8K 37 47
R18
344K 9.6K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...