(ONHOLD) Prologue to Love

By Filipina

162K 6.7K 1.3K

Anastacia (Asia) Diaz is a wattpad addict since highschool. Her dream is to be partnered up with the hottest... More

Synopsis
Update One
Update Two
Update Three
Update Five
Update Six
Update Seven
Update Eight
Update Nine
Update Ten
Update Eleven
Update Twelve
Update Thirteen
Update Fourteen
Update Fifteen
Update Sixteen
Update Seventeen
Update Eighteen

Update Four

8.5K 412 62
By Filipina

Asia's POV

⇨Huli na ba?♩♬

⇨Huli na ba?♬♩

⇨Ikaw nga ba'y mahal na?♩♬

⇨Talaga bang hindi mo na malalaman pa♬♩

⇨Ang tunay kong nararamdaman?♩♬

⇨Paano na?♬♩

⇨Paano na?♩♬

⇨Ang puso kong ikaw ang laman?♬♩

⇨Ibubulong ko na nga lang ba sa hangin ang♩♬

⇨Salitang 'mahal kita'?♬♩

Nanunuod ako ng TV habang inuubos ko itong isang buong roasted chicken na binili ko nung umuwi.

Gutom na gutom kasi ako dahil kakatapos lang naming mag defense. At yes, 1 week rin akong puyat dun. Eh pa'no? Ako lang ang gumawa dahil lahat ng mga ka-miyembro ko e puro walang kwents. Buti naman at nagbayad sila ng P200 each. Aba e perfect score ga naman kame, eh aangal pa ga? Dami ko rin nagastos sa paulet ulet na print dun no.

Finocus naman yung camera kay Jolo na kasalukuyang kumakanta.

Eyyy!!! Gwapo niya talaga forever!!!

Kinuha ko yung 1.5L na coke sa may mesa at uminom dun. Mehehe. Buti walang tao sa bahay. As usual, nasa kung saang lupalop na naman ng Pilipinas si mama. Sinundan na naman si ate Ami. Manunuway na naman 'yun kung may behavior si ate na hindi magandang tingnan.

Nanunuod ako nang may magtext sa'kin.

Precious: uy tara sa SM!

Ako: bakit may ano don?

Precious: may mall show

Ako: sino?

Precious: team rookies

Ako: luh kaw na lang

Precious: mall show ng sazee! ung group nina loureine!

Lou... reine...

Sinong Loureine?

Tinatap ko na yung reply kong 'hindi ko kilala 'yon' nang mapatigil ako at maalala ko si Loureine!

Kaklase ko nung elem si Loureine tapos bestfriends turingan namin. Di na nga lang kami nakakapag contact sa isa't isa these days pero ka-comment-an ko pa rin naman siya sa Facebook so... Ayun. Feeling ko close pa rin kame.

Eh kase last month, nalaman na lang namin na miyembro pala siya nung grupong Sazee (pronounced as 'Sassy'). Eh under sila nung company nina Jolo! So siguro, kaya hindi na kami nakakapagbonding eh dahil busy siya.

Anyway, ang swerte niya di ba? Kung may boses lang ako, nakasugod na ako dun. Pero wala eh. Ni di ko nga mabasa ang tamang nota. Mehehe. Ayoko namang artista nga, puro auto-tune naman!

Pagdating namin sa SM, haba ng pila. May tatlo palang grupo ang magpeperform eh. Puro mga team rookies. Pero yung grupong Eyecon, kahit rookie (baguhan) dami agad na fans.

"Uy, gwapo spotted!" rinig kong sabi ni Precious na may kilig pa.

May tinuro-turo siya pero hindi ko naman makita.

"Wala naman eh!" sabi ko kase halos maputol na leeg ko sa kakatingin at kakahanap nung tinuturo niya e di ko pa ren makita.

"Hay nako! Yun o! Yung naka-v-neck na grey!" sabi pa niya kaya naghanap ako.

Inisa-isa ko, hanggang sa, parang, nakikita ko na nga.

"Yung nakatalikod?" tanong ko. "Baka gwapo lang likod."

"Hindi no. Di mo nga nakita yung mukha! Sayang! Pero tingnan mo yung hubog ng katawan ni kuya. Alam mong yummy! Tapos tingnan mo balikat. Kitang kita yung muscles!'

Napatingin ako kay Precious at nandiri, "Manyak ka!"

"Manyak agad? Nakita ko lang na may muscles, manyak agad?"

"Inimagine mo yung itsura pag nakahubad eh di ba?"

"Grabe. Kahit ipaflashback pa naten, wala kong sinabing naiimagine kong nakahubad siya!"

"Sabi mo yummy," nakangusong sabi ko at napatingin sa ibang direksyon. "Wow, yun ang yummy!"

Napatingin agad siya sa tinitingnan ko.

"Takaw mo. Nilibre na kita kanina ah!" sabi niya agad.

"Para palameg na Php 5.00?! Atsaka hindi naman ako nagpapalibre eh! KKB tayo!"

"Ikaw na lang bumili."

"Samahan mo ko!"

"Luh. Mag-isa ka."

"Libre kita," alok ko kaya ayun, mas nauna pa sa'kin ang gagi.

So habang hinihintay namin yung pizza, kwento to the max kame. Hindi ko na ishashare yung kwento namin. Mga chika kase yun tungkol sa mga kaklase namin hihihi.

"Uy wait!" suway ko kay Precious na akma nang kukuha ng isang slice ng pizza. "Pang-Instaaaaa!"

Napa-poker face si Precious habang pasimple akong naghahanap ng magandang angle. Nang makakuha ako ng litrato (ninja moves), agad na sinunggaban ni Precious yung pizza. Eh ako, nah, share muna 'tooo! Buti may Wi-Fi!

Caption: Date with pre~ ✌❤ Will support my bestie @sazeereine mall show laturr! Can't wait to see you girl! #pizza #mylove #nofilter #smbatangas

Pagka-upload, kumuha na ako ng slice bago pa ko maubusan. Siya naman, nakiki-Wi-Fi na't ubos na yung hati niya sa pizza.

"Eh?" bigla niyang sabi habang tila may binabasa sa phone. "Seriously?!"

Sumipsip muna ako ng coke bago magsalita, "Ano yun?"

Napatingin siya sa'kin, "Mygosh, nabasa mo na yung status ni ate Yuokim?!"

Kumunot lang ang noo ko, "Anong status?"

"Yung latest status!" panggigil na sabi niya.

"Eh hindi ko nga alam yung sinasabi mong status!" mas panggigil na sabi ko. "Kung inaabot mo yang phone mo sa'kin at nang matingnan ko!"

"Onga no," sabi niya atsaka binigay yung phone niya sa'kin.

Yuokim Wattpad

23 minutes ago

"Okay. Sa mga nagtatanong kung bakit ako nag hiatus, that is because hindi ako makahanap ng perfect characters for my story these days. And yes, I base my characters on real people. So sa mga gustong h'wag akong mag hiatus, wala kayong pwedeng gawin kung hindi maghintay hanggang sa makita ko ang mga tamang taong gaganap sa next story ko. Hindi ko alam kung kelan ako babalik. It might be too soon or..."

543 people like this

View all 33 comments

"So... Hindi ko gets," nasabi ko na lang kay Precious matapos kong mabasa yung status.

"Eh ang slow neto!"

"Hindi ako slow. Sadyang hindi ko lang talaga maintindihan yung sinasabi niya. Di makarelate, ika-nga."

Magsasalita pa sana si Precious kaya lang na-interrupt siya nung manager nung kinakainan namin. Tinanong kung tapos na ba daw kami dahil may mga iba pang customers.

Kaya ayun, napatayo kami at lumabas na lang.

"Grabe, matagal pa ang 5."

Napatingin ako kay Precious na kasalukuyang nakatingin sa relo.

"Window shopping nga muna tayo!" yaya niya.

Eh tutal wala rin ngang magawa, pumunta kami sa 2nd floor para pumunta sa Department Store.

Halos 1 hr rin kami sa pag scan ng mga damit dun. Bale wala naman kaming planong bumili eh. Try lang namin. Libre ang try-on eh. Hahahaha!

"Bagay ba? Bagay?" tanong ni Precious habang pinapakita niya yung sinuot niyang dress.

"Hm, hindi? Hindi bagay sa'yo yung kulay na ganyan," sabi ko kaya umikoy pa ulit si Precious.

"Onga, agree ako sa'yo," sabi niya atsaka bumalik sa loob ng dressing room para magpalit.

Galing namin no? May script kuno kame. Kunware di bagay pero bagay naman sa kanya eh. Sadyang sinasabi lang namin na hindi bagay dahil may saleslady. Mwahahaha!

So ayun, napagdiskitahan naman naming pumunta sa... Bookstore! And when I say bookstore...

"Uy may bago!" rinig kong sabi ni Precious sabay kuha. "Eto pa. Omg, anong bibilhin ko?"

Tiningnan ko yung pinagpipiliin niya. Isang cloak fiction at isang pop fiction book.

"Eto na lang!" sabi ko sabay turo dun sa Pop Fiction book. "O? Aarte pa?"

"Sige sige," sabi niya atsaka kinuha yung book. "Magbabayad lang ko. D'yan ka lang."

"Okay. Sa labas na lang ako," sabi ko tutal wala akong balak bumili. Wala kasing money! Huehue.

Habang papalabas ako, nakita ko si James. Nakita niya rin ako kaya kumaway siya sa'kin at kumaway rin ako. May paglapit pa siya sa akin.

"Uy alam mo na yung status ni Yuokim?" bungad na tanong niya.

"Yup," sagot ko. "Ano bang ibig sabihin nun?"

Tiningnan niya naman ako na parang hindi makapaniwala na hindi ko alam. Eh sensya, hindi naman ako aspiring writer. Ni hindi ko nga nasubukang magsulat ng story sa wattpad. Reader lang. Reader! At proud akong reader lang ako kase kung wala ako, wala ring mga writers! Hahaha may pinapatunayan ba? Lol!

So ayun, sinabi niya sa'kin kung ano bang ibig sabihin nun. May pagbigay pa siya ng example.

* * *

Jolo's POV.

Anti-paparazzi get-up: simpleng damit + sumbrero + black sunglasses

Dali-dali kong pinasok ang SM. Ang sama pa nga nung tingin sa'kin nung guard. Asa pang may bomba kong dala.

Ang kauna-unahan kong pinuntahan ay ang Pizza Hut. Sinilip ko kung andun pa siya. Base kase sa kanyang Instagram update eh andito siya kanina. Yun lang, wala na siya dito kasi 18 min ago na nung mabasa ko. Tapos ang bagal pa magmaneho ni manager. Sabing bilisan eh.

Ay oo, ako nang stalker. Eh hindi naman private yung IG niya eh.

Pero sino kaya kung sinasabi niya at yung kasama niya ngayon na tinatawag niyang 'pre'?

Si Precious ba 'yun or...

Dahil may mga napapatingin sa'kin, pasimple akong tumalikod at binaba pa ang sumbrero ko. Agad kong tinungo ang department store. Mabilis lang akong nag scan dun. Pumunta rin akong second floor pero wala pa rin.

Nasaan kaya 'yun? Imposible namang andun na siya sa Activity Center eh sa pagkakaalam ko, pag 5 pa ang mga ganung events.

Dahil hindi ko makita, napatingin na lang ako dun sa dungawan(?), kung saan ay makikita mo yung mga tao sa ground floor.

At... Pagtingin ko, dalawang tao agad ang nakita ko.

Si Asia... at si James.

Are... They... Dating for real?

Magislaw gumalaw itong si James na 'to kaya ang first impression ko talaga sa kanya ay bakla. Sorry, no offense. Pero sa pagkakaalam ko kaya ganun ay dahil dancer siya.

Kahit ganun, bakit kung makalapit itong si James kay Asia, eh parang may something. Or... Should I say... May something talaga?

Nakita kong mas lumapit pa itong si James kay Asia at bumulong dito. Nang makabulong ay tumawa nang tumawa si Asia at sinapok nang malakas si James.

Close sila. Nakakainis.

* * *

Asia's POV.

"Tapos si Brandon daw yung kapartner ko. OMG ang abs!" dagdag pa ni James kaya tawang-tawa talaga ako.

Grabe 'to! Bakla nga hahahaha!

Isipin daw bang maging bida sa susunod na story ni Yuokim? At ang partner raw e si Brandon nung grupong Eyecon. Nakakaloka di ba? Iniisip ko pa lang na boyxboy yung genre tapos nakakatawang bakla 'tong si James, naku, puro comedy 'yun!

At ang nakakatuwa pa kay James eh umamin sa'kin na bakla nung tinanong ko. Sabi na eh. Itatanong lang pala sa kanya eh. Akala ko ma-ooffend ko siya eh. Hindi naman pala.

Nang makatapos si Precious sa pagbayad, niyaya na niya ako na pumunta dun sa Activity Center. Sinama na rin namin si James kasi ang gusto niyang si Brandon eh andun rin. Lol!

Sobrang saya, as in. Lalo na nung lumabas yung Eyecon. Todo sigaw si James para mapansin ni Brandon. Hindi naman siya nagsisi. Napansin siya at kinawayan siya. Isipin mo na lang ang tuwa ni James. Hahaha! Sinapian eh!

Wala namang ganun kalakas na impact ang grupong Sazee. Pero siyempre todo cheer pa rin kami ni Precious kay Loureine. Sayang lang at napunta siya sa grupong Sazee eh ang daming haters ni Charlene. Nilalandi daw kasi nito si Lance, ang pangalawa sa pinakamaraming fans sa grupong Connection. Puro "booo!" tuloy ang natanggap nila nung nagpeperform sila.

Nang matapos yung pagperform nila, at ang grupong ChicA na, nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. At siyempre, ayokong magkasakit sa bato kaya sinabi ko kay Precious na aalis muna ako at mag c-CR.

Walang pila naman sa C.R. mabuti na lang. Kaya nakaihi agad ako.

Nag-aayos ako ng buhok nang may marinig ako.

"T*ng*na naman, Cha! Ako na lang kase!"

Whoa, lakas maka-One more chance!

"Ano ba Miko?! Sabing hindi nga kita gusto!"

Boom, kawawang Miko!

"Tingnan mo nangyayare sa grupo niyo. Landi ka kasi ng landi d'yan kay Lance, eh wala ka naman dung chance!"

Si Charlene ba yung girl? Ohmygolly!

Naghihintay ako na sunod na sasabihin ni girl, pero imbis na boses, malakas na animo'y tunog ng pagsampal ang narinig ko.

Hindi ko tuloy napigilang hindi sumilip sa labas para i-confirm kung sinampal nga ni Charlene yung Miko.

At tama nga ang hinala ko. Sinampal nga siya kaloka!!!

At ayun, nakita rin ako. Ayown lang.

Pero siyempre, todo arte ako na parang wala akong nakita.

Bago ako makaalis dun eh sinilip ko yung itsura nung lalaki. Nasa side pa rin siya nakaharap siguro sa sakit nung sampal na natamo niya kay Charlene. May pagka-b**ch rin 'to eh. Kapal ng lipstick, puro pads naman.

Napatawa ako sa isip ko at hindi ko namalayang napatawa pala ako ng malakas.

Nakita kong sumama ang tingin sa'kin nung Charlene at talagang may paghawi pa siya nung buhok niya bago umalis dun sa crime scene.

Lol crime scene talaga?

Lalapitan ko pa sana yung lalaki para itanong kung masakit ba yung sampal niya (at para maki-chika na rin) pero nakita kong napatingin siya sa'kin.

Whoa.

May itsura at parang familiar siya!

Puchang gala naman 'tong si Charlene! Sampalin daw ba 'tong lalaki 'to! Bagya nang makalapit ang pinakagwapong sperm cell nung tatay nito dun sa pinakamagandang egg cell nung nanay nito para magawa siya, sasampalin lang?! Aba matinde!

"Amoy tae na naman," rinig kong sabi niya kaya apasinghot ako.

Wala naman akong naamoy na amoy tae kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita kong napangisi siya tapos umalis na.

Luh!!!

Parang si ano yun ah...

Yung ano...

Yung lalaking may dahilan kaya umabsent ako nung Valentine's Day!!!

Sinasabihan ba niya na amoy tae na naman ako?! Lecheng yun ah? Bagay sa kanya ang masampal, sa totoo lang! Ni di nga ako nanghinayang sa mulha niya no! Fuuuu!

Inis akong bumalik dun sa Activity Center. Malaman-laman kong wala sila dun at tumambay na dun sa Dunkin donuts.

Napagod lang ako. Buti at nagtext sila. Kung hindi, talagang mananampal ako. Hahaha

Nang mag 8 naman, umuwi na kami. At as usual, chineck ko agad yung allppop for news. At oo, wala munang bihis-bihis. Saksak laptop agad!

Sobra talaga akong natigilan nung makita ko ang pinaka-pinag uusapang balita ngayon:

[HOT][TRENDING] Connection's Jolo spotted in SM Activity Center meeting Sazee's Reine. (Possibly dating?)

Napa-click agad ako dun.

No please! Rumor lang 'to please!

Nung mabasa ko yung article, nalaman kong may nakakita daw sa kanila na magkasama at nag-uusap sa may 2nd floor. May paparazzi photo pa nga eh.

At base sa katawan nung lalaking naka-cap, si Jolo nga yun. At ang masakit pa dito, si Loureine yung tinutukoy na Reine (stage name niya).

Uhhh oo, posible ngang pumunta si Jolo dun para suportahan si Loureine di ba? Pero malay mo nagkita lang sila dun pero hindi naman sila as in na sila di ba? Mga tao talaga, conclude agad!

Comments:

joloforever: NOOOOO T____T date agad?! (+23)

Yumi_09: Hindi sila bagay (+122)

Ssica_GG: Di yan true (+62)

Anti111: ^ delusional fangirls (-32, +21)

Conxtion: Imposibleng pupunta si Jolo jan (+11)

Llama: Bye Sazee. You earned a lot of haters! A.G.A.I.N. (+211)

SassyGurL: Sazee fighting! (+38)

iPpop: Bagay sila infairness (+20)

xxxwriterxx: Read my fanfic: My Snob Man [ReLo (Reine & Jolo) fanfic] (-29, +1)

(View all 2216 comments)

At dahil may account ako, naglagay rin ako ng comment:

AsiaDiaz: Andun ako kanina pero hindi ko sila nakita. Ang alam ko may ka-MU si Reine so imposible.

May mga nag thumbs up naman agad sa comment ko. Think positive tayo guys hahaha

At bago ako mag log out, may nagcomment sa comment ko.

Olol1998: Yup nagkita at nag-usap lang kame

Nagtaka naman ako sa comment niya. Poseeeer?!

Pagka-refresh ko, iba na yung nakalagay dun.

Olol1998: Onga nagkita at nag-usap lang siguro sila

YUP!!! Tama ka d'yan, Olol1998!!! Agree pa more~

- - -

(Author's Note: Sorry guys sa sobrang tagal na update. Tinapos ko lang yung midterms (naks parang nag-aral haha) pero bukas meron pa kaya di ko na na-check if may mali akong type. Saka ko na ichecheck ah!)

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 75.6K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
5.4M 274K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
8K 571 22
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...