The Thief Red Riding Hood ✔

By marshymaoa_

68.7K 1K 27

Kyril Series #1: The Thief Red Riding Hood Highest Rank: #2 Thriller Alice Kyril is the youngest and last chi... More

Kyril Series
Disclaimer
Prologue
#Chapter01
#Chapter2
#Chapter3
#Chapter4
#Chapter5
#Chapter6
#Chapter7
#Chapter8
#Chapter9
#Chapter10
#Chapter11
#Chapter12
#Chapter13
#Chapter14
#Chapter15
#Chapter16
#Chapter17
#Chapter18
#Chapter19
#Chapter20
#Chapter21
#Chapter22
#Chapter23
#Chapter24
#Chapter25
#Chapter26
#Chapter27
#Chapter28
#Chapter29
#Chapter30
#Chapter31
#Chapter32
#Chapter33
#Chapter34
#Chapter35
#Chapter36
#Chapter37
#Chapter38
#Chapter39
#Chapter40
#Chapter41
#Chapter42
#Chapter44
#Chapter45
#Chapter46
#Chapter47
#Chapter48
#Chapter49
#Chapter50
#Chapter51
#Chapter52
#Chapter53
#Chapter54
#Chapter55
#Chapter56
#Chapter57
#Chapter58
#Chapter59
#Chapter60
#Chapter61
#Chapter62
#Chapter63
#Chapter64
#Chapter65
#Chapter66
#Chapter67
#Chapter68
#Chapter69
Note!
#Chapter70
#Chapter71
#Chapter72
#Chapter73
#Chapter74
#Chapter75
#Chapter76
#Chapter77
#Chapter78
#Chapter79
#Chapter80
Epilogue
Last Note
#SpecialChapter1
#SpecialChapter2

#Chapter43

412 4 0
By marshymaoa_

#Chapter43

Zyryl's POV

Sa kalagitnaan ng pag hahanap ko ay biglang nag ring yung phone ko.

Oo talagang hinanap ko siya kahit alam ko na di ko siya mahanap sa mga oras na to nalibot ko na ang buong lungsod, di naman kasi gaano kalaki ang lugar namin kaya madali lang itong malibot pero may mga papasok pa talagang mga lugar dito sa amin.

Sinagot ko yung tawag na naka konekta sa kotse ko, di ko alam sinu yung tumatawag.

"Zyryl"

"Oh Joe?"

"Nakatanggap kami ng report kani kanina lang"

"Pwede ba Joe? pinag leave ako kaya wala akong panahon ngayon isipin muna yung trabaho may hinahanap ako ngayon"

"May nag report saamin na may narinig daw siyang putokan sa building, di naman yun abandonado tapos ng pasukin namin sa huling palapag nakita namin si Alice"

Naapakan ko ng wala sa oras yung preno ko at tumingin sa cellphone ko na parang andon ang mukha ng kausap ko.

"S-si Alice?"

"Oo Hilgen natagpuan namin siyang walang malay at may mga sugat at tama ng baril"

"Fvck! asan na siya?!"

"Sa ngayon dinala na siya sa hospital Hilgen puntahan mo siya at sabihan mo yung pinsan niya parang 20 minutes na siyang walang malay ng dumating kami"

Nag u-turn naman ako, palabas na kasi ng lungsod tong tinatahak ko ngayon at wala dito ang nag iisang hospital namin para naman akong nakipag karera sa sobrang bilis ng takbo ko nakipag karera siguro sa puso ko dahil pati ito ay napakabilis ng tibok.

Wag naman sana.. sana maging okay lang si Alice sana naman di siya kukunin ulit sa akin at baka di ko na ulit siya makita please.

Ng makarating ako sa hospital, tinawagan ko si Belle.

"Zyryl! ano na? nakita mo na si Alice? kamusta na siya? pakausap naman"

"Nasa hospital ako Belle. May nag sabi lang saakin na andito siya pumunta ka na dito"

Imbis na sagot yung natanggap ko tunog lang na ibig sabihin binaba na yung tawag.

Dumeretso naman agad ako sa labas ng Operation Room.

Ilang minuto yung hinintay ko bago dumating si Belle at lumabas yung doctor sa operating room kaya agad naman akong lumapit dito.

"Kayo ba ang kamag anak ng pasyenteng sugatan at may tama na bala?"

"O-opo"

"Okay na siya sa ngayon nalinis na yung mga sugat niya at nakuha na yung baril sa katawan niya pero nawalan siya ng dugo di naman maraming dugo ang nawala sa katawan niya pero okay na siya"

"Ibig niyong sabihin doc na kailangan niya ng dugo?" sabat ni Belle

"Hindi na dahil sa type O siya kaya di mahirap saamin mag hanap, wag na kayong mag alala okay na siya sa ngayon di naman malalim yunh sugat niya. Mauna na muna ako sainyo"

Tumango nalang ako at umupo at napahinga ng maluwag.

"Zy"

"Uhm?"

"Uuwi muna ako kukuha lang ako ng gamit"

"Sige"

"Pahiram ng kotse mo" binigay ko naman sakanya gusto ko sanang tanongin kung marunong siya dahil di ko pa siya nakikitang nag maneho pero dahil nadrain yung lakas ko binigay ko nalang sakanya.

"Hihintayin ko nalang ang paglipat ni Alice sa private room, mag ingat ka"

Ng malipat na ng kwarto si Alice at tinext ko si Belle kung saan na kwarto naka assign si Alice.

Umupo naman ako sa tabi ng hospital bed ni Alice at tinignan ang natutulog niyang mukha.

Huminga ako ng malalim at hinawakan yung kamay niya.

Pati yun may benda, yun siguro yung kamay niyang may sugat nung nag away kami.

Di pa nga kami mag kasintahan pero nag away na kami at ito naman yung nangyari sakanya.

"Alice naman, bakit ba ang hilig mong mag mala aksyon star? pinag aalala mo ako, hindi lang ako pati pinsan mo."

"Alam mo ba naabotan ko siya sa bahay niyo na parang nababaliw? kagat kagat yung mga kuko niya habang ginalaw galaw yung mga binti niya ewan, wag mo ng ulitin please"

Kinuha ko yung phone ko ng biglang mag ring ito. Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto.

"Joe"

"Hilgen shit kanina ko pa gusto sabihin sayo to eh! di ko lang masabi dahil iniisip mo si Alice"

"ano ba yun?"

"Yung kasama ni Alice na bangkay kanina nung nakita namin siya alam mo bang lahat kami na nakakita ay nasuka"

"Alam mong dapat di niyo ginawa yun Joe"

"Oo nga pero talagang nakakadiri talaga eh! kung nakita mo lang talaga parang babaliktad yung sikmura mo"

"bakit mo ba sinasabi yan sakin?"

"Nakita namin yung finger print ni Alice sa espadang ginamit sa pagpatay sa kasama niya Hilgen"

"Oh tapos?"

"Kailangan namin mainterview si Alice pagkagising niya kung ano ang nangyari"

"Hindi pa siya gising"

"Okay lang makakahintay naman kami eh at yung mga bala din na nasa katawan ni Alice ay pinadala namin kaya pupunta ako diyan"

"Okay" Binaba ko na yung tawag nararamdaman ko kasing di siya titigil

"Zy" napalingon naman ako

"Belle pumasok ka na" tumango naman ito.

Sumunod naman ako sakanya ng makapasok siya.

Hinilot hilot ko yung noo ko. Kailan kaya ako makapag pahinga na pag gising ko wala akong inaabala? leave ko nga ngayon pero ang dami ko namang iniisip.

"Hoy gumising ka diyan pag ako talaga malagot kay daddy" Napalingon naman ako kay Belle, nakaupo ito sa tabi ng hospital bed ni Alice.

"Uhh.. Zy"

"Uhm?"

"Pwede bang ikaw munang mag bantay kay Alice sa makalawa?"

"Bakit san ka pupunta?"

"Babyahe kasi ako papuntang France tapos Korea I don't know kung kailan ako makakauwi basta this week"

Tumango naman ako, umupo naman ako sa sofa at sumandal doon.

"Bakit ka aalis? alam mo namang kailangang kailangan ka ni Alice sa mga oras nato"

"Alam naman ni Alice na aalis talaga ako"

"Hindi ka ba mapipigilan?"

Humarap naman ito sa akin ay ngumiti.

"Pasensya na pero hindi talaga eh andito ka naman diba? para alaagan siya? babalik naman agad ako eh"

"Okay"

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa ikaw?"

"Hindi rin"

"Kumain ka muna sa labas ako muna mag babantay kay Alice di pa naman ako gutom"

"Hindi na kailangan yun"

Kumunot naman noo ko.

"Bakit?"

"Nagluto ako kanina kaya lang di ako makakain dahil wala pa si Alice kaya nung umuwi ako binalot ko nalang at dinala dito"

Tumayo naman si Belle at lumapit sa coffee table at kinuha yung kulay pink na paper bag at may kinuha don na Tupperware.

Biglang may kumatok kaya tumayo ako at pinagbuksan ito.

"Joe? pasok ka"

Umupo ulit ako sa sofa at tumabi naman saakin si Joe na may isang ruler ang layo.

"Napadalaw lang ako Zy.. mangangamusta"

"Okay na siya ngayon.."

"Mabuti naman, nga pala ito oh"

"Ano to?"

"Kopya lang yan ng reports sa aksidente.."

Bubuksan ko na sana ito kaso hinawakan niya yung kamay ko na parang pinipigilan niya akong buksan ito kaya naman napatingin ako sakanya nakatingin siya kay Belle.

"I suggest maya mo na yan tignan parang kakain kasi kayo pagkatapos mong kumain tignan mo yan baka kasi pag ngayon mo tignan mawalan ka ng gana.."

Kumunot naman yung noo ko ganon na ba kadiri yung mga reports na nasa loob para mawalan ako ng gana?

"Okay susundin ko sinabi mo kaya bitawan mo na ako"

"Oo nga pala, nakuha ko na yung bala pag imbistiga nalang namin to kung mag mamatch ba ito sa baril na nakita"

"At siya nga pala baka makasohan ng murder si Alice" lumingon naman ito sa kinalulugaran ni Alice ngayon.

"Baka matuloyan na talaga siyang makasohan Hilgen"

"Dahil ba may pinatay siya don sa aksidente?"

"Oo pero kung tulad ng dati self defense na parang mahirap paniwalaan"

"Bakit?"

"Dahil sa ginanap na lugar walang witness, walang cctv footage kaya mahirap paniwalaan na self defense yung ginawa ni Alice"

"Wala rin namang ebidensya siguro na siya ang pumatay ah?"

"meron, may nakitang finger print sa espada na katabi ni Alice kanina pero di lang sakanyang finger print ang nakita, kundi don din sa babaeng patay na."

"Ibig sabihin non pwede si Alice ang may gawa o yung babaeng bangkay ang may gawa"

"Ang kaso nga lang natagpuan ang babaeng bangkay sa pangalawang palapag, tapos nasa itaas na huling palapag nakita si Alice, maiisipan mo siya ang pumatay sa lahat ng andon."

"Dahil nasa pangalawang palapag ang babaeng bangkay at si Alice ang nasa itaas dala dala niya ang espeda at siya ang pumatay?"tanong ko sakanya

"Oo, kung kasi yung babae ang pumatay bakit nasa tabi ni Alice ang espeda, espedang ginamit sa pag patay, posible namang ang babae talaga ang pumatay iniwan niya lang kay Alice ang espeda at pinatay din ang babaeng yun sa pangalawang palapag"

"pwede din kasi yun Joe malay natin ganon nga ang nangyari tapos nung bumaba ang babae may pumasok na isa pang tao at pinatay siya diba at umalis sa lugar nayun bago pa kayo makadating"

"20 minutes ng nawalan ng malay si Alice Hilgen at ang resulta ng autopsy na makikita mo diyan sa folder ay 40 minutes na itong patay ng makarating kami"

"Pano mo naman alam na 20 minutes ng walang malay si Alice? na kanina sinabi mong walang witness walang cctv?"

"A-ah hula ko?"

"Kailan pa naging manghuhula ang imbistigador?"

"Alam niyo malalaman niyo lang ang lahat kung nagising na si Alice" napalingon naman kaming dalawa ni Joe kay Belle na naka upo na sa pang isahang sofa at tapos na siyang mag handa sa pagkain.

"Sabagay sige mauna na ako" tumayo na si Joe at umalis.

"Kain kana Zy alam kong drain ka na"

Di naman ako umimik at kumain kami ng tahimik ni Belle.

Ng matapos kaming kumain ay siya rin ang nag linis nito.

Binuksan ko yung envelop na binigay ni Joe at nilapag ito sa mesa at isa isang tinignig.

"Holy sh-t" Wala naman akong nakitang ka brutal brutal na pag patay sa tatlong bangkay na nakita ko una pero itong panghuli.

Lumabas na yung utak tapos yung laman loob

"Napamura ka diyan? ano ba yan?" Lumapit naman si Belle at tinignan yung mga larawan at pero di tulad ko napamura parang wala lang sakanya at nilagpasan niya yung larawan na nagpamura saakin.

"Ito lang ba yung reports nila? finger prints, time of dead, ofcourse wala na dito ang reason of dead dahil halata naman na ginamitan ng katana ito, DNA, profile ng mga bangkay. Puro lang picture? ebidensyang nakita at ginamit?"

Napakunot naman ako ng noo, Oo panay ang pag kunot ng noo ko ngayon di na talaga ako magugulat na mag iisa na yung kilay ko.

"Bakit? di pa naman yan kompleto hindi pa yan ang official report

"Akin nalang to ah total marami naman kayong kopya nito"

"Belle bawal"

"sabi mo hindi pa official atsaka di ko naman ipagkalat eh.."

"San mo ba yan gagamitin?"

"pang ebidensya sa mga magulang ni Alice"

"Huh?"

"basta, Mag teten na di ka pa ba uuwi? para naman makapag pahinga ka"

"Sasamahan na kita mag bantay kay Alice"

"Okay?"

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 552 47
Looking into his eyes will consume your mind and soul; Hearing his voice will extinguish your sane thoughts and dreams; Feeling his touch will turn y...
437K 11.1K 49
BELOVED SERIES: BOOK ONE -------- This is the RAW version of the book, so you might see A LOT of ERRORS.. Originally Written: 2009 Revised: 2014 Publ...
198K 1.9K 17
Her life race against time. Curse against prophecy. And everything is happening without her knowledge until the Majestic Wolf appeared in front of h...
1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...