The Mind Reader Hunk(Complete...

By Wild_Amber

502K 16.5K 915

MICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 20

13.7K 490 43
By Wild_Amber

HABANG nakasunod si Jeb sa green dote na nakikita niya gamit ang GPS na nakakunekta sa sasakyan niya bigla siyang inunahan ng isang BMW R 1200 RS. Bahagya siyang tinaasan ng driver nito ng gitnang kamay. Napailing naman siya ng makilala ang driver ng motorbike na nauna sa kanya.

"Gago, talaga." Anito at binilisan din ang pagpapatakbo ng sasakyan niya. Hindi rin siya nagpatalo sa taong nakasakay sa motorbike na mabilis ang pagpapatakbo sa unahan niya. Agad niyang diniinan ang pagtapak ng accelerator kaya sa isang iglap ay halos lumipad ang sinasakyan niyang MBW i8 sa tulin ng pagtakbo nito.

Natigil lang ang dalawa sa pag-uunahan ng makita ni Jeb ng green dote na sinusundan niya. Agad iniliko ni Jeb ang kotse niya kung saan lumiko ang driver ng motorbike. Sa isang matagong lugar itinago ng lalaki ang dala nitong motorbike at ganun din ang ginawa ni Jeb. Ang akala ni Jeb ay sila lang ang nandoon. Ngunit nagkamali siya dahil meron na pala silang mga kasamang nauna na doon.

"Anong status dyan sa location mo, Ho?" Rinig ni Jeb na tanong ni Frank gamit ang earphones. "Okay. That's good. Maghintay muna tayo ng tyempo bago tayo susugud." Ani Frank.

Dahil naghihintay muna sina Jeb ng utos ni Frank kung kailan sila susugud sa kinaruruonan ni Ale ay agad niyang inilabas ang tawagan.

"Baby, kumain kana ba?"

Message niya sa nobya. Hindi naman nagtagal ng sumagot ito.

My Vixen:
Oo, tapus na. Ikaw anong ginagawa mo?

"Meron lang kaming kunting trabahong gagawin ngayon. Kasama ko sina Frank." Sagot niya sa tanong ng nobya.

My Vixen:
Mmmm. Okay. Mag-iingat ka dyan ha. I miss you.

Ng mabasa niya ang message ng nobya ay lihim siyang napangiti. Kung pwede lang siguro siyang magpagulong-gulong sa tuwa ay ginawa na niya.

"I miss you too, baby," sagot naman niya. "At kapag ginabi ako baby ay matulog kana ha. Wag muna akong hintayin. But don't worry dahil uuwi din ako agad as much I can. I love you." Muli ay message niya sa nobya.

My Vixen:
Okay. I love you, too.

Matapus niyang mabasa ang reply ng nobya ay muli niyang ibinalik ang tawagan bulsa ng suot niyang jeans.

SAMANTALA sa isang liblib na lugar dinala nila Tina ang taong dinukot nila. Panay ang ngisi niya sa tuwing napapatingin siya dito. Nakikinita na niya ang salaping makukuha niya ngayon kapalit ng taong dinukot nila.

"Anong nakakatuwa?" Tanong sa kanya ng inaakala niyang si Vixen. "Wala naman. Masaya lang ako at makakaganti narin ako sayo. Kawawa ka naman. After this, ano kaya ang gagawin ng boyfriend mo?" Tanong nitong nakangisi.

Kung hindi lang siguro nakatali ang mga kamay at paa ni Ale ay kanina pa niya sinipa ang pagmumukha ni Tina sa inis niya sa babae.

"Anong gagawin niya? Syempre hindi ka parin niya papansinin. Dahil sigurado akong hahanapin niya ako kahit saan niyo pa ako itago." Sagot nitong medyo hirap sa paggaya ng boses ni Vixen. Mabuti na lang at meron siyang tinatagong talent sa panggagaya ng boses ng iba. Kaya napaniwala niya ang mga itong siya talaga si Vixen.

"Hahanapin," anito sabay tawa. "Bago ka niya mahanap e nahanap naman niya akong kapalit mo." Saad nitong kinatawa ni Ale.

"Tangna. Ang laki ng tiwala niya sa sarili niya," anito sa isip. "Oh! Talaga. Dapat na ba kitang batiin ngayon na?" Tanong niya dito.

"Wag kana magtapang-tapangan dahil wala na sa tabi mo si Jeb. Nag-iisa ka lang dito. Walang tutulong sayo dito." Ani Tina na nginisihan lang ng kausap niya.

"How sure you are?" Nakangisi niyang tanong. "And you know, unfair kayo e. Itinali niyo ako samantalang marami naman kayo dito. Ibig lang sabihin niyan e kayo ang takot sa akin, hindi ako." Ani Ale. Nababasa niya ang tumatakbo sa utak ng kausap. Kaya kampate siyang inisin ito ngayon.

"Shut up, kung ayaw mong ako ang magpatahimik sayo." Pasigaw nitong aniya. "Aw. I'm scared." Sagot dito ni Ale.

Natigil lang ang dalawa ng dumating ang taong siyang nag-utos sa kanilang dalhin dito si Vixen.

"Ikaw pala ang anak ni Cataluna." Anang lalaki sa kanya. "Ano naman ngayon kung ako nga?" Pagtataray namang tanong dito ni Ale na inaakala nilang si Vixen.

"Tinawagan muna ba ang ama niya?" Tanong nito sa kanang kamay niya. "Yes boss, pero hindi po sila makuntak e." Sagot naman nito sa amo.

"Kapag hindi mo parin sila makuntak ay alam niyo na ang gagawin dito," anito sa taohan na agad naman tumalima. "Yung perang dapat kay Tina ay ibigay niyo na rin sa kanya." Saad pa nito.

Napangiti naman si Tina sa natinig. "Thank you, Mayor Roxas." Anito sa lalaking nakatingin sa bahagya niyang nakaluwa na dibdib. Agad naman napansin ni Tina ang mata ng ginoo. Kaya kunwari ay bahagya niyang inayos ang damit sa harap ni Mayor Roxas. Sinadya nitong masilip ng lalaki ang malulusog niyang dibdib.

"Boss, ito po ang pera ni Miss Morales." Boses ng kanang kamay ni Mayor Roxas. "Sige ibigay mo sa kanya." Utos naman nito. Kaya agad inabot ng lalaki kay Tina ang attache case na mabilis naman niyang inabot. Ng makuha ni Tina ang pera niya ay agad din naman umalis ang kanang kamay ni Mayor Roxas.

"Thank you, Mayor Roxas. Kakaiba ka talaga kaya gusto kita....kitang maging boss." Sa tunong pinalandi niyang aniya sa ginoo.

"Gusto mong dagdagan ko yan?" Mahinang tanong ng ginoo kay Tina. "Um. Ano naman ang kapalit kung dadagdagan mo ito?" Tanong naman nito.

"Pumasok ka doon sa sasakyan ko at malalaman mo kung ano ang ipapatrabaho ko sayo." Ani Mayor Roxas. Pilya naman siyang tiningnan ni Tina.

"Tsk! Ang tanda na pero, malibog parin," ani Ale. "Wag lang talaga ako makawala dito. Dahil baka maputol ko yang nasa gitna ng dalawa niyang mga binti." Naghihimutok nitong aniya habang sinusubukan niyang kalagin ang taling nakatali sa dalawa niyang kamay.

ISANG oras ang lumipas ng bigyan sina Jeb ni Frank ng go signal. Kaya agad silang nagsihanda. Bawat isa ay ikinasa ang hawak na baril. May kadiliman narin sa kinaruruonan nila at tanging huni ng kuliglig ang maririnig mo. Maingat silang naglakad hangang marating nila ang isang lumang budega.

Agad silang pumalibot sa labas ng lumang budega na walang nakakaramdam sa mga taong nandoon. At bawat makita nilang tao ni Mayor Roxas na nakatayo sa labas ng lumang budega ay inisa-isa nilang patulugin ang mga ito.

"Ooohhhh!!

"Tangna. But umaalog ang sasakyan?" Tila nasusukang tanong ni Wesley. "Malamang nasa loob si Mayor Roxas gumagawa ng milagro." Sagot ni Frank.

"Ang tindi naman ng matandang yan." Naiiling nilang aniya.

"Bantayan niyo yan at papasok kami sa loob." Utos ni Frank sa kanila. Wala naman nagawa ang mga ito kundi ang makinig. Agad na pumasok sa loob ng lumang budega sina Jeb at naiwan sina Wesley sa labas kung saan nakapark ang umaalog na sasakyan. Ngunit hindi pa man tuluyang nakapasok sina Jeb ay may biglang nagpaputok at hindi nila iyon napaghandaan.

"Tangna naman oh!" Mura ni Jeb sabay sapo niya sa balikat na nadaplisan ng bala. At sa inis niya ay ginantihan niya ng baril ang taong bumaril sa kanila. Ngunit agad nakapagtago ang lalaking bumaril sa kanila kaya hindi ito tinamaan ng pinakawalang bala ni Jeb.

Dahil sa wala kang makikitang butas sa labas ng lumang budega ay nahirapan si Elijah na tingnan ang loob nito. Kaya hindi napaghandaan nila Jeb ang taong bumaril sa kanila.

"Okay ka lang?" Tanong ni Frank kay Jeb habang nakakasa parin ang hawak nilang mga baril. "I'm fine. Malayo ito sa bituka. Let's finish this. I'm tired of that dumbass politician. Nakakasakit ng ulo, kung pwede nga lang matagal ko na siyang pinatay." Anito bago sila panabay na pumasok ng warehouse.

At gaya ng inaasahan nila ay hindi lang isa ang nagpaputok sa kanila kundi higit pa doon.

"Bang. Bang."

"Tangna niyo." Ani Jeb na napangiwi dahil sa tama niya sa balikat habang ginagantihan nila ng baril ang nasa loob ng warehouse. "Bro, hanapin niyo si Javier. Ako na ang bahala dito." Utos niya kina Frank na agad naman tumalima.

Habang hinahanap nila Frank si Ale ay nagpapaputok parin sila ng baril sa mga kalaban nila.

"Hands up." Boses na nagpatigil kay Jeb sa pagpapaputok. Maingat naman niyang ibinaba ang hawak na baril sabay taas niya ng mga kamay. Dahan-dahan siyang humarap sa taong tumutuk sa kanya ng baril sa likod.

Nakangising aso ang mukha ng taong tumambad sa kanya. "Ang lakas ng loob niyong umataki dito. Akala niyo makakalabas kayo dito ng buhay. Nagkakamali kayo." Anito kay Jeb.

"Ikaw ang maghanda ng talumpati mo kay San Pedro. Dahil ikaw ang mauuna sa atin kay kamatayan." Ani Jeb kasabay ng paglipad ng isa niyang mga paa. Kaya sa gulat ng lalaki ay agad niyang nabitawan ang hawak na baril.

Bahagya naman umikot ang katawan ni Jeb at sinipa niya pataas ang nakalapag niyang baril. At ng makuha niya ito ay agad niyang binaril sa tuhod ang lalaking kaharap. "Saka na kita papatayin." Anito sa lalaki sabay sipa niya sa baril nitong nabitawan.

"Ouch! Tang ina mo." Hiyaw ng lalaki ng sipain ni Jeb ang binti nitong meron sugat. Nakangisi naman itong tinalikuran ni Jeb at hinarap niya ang iba.

"Bang. Bang."

Halos kalahating oras din bago natigil ang barilan sa loob ng warehouse. "Nasaan si Javier?" Tanong agad ni Jeb kay Frank ng makita niya ito. "Nasa labas na. And she's fine." Sagot nito.

"Mabuti naman." Naisatinig na lang niya. "Ikaw. Dalhin mo sa hospital yang sugat mo at ipagamot, kami na ang bahala dito." Utos sa kanya ni Frank.

"Sige."

Agad naman siyang lumabas ng warehouse.

"Anak ka ng....hindi ka ba tinuruan ng nanay mo kung paano gumalang sa nakakatanda sayo." Galit na ani Mayor Roxas kay Wesley na inabutan ni Jeb.

"Oh! I'm sorry. I don't have one, wala akong nanay na nagturo sa akin na igalang ang mga demonyong kagaya mo." Sagot naman dito ni Wesley.

"Hey! Okay ka lang Hernandez?" Biglang tanong sa kanya ni Ale. "Yeah! I'm fine." Sagot nito sabay kuha niya ng tawagan na nasa  bulsa ng suot niyang jeans.  Bahagya pa siyang napangiwi ng kumirot ang sugat niya sa balikat.

Message from Light. Yun agad ang nakita niya sa screen ng tawagan niya. Napailing naman siyang binasa ang message nito sa kanya.

Light:
Mauna na ako sa inyo. Meron pa akong ibang trabaho. Kaya pakisabi kay Murillo na nauna na ako.

"Gago, meron kang tama?" Ani Ale ng makita nito ang dugo sa suot ni Jeb na jacket. "Yeah! Daplis lang." Sagot nito sabay balik niya ng tawagan sa bulsa.

"Nasaan ang kotse mo at ipagdrive na kita sa hospital ng magamot yan." Naiiling na ani Ale. "Iniwan namin doon ang mga dala naming sasakyan."

"Akin na ang susi ng kotse mo." Sabay lahad nito ng kamay. Agad naman inabot dito ni Jeb ang susi ng kotse niya.

"Tigilan muna ang gagong yan, wala kang mapapala kung makikipag-usap ka dyan." Awat niya kay Wesley. "Eh! Gago yan e. Matagal ko nang gustong itarak sa ulo niya ang samurai ko sa condo ko." Ani Wesley na mukhang galit na galit talaga kay Mayor Roxas.

"Bahala kana nga." Pagsuko niya dito. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakita niya ang sasakyang nagsignal light malapit sa kinatatayuan nila. Kaya agad siyang lumapit dito.

"Naging fling girlfriend mo ba talaga ang Tina na yun?" Tanong ni Ale sa kanya ng makasakay siya ng sasakyan at pinaharurot ito.

"No, never kung naging fling girlfriend yun." Sagot naman niya. "Bakit ako pinagbantaan ni Light na papatayin niya ako kapag meron masamang nangyari sayo? Hindi nga natin yun kasama kanina. Pero bigla na lang sumulpot." Maya ay tanong nito kay Ale.

"I don't know. Malay ko dun." Sagot naman nito habang nakatuon ang mga mata sa daan. "Okay. Sinabi mo e." Nasabi na lang ni Jeb sabay sandal niya sa likod ng sasakyan.

Hindi namalayan ni Jeb ay naidlip pala siya. Nagising lang siya ng tapikin ni Ale ang balikat niya. Kaya agad siyang nagmulat ng mga mata. Ng tumingin siya sa labas ay nakita niyang nasa labas sila ng isang hospital. Kaya agad siyang lumabas at sumunod naman sa kanya si Ale.

TBC.

--->Light. Mmm....yung ilaw sa loob ng bahay niyo😂😂😂.....sa naghihintay ng story ni Ale ay meron mangyayaring hindi niyo alam👻👻👻Kung ano yun, itatanong ko muna kay Ale kung ano...hahaha!!!

Continue Reading

You'll Also Like

72.4K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
739K 22.1K 28
Lysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."
47.8K 4.7K 32
A MayWard Fanfic story
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...