Infinite Love - HTTYB (COMPLE...

By Mahaldito

12.2K 297 22

I know this world is ruled by infinite intelligence. Everything that surrounds us- everything that exists - p... More

Infinite Love - HTTYB
HTTYB-1
HTTYB-2
HTTYB-3
HTTYB-4
HTTYB-5
HTTYB-6
HTTYB 7
HTTYB- 8
HTTYB- 9
HTTYB-10
HTTYB-11
HTTYB-12
HTTYB-13
HTTYB-14
HTTYB-16
HTTYB-17
HTTYB-18
HTTYB-19
HTTYB-20
HTTYB-21
HTTYB-22
HTTYB-23
HTTYB-24
HTTYB-25
HTTYB-26
HTTYB-27
HTTYB-28
HTTYB-29
HTTYB-30
HTTYB-31
HTTYB- 32
HTTYB- 33
HTTY-34
HTTYB-35
HTTYB-36
Epilogue
The Man in the Dark

HTTYB-15

249 5 0
By Mahaldito

Hi to all, pansin ko lang medyo napapadalas ang Update ko. Ipagdiwang! So, tama na. Eto na. Enjoy :*

-----------

Janella P.O.V

Ala-singko pa lang ng umaga ay wala na ako sa bahay. Sabado na kasi e, syempre pupunta kami sa orphanage. Ano pa nga bang aasahan ko?

Medyo nahihirapan nga akong gumising, hindi naman sanay ang body clock ko sa ganoon set. Like duh, ang mga magaganda hindi gumigising ng umaga at alam kong hindi ako maganda. Potainis!

Ramdam ko ang paligid, sobrang tahimik. Ano pa nga bang aasahan ko eh sobrang aga kong gumising. Actually. 5:30 pa ang alis namin. Malayo rin kasi yung pupuntahan namin. Sa Tagaytay din yun at maghapon kami dun dahil ico-comfort pa namin yung mga bata dun.

"Hay sa wakas ateng, nakarating ka rin" bungad sa akin nila Ej. Aba ang bakla nakapamaypay pa. Oo nga pala, nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo. Kasama ang buong room ko kaya lang kaming dalawa ni Marlo ang magiging representative ng room namin. Ang saya 'no?


"Sorry naman" sabi ko sabay ayos ng buhok. Medyo basa pa kasi eh.

"Sorry ka diyan, ay teka girl. Ba't naman ganyan ang pormahan mo?" agad ko naman tinignan yung suot ko. Oh anong masama sa suot kong green na damit at brown na pantalon?

"Oh, anong masama?" tanong ko ng matapos kong ayusing yung buhok ko.

"Walang masama, masama lang yung mukha mo" sabi niya. Tignan mo 'to. Kaibigan ba talaga siya?

"Salamat ha" sarcastic kong sabi sa kanya.

"BABY EJJJ!" sigaw ng isang babae kaya napalingon kami, si Kiray lang pala. Agad naman tiniklop ni Ej yung pamaypay na hawak niya.

"ANG GWAPO NG BABY KO" sabi ni kiray ng makarating siya sa pwesto namin.

"Maganda kamo" sabi ko 

"Hah?" tanong ni kiray sabay tingin sa akin. Agad naman akong pinandilatan ng mata ni Ej.

"Ang sabi ko, ang ganda mo, kasing ganda mo yung morning" sabi ko na lang at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Agad naman dumating sila Julia B at Kathryn na masayang nagtatawanan.

"Oh hi girls" sabi naman ni Kathryn at bumeso sa akin.

"Anong girls, may boy dito oh. Yung baby ko" sabi naman ni Kiray sabay yakap sa braso ni Ej.

"Ha? Sino ka ba?" kunot noong tanong ni Kathryn. Ayy oo nga pala, hindi pa nga pala sila nagkakilala.

"Ayyyy Kathryn, si Kiray bagong transferee dito" sabi ko kay Kathryn. Agad naman itong ngumiti kay Kiray.

"Ba't nga pala natransfer dito sa school namin" tanong ni Kathryn kay Kiray.

"Ayy kayo pala ang may-ari ng school na'to?" gulat na tanong ni Kiray. Agad naman tumango si Kathryn. What an angelic voice.

"Ah kasi sinundan ko yung loves ko dito." sagot naman ni kiray.

"Sino" maintirgang tanong ni Kathryn.

"Si Ej my loves" sagot naman ni Kiray sabay yakap sa braso ni Ej.

"Ha? Yan.Si Ej?! Eh Bak------" hindi na natuloy yung sinabi ni Kathryn dahil sinalpakan ko na ng kamay yung bibig niya. Habang si Julia B naman ay hawak-hawak ang magkabilang kamay ni Ej.

"Ang ibig niyang s-sabhin ay Bak--bak? Ayy oo bad boy yang si Ej. Oo tama, bad boy daw kasi si Ej. Hehehehehe" sabi ko kay Kiray habang si Kathryn, pigil na pigil naman sa pagpiglas ng kamay ko sa bibig niya. Sorry kathryn. Agad naman tumingin si Ej sa amin nang parang may tinatagong katauhan. Kung sabagay totooo naman.

"Ah oo, badboy yang si Ej" sabi ni Kathryn after niyang makawala sa kamay ko. Mukhang nagets naman ni Kathryn yung ekspreyon na pinakita kanina ni Ej.

Agad naman ngumisi si Kathryn kay Ej. "I smell something fishy" sabi ni Kathryn na may tonong mapang-asar. "Fishy?" tanong naman ni Kiray.

"OO MASYADONG MA-FISHY DITO EH. DIBA EJ?" mapangasar na sabi ni Kathryn. Ang sakit na nga ng tyan kakapigil ng tawa. Kawawang Ej, hindi tuloy makakibo.

"Oh,bat ganyan ang suot mo?" tanong sa akin ni Kathryn. Tinignan ko naman ito. Oh anong masama.

"Sabi sayo eh, di bagay" sabat naman ni Ej ngunit gamit ang panlalakeng boses.

"Girls Things lang" sagot naman ni Kathryn saka ngumiti ng nakakaloko kay Ej. Ayun si Koya, napahiya.

"Let's go" sabi naman ni Kathryn at hinatak ako papunta sa banyo.

"Oh suotin mo" abot naman sa akin ni Kathryn ng makarating kami sa Cr ng pambabae. Tinignan ko naman ito. Isa itong white na floral dress at leggins with matching high heels.

"Sigurado ka?" di makapaniwalang tanong ko 

"Oo'' walang kurap niyang sagot.

"Naka-shabu ka ba?" tanong ko

"Ha? Bakit?" tinignan niya naman ako ng kunot noong expression.

"Orphanage ang pupuntahan natin, hindi fashion show" sabi ko tsaka ibinalik sa kanya ang gamit pero binalik niya rin sa akin.

"Suotin mo na lang, wag ka ng umarte" sabi niya kasabay ng pagtulak sa akin sa loob ng cubicle.

Ano ba naman 'tong naiisip ni Kathryn, nakakajologs naman pero dahil maganda ako. Suuotin ko ito. Char lang.

Paglabas ko ng cubicle, nagulat naman ako sa reaction na ibinaling niya sa akin. Na-concious naman ako sa katawan ko? Anong meron? Halata ba yung bilbil ko?

"Hala, huy okay ka lang" tanong ko sa kanya. Nakakapanic kasi.

"Ahh Okay lang ako. Ang ganda mo lang sa damit na yan" sabi niya sa akin. Halos parang na-out of balance naman ako sa sinabi niya. Hindi talaga ako sanay sa takong

Agad naman akong pumunta sa harapan ng salamin. Agad naman nanlaki mata ko. Totoo nga, mas maganda 'tong damit na 'to, kesa kanina. Ako ba talaga 'to?

"Maganda ba ako?" nagulat naman ako sa tanong ni Kathryn kaya naman tinignan ko naman si Kathryn gamit ang repleksyon ng salamin.

"Oo naman, ba't mo naman natanong?" tanong ko sa kanya.

"Talaga?" parang nabuhayan ng dugo si Kathryn sa tono ng pananalita niya.

" Oo naman, ikaw ay aking hinahangaan. Ba't mo naman natanong" sabi ko sa kanya.

"Kung ganon, ba't hindi ako nagugustuhan ng taong mahal ko?" tanong niya

"Sino naman yan?" tanong ko.

Para naman siyang nabuhusan ng tubig. Ha? Weird naman.

"Aa-aa wa-wala, tara na labas na tayo" sabi niya at dire-diretsong lumabas ng Cr.

__

"OKAY,CLASS YAN NA YUNG SEATING ARRANGEMENT NA BINIGAY KO SA INYO" sabi naman ni Ma'am. Nandito na nga pala ako sa bus. Naka-arrange na rin ako at wala pang nakaupo sa tabi ko.

"Hi, pwedeng pa-upo?" tanong niya. Tinignan ko naman siya. Si Enrique lang pala. Agad naman akong tumango. 

Umupo na siya sa tabi ko at inayos yung jacket niya.

"Good morning" sbai niya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. Ohmy gosh, bat ang gwapo niya? Yung ilong niya, yung pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin, yung brown niyang mata at yung kanyang-------

"ENRIQUE, HINDI KA DYAN NAKA-ASSIGN NG UPUAN" sita sa amin ni Ma'am.

"Eh Ma'am saan ako" tanong ni Enrique.

"Dito, malapit sa harapan, Katabi ni Julia Baretto" sabi ni Ma'am

Napakamot na lang ng ulo si Enrique at tumayo na. Ano ba naman yan si Ma'am, kakaasar.

"Umurong ka nga dun" nagulat na lang ako ng may nagsalita kaya napatingala ako at mapapamura ka na lang ng hindi oras.

"At ba't dito ka uupo sa tabi ko" tanong ko sa kanya.

"AYYYY MA'AM, AYAW PO NI JANELL------"

"Ay hindi Ma'am, sabi ko nga dito siya sa tabi ko. Oh dito. Maluwag pa. Kasyang-kasya ka" sabi ko kay Marlo habang hatak-hatak yung damit niyang long-sleeve.

Napangisi naman ang kumag at umupo sa tabi ko at binangga ako ng bag, ang masaklap pa. Ginigitgit ako sa may bintana.

"Ano ba, umurong ka nga dun" sabi ko kay Marlo.

"MA'AM, TIGNAN MO, INA--------" hindi ko na siya pinatapos dahil umurong na ako ng sagad sa bintana at sinalpakan siya ng kamay ko sa bibig niya.

"Good dog" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

Naku!Naku! nagpipigil lang ako ha!

Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling ang atensyon ko sa lugar na madadaanan namin.

_

Sa kalagitnaan ng byahe, nakaamoy ako ng mabangong pagkain. Amoy cheese na chips kaya napatingin ako sa tabi ko at ang devil pala ay lumalamon.

"Gusto mo?" tanong niya. Naramdaman niya siguro akong nakatingin sa pagkain niya. Agad niya itong inilapit sa ilong ko kaya mas naamoy ko ang pagkain na hawak niya.

Tatango palang sana ako ng bigla niya akong unahan.

"Bumili ka ng sarili mo" sabi niya kaya sa sobrang badtrip ko, tumalikod na lang ako sa kanya.

"Uyyy gusto mo?" tanonng niya sa akin. Nagpipigil lang ako, please Janella wag kang bibigay.

"Uyy gusto mo ba?" tanong niya sa akin tsaka inilapit sa ilong ko.

"Ang bango no?" tanong niya pero hindi ko parin sinasagot hanggang sa dinalaw na ng antok ang aking diwa.

_

Sa hindi makapaniwala na kadahilanan ay bigla akong nagising sa byahe. Nakatulog pala ako. Nakaramdam naman ako ng may mabigat sa braso ko. Napamulat naman ako ng mata at tinignan kung ano ang meron sa kamay ko. Yung sa kamay ko may hawak-hawak akong chichirya. Chichirya? Sa'n naman 'to nanggaling? Diba kay Marlo 'to? Agad naman akong tumingin sa lalaking inosenteng nakadagan sa braso ko. 

Halos lumuwa naman ang mga mata ko, like totoo ba'tong nakikita ko? Ang pog--errr--pogito niya. Alam ko naman na ilang beses ko na siyang nakakasama sa clinic pero this time kasi parang mas lalo kong nakita yung mukha niya. As in ang pogi niya. Oo na pogi na sya. Luuuh?? Kiniliig naman siya. Ang himbing niya kasing matulog, yung ang pula niyang labi na parang anytime gusto kong kagatin. Yung ilong niya na halos bridge na lang ang nakikita mo kaya nagmistula itong matnagos at yung mahahaba niyang pilik mata.

"Gandang-gand ka sa tinitignan mo ah" nagulat naman ako sa narinig ko, Ha? Sino yung nagsasalita? Hala? S-si Su-sudak-a? Si sudaka? Hala ba't niya ako sinusundan dito? Wala naman akong ginawang masama ah? Agad naman akong nakaramdam ng mabilis na kabog sa dibdib ko? Tumingin ako sa paligid pero wala naman isang sign na nandyan si Sudaka.

"Sige, titig pa" ayyy sudaka, hindi naman ako tumitig sayo eh. Huhuhuhuhuhu!!

"Halikan kita diyan" Ha? Tibo ata si sudaka eh, hahalikan daw ako? Pero infairness, ang haba ng buhok niya. Panung tibo yun? Yun nga ang original na tangled eh.

"Ayaw mo talaga ha?" Huhuhuhuhuhuhu. Ano ba kasing ginawa ko sa'yo sudaka? Bumalik ka na sa loob ng TV. Huhuhuhuhuhuhu. Ano ba kasing gusto mong TV? Yung samsung? Wala ako nun eh!

Bigla  na lang tumaas yung balahibo ko ng may naramdaman akong may pumapapak sa leeg ko, agad naman akong tumingin sa kanya. Si Marlo lang pala. Ang manyak nito! Nakakaasar! Hinahalik-halikan niya yung leeg ko.

"Anu ba!!" mahinang sigaw ko sa kanya tsaka siya tinulak pero hindi pa rin ako nagwagi dahil siya parin yung patuloy na pumapapak sa braso ko.

"Huyyy, anu ba!" sigaw ko sa kanya pero ayaw pa rin paawat.

"Aish, tumigil ka nga" saktong pagtulak ko sa kanya agad naman huminto yung bus, siguro nandito na kami sa orphanage.

"Sa taong mahal ko lang yan ginagawa" sabi niya sabay diretsong bumaba. Iniwan naman niya akong nakanganga. Napahawak naman ako kaagad sa dibdib ko. Ba't  parang naninikip ito? Sobrang bilis ng tibok eh, hindi naman ako tumakbo, ano bang nangyayare?

Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
615K 25.2K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...