HTTYB 7

360 10 0
                                    

Alam ko na medyo natagalan ako sa update. Sorry po :))  pero eto na talaga :)) sana naman po :)) pakibasa ito. This chapter is just a little bit bigger now.Chos! kumanta pa ako :D so ayun nga,hinay-hinay lang tayu sa UD dahil itong storyang ito ay medyo realistic :)) So tama na DALDAL. ETO NA PO!

********

Janella P.O.V


Bakit kaya nagkakaganoon si Marlo? may problema ba? basta ang alam ko, nagseselos siya sa akin. CHOS! assuming ako, pakeelam nyu naman?

So ayun nga, para akong nasa langit. Makasabay mo ba naman sa pagkain si Enrique my loves. Hindi  ka kaya makakain ng maayos. Bakit ganoon? Ang Hot,hot niya. Para siyang model na nagpo-promote na kumain ng kinakain nyang Hotdog. Naiingit ako sa Hotdog niya, parang ang sarap. Psst.. Kayo ha? baka madumi na 'yang iniisip n'yo ha?

"Enrique" pagbabasag ko sa katahimikan na pumapagitan sa amin.

"Hmm?" tanong niya habang enjoy na enjoy siyang kainin yung hotdog niya.

"Aa-aa..mahilig ka ba sa Hotdog?" tanong ko. teka, saan ko naman nakuha yung tanong na'yon?

"Oo,peyborit ko ito ee" matawa-tawa niyang sabi.

Kahit simpleng pagtawa niya lang nadadala ako, para kasing anghel ang boses niya. Nakakadala ang mala-anghel niyang tawa.

"Ahh bakit?" pagtatanong niya, dahilan para bumalik ako sa reyalidad ng mundo.

"Ahh,wala lang" pagsisinungaling ko, nakakahiya naman kasi sabihin sa kanya na 'hoy ikaw ah, mahilig ka sa hotdog ha! baka kung ano ka! umamin ka!' diba nakakahiya?

"Parang alam ko na kung ano ang gusto mong ipahiwatig" ma-kuryosidad niyang sabi.

"Ehh?" naiilang kong tanong, di kaya nababasa niya ang isip ko? siguro sobrang pogi niya pero di pala siya tao. Alien ba siya?

"ALIEN KA?!" napasigaw kong tanong kaya bigla tuloy nagsilungunan ang mga tao sa cafeteria.Nakarinig tuloy ako ng mga bulungan ng mga nasa tabi naming table.

"Parang Tanga!"

"Mukha bang alien si Enrique my Loves?"

"Nababaliw na naman 'yan"

"itinutuluad ang itsura sa isang katulad ni Enrique"

"Palibahasa panget,"

"Tama! malande pa!'

Grabe naman, parang dalawang salita lang ang isinigaw ko, nachismis naman ako ng bongang-bonga.

"Hindi, alam ko na ang iniisip mo kung bakit mo natanong kung mahilig ba ako sa hotdog" pagbabalik tanong ni Enrique ng maka-recover na siya sa kahihiyang ginawa ko.

"Ehh?" naiilang tuloy ulit ako.

"Gusto mong iparating sa akin kung bakla ba ako?"

"Eh?" panu niya nalaman, is he related to madam auring?

"Sa pogi ko bang 'to, mukha pa ba akong bakla?" nakangiting tanong sa akin ni Enrique

"Wow,ang hangin natin ha?' pagtatapik ko sa kanya sa balikat pero sa totoo lang agree naman ako sa kanya, may bakla bang ganyan kapogi?

Natauhan na lang ako ng bigla niyang tanggalin ang kamay ko sa balikat niya at inilapit nag mukha na sobrang lapit. AS IN INCHES LANG. at nakatingin sa akin ng sobrang seryoso.

Infinite Love - HTTYB (COMPLETED)Where stories live. Discover now