HTTYB-15

249 5 0
                                    

Hi to all, pansin ko lang medyo napapadalas ang Update ko. Ipagdiwang! So, tama na. Eto na. Enjoy :*

-----------

Janella P.O.V

Ala-singko pa lang ng umaga ay wala na ako sa bahay. Sabado na kasi e, syempre pupunta kami sa orphanage. Ano pa nga bang aasahan ko?

Medyo nahihirapan nga akong gumising, hindi naman sanay ang body clock ko sa ganoon set. Like duh, ang mga magaganda hindi gumigising ng umaga at alam kong hindi ako maganda. Potainis!

Ramdam ko ang paligid, sobrang tahimik. Ano pa nga bang aasahan ko eh sobrang aga kong gumising. Actually. 5:30 pa ang alis namin. Malayo rin kasi yung pupuntahan namin. Sa Tagaytay din yun at maghapon kami dun dahil ico-comfort pa namin yung mga bata dun.

"Hay sa wakas ateng, nakarating ka rin" bungad sa akin nila Ej. Aba ang bakla nakapamaypay pa. Oo nga pala, nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo. Kasama ang buong room ko kaya lang kaming dalawa ni Marlo ang magiging representative ng room namin. Ang saya 'no?


"Sorry naman" sabi ko sabay ayos ng buhok. Medyo basa pa kasi eh.

"Sorry ka diyan, ay teka girl. Ba't naman ganyan ang pormahan mo?" agad ko naman tinignan yung suot ko. Oh anong masama sa suot kong green na damit at brown na pantalon?

"Oh, anong masama?" tanong ko ng matapos kong ayusing yung buhok ko.

"Walang masama, masama lang yung mukha mo" sabi niya. Tignan mo 'to. Kaibigan ba talaga siya?

"Salamat ha" sarcastic kong sabi sa kanya.

"BABY EJJJ!" sigaw ng isang babae kaya napalingon kami, si Kiray lang pala. Agad naman tiniklop ni Ej yung pamaypay na hawak niya.

"ANG GWAPO NG BABY KO" sabi ni kiray ng makarating siya sa pwesto namin.

"Maganda kamo" sabi ko 

"Hah?" tanong ni kiray sabay tingin sa akin. Agad naman akong pinandilatan ng mata ni Ej.

"Ang sabi ko, ang ganda mo, kasing ganda mo yung morning" sabi ko na lang at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Agad naman dumating sila Julia B at Kathryn na masayang nagtatawanan.

"Oh hi girls" sabi naman ni Kathryn at bumeso sa akin.

"Anong girls, may boy dito oh. Yung baby ko" sabi naman ni Kiray sabay yakap sa braso ni Ej.

"Ha? Sino ka ba?" kunot noong tanong ni Kathryn. Ayy oo nga pala, hindi pa nga pala sila nagkakilala.

"Ayyyy Kathryn, si Kiray bagong transferee dito" sabi ko kay Kathryn. Agad naman itong ngumiti kay Kiray.

"Ba't nga pala natransfer dito sa school namin" tanong ni Kathryn kay Kiray.

"Ayy kayo pala ang may-ari ng school na'to?" gulat na tanong ni Kiray. Agad naman tumango si Kathryn. What an angelic voice.

"Ah kasi sinundan ko yung loves ko dito." sagot naman ni kiray.

"Sino" maintirgang tanong ni Kathryn.

"Si Ej my loves" sagot naman ni Kiray sabay yakap sa braso ni Ej.

"Ha? Yan.Si Ej?! Eh Bak------" hindi na natuloy yung sinabi ni Kathryn dahil sinalpakan ko na ng kamay yung bibig niya. Habang si Julia B naman ay hawak-hawak ang magkabilang kamay ni Ej.

Infinite Love - HTTYB (COMPLETED)Where stories live. Discover now