HTTYB-31

426 6 5
                                    

Janella P.O.V

Pagkatapos kong manalamin lumbas na rin ako ng comfort room. Bakit kaya ganun 'no? Kung sino pa yung madalas natin makasama sa buhay natin, sila pa yung mang-iiwan. Katulad niyan, masasabi kong buong 4th year highschool ako kasama ko sa journey ko si Marlo tapos parang bigla na lang siya mawawala ng parang bula. Kung tutuusin, nasanay naman akong mamuhay ng mag-isa at walang kumakausap sakin pero parang simula nung pasukin ng demonyong heartless devil na'yun yung buhay ko, hindi ko na alam kung paano ko sisimulan ang ugali ko dati. Noong panahon na bago ko ihakbang ang mga aking paa sa paaralan na'to, iba pa ang aking ugali pero ngayon? Ibang-iba na at walang ibang may kagagawan nito kung hindi si Marlo. At ang kapal talaga ng mukha niya para iwan ako ngayon!

Pagnakita ko talaga yun! Sasapakin ko yun hanggang mawala na ang kanyang gwapong mukha at hindi na ako main-love sa kanya!

O di kaya, sisipain ko yung balls niya para mabaog siya at hindi magkaroon ng pamilya! Nakakaasar talaga!

Pero kamusta na kaya siya? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita eh. Ay shunga! Isang araw lang pala! Shungangers lang? Bawal magkamali?

'Kaya ka nasasaktan, kasi iniisip mo pa rin siya' bulong naman sa akin ng konsensya ko. Oo may konsensya ako pero hindi ko alam minsan kung mabaet na konsensya ito o malandeng konsensya!

Habang papunta ako sa gym para magpraktice ng sayaw sa Js Prom dahil wala na rin kaming halos klase sa ilang subject dahil patapos na rin ang aming  school year.

Pagkatapos kasi nitong Js Prom magiging busy na kami para sa Graduation day namin. Sobrang bilis ng panahon 'no? Nuon gurang pa ako, ngayon dyosa na ako. Ge, kontra ka ng karatehin ko yang ngala-ngala mo!

Pagkadating ko sa gym nagpa-practice na sila ng sayaw  at napansin kong sobrang seryoso nila di tulad kahapon na para bang lokohan lang ang practice.

"Well, Ms. Salvador gusto ko lang po sabihin sa inyo na 25 minutes na kayong late! Ang aga mo diba?" Halos tumalon naman ang puso ko ng sumulpot tong beki kong teacher sa harapan ko.

"Sorry po. Sir" sabi ko at napayuko na lang. Pumwesto na ako sa pwesto ko at nakita kong papalapit pa lang sa akin si Marlo na pinapagalitan ni Sir, late din siya? Bakit? Tinignan ko naman si Coleen kung magkasama sila pero hindi naman dahil maagang dumating si Coleen.

'Bat kaya siya late' pilit na pinagsisigawan ng utak ko? Pero ang puso ko kung makakutob parang huling kutob ko na to. Hindi kay gusto niyang  sabay kami? No,no,no,no! Dito lang ako masasaktan eh! Ang mag-assume nang mag-assume!

Wala akong mapapala sa pag-aasume bukod kasi sa umasa na ako, mukha pa akong tanga kaya wag kayong maga-assume dahil hindi ito healthy sa atin lalo na kung isa la-------

"Hindi ka pa ba nakokontento sa pagtingin sa mukha ko?" Nagulat ako ng nagsalita na si Marlo sa harapan ko.

"Ano?! Pinagsasabe mo diyan?! Nakita mong kararating mo lang!" Singhal ko sa kanya. Ang hangin niya ah!

"Excuse me, isang minuto na akong nakatayo dito at yung tingin mo sa akin na para bang ako na lang ang pinagpapantasyahan mo! Dont worry, i'll give my body to you later but not here" sabi niya habang nakangisi. Ugh! How dare he? Mukha ba akong cheap para ganyanin?

"Manahimik ka!" Tsaka ko agad hinablot yung kamay niya at nilagay sa bewang ko.

"Uy, gusto niya" panunukso niya.

"Che!" Sabi ko at inirapan siya. Feeling habagat. Nakakaasar!

Tapos pinisil pisil niya yung gilid ng tiyan ko. Nakiliti naman ako. Hihihi.

"Infairness, walang bilbil ang tiyan ha?" Sabi niya habang naka-crook smile sa akin.

"Pake mo?" Mataray kong tanong.

Infinite Love - HTTYB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon