Once upon a summer

By GreatPretender04

4.1K 98 8

I was trying to mend my broken heart. I was trying to escape. But my escape led me into finding another perso... More

Once Upon a Summer
1st shot
Last shot

2nd shot

538 16 2
By GreatPretender04

Giedie

Alas nwebe nang magising ako, kaya laking gulat ko nang abutin ko ang cellphone ko sa side table.

"10 messages? 5 missed calls? Galing kay Kyle?" Daig niya pa nanay ko ah. Paano, lahat ng message niya ginigising ako. Gumising na daw ako kasi naamoy niya na ang panis na laway ko, gumising na daw ako kasi may sunog. Hay. Kalokohan nito.

Agad naman akong sumalo nang makitang kumakain pa ng breakfast sila Lolo at Lola, andito rin ang Tito ko at mga pinsan ko. May kalakihan kasi ang bahay nila Mommy, idagdag pang napakasarap magluto ni Mommy. Kaya laging dito tumatambay ang Tito at mga batang pinsan ko.

"Giedie, aalis kami ng lolo mo ha. Ito oh." Biglang saad ni Mommy at nag-abot ng pera sa akin nang matapos kaming kumain. Nagulat naman ako ng 5k ang ibinigay niya

"Para saan po?" Tanong ko

"Baon mo, alam kong may lakad ka na naman e." Ngiti ni Mommy. Ay bigatin talaga sila Mommy, palibhasa kasi may farm sila. I am spoiled to them, so I didn't find it new.

"Thank you po." Pasalamat ko, pero 'di pa pala tapos roona ng ipagpapasalamat ko.

"GIEDIE!" Nagulat ako sa pagtawag ng kung sino sa main door ng bahay. My jaw dropped when I saw my childhood best friend, my chinita, pero morenang bestfriend, Kamil.

"Best!" I quickly hugged her.

"Pinapunta ko siya kasi alam kong namiss mo siya." Sabi ng Tito ko na nakatayo na pala sa gilid namin. Kaya naman humiwalay ako sa pagkakayakap.

"Thank you Tito!" I hugged him.

"Oh sige, pagkatapos mo humayo na kayo." Natatawang sabi ng Lola ko nang makitang sabik kami ng bestfriend ko sa isa't isa.

Agad kaming pumunta sa simbahan ni Kamil. The chick is religious, unlike me. I only go to church on Sundays, pero siya kasi nakasanayan niya na. Since doon pa rin siya nag-aaral sa Christian school.

Pagkatapos naming magsimba ay dumeretso naman kami sa restaurant nila. They owned a restaurant, one of the biggest in town. Family business na rin and I can say na de-kalidad talaga ang mga niluluto nila.

I have known her family for so long, actually close ako sa kanila. Parang anak na rin kasi nila ako, lalo na no'ng dito pa kami nakatira nila Mama. I used to eat here as often as I can, libre kasi, masarap pa. Hahaha

Hindi ko na rin namalayan ang oras at 'di ko napansin nan a-lowbat ang phone ko. Kaya pala walang messages or calls na nanggaagambala kanina.

Nang makauwi ako ay dumeretso ako sa kwarto at nag-charge. Laking gulat ko na lang nang pagbukas ko ay nakita ko ang 30 messages. Iyong iba ay galing kay Mama, but most of it are from Kyle. At talagang dinadaig niya pa Nanay ko ha. Tsk.

Pero para 'wag na mag-alala si Mama ay nagreply na ako kaagad.

Ma, I hang out with Kamil. Do'n kami sa kanila at 'di ko na charge phone ko. Sorry 'di ako nakareply.

I replied to my mom. And then I replied to Kyle.

Uy. SLR. 'Di ko nabasa mga messages, na-lowbat kasi phone ko. Kasama ko bestfriend ko buong araw e, 'di ko namalayan oras.

Nagmadaling maglinis na naman ako ng katawan at bumalik na sa kwarto. Saka ko lang nakita na tumatawag na agad si Kyle.

"Yes?" I asked

"I need someone to talk with." I quickly sensed his sadness. Problema nito?

"Something wrong?" Tanong ko at pumwesto sa kama

Nag-kwento naman siya sa sitwasyon nila ng girlfriend niya ngayon. Nasasakal na daw siya kasi daw gusto no'ng girl na kung saan siya magpunta ay kasama ito. Kahit nga raw 'yong pagpunta lang niya para mag grocery kailangan isama niya pa ito. No'ng isang buwan niya pa raw ito pinoproblema. He tried to break up with her pero,

"Ano?" I somehow yelled on what he told me next.

Gumawa raw ng eskandalo ang babae sa park at sinabing nabuntis niya ito sabay hagulhol sa harap ng maraming tao. She's crazy , that's all I can say. Kaya /di niya maiwanan , oo mahal niya pa raw, pero nasasakal na raw siya. Hindi na nga raw siya nag-rereply sa text at tawag nito e. Kasi napapagod siyang makipag-away.

Nakinig lang ako ng nakinig sa kanya, mukhang kailangan niya lang kasi ng tagapakinig, pero nang tumahimik na siya ay saka ako nagkomento.

"Alam mo, ibang klase lang siguro magmahal ang girlfriend mo. May iba't iba kasi ng way sa pagpapakita ng pagmamahal ang babae e." Sabi ko pa

"Alam kong mahal niya ako pero, sumobra ata at nasasakal na ako." Biglang humina ang boses niya.

Napakamot na alng ako sa ulo ko. I already said my part, ayaw ko rin makialam sa kanila, kasi labas naman ako roon. At isa pa, may sarili akong problema. Hay.

Nagpatuloy ang routine namin ni Kyle na gano'n. Sa umaga kasama ko ang bestfriend ko at iba ko pang kaibigan, sa gabi naman siya tawag ng tawag. Isang linggo kaming gano'n hanggang sa mag-aya siya.

"Are you free today?" Tanong niya. Nasa bahay lang naman ako dahil wala si Bestfriend ngayon. Pero napapaisip ako, kasi first time ko kasi siyang makikita sa personal.

"Hmm. Bakit?"

"Kasama ko kasi si Mikael. Alam kong miss mo siya kaya baka gusto mong gumala kasama kami?" He asked. My smile widen, Mikael was one of my closest friend. He's a guy at masasabi kong guy bestfriend ko no'ng dito pa ako nag-aaral.

"Ay sige magpapaalam ako. Ay may iba pa bang kasama?" I questioned. Baka kasi 'di ako payagan kapag puro lalaki kasama ko.

"Ah..Yeah. Si Cherry."

" ....HI Giedie!" singit naman ni Cherry, one of my friends too.

"Great! Sunduin ninyo ako sa bahay. I'll be ready in 30 minutes!" Nagmamadaling sabi ko at naghanda na ng gamit, pero nagsalitang muli si Kyle.

"5 minutes. Nasa tapat na kami ng bahay mo e!" Sabi niya at saka ko narinig ang ugong ng mga motor na dumating. Shit! Seryoso?

"WAIT LANG!" Sigaw ko at dali daling nagbihis.

Paglabas ko nang pinto ng bahay ay nag-alangan akong tumitig sa steel gate. Kinabahan ako bigla, kasi ngayon ko pa alng makikita sa personal si Kyle. Pero andito na e, I inhaled deeply before going out of the gate.

Nakita ko kaagad ang dalawang pamilyar na mukha, the skinny Cherry hugged me tightly and Mikael messed up my long hair. "I missed you both."

Sabi ko pa sa dalawa, pero natigilan ako nang makita si Kyle. He stood still beside his motorbike holding a helmet. And deym! Totoo nga ang sinabi nila, malakas ang appeal ng siraulong 'to!

I heard how he charmed everyone in our group, I hear how flirted with girls, but it's no wonder now. He has that strong angular face, slightly chinito eyes and sexy thin lips. He is a damn charmer!

"Nagwapuhan ka na sak'in niyan?" He asked while smirking. Napabalik tuloy ako sa katinuan ko.

"Uhh, hindi ah! Nagtaka ako na ganyan pala itsura mo. Mukhang tao din pala. Hahaha!" I joked. Mas lumapad ang ngisi niya.

"Ikaw nga e. Akalain mong mas maganda ka pala ng kaunti kaysa sa unggoy!" Pang aasar niya. Inirapan ko na lan.

"Tama na yan! Bestfriend! Inaantay na tayo nila Jerlyn at Joy." Inakbayan naman ako ni Mikael. Ngumisi na anman ako ulit.

"Tara! Kaso, saan ako sasakay?" Kunot noong tanong ko at bumitaw sa pagkaka-akbay ni Mikael.

"Dito ka na." Turo ni Mikael sa motorbike niya, pero bago pa ako makalapit doon ay may humila sa braso ko.

"Dito ka na. Mas safe ako magmaneho." Hila naman ni Kyle. Nagtatakang tinignan kami nila Mikael at Cherry. Pero kaagad nakabawi si Cherry at siya na ang umangkas sa likod ng motor ni Mikael.

"Hehe. Oo nga dyan ka na." Ngisi ni Cherry

"Uhh..Sige." I hesitantly laughed, I am kind of nervous. Hindi ko alam kung dahil ba ngayon na lang ulit ako makakaangkas sa isang motor bike, o dahil sa si Kyle ang magmamaneho?

"Hold on tight!" Biglang sita naman ni Kyle, inirapan ko lang naman siya. Sa gilid ako ng motorbike humawak nang umandar na. Maya maya ay huminto na naman si Kyle. Naunahan tuloy kami nila Mikael na kanina ay nasa likod namin.

"Sabi ko kumapit ka. Dito." Tapik niya sa balikat niya. I felt awkward, I mean this is our first meeting and he wants me to hold on to him? Hay, bahala na nga. Ayaw ko rin madisgrasya.

"Okay." Pinatong ko na lang ang kamay ko sa balikat niya, pero maya maya palang ay napatili ako.

"WAAAAAH!" Napakapit ako bigla nang humarurot na siya. Siraulong 'to!

Tumawa naman siya ng malakas.

"Haha! Sabi ko kasi kumapit ka ee!"

"May lisensya ka ba?" Iritang sigaw ko pabalik.

"Oo naman. Student's license, malakas ako sa tatay ng Girlfrien ko ee." Ngisi niya. Ngumiti na alng ako ng pilit. Yeah, I remembered, his girlfriend Mimi has a powerful family. Most of them in their clan are part of the government here.

Nang makarating kami sa bahay nila Joy ay hindi magkandamayaw sa pagyakap sa akin sila Joy at Jerlyn. Their place was a one hour drive from my house.

"Isang linggo ka na pala dito di ka man lang bumisita." Sabi naman ni Joy nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

"Ang layo kaya dito sa inyo." Sabi ko pa at umupo kami sa Lanai nila.

"Eh? E ba't andito ka ngayon? At kasama ninyo si Kyle, close kayo?" May halong pang aasar naman sa tanong ni Joy

"Ano ka ba! Alam mo namang ganyan lang talaga 'yang si Kyle. Kaya ikaw Giedi, 'wag kang magpapadala sa mga banat niya ah.."Babala bigla ni Jerlyn nang makaupo siya sa tabi ko. May bench kasi dito sa labas ng bahay nila. Pero ayaw kong sabihin nila na naapektuhan ako sa sinasabi nila, kaya bumawi ako.

"Bakit? Natry mo na?" Tanong ko naman sa kanya, bigla naman siyang namula. Just as I thought, everyone of the girls in our circle was charmed by that jerk. No way I will be one of them.

Napatawa tuloy si Joy, palibhasa kasi may boyfriend siya kaya 'di na siguro siya nilandi ni Kyle. Nakitawa naman na kami ni Jerlyn at natigil lang uit nang abutan ako ng bote ng softdrinks ni Kyle.

"Ang ingay ninyo. Lalo ka na." Medyo dutdot niya sa noo ko ng bote. Kaya inismiran ko siya.

"Pakialam mo ba, mag ingay ka din no! Shoo!" Medyoo tapik ko sa balikat niya at inabot ang ibinigay niya.

"Aw... Iba na 'yan ah." Panunukso naman nila Cherry. Nangunot noo ko.

"Iba talaga! Sarap sapukin nitong katabi ko." Sabi ko at inirapan si Kyle

"Tss.. Iwan kaya kita dito para wala kang masakyan pauwi." Sabi niya naman

"Tse, e 'di aangkas ako kay Mikael!" I stuck my tongue out. Sinamaan niya namana ko ng tingin.

"Tss. Asa namang iiwan kita...paraabhgahrbsfgsf" Ako naman ang napakunot noo nang 'di ko rinig ang huli niyang sinabi.

"Ano sabi mo?" Tanong ko

"Wala. Tara na. Maglibot na tayo sayang ang oras!" He said and grabbed my wrist.

Pero midway habang naglalakad kami papuntang basketball court malapit sa bahay nila Joy ay si Mikael na ang katabi ko.

Nag-uusap kasi si Cherry at Kyle. Sila kasi raw ang mag bestfriend.

"Trip mo si Kyle?" Biglang tanong ni Mikael, kaya napabaling ako sa kanya.

"Huh? Hindi ah. May jowa na kaya yan." Sabi ko pa

"Eh pano kung wala?" Makahulugang tanong ni Mikael. Nginitian ko siya. Ano bang tanong 'yan?

"Hindi pa rin. Tigilan mo nga ako." Halos umusok na ilong ko, kaya inirapan ko siya.

"Yiee! Namumula ka naman!" Sabi niya at kiniliti ako sa tainga. Malakas kasi kiliti ko roon, kaya halos mapatalon ako.

"WAH! 'Wag tainga ko." I pouted, kasabay pag-alis sa tabi niya

"Hahaha! Cute mo talaga!" Pahabol na sigaw ni Mikael.

"I know!" Balik na sabi ko. Akala ko tatawanan o aasarin pa ulit ako ni Mikael, pero nagkamali ako anng nasa tabi ko na anamn siya at nakalagay na sa magkabilang bulsa niya ang kamay niya.

"Bestfriend, ingat ka lang ha. Sa sobrang kyut mo kasi, baka magkasala bigla ang isa riyan." Pabulong niya at lumingon kay Kyle na nakatingin pala sa amin ng masama. Problema nila?May gamot pa pampatanggal ng kakyutan? At ba't ko naman aalisin pagigin kyut ko? Tsk.

Matapos ng gala namin ay inihatid ako ni Kyle pauwi, si Mikael naghatid kay Cherry. Pero sa buong byahe namin ay tahimik lang siya at ni hindi nga nagsabi ng paalam no'ng pinaharorot niya motor niya e. Weird ha.

Naguguluhan na naman ako sa mga inaasta nila, pero mas nagulo ang utak ko nang makita ko ang isang message na hindi ko inaasahang darating.

Giedie, how are you?

And my heart falters again. My eyes began to get wet. It was Nate. It was my ex and he's fckn asking me if I am okay after he broke up with me. After how many months of despair, he is finally asking me? Am I insane that I felt so hurt now? Am I insane if I say that I badly missed him? 

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.7K 126 6
Sobrang sarap ma-in love. Sobrang saya magkaroon ng crush. Pero sobrang corny naman ng mga ideyang iyon para kay Belamare. Wala siyang crush. Wala ri...
1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
156K 1.1K 33
tout sur is a french word that means "about" or "everything on"