Ang Bayani ng Tirad Pass (On...

By MariaBaybayin

90.7K 3.5K 1K

Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Phil... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat na Kabanata
Ika- Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata
Ika-Labing Walong Kanabata
Ika-Labing Siyam na Kabanata
Ika-Bente na Kabanta
Ika-Bente Unong Kabanata
Ika-Bente Tres na Kabanata
Ika-Bente Kwatro na Kabanata
Ika-Bente Cinco na Kabanata
Ika-Bente Sais na Kabanata
SPECIAL CHAPTER PARA SA AKING MAHAL NA HENERAL
Ika-Bente Syete na Kabanata
Ika-Bente Otso na Kabanata
Ika-Bente Nuwebe na Kabanata
Ika-Tatlompu na Kabanata
Ika-Tatlompu't isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata
Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

Ika-Bente Dos na Kabanata

1.7K 77 35
By MariaBaybayin




"Ito iha, isukat mo, pinakatatago tago ko ang Baro't saya na ito. Medyo may katagalan at kalumaan nga lang, ngunit mukhang gaganda pa naman ito kung muling malalabhan.." wika ni Madam Dolores. Nasa kwarto kami ngayon ni Madam Dolors at naghahagilap ng Baro't saya na maaari kong isuot sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong taon. Bukas na kasi ang kinagabihan ang piging na ihinanda ng Gobernadorcillo upang pag salubong sa Bagong taon..

Iniabot niya sakin ang isang baro't sayang nangaling pa sa kaibuturan na kanyang baul.. Isang magarbong baro't saya ito na isinisuot lamang sa espesyal na okasyon tulad ng kasal o pag sasalo salo ng mga principales..

"Iyan sanang damit na iyan ang isusuot ko sa kasal namin ni Diego, ngunit sa kasamaang palad ay naluma nalamang ito ng panahon.." malungkot niyang wika.

Napatitig at napahaplos naman ako sa baro na yoon. Maganda pa nga ito, sa tela palang malalaman mong hindi ito tipikal na saya lang.. Ito ay ibinurda ng may mga beeds at sequence.. Kulay puti ito, at may kahabaan at pagka-bolga..

Nitong mga nakaraan araw, tila naranasan ko kung paano magkaroon ng isang ina sa panahong ito sa katauhan ni Madam Dolores.. Simula nang magsama kami sa tahanan niya, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Nang dahil rin sa kanya, marami akong natutunan. Gawaing bahay, pag hahardin, pagluluto, ultimo pag sasastre ay natutunan ko narin.. Kung hindi pa ko napunta sa panahong ito, hindi ko pa matututunan ang mga bagay na yoon..

"Nais mo bang isukat iha? Para malaman natin kung tama lang ba ang damit sa iyo.. Para din maremedyuhan kung sakaling maluwag man ito.."sambit niya..

"Salamat po Nay.. Sa totoo lang po ay malaki pong tulong ang damit na ito para sa piging bukas, sa katunayan po ay matagal ko narin pong pinoproblema kung anong damit ang dapat suotin sa pagsasalong iyon. Hindi pa naman po kasi ako nakakaranas ng magarbong salo salo. Ito palamang po ang una." tugon ko naman saknya

Unti-unti namang gumuhit ang ngiti saknyang mga mukha.. "Masaya ako dahil sa iyo ko maipapamana ang damit na iyan, buong akala ko ay mabubulok nalamang ito sa taguan." Sambit niya.. "Nasabi mong hindi ka pa nakakadalo sa mga magagarbong piging, Kung ganon ba, natigil na ang ganitong tradisyon sa hinaharap?" Pahabol na tanong pa ng matanda..

Umiling naman ako, "Hindi naman po sa nawala Nay, meron padin naman po, pero hindi na po kasing garbo tulad ng sa panahong ito. May pagsasalo padin naman po ngunit sa bawat pami-pamilya nalamang po, at hindi na po kasing pormal ng tulad ng pag hahanda ng piging tulad sa taong ito.." tugon ko naman saknya..

Naputol ang pag uusap namin nang makarinig kami ng pagkatok at bumungad saming dalawa si Julieta.. "Madre, Binibining Kristina.. Nakahanda na po ang tanghalian.. Maaari na po kayong kumain.." sambit niya.

"Sige Julieta, susunod na kami, maraming salamat.." tugon naman sa kanya ni Madam Dolores.

Nagbow na si Julieta at umalis na ng silid. Napatayo na naman ako upang sumunod na kay Julieta nang magsalita muli si Madam Dolores.. "Kristina, Maraming salamat" tugon niya.. Humarap akong muli saknya, at nakitang nakangiti naman siya sakin..

"Wala po kayong dapat na ipag pasalamat sakin Nay, ako nga po ang dapat mag pasalamat sa dami po ng naitulong niyo sakin.. Hindi ko na nga po alam kung papaano po makakabayad sa mga utang na loob ko sainyo.." tugon ko naman saknya..

Lumapit siya sakin at tinapik ang balikat ko, "Sa iyo ako dapat magpasalamat Kristina, dahil nang dating ka sa buhay ko, tila naibsan ang pangungulila ko saking kapatid na si Cristina. Nanumbalik din ang saya sa akin dahil magmula ng dumating ka dito pakiramdam ko kasama kong muli si Cristina." Sambit niya..

Ikinatuwa ko namang malaman na dahil saakin ay nanumbalik ang dating masayang mukha ni Madam Dolores. Napansin ko ngang may lungkot sa kanyang mga mata nang una ko siyang makita, pero nitong mga nakaraan, madalas na siyang nakangiti at masaya..

Napangiti naman ako sa sinabi niya at inaya na itong bumaba. Nang papunta na kami sa hapag, natanaw ko naman sa may kusina ang pagdating ng isang karawahe. Lulan ng karawahe na iyon sina Rosario at Crisanta.. Kararating lamang nila galing San Vicencio.. Tatlong araw pag tapos ng pasko ay napagpasiyahan na namin ni Madam Dolores ang bumalik sa Sta. Catalina dahil marami pa daw kailangan tapusin si Madam. Napatungo naman ako sa may salas upang salubungin sila..

"Hay, nakakapagod na byahe.." sambit ni Rosario sabay upo sa upuan sa salas.Napatingin naman sa kinatatayuan ko si Crisanta na ngayon ay papasok palamang ng Dormitoryo..

"Oh Kristina, Nandito ka na pala, sayang at hindi manlang kita nakasama sa pamamasyal sa San Vicencio, kumusta nga pala ang iyong bakasyon doon? Nagustuhan mo naman ba ang San Vicencio?" Sambit ni Crisanta..

"Oo maganda ang San Vicencio, nailibot naman ako ni Madam Dolores sa lugar na iyon.. Madami din kasi kaming ginawa sa bahay nila kaya hindi ko na nagawang pumunta sa inyo, pasensiya na" tugon ko naman kay Crisanta.

"Ayos lang yon Kristina, masaya akong malaman na naging makabuluhan naman ang iyong bakasyon kasama si Madam Dolores, Sige aakyat muna ko, para maiayos ang mga gamit ko. Pagbaba ko ay magkwentuhan tayo ha?" Excited na sambit naman ni Crisanta.. Sumabay na din sa kanyang pag akyat si Rosario dala ang mga bagaheng dala niya..

Tumango lang ako at ngumiti saknila. Pag akyat ng mga ito, sabay naman sa pagpasok ng kasama nilang naghatid saknila patungo dito sa Dormitoryo..

Si Crisanto..

Magiliw ang ngiting pinakawalan nito habang papalapit sakin.. "Kumusta Binibining Kristina? Nakabalik ka na rin pala rito.." sambit ni Crisanto.

Binati ko muna ito at tsaka sinagot ang kanyang mga katanungan.. "Buenas Diaz Ginoo, Ayos lang naman po ako, Nung makalawa lamang po kami bumalik.. Nauna na kami dahil marami pa daw kailangang asikasuhin si Madam Dolores, isa pa, kailangan ko din po humanap ng damit para sa piging. Paumanhin kung hindi na po kami nakapagpaalam sainyo" tugon ko naman saknya..


Napahalukipkip naman siya ng marinig ang salitang piging at agad na napatanong. "Piging? Iyan ba ang piging ng Gobernadorcillo para sa bagong taon? Dadalo ka rin pala doon? Yayain palamang sana kita ngayon kaya naisipan kong ihatid muna sila Crisanta dito, naunahan na pala ako. At sino naman ang maswerteng lalaking makakapareha mo sa piging na iyon" gulat na sambit ni Crisanto..

"Matagal na po ako naimbitahan ni Goyo para sa piging na iyon.. Ikinalulungkot ko po".. Sagot ko naman saknya..

"Goyo?" Napataas naman ang kilay niya ng marinig ang pangalan ng kanyang kaibigan.. "Kung gayon ay malalim na pala ang inyong ugnayan Binibini.." muling sambit nito..

Nagpakawala lang ako ng ngiti.. Hindi ko naman masabi kung ano talaga ang tunay na ugnayan namin ni Gregorio dahil una sa lahat hindi pa naman opisyal kung ano man ang namamagitan samin..

"Sa aking palagay, si Gregorio ang dahilan kaya hindi mo matanggap ang aking pagsinta.." Nagsimula ng mag iba ang aura niya.. Malungkot na ito at bakas sa mukha ang pagkabigo..

"Crisanto----" sambit ko ngunit hindi ko na natapos dahil tinawag ni Rosario si Crisanto.. "Crisanto, maaari ba kitang makausap?" sambit niya.. Mukhang malungkot din ang mga mata nito nang mamataan kaming magkausap ni Crisanto.. Dismayado naman si Crisanto sa pagkakaputol ng pag uusap namin..

"Nais sana kitang makausap, maaari bang sa hardin tayo" paanyaya nito.. Napatingin lang sakin si Crisanto at wala nang nagawa pa kundi tumango nalamang dahil sa pagyaya sa kanya ni Rosario.. Papalabas na sila ng hardin nang magpaalam ako na tutungo na ng silid. Lilisan na sana ko nang atakihin nanaman ako ng pagka chismosa. Nang mamataang nasa hardin na sila at dalidali akong nagtago sana bintana malapit sa kung saan sila nakatayo. Inabot din sila ng ilang minuto bago tuluyang may magsalita mulansa kanilang dalawa..

"Ano ba ang dapat nating pagusapan pa, Rosario?" Bungad ni Crisanto. Hindi umimik si Rosario. Nakatalikod siya kay Crisanto habang kinakausap siya nito. Kita ko naman ang kaba mula kay Rosario dahil sa pisil nito sa kanyang kamay, habang di naman niya malaman kung magsasalita ba siya o hindi.. "Kung hindi mo ibig magsalita, mas makakabuti kung ako'y lilisan na."muling wika nito.

Papaalis na sana si Crisanto ng humarap si Rosario at tuluyan ng magsalita "Si Kristina ba ang dahilan?" malungkot niyang wika. "Siya ba ang dahilan kaya't ayaw mo nang bumalik tayo sa umpisa? Siya na ba ang bago mong napupusuan?." Tanong ni Rosario. Ramdam na ramdam mo na nasasaktan siya sa mga binitawan niyang salita.. Hinawakan nito ang kamay ni Crisanto, at nagsimula ng lumuha ang mga mata nito. "Patawarin mo na ko Crisanto.. Por favor, aun te amo (pakiusap, Mahal parin kita)" pagsusumamo nito.. Napatakip naman ako saking bibig at tila tumigil ang mundo sa aking narinig..

So siya ang tinutukoy ni Rosario nung nag usap kami dati? Si Crisanto yung lalaking mas pinili ang propesyon kesa saknya...

Napayuko naman si Crisanto at unti unting kinalas ang pagkakahawak ni Rosario sa kanya. "Tapos na ang lahat satin, Rosario. Hindi ba't ito naman ang iyong gusto? Ang humanao ako ng bagong mapupusuan ko? Hindi ba't ikaw ang unang umayaw, nang tangihan mo ang inaalok kong kasal bago pa man ako lumisan papuntang Espanya?.. Kung iyo lang sanang nalalaman kung gaano ako nasaktan nang tangihan at takbuhan mo ako nang araw na iyon.. Halos hindi ko matanggap ang mga pangyayari.. Gayunpaman, pinilit kong tanggapin ang lahat, para lamang sa iyong nais. Ngunit ikinalulungkot ko,Hindi lahat ng iniiwan ay nababalikan, Rosario.." tugon naman ni Crisanto

Nagsimula ng humagulgol si Rosario.. Lumuhod narin ito sa harap ni Crisanto at walang humpay na nagsumamo. "Hindi mo na ba ako kayang bigyan pa ng isa pang pagkakataon? Ganun nalamang ba kabilis nawala ang alaala natin dalawa?" Tanong ni Rosario.. Sa pagkakataong iyon ay itinayo na ni Crisanto si Rosario at hinarap ito saknya.

"Ikinalulungkot ko, Rosario." madamdaming wika ni Crisanto. "Nang makilala ko si Kristina, Hindi na siya maalis sa isip ko at huli kong naramdaman iyon ay nang ibigin kita.." marahang sambit ni Crisanto. Yumakap muli si Rosario sa kanya. "Minamahal padin kita, Crisanto. Ni minsan ay hindi naman nawala iyon. Natakot lamang ako na baka makalipas ang ilang buwan ay hindi mo na ako balikan dito kaya't napagdesisyunan ko nalang na putulin muna ang ating ugnayan."saad naman ni Rosario

"Hindi ganun kadali ang lahat, Rosario. Hindi biro ang sakit na aking naramdaman. Sa puntong ito, hindi ko na kaya pang muli na ipagkatiwala ang puso ko sayo. Patawad."sagot nito. Kumalas naman sa pagkakayap si Crisanta at halos tumingin ng masama kay Crisanto.. "Kung ganun ito ang tatandaan mo, Si no te tuviera, entonces nadie podría. (Kung hindi ka mapapasakin, hindi rin ako makakapayag na may ibang maka-angkin sayo..)" huling sambit ni Rosario..

Hindi ko man maintindihan ngunit nang marinig ko ang mga katagang iyon ay may kung anong makapagpataas ng balahibo ko kasabay ng pagihip ng malakas na hangin na halos ikanginig ko.. Unti unti akong nahilo at kasunod ng mga iyon any hindi ko na maalala..







Dear Talaarawan..

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun nalamang ang mga hugot ni Rosario, Dahil pala iyon kay Crisanto.. pero ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi niya sa katagang espanyol bakit parang nakaramdam ako ng takot sa mga iyon..

-Kristina..



-Hello bebes.. Finally!!! Another update.. Sorry mejo natagalan lang mga bebs kasi mejo na mental block ako.. pero luckily.. natapos ko naman sa wakas.. galing nga pala ko sa Intra kahapon and i just want to recommend it to you guys.. Sobrang ganda ng Intramuros. Well to be honest lagi lang kasi ako dati sa Fueza de Santiago o Fort Santiago. But now.. i had my list.. and Majority naman nun ay napuntahan ko.. May mga iniwan lang ako na iba pang place na hindi pinuntahan para next time may dahilan parin ako para bumalik sa intra.. so eto po ung Check list ko..

-Puerto de San Diego
-Puerta del Parian
-Casa Manila
-14 Canons
-Bahay de Tsino
-Puerta Real
And lastly yung Favorite ko!! Ung Fort Santiago at San Agustin Church..

Grabe guys.. ansaya sa intra.. Total Time travel talaga guys.. At dahil sa lugar na ito mas nakaisip ako ng magandang twist para sa buhay ni Gregorio.. 💕💕 haii guys excited na ko na mabasa niyo nanyung idea na yun pero as of now.. go with the flow muna tayo sa story.. anyways.. i guess gang 30 to 35 chaps lang to.. hahaha pero tentative pa yan.. haha.. ayun lang.. hehe..

Eto pala yung mga shots ko from Intramuros:)


Visit my Instagram guys to see the full details of this photo.. :) hehehe

IG : MariaKristinaSebastian
Instagram.com/mariakristinasebastian

Sana po maenjoy nio yung mga shots ko at maenganyo kayong pumunta na intramuros.. 💕❤️

Continue Reading

You'll Also Like

39.9K 2.7K 140
"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sin...
218K 12.6K 46
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
9K 252 53
(ON-GOING) Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day...
512K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...