ZXO: Ace of Hearts

Od AbbyGael

2.4K 100 49

Ace is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO... Více

ZXO: Prologue
ZXO: 1
ZXO: 2
ZXO: 3
ZXO: 4
ZXO: 5
ZXO: 6
ZXO: 7
ZXO: 8
ZXO: 9
ZXO: 10
ZXO: 11
ZXO: 12
ZXO: 14
ZXO: 15
ZXO: 16
ZXO: 17
ZXO: 18
ZXO: 19
ZXO: 20
ZXO: 21
ZXO: 22
ZXO: 23

ZXO: 13

69 2 2
Od AbbyGael

ZXO: 13

[Zai's POV]

Kinabukasan...

Napabuntong hininga ako sa ganda ng paligid, maaliwalas ang panahon. Matingkad ang kulay bughaw na ulap, malakas ang hangin at kulay luntian ang paligid.

"Here." napalingon ako sa isang coke in can na inaabot sa akin patungo sa mukha ng taong nag aabot nun.

Napangiti ako sa kanya. "S-Salamat." usal ko at kinuha 'yun. Umupo naman sya sa tabi ko. Nilapag nya ang sariling coke in can sa pagitan namin at binuksan ang isang piattos na kulay green. "Gusto mo?" pang-aalok nya sakin. Umiling ako para tanggihan sya. Nagkibit balikat na lang sya at sinimulang kainin yun.

Ako naman ay napatingin sa hawak kong coke in can, nagmomoist ito dahil sa sobrang lamig. Binuksan ko 'yun at lumagok ako ng kaunti.

"How's your arm? Masakit pa ba?" tanong sakin ni Claine.

"Medyo masakit pa pero nabawasan naman ang pamamaga, nagkulay violet na rin 'yung pasa." sagot ko.

"I-continue mo lang 'yung paglalagay ng cold compress. Sinunod mo ba 'yung mga sinabi ni mama?"

"O-Oo naman. S-Salamat nga pala."

"Para saan?" pareho kaming nakatingin sa ibaba ng soccer field habang nag-uusap.

Katulad ng ipinangako ko sa kanya kagabi bago nya ko ihatid pauwi ng bahay, ngayong araw ko sasabihin sa kanya kung ano nangyari sakin kahapon. Ang alam ko braso lang ang may bugbog sakin kahapon kaya hindi ko maintindihan kung bakit buong katawan ko ay pagod na pagod kaya naki-usap ako kay Claine na ngayon na lang kami mag-usap.

"Para sa lahat-lahat."

"Mmm." sagot nya.

Alam mong hindi 'yan ang gusto nya Zai, hindi pasasalamat ang gusto nyang makuha mula sayo kung hindi kung ano ang nangyari sayo.

Napabuntong hininga ako. Napapadalas ata ang pagkausap ko sa sarili ko ah. *sigh again*

Tumingin ako sa malayo at ninamnam ang ganda ng paligid. "M-May hihilingin sana akong pabor Claine." mula sa gilid ay nakita ko ang paglingon nya sakin. "A-Alam kong bago pa lang tayong magkakilala at wala akong magandang rason para pagbigyan mo ko... sa totoo lang ay nahihiya ako pero sa tingin ko k-kailangan."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at tinuon na ulit ang tingin sa ibaba ng soccer field. "What is it?"

Tumingin ako sa kanya. "Hindi ko alam kung big deal ba sayo ang pagbibitaw ng promise pero pwede bang mag-promise ka saking gagawin mo ang ipapromise mo?" nagmamakaawang paki-usap ko.

Agad syang napalingon sakin, salubong ang mga kilay. "What the hell." react nya.

"P-Please?" paki-usap kong muli. Nagtama ang mga paningin namin. Matagal nya kong tinitigan... na para bang inaaral ang mukha ko. "Please Claine?" pangungulit ko pagkatapos ng ilang sandali.

Pumayag ka na please...

Malalim na hininga ang pinakawalan nya. "Okay."

E-Eh?

Natulala pa ako nung una pero napangiti rin ako ng masink in sakin ang naging sagot nya. "S-Salamat." para kong nabunutan ng tinik sa narinig ko.

"Tsk." narinig kong react pa nya pero binaliwala ko na lang 'yun, binuksan nya ang coke in can nya at tinungga 'yun.

"Si Veroni--"

*cough*
*cough*
*cough*

"Okay ka lang!?" tanong ko. Bigla syang nasamid pagkatapos kong banggitin ang pangalan ni Veronica, sakto pa namang umiinom sya ng coke. Namula sya dahil sa pagkakasamid. Nabigla ko ata sya.

"What the hell?!" react nya pagkatapos nyang umobo ng umobo.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Bakit naman napasok sa usapan si Veronica?!" sigaw nya sakin.

"Eh? Sabi mo gusto mong--"

"Kung ano nangyari sayo! Hindi ang tungkol sa kanya!" naiinis na singhal nya sakin.

"O-Oo nga." pagsang-ayon ko sa kanya.

"Oh bakit binanggit mo sya?!"

"Dahil sya naman talaga." sagot ko.

"Ang alin?" mahinahon nang tanong nya. Tumungga ulit sya ng coke.

"Ang nag-utos na--"

*cough*
*cough*
*cough*

"What?!" ngayon ay agad syang naka-recover sa pagkasamid. Gulat na gulat syang nakatingin sakin. "Anong sinabi mo?!"

"B-Bago ang lahat... gusto ko munang sabihin ang pabor ko na nangako kang gagawin mo." diretso akong tumingin sa kanya ng seryoso, ang mata nya ay nagsasabing naguguluhan sya. "Nakiki-usap ako sayong huwag kang gagawa ng ano mang hakbang laban kay Veronica kapag nalaman mo ang ginawa nya sakin."

Napanganga sya at bakas sa mukha nyang hindi sya makapaniwala. "The f*ck." mahinang cursed nya at saka madiing pumikit. "Sh*t!" singhal nya pa.

Napayuko ako. "Kahapon, nakatambay kami ni Boris sa mismong lugar na 'to. Iniwan nya ko para pumunta sa rest room, maya-maya lumapit sakin si Sheila at dalawang babae pang hindi ko kakilala." pagkukwento ko sa nangyari kahapon.

《Flashback》

"S-Sheila..." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sheila mula sa likuran ko ilang minuto pagkaalis ni Boris. Napatingin ako sa dalawang babaeng kasama nya, nakausot silang tatlo ng maiikling palda at... masasama ang tingin sakin.

Sa paraan nila ng pagtingin ay kinilabutan na ko. Naglakad sila papunta sa harap ko kaya napatingala ako sa kanila dahil nakaupo ako. "Kamusta ang panonood ng karera?" panimula ni Sheila na nakasmirk sakin.

Napayuko ako. "O-Okay naman." sagot ko.

"Talaga? Mukhang nag-enjoy ka nga eh." nagulat ako sa tinurang 'yun ni Sheila kaya muli akong napatingin sa kanya. "Hindi ba binalaan ka na ng leader namin?"

"H-Huh? Tungkol saan?" nagtatakang tanong ko.

"Hay nako! Stupid pa rin!" tumingin sya sa dalawa. "Let's go!" sabi nya sa dalawa na sabay tumango, naguguluhan naman akong tumingin sa kanila. Pinagitnaan nila ako at parehong humawak sa magkabila kong braso.

"T-Teka! A-Anong ginaga--"

"Ssshhh..." lumapit sakin si Sheila habang nakalapat ang hintuturo nyang daliri sa mga labi nya. "Wag kang maingay kung hindi mas lalo kang mapapahamak." kinilabutan ako sa inakto at sinabing 'yun ni Sheila kaya kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko na nagawa. Napuno ng takot at kaba ang dibdib ko.

Boris... tulong!

Sapilitan akong hinila ng dalawang babae paalis sa lugar habang nakasunod naman samin si Sheila. Kapag napapadaan kami sa lugar na maraming estudyante, inaakbayan ako ng dalawa at kunwari akong kinakausap.

Nakayuko lang ako ng mga panahong sapilitan nila akong dinadala sa lugar na hindi ko alam. Halo-halo na ang nararamdaman ko, nanlalamig ang buo kong katawan at nanginginig.

Pagkatapos pa ng ilang sandali, dumilim ang paligid at narinig kong may sumarang pinto kaya agad akong napatingin sa paligid at biglang nagbukas ang ilaw sa harapan ko.

A-Anong nangyayari?! N-Nasaan ako?! B-Bakit nasa harapan ko silang lahat?!

Sunod-sunod na tanong ang namuo sa isip ko dahil sa sobrang pagkagulat at pagkalito. Ramdam ko ang pagpapawis ng mga kamay at paa ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam ang gagawin.

"Hi filthy girl." seryosong bati sakin ni Veronica, nasa harap sya at nakaupo sa isang magarbong upuan habang nakatayo sa likuran nya ang mga babaeng nasisiguro kong miyembro ng soro nila. Lahat sila ay masasama ang tingin sakin.

Napalunok ako ng laway. "A-Anong k-kailangan n-nyo sakin?" nauutal na tanong ko.

"I asked my girls to take you here 'coz I think you didn't understand what I told you before."

"A-Ano ba 'yung--"

"You're not allowed to talk here. I don't need any word from you." maawtoridad nyang utos sakin. "You know what... hindi ko alam kung bakit kailangan pa kitang pag-aksayahan ng panahon eh." nagsubo sya ng isang stick ng sigarilyo, may kusa namang lumapit sa kanya at sinindihan 'yun. Humitit sya ng malalim at binuga ang usok sa harap nya. "For me you're just a piece of sh*t."

A p-piece of sh*t?

Nasaktan ako sa sinabi nya, ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha ko pero pilit kong pinigilan 'yun.

"I cannot think of any reason para paglaanan ka nya ng atensyon at oras!" singhal nya.

Sino bang tinutu--wait... hindi kaya si Claine?!

Tiningnan nya ko ng masama mula ulo hanggang paa at pabalik, mula paa hanggang ulo. "You're not even an average. You're ugly... very ugly, nerd and boring. Who would want to be with you!?" sigaw nya sakin, humitit muli sya ng sigarilyo at binuga ang usok sa katabi nyang babae. "He's even with you when he arrived at Ground Zero! D*mn you!" sinipa nya ang isang plastick na upuan at tumama 'yun sa paa ko. "I told you he's mine! Bakit lapit ka pa ng lapit sa kanya?!" namumula na sya sa galit. Napatayo pa sya mula sa pagkakaupo at nagpamewang sa harapan ko. "Claine is one of the supreme leaders of their frat. Isa rin akong leader ng soro! Pareho kaming mayaman at mas maipagmamalaki ang itsura ko kesa sayo! Hindi ba mas bagay ako sa kanya?! Kami dapat... pero bakit nasa eksena ka?!" nagpabalik-balik sya sa harap ko at hindi mapakali.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi at tinatanong nya. Sigurado ba syang ako dapat ang pinakaladkad nya dito? Sa pagkakaalam ko... classmates lang naman ang turingan namin ni Claine.

Gusto kong linawin ang lahat sa kanya, gusto kong sagutin ang mga tanong nya pero pinagbawalan nya kong magsalita.

"I didn't notice na pwede rin palang magtago ng kalandian sa katawan ang isang katulad mo!" nagsalubong ang mga kilay ko.

Talaga bang may ginawa akong masama para pagsalitaan nya ko ng ganito?

Naglakad sya papunta sa isang gilid, napalunok ako ng dumampot sya ng isang malapad na kahoy na parang paddle ang itsura. Lumapit sya sakin habang hinihimas-himas 'yun.

"I cannot move on from yesterday! I lost my chance to be with him again!" sigaw nya mula sa gilid ko. "And your purpose here is to be my toy... you're my stress reliever for today." nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang hawakan ng dalawang kamay ang paddle.

*Paaak!*

At buong lakas 'yun na hinampas sa kanang braso ko. Sa sobrang lakas ay natumba ako, namanhid nung una ang braso ko bago ko naramdaman ang sobrang sakit. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, napahawak ako sa braso ko. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko ngunit hindi ito gumagalaw. Wala rin akong maramdaman sa balikat ko.

Iyak lang ako ng iyak habang nakahiga at iniinda ang sakit ng braso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga sandaling 'yun. Naririnig ko silang nagtatawanan pero hindi ko na kaya pang intindihin pa sila.

B-Bakit ako? Anong ginawa ko para pagsalitaan nya ko ng masasama? Anong ginawa ko para saktan nya ko ng ganito? Hindi nya ko kilala, hindi man lang nya ko hinayaang makapagpaliwanag. T_T

"Sh*t! That was heaven! Naalis lahat ng stress ko!" at muli silang nagtawanan.

"Ve-Veroni--"

"Oh f*ck! Who told you can call me by my beautiful name?!" galit na galit nyang tanong.

*Paaak!*

At walang kagatol-gatol nya kong hinampas muli ng paddle sa parehong braso.

"Araaaaaay!" impit na sigaw ko pagkatapos nya kong hampasin, hindi na naman magkamayaw ang mga luha ko sa pagpatak, nanginginig na ang kanang kamay ko dahil sa sobrang sakit.

"Such a b*tch! You're not allowed to talk!" sigaw nya ulit. "Itayo nyo 'yan!" sigaw nya sa mga tao nya, may lumapit saking dalawang babae at marahas akong hinawakan sa magkabilang braso at sapilitang itinayo. Halos mapasigaw na naman ako sa sakit dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng isang babae sa kanang braso ko.

Nanlalambot ang mga tuhod ko habang nakatayo na para bang kahit anong sandali ay babagsak na ulit ang katawan ko. Parang hindi ko na kaya ang sakit.

Gusto ko nang matapos 'to. Ano ba talagang kailangan nya sakin? T_T

Muling naupo si Veronica sa magarbo nyang upuan at nakangising pinagmasdan ang kahabag-habag kong kalagayan.

Ang bad nya. T_T

"That was just a warning Zai."

Warning? Para saan?

"You talk... and you're dead."

Ano daw?

"No one should know about this lalo na si Claine. Subukan mong magsumbong sa kanya at mas malala pa dyan ang mangyayari sayo."

Mas masama pa pala sya sa inaakala ko. Bakit sya nakakapag-isip ng mga ganyang bagay?

"And you better distance yourself to him dahil naranasan mo naman kung papano ako magalit." pagbabanta pa nya.

Paano ko naman gagawin 'yun eh classmate ko sya... groupmate pa.

"I'll be watching you filthy girl." nagbigay sya ng signal kay Sheila na mukhang nagets naman nito. Lumapit sakin si Sheila at marahas akong tinulak-tulak papalabas ng lugar na kinaroroonan namin. Nang makalayo kami sa lugar na 'yun, sinipa ako ng malakas ni Sheila sa binti dahilan para mapaluhod ako sa damuhan.

"Serves you right! B*tch!" sigaw nya at saka nya ko iniwan sa lugar na 'yun.

Hindi ko na sya tiningnan pa dahil nag-unahan na naman ang luha sa mga mata ko. Umupo ako sa damuhan at malakas na humagulgol. Nilabas ko ang sobrang sakit na kanina ko pa nararamdaman.

Pinakiramdaman ko ang braso ko... sobrang sakit pa rin nun at hindi ko pa rin maigalaw ang mga daliri ko sa kamay.

Nakaramdam ako ng sobrang awa para sa sarili ko. Unti-unting nagflash back sa isip ko ang mga nangyari simula sa soccer field hanggang sa ilabas nila ako ng lugar na 'yun, ang mga masasakit na salita... at ang natamo kong malakas na hampas.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko na sobrang hapdi na. Nang medyo kumalma na ang buo kong sistema sa nangyari, doon ko napagdesisyunang bumalik na ng soccer field pero napunta ako sa cafeteria dahil wala roon si Boris at ang mga gamit ko.

《End of Flashback》

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong ilahad sa kanya ang nangyari sakin kahapon.

"And you're expecting me to do nothing against her?!" nanlaki ang mga mata ko sa bigla nyang pagsigaw. Inihilamos pa nya ang dalawang palad sa mukha at namumulang humarap sakin. "You!... Bakit?! Sa tingin mo ba papayag ako ng walang gagawin pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi mo?!"

"P-Pero ito lang ang naiisip kong paraan."

"Paraan saan?!"

"Paraan para hindi na lumala 'to." halos maiyak kong usal, parang bumalik sakin ang sakit na naramdaman ko kahapon. "Ayokong gantihan mo sya... dahil kapag ginantihan mo sya gaganti ulit sya. Ayokong magpaikot-ikot lang tayo dahil sa huli ako rin ang talo Claine."

"No! I will not let that happen!"

Umiling ako. "Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mo syang pigilan."

"Dahil lang sa mababaw na dahilan na 'yan kaya mo ko pinipigilan?! Sinaktan ka nya!"

"G-Gagaling din 'to. Ang mga masasamang salitang sinabi nya... masakit pero hindi ko kailangan intindihin dahil naniniwala akong hindi 'yun totoo."

"You don't deserved any of those! Basta-basta mo na lang ba palalagpasin 'to?!"

"K-Kung 'yun ang kinakailangan."

"What the hell?!"

"Ang goal ko ay makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ko si tatay. G-Gusto ko ng tahimik na buhay estudyante hanggang sa makapagtapos ako. Hindi 'yun mangyayari kung lalaban ako sa isang leader ng soro. Isa lang akong ordinaryong babae."

"Let me handle her." seryosong sabi nya habang galit pa ring nakatingin sakin.

"Pero nangako ka sakin Claine." pagsusumamo ko. "Ako ang babalikan nila kapag ginantihan mo sila."

"I will protect you!"

dO_Ob

A-Ano daw?

"I can protect you!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang pagkabog ng malakas nito. "Hindi mo kailangang matakot sa kanya. I'm here for you." napaawang ang mga labi ko dahil sa biglang pagbabago ng tono ng boses nya. May kakaiba sa loob ko na para bang natuwa dahil sa mga sinabi nya.

Naniniwala ako Claine... alam kong kaya mo kong protektahan.

"Alam ko... pero hindi naman kailangan Claine."

Umiwas sya ng tingin sakin at bumalik ang galit nyang expression sa mukha. "Ipapahamak ka ng ugali mo."

"U-Ugali ko?"

"Oo! Bakit ba ang bait mo pa rin sa kabila ng ginawa nya sayo?!"

"A-Alam ko kasing hindi sagot ang pagganti. Kapag ginawa ko ang sinabi nya hindi na nya ko sasaktan ulit."

"Paano ka nakakasiguro?!"

"H-Hindi ako sigurado pero u-umaasa ako sa sinabi nya. 'Yun na lang ang panghahawakan ko." tumingin ako sa kanya, diretso sa kanyang mga mata. "Please... sana tuparin mo ang pinangako mo sakin. H-Hindi ko alam kung big deal ba sayo ang pagbitiw ng pangako pero sana matulungan mo ko sa ganitong paraan. Ayoko ng gulo Claine. Wala rin namang rason para lumapit ako sayo kaya hindi mahirap ang pinapagawa nya. M-Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sakin." mahabang litanya ko. Seryoso lang syang nakatingin sakin at mukhang sinsero naman sya sa pakikinig.

Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo. "S-Salamat sa oras mo. Aalis na ko Claine." ngumiti ako sa kanya at nakayukong nilisan ko ang lugar.

~*~

[Claine's POV]

What the hell?!

Naihilamos kong muli ang mga palad ko sa mukha ko. Ramdam ko ang pag-init ng mga tenga ko dahil sa galit... galit kay Veronica.

How could she do this?!

Hindi ko akalaing aabot sya sa puntong mananakit sya ng iba para lang makuha ang gusto nya. She's even using her power as a leader of her soro just to do whatever she wants. I'm sure may iba pa syang binabalak.

What the heck is wrong with her?! It's your fault Veronica! Kasalanan mo kung bakit ako nakipagbreak sayo and now you're acting like a sh*t! D*mn it!

Paano nya naisip na gamitin si ZM laban sakin?!

Aaarrrggggh! Tama nga ba si ZM? Dapat nga ba nyang sundin si Veronica na layuan ako?! Bakit naman sya susunod sa baliw na 'yun?!

"Wala rin namang rason para lumapit ako sayo kaya hindi mahirap ang pinapagawa nya."

"Wala rin namang rason para lumapit ako sayo kaya hindi mahirap ang pinapagawa nya."

"Wala rin namang rason para lumapit ako sayo kaya hindi mahirap ang pinapagawa nya."

"Wala rin namang rason para lumapit ako sayo kaya hindi mahirap ang pinapagawa nya."

Tsk! Bakit ba ilang beses nagpaulit-ulit 'yun sa isip ko?! Eh kung wala eh di wala! Tang*na!

Nagdrama pa ko kanina para lang magantihan ang Veronica na 'yun dahil sa ginawa sa kanya tapos sa huli ako pa ang masama?!

Ang sabihin mo... hindi lang talaga uubra ang charm mo kay ZM!

(=__=)

Eh di hindi!

Tsk! Eh sa kasalanan mo naman talaga Claine! Nadamay pa sya sa problema mo sa baliw mong ex!

Tang*na eto na ata karma mo Claine Ezekiel! Malaking karma mo si Veronica! Pakshet!

Nanghihina akong naupo ulit sa bench. "Tang*na. 'Yan ang trip Claine. Kausapin mo pa sarili mo." naiusal ko. "Nababaliw ka na." dagdag ko pa.

Imbis na kausapin ko ang sarili ko hanggang sa tuluyan na kong mafrustrate, umalis na ko ng lugar na 'yun at naglakad na ko papuntang cafeteria. Kailangan ko ng maiinom, para akong nadrain dahil sa nalaman ko.

"Pinuno!" napahinto ako sa gitna ng hallway, nakasalubong ko ang apat kong tauhan na humahangos.

"What is it?" walang kagana ganang tanong ko.

"A-Ano k-kasi..." hindi na tinuloy ni Nicho ang sasabihin nya at makahulugang tumingin sa tatlo.

"P-Pinuno... ahhh..." sabi ni Amiel. Para syang nag-aalangan kung sasabihin ba sakin.

Nagsalubong ang mga kilay ko at parang may kumirot sa sintido ko kaya napahilot ako dun.

"G-Ganito kasi p-pinuno... si a-ano..." sabat ni Lance.

Tang*na! Sa lahat ng ayoko eh 'yung binibitin ako!

"What?!" sigaw ko sa kanila na ikinagulat nila. "Speak up or I will--"

"S-Si Zai!" pasigaw na sagot ni Irvin.

"What about her?" masama ang tinging tanong ko sa kanya.

Kitang-kita ko ang ilang beses nyang paglunok ng laway at makahulugang pinaglipat lipat ang tingin sa tatlo. "Say it!" nauubos na pasensyang utos ko.

"N-Nasa cafeteria sya p-pinuno."

"So?! Ano naman kung nasa--"

"At hawak sya ni Veronica." dugtong na sagot nya na syang kinagulat ko.

Natigilan ako ng ilang segundo at walang anu-ano'y kusa nang gumalaw ang katawan ko. Patakbo akong nagtungo sa cafeteria habang minumura si Veronica sa isipan ko.

Pagdating ko sa cafeteria, agad na napako ang tingin ko sa kumpulan ng nga estudyanteng parang may pinagkakaguluhan. Nagsisigawan ang karamihan sa kanila, may mga natutuwa at ang iba naman ay naaawa.

"Nandoon si Zai pinuno!" rinig kong sigaw ni Nicholas na hindi ko namalayang sumunod pala sakin.

Mabigat ang mga paa kong naglakad papunta sa mga nagkakagulong estudyante. Nauna naman ang mga tauhan ko at hinawi nila ang mga estudyante para makita ko kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila.

(O_O)

W-What the... f*ck!

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko habang dahan-dahang pinagmamasdan ang kabuuan ni ZM. Nakaupo sya sa sahig, punong-puno ng pinaghalong spaghetti at lusaw na ice cream ang katawan nya. Nakayuko sya habang gumagalaw ang mga balikat... senyales na umiiyak sya.

"What now?! Sabing kainin mo 'yan!" nabaling ang tingin ko kay Veronica, nanlilisik ang mga mata nya habang nakapameywang.

"P-Pero--"

Sh*t!

Biglang sinabunutan ni Veronica si ZM dahilan para mapatingala ito. "Umaangal ka na ngayon?! Kainin mo 'yan!" turo ni Veronica sa maruming spaghetti na nasa sahig.

Ilang beses na umiling si ZM habang iyak ng iyak.

"Hahaha! So tinatanggihan mo nga ako!?" hinigpitan nya ang pagkakasabunot sa buhok ni ZM.

"Veronica!" hindi ko na napigilan ang sarili ko, napasigaw na ko ng akmang ingungud ngod ang mukha ni ZM sa spaghetti.

Naagaw ko ang atensyon ng lahat lalo na ni Veronica. Taas kilay syang tumingin sakin at marahas na binitawan ang buhok ni ZM.

"Hi babe! I'm happy to see you here!" bati nya sakin na may halong sarcasm.

Tiningnan ko lang sya ng masama.

"Owwwh! How scary! Hahaha!" tumawa sya ng malakas.

Baliw na syang tunay.

"I'm playing with my newest toy! Meet Zai... oh wait, I forgot, magkakilala na nga pala kayo diba? Oh my!"

Napakaarte.

"I saw you two talking seriously earilier." umarte pa syang malungkot habang sinasabi ang mga linyang 'yun. "Babe... you know that I'm so selosa, right?"

Tang*na. Malala na sya. Nakakarindi ang pagiging maarte nya.

"I don't want my babe and my toy getting along to each other because I will get jealous." lalong humaba ang nguso nya at para bang nagpapaawa. "So... what are you doing here babe?" nakakapanindig balahibo ang bigla nyang pagpapalit ng mood, mula sa nagpapaawa hanggang sa pagiging flirt.

Nice hidden talent. Tsk. Tsk.

"I'm here to confirm something." sagot ko, seryoso kong nakatingin sa kanya.

"Really? What is it?" interesadong tanong nya.

"I'm here to confirm if an evil witch already entered your soul." tumingin ako kay ZM na nasa ganun pa ring sitwasyon. Yakap nya ang sarili nya at iyak pa rin ng iyak. Kakaibang awa ang naramdaman ko para sa kanya. "I already witnessed it by my own eyes."

"What the hell babe?! Hahaha! You once loved the evil witch you're talking about!"

Tiningnan ko sya ng diretso sa mata. "Did I?" makahulugang tanong ko na ikinanganga nya. Gulat na gulat sya at halatang hindi alam kung ano pa ang susunod na sasabihin.

Binalingan ko ng tingin ang mga tao ko. "Bring her to the frat house." utos ko sa kanila.

Mabilis namang sumunod ang apat, tinulungan ni Nicho and Irvin si ZM na tumayo at si Irvin and Lance naman ang kumuha ng bag at libro nya.

Nanghihina si ZM na nagpaubaya sa dalawa upang tulungan sya hanggang sa makalabas sila ng cafeteria. Malalakas na bulungan naman ang narinig ko galing sa ibang mga estudyante.

"I pity you Veronica." seryosong sabi ko sa kanya habang nakatingin ako mismo sa mga mata nya. "Don't let this pity turn into anger." makahulugang pahayag ko at iniwan syang nakanganga sa cafeteria kasama ng sorority nya na wala namang ginawa kung hindi ang magsuot ng maiikling damit at umarte.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...